Chapter five
Jiro
“I’m busy I will call you later.”
“Sir tungkol po kay Sam.” Napahinto ako sa ginagawa ko nang marinig ko ang pangalan ni Samantha.
“Bakit? anong meron?”
“Meron po kaseng umaaligid na lalake sa kaniya dito sa campus, classmate po niya, Jude ang pangalan, halata kaseng sinusundan si maam Samantha at naiilang siya dito, sir Jiro mukhang pauwi na rin po siya ngayon.”
“Pero may klase pa siya diba?”
“Opo, mukhang hindi na siya papasok sa last subject niya po sir.”
Napabuntong hininga na lamang ako, sino naman kaya yang Jude? Wala siyang nababanggit sa akin na nambubully sa kaniya, ngayon lang nireport sa akin ng tauhan ko.
Naghired ako ng magmamanman kay Sam sa lahat nang gagawin niya at kung saan man siya pupunta, hindi ako mapalagay sa nilagay kong tracker sa phone niya, kaya ginawa ko yan.
Hindi lang dahil sa safety niya kung hindi para na rin sa tunay niyang pamilya, gusto kong makasiguro na hindi siya matatagpuan nang mga tunay niyang pamilya.
Binilin ko agad si manong Domeng na kapag nakauwi na si Sam ay papuntahin dito sa kwarto ko.
At hindi nga nagkamali ang tauhan ko, umuwi nga ng maaga si Sam, pumunta naman agad siya dito sa kwarto ko, kaso hindi siya umaamin, ayaw niyang sabihin sa akin kung ano ang nangyayari sa kaniya doon sa eskwelahan.
Ayaw ko siyang tanungin agad dahil baka magtaka kung paano ko nalalaman ang mga nangyayari sa kaniya, ayaw ko siyang magduda sa akin.
Hindi ko siya mapilit magkwento, panay ang titig niya sa akin, hindi ko malaman kung naiinis o ano ang nararamdaman niya sa akin.
Pinagmeryenda ko na lamang siya kaso halatang wala siya sa mood kaya pinagpahinga ko na lang siya matapos niyang kumain.
“Ayusin mo schedule ko bukas, icancel mo lahat ng meeting ko.” Utos ko kay mang Domeng.
“Pero sir, may importante kayong meeting sa—”
“Gawan mo nang paraan.”
“Saan ba kay pupunta sir? Bakit pinacancel niyo lahat ng meeting niyo?”
“Sa campus nila Sam.” Sagot ko kay mang Domeng.
“Ehem.”
“May kailangan akong kausapin doon, importante.”
Yung ngiti nim ang Domeng abot tenga niya, hindi ko alam kung bakit ganiyan siya, kinikilig na parang nang aasar.
“Kung sabagay, importante naman talaga ang pupuntahan niyo sir.”
“Huwag mong babanggitin sa kaniya na pupunta ako sa school nila.”
“Syempre.”
Pinaayos ko lahat ng schedule ko, ang hirap kaseng gumalaw kapag may nakalimutan kang gawin, lalo sa mga meeting ko.
Kinabukasan naunang umalis si Sam. “Bakit hindi ka nakisabay sa kaniya sir?”
“Malamang ayaw ko malaman niya na pupunta ako sa campus nila.”
“Ano bang gagawin mo doon?”
“Secret.”
Matanong talaga kapag matanda, kung sabagay komportable na si mang Domeng sa akin dahil simula pagkabata ko nasa tabi ko na siya.
Hinintay kong tumawag ang tauhan ko bago ako umalis dito, kailangan nasa klase si Sam bago ako pumunta sa campus nila, hindi niya ako pwedeng makita ngayon doon.
Kaya kailangan ko ang hudyat nang tauhan ko bago ako pumunta sa campus nila.
Pagdating ko doon kinausap ko mismo ang may ari ng campus na iyon, maski ang ibang matataas na opisyal nila.
“Napadalaw kayo, ano pong mapaglilingkod namin sa iniyo?”
“Ngayon lang po ulit namin kayo nakita dito Mr. Villafuente.”
“May gusto kase akong ipakiusap sa iniyo.”
Sinabi ko sa kanila kung anong pakay ko, nagtaka sila sa sinabi ko, hindi sila sumagot kaagad at napanganga sila sa request ko sa kanila.
Mabuti na lang pinagbigyan nila ako kaya nakaalis agad ako sa opisina nila, hindi sila makatanggi dahil malaki ang ambag ko sa eskwelahan na ito, kilala din ang pangalan at ang kompanya ko pero nagtataka sila sa request ko.
Bahala sila kung ano isipin nila.
Sakto naman na kakalabas nila Sam sa isang subject nila kaya napatago ako bigla, hindi niya ako pwedeng makita ngayon dito.
“Hoy Jude! Ayun si Sam oh!” aalis na sana ako pero may narinig akong pangalan, matalas talaga ang pandinig ko ngayon pagdating sa pangalan niya tapos yung Jude nacurious ako kaya napahinto ako.
“Parang bubwit.” Bulong ko sa aking sarili. “Ano naman kaya ang pakay niya kay Sam.”
Hindi ko makita si Sam, siguro nagtago dito sa nagngangalang Jude.
May mga kasama yung Jude mukhang barkada niya pero nahuhuli siyang maglakad at parang may susundan sila.
Inabangan ko siya sa may gilid at hinila ko ang bag niya, hindi naman siya napansin ng mga kaibigan niya dahil tinakpan ko ang kaniyang bibig.
Niluwagan ko naman agad ang pagkakatakip sa bibig niya nang maitago ko na siya.
“Tang ina! Sino ka!” sigaw niya sa akin.
“Kung wala kang magandang gagawin sa buhay umalis ka dito sa school na to.”
“Sino ka ba ha? Kilala mo baa ko? Kilala mo ba ang pamilya ko?”
“Oo, kayo yung may ari ng JBC company na napakaliit.” Nagtataka siya sa akin dahil kilala ko siya. Lumapit ako sa kaniya upang marinig niyang mabuti ang sasabihin ko. “Lubayan mo si Sam kung ayaw mong ikaw ang maging dahilan ng pagkalugi ng kompaniya niyo.” Umalis na agad ako at hinayaan siyang magtaka doon.
Bahala siya kung matatakot siya o hindi.
Dumiretso na lang ako sa kompanya at inasikaso ang dapat asikasuhin, kailangan kong paglaruan ang lalakeng yun, sigurado pagdating niya sa bahay nila lugi na ang kompanya ng mga magulang niya.
Tignan natin kung hindi pa niya tigilan si Sam, sa sobrang maimpluwensya ko nagawa ko ang gusto ko, umuwi ako sa bahay pero wala pa si Sam, mabuti naman at pumasok na siya sa last subject niya, may nagmamanman naman palagi sa kaniya kaya kampante akong hindi siya sasaktan nang kung sino.
“Mukhang masaya ka ngayon sir?”
“Alangan naman maging malungkot ako, wala namang dahilan nang ikakalungkot ko.”
“Mukhang may magandang nangyari sayo ah.”
“May magandang mangyayari palang.”
Si manong Domeng talaga ang hilig mangealam, para ko na rin kase siyang kamag anak kaya napalapit na rin sa akin.
Kinabukasan naghanda na ako, tinawagan na ako sa campus kaya niready ko ang aking sarili.
“Bakit parang iba ang suot mo ngayon sir Jiro?”
“Umalis na ba si Sam?” tanong ko kay manong Domeng.
“Oo sir kanina pa, maaga siyang umalis.”
“Nag almusal ba siya?”
“Oo sir kasabay ko.”
“Bakit hindi siya sumabay sakin?”
“Sir nahihiya yun sayi.”
“Edi sana dinala mo dito yung pagkain niya o kaya sinabi mo sa akin para naman may kasabay ako.”
“Ayiee—” tinignan ko si mang Domeng ng masama, alam ko iniisip niya kaya gusto kong tigilan niya ang kakaisip ng ganun. “Ang gandang lalake mo sir sa suot mo.”
“Salamat.”
“Marami nanamang mahuhumaling sayo sir, kaso wala ka namang kinahuhumalingan.” Inaayos ko yung suot ko at hinahayaan si manong Domeng na magsalita. “Ay meron pala.”
“Sino nanaman.”
“Ako sir, hahaha.” Natawa na lang ako sa kaniya dahil hindi niya mabanggit ang gusto niyang sabihin lalo pa at pinagsabihan ko na siya kaso ganiyan talaga ang mga matatanda, mahirap pagsabihan kaya hayaan na.
Ako lang ang umalis at naghintay ng oras, nasa opisina ako ng dean at kinausap sila.
Maraming nakakakilala sa akin dito, malamang kilala nila ang apelyedo at ang kompaniya ko, takang taka sila kung bakit narito ako ngayon at nakikipag usap sa kanila.
Hindi naman sa pagmamayabang pero ang layo kase ng antas ko sa antas nila kaya nahihiya sila sa akin, lalo pa at ang kompanya ko, hayag na hayag dito sa bansa hanggang sa ibang bansa.
Maghihintay lang ako ng oras at gagawin ko na ang dapat kong gawin.
Chapter six Samantha Pumunta ako sa kwarto ni kuya Jiro upang magpaalam na papasok, nakita ko kaseng medyo bukas kaso nag alangan ako dahil maaga pa, baka kung ano makita ko. Iba naiisip ko hahaha, pero sige magpapaalam muna ako, gawain ko naman ito kapag bukas ang pinto niya, minsan kase nagbrebreakfast siya nang ganitong oras. Pagbukas ko sa pinto walang tao. Napatingin ako sa paligid at hinahanap siya, walang tao, walang nakaupo sa couch kung saan madalas siyang kumain nang almusal. “Kuya?” tawag ko sa kaniya kaso walang sumasagot. Aalis na lang ata ako, wala naman siya dito sa kwarto niya, iniwan pa niyang bukas. Humakbang ako paatras kaso nabigla ako dahil may nakaharang sa likuran ko hindi ko alam kung ano dahil wala namang kung ano diyan sa likuran ko kanina, kaya napaharap ako bigla kaso sa gulat ko kay kuya Jiro na nasa likuran ko pala ay napahawak ako sa tuwalya niya na nakasampay sa kaniyang leeg. Muntikan pa akong matumba patalikod mabuti na nga lang nasalo ng kam
Chapter sevenSamantha“Kuya!” sigaw ko sa kaniya,bukas kase yung pinto ng kwarto niya at nakita ko siya na nasa table niya kaya nilapitan ko.“Hindi ka pa ba aalis, malalate ka.”“Magpapaalam palang naman ako na aalis na ako, sunod ka na lang kuya Jiro!” nakangiti ako sa kaniya pero nakatitig lang siya sa akin.Hindi ako natatakot sayo kahit ganiyan ka makatitig hahaha, alam kong maglelecture ka pa sa amin mamaya. Natutuwa nga ako dahil kasama kita araw araw kahit isang oras lang.Yung pakiramdam ko napakasafe ko talaga.Si mang Domeng ang naghatid sa akin ngayon dahil day off ng driver namin. “Ang saya moa ta ngayon.”“Syempre manong , nasa campus mamaya si sir Jiro.”“Kaya pala.”“Anong kaya pala?”“Hahaha wala naman Sam pagbutihan mo lang ang pag aaral mo.”“Syempre manong kailangan eh may bantay ako.”“Talaga naman si Jiro oh.”Masaya ang araw ko ngayon, ibang iba ang mood ko kaso sinalubong ako ni Jude na may masamang mood, ayaw ko mahawa kaya umiwas ako pero ang sama ng tingin
Chapter eightJiroGago yung batang yun, ayaw tigilan si Sam kahit na dinamay ko ang pamilya ayaw pa rin tumigil, mas mainam siguro na patikman ko ulit ang pamilya niya ng mas malalang problema.Alam kong binubully nanaman niya si Sam kaya inilayo ko siya sa lalakeng yun.Kung ayaw mo siyang tigilan hindi rin kita titigilan. Inutusan ko ang tauhan ko na takutin ang pamilya ni Jude at sabihing may binubully siya sa campus at si Jude ang dahilan kaya nalugi sila, hindi pwedeng malaman ni Sam ang mga ginagawa ko.Kailangan lang tumigil ng lalakeng iyon, sinisisi pa si Sam sa pagkalugi ng kompanya nila pero ang totoo siya naman talaga ang dahilan, kaya pinaasikaso ko na sa tauhan ko ang lahat.Papunta na ako ngayon sa kompanya ko dahil may meeting akong kailangan puntahan.Halos dalawang oras ako sa conference hall namin.Umiinit lang dina ng ulo ko sa mga empleyado ko, kung hindi lang ako naaawa sa iba matagal ko na silang pinaalis, mga palpak.Paglabas ko ng conference room dumiretso ak
Chapter nineSamanthaHindi na ako makahinga dito sa loob, napanghihinaan na ako ng pag asa, pakiramdam ko bibigay na ang katawan ko, hindi dahil sa takot dahil para akong nasosofocate sa loob ng banyong ito lalo na at walang ilaw tapos kanina pa ako nandito.Napaupo na lang ako sa sulok, pumikit at nagdasal, kinakalma ko ang aking sarili upang hindi ako mawalan ng malay.“Kuya Jiro sana hanapin mo ko.” Bulong ko sa aking sarili, pero kung wala siyang pake sa akin malamang uuwi nay un sa bahay at matutulog.Baka bukas na ako makita dito, baka hindi na nila ako makitang buhay dito bukas.Nakakanega yung sitwasyon ko, nasa dulo kase itong bahagi ng building kaya madalang na may dumaan dito, sinabi ko naman sa janitress na huwag ilolock, kaso bakit sarado sa labas.Hindi kaya sira ang pinto?Hinahabol ko na lang ang paghinga ko pero napapasilip ako sa ilaw sa labas, sign ba yan na huwag akong mawalan ng pag asa? Kahit madilim dito sa loob may nagsisilbi sa akin ng liwanag.Tumayo ako par
Chapter tenSamanthaAkala ko nga hindi kami mapapansin ni kuya pero pumunta siya dito sa table namin ng may ngiti sa kaniyang labi, tinignan niya lang ako at hindi man lang pinuri, hindi man lang nagandahan.Nageffort pa ako magmake up pero ganun lang tititigan lang ako at tatanungin kung gutom na ako, nakakasama naman ng loob.Kung sabagay bakit niya ako pupurihin kung hindi ako maganda sa paningin niya, ang daming magagandang babae ngayon dito.Pangiti ngiti lang ako pero nalulungkot ako, hahaha umasa kase ako ang hirap pala kapag ganun, kailangan ko na tigilan ang kakapantasya ko kay kuya Jiro.May tinawag siyang waiter at nagserve sa amin ng pagkain. “Diyan lang muna kayo, may pupuntahan lang ako.” paalam niya sa amin ni manong Domeng habang kumakain.“Sige lang okay na kami dito.”“Ayos lang kami dito kuya.” Ngiti ko sa kaniya sabay alis na niya agad, pumunta siya sa mga nag-uusap usap na mga babae at mga lalake, mukhang pinupuri siya dahil sa naging antas niya ngayon, kapuri pu
Chapter elevenJiroThis is my batchmate reunion and my classmate birthday.Ininvite ko si Samantha at syempre pati na rin si manong Domeng para hindi siya maboring sa bahay, lahat ng mga classmate ko noon ay umattend, hindi ko inasahan na kumpleto sila kaya lahat kinausap ko.Even my closest friend noon na si Ericka.Nakita ko na agad sila Samantha at manong Domeng na papunta sa isang table, para siyang may sariling ringlight dahil sa suot niya, bagay niya ang kaniyang suot.“Sinong tinititigan ng CEO batchmate namin? Mukhang natutulala ka diyan.”“Ah nothing.”Napasulyap pa ako ng isang beses sa kanila at nasa maayos naman silang pwesto, matapos kong kausapin ang mga classmate ko ay lumapit na ako kanila Sam at manong Domeng upang mabigyan sila ng makakain, nag-utos ako ng waiter.Kaso tinatawag nanaman ako ng isa kong classmate noon, hindi ko naman sila matanggihan dahil ngayon lang kami nagkita kita.Nakisama lang ako sa kanila, nakipagkwentuhan habang nasa gilid ko si Ericka na n
Chapter twelveSamanthaHeto nanaman ako, magigising na lang bigla at nasa kwarto nas, para akong nasa isang movie kagabi, nakasuot ng magandang damit pero may kalbaryong kinaharap.Ayaw ko na maging ganito, ako yung nahihirapan at napapagod sa sakit ko, natatandaan ko ang lahat kaya naman hindi ko alam kung anong mukha ang maihaharap ko kay kuya Jiro.Normal na ulit ang pakiramdam ko pero pakiramdam ko ang dami kong kailangan ipaliwanag kay kuya Jiro, yung nararamdaman ko kagabi hindi normal yun plus idagdag pa yung sakit ko.Lumabas na ako sa kwarto ko para mag almusal, hiyang hiya nanaman ako, ayaw kong makita si kuya Jiro, alam kong may kasalanan ako, hindi ko siya pinansin kagabi noong inaapproach niya ako.Hindi ko naman sinasadya yun, nagkusa kaya ang katawan ko na umiwas, kase naman akala ko nandoon siya sa babaeng kausap niya, akala ko hindi niya ako mapapansin, o baka nagkataon lang na nakita niya akong natataranta?Heto nanaman talaga ako, nagooverthink.Maglalakad palang a
Chapter thirteenSamanthaHindi ako nalate sa gagawin namin dahil hinatid ako ni kuya Jiro, ang hirap kapag may groupings tapos hind imo kaclose yung leader at ibang member, hindi ako makapagsuggest ng opinyon ko dahil sila palagi ang dapat masusunod.Nakikinig lang ako at tagasunod sa iuutos, dapat individual na lang, ang dami kase namin kaya tinamad ang professor namin magindividual activity.“Sam ikaw ang naatasan lumabas at mag interview, may sasama naman sayo kung gusto mo.”“Sino naman ang iinterviewhin kong may ari ng kompanya? Imposibleng harapin nila ako.”“Kaya mo yan, paano ka matututo, may iba iba rin naman kaming task na gagawin.” Ang sungit talaga ng leader na to pabida.Lahat sila may kaniya kaniya ng kasama, at dahil wala namang may gustong sumama sa akin ako na lang mag isa, hays sino naman kaya iinterviewhin ko?Biglang may sumaging nag iisang tao sa isipan ko.May ari ng kompanya? Si Kuya Jiro ng apala yun diba? Ayos lang pala kahit mag isa ko dahil mas makakausap k
Chapter fiftySamanthaHinahabol ko ang paghinga ko, alam kong nag aalala si Rod sa akin at gusto na niyang magpatawag ng doktor, pinipigilan ko na lamang siya dahil ayaw ko makaabala.Kaso mukang abala na ako dahil kanina pa sila nag aalala maski mga magulang niya. “Ayos lang po ako.” pautal utal kong sabi.Wala dito si Ericka hindi ko alam kung nasaan, si Rod lang ang nag aasikaso sa akin dito sa isag kwarto, pakiramdam ko nga kwarto niya to kase naman may mga panlalake na gamit.“Tawag na lang ako ng doktor, nag aalala ako sayo.” Naiilang ako na naiirita ngayo dahil sa sakit ko, naiilang kase hinayaan kong yakapin ako ni Rod kanina, hindi naman kase ako makapalag kase naman kinakalma ko ang sarili ko, naiirita ako sa sakit ko kase ayaw kumalma.Umiling na lamang ako upang sabihin na huwag na.Napatingin ako sa orasan mag aalas onse na pala, nako po hindi pa ako nakakauwi. Nagkamali siya sa pag intindi na iuwi na niya ako, hays bakit kase yun ang lumabas sa bibig ko. Ang ibig ko lan
Chapter forty nineSamantha“Hello miss Samantha.” Napalingon agada ko dahil boses ni Rod ang narinig ko.“Anong klaseng pagbati yan nakakailang ka ah.”“Hindi ka ba sanay na tinatawag ka sa buong pangalan mo?”“Hindi.”Sabay kaming naglalakad. “Kamusta pala pakiramdam mo? hindi ka pumasok kahapon matapos natin maginuman.”“Ayos na ako.” alam din kaya niya mga pinagsasabi ko? Malamang nandoon sila noong nagdadaldal ako. nakakahiya magsalita kaya less talk less mistakes na lang.Ang dami niyang tinatanong sa akin kung may problema daw ba ako? Kung anong nararamdaman ko ngayon basta ang dami. “Gusto mo magunwind?”“Ha? Kakainom lang natin nakaraan.”“Unwind kako.”“Ah akala ko wine pasensya naman.”“After class may pupuntahan tayo.”“Kaso may—” naalala ko wala ng apala ulit si kuya Jiro sa opisina niya ang sabi niya kanina hindi muna ako papasok sa trabaho pero may sahod pa rin naman ako, ganiyan kagalante ang boss ko. “Sige sige pwede naman.” Nakakahiya naman nalibre na ako nakaraan ta
Chapter forty eightSamanthaNapatingin ako sa nagsasalita, nakakunot ang kaniyang noo habang hawak hawak ang aking braso, hindi naman masakit ang pagkakahawak niya sa akin.“Bakit nakatitig ka diyan kahawig mo si kuya Jiro.” Sabi ko.“Umuwi na tayo.”“Sandali hindi pa kami taps, manong Domeng bakit sinuot mo mukha ni kuya Jiro ha?” lahat sila nanahimik sa sinabi ko, paano naman kase pupunta si kuya Jiro dito eh umalis siya tapos kasama pa si Ericka. Napapikit ang kamukha ni kuya Jiro ng mariin at tsaka ao binuhat.Nahilo ako pagkabuhat niya at nagpumiglas kaunti kaso sumakit ulo ko kaya napahinto na lang ako ng makaupo na ako sa sasakyan.Dumidilim ang paningin ko at parang hinahalo ang tiyan ko, umaandar na ang sasakyan pero nakatulala pa rin ako, nilagay naman sa akin yung seatbelt pero hindi ako makakibo kase naman para akong maduduwal, hinahalo ata tiyan ko pero hindi ako nadudumi, sa iba lalabas.Ayokong maduwal bad yon.Ang hirap magpigil.Mabuti na lang mabilis ang byahe. Napi
Chapter forty sevenSamanthaAng lamig dito sa labas, pinatawag ko na sa gwardya si manong Domeng kilala naman siya kaso hindi naman daw sumasagot pa.Ihahatid pa siguro niya si kuya Jiro.Nakaupo lang ako sa gilid nagbabakasakaling makita sila na bumalik kaso wala eh, hindi nila ako hinanap, baka isipin ni kuya Jiro nasa galaan ako.Naghintay na lamang ako kase baka kapag kinulit ko yung gwardya mapagalitan pa ako, hindi na ako pumasok sa loob ng kompanya baka kase hindi ako makita agad.Pasilip silip ako sa daan kaso wala pa akong nakikita na kagaya ng sasakyan ni kuya Jiro, tayo upo ang ginagawa ko.Hanggang sa napagod na ako maghintay kaya umupo na lang ako at napayuko kase naman antok na ako, nakatingin lang ako sa sahig hanggang sa may itim na sapatos akong nakita sa tapat ko.Alam kong siya to kahit hindi ako tumingala.Naiiyak ako, binalikan ako.“Sam?” iba ang boses kaya napatingala ako. “Anong ginagawa mo dito?”“Rod.” Akala ko si kuya Jiro parang pareho sila ng sapatos pero
Chapter forty sixSamanthaHindi parin umuuwi si Ericka, parang balak na ata tumira dito, gabi na pero nandito parin siya sa mansyon, hindi tuloy ako makalapit kay kuya Jiro para kaseng binabakuran niya, gusto ko rin kamustahin si kuya Jiro.Napansin kong may dalang tray si Ericka mukang nilutuan ata ng dinner si kuya Jiro, feeling jowa lang? dapat ako ang magluluto sa kaniya ngayon.“Huy!”“Uy manong nakakagulat ka naman.”“Nakatulal ka diyan sa sulok, aba alam ko na kung bakit, gusto mong pumunta kay Jiro noh?”“Kakamustahin ko lang sana.”“Kanina pa nga nandyan yan.” Ang tinutukoy niya ay si Ericka. “Maski ako nahiya na pumasok sa loob ng kwarto ni Jiro, lumabas na nga si Jiro kanina kase ayaw niya ng may babae sa kwarto niya kaso pinilit nung Ericka na pumasok sa kwarto para makapagpahinga, hayaan mo walang gusto si Jiro dyan.”“Manong hindi naman yun ang inaalala ko.”“Hahaha.”“Gusto ko lang siyang kamustahin.”“Eh bakit hindi ka pumunta?”“Baka kase makaistorbo ako.”“Hindi nam
Chapter forty fiveSamanthaNaghahanap ako ng tsempo kung kailan pwedeng pumasok sa loob ng kwarto ni kuya Jiro gusto kong malaman ang lagay niya.Sakto naman si manong Domeng na lang ang nasa loob kaya nagmadali akong pumasok kaso natutulog si kuya Jiro, ngayon lang siya nagkasakit ng ganiyan, ibang iba ang itsura niya namumutla siya, siguro dahil ginaw na ginaw siya, epekto ng lagnat niya.“Kamusta siya manong?”“Mainit pa rin, kailangan niya ng pahinga para tumalab ang gamot.”Hindi ko siya maiistorbo ngayon, babalik na lang ulit ako baka sakaling gising na siya, aalis na sana ako kaso pinigilan ako ni manong Domeng.“Bantayan mo mua at akoy makikidate.”“Manong naman.”“Seryoso ako uy, ano tingin mo saken matandang binata?”“Manong.”“Hahaha diyan ka lang maghahanap yan ng tao mamaya kapag nagising.” Hindi tuloy ako nakaalis, iniwan ako ni manong Domeng, may date daw? Tinatamad ka lang ata magbantay manong eh.Pero hayaan na kasalanan ko naman kaya ako na lang ang magbabantay, lu
Chapter forty fourSamanthaDito lang ako nahimasmasan sa may tent namin ni Riri, nagamot na rin ang sugat ko pero ang hapdi parin, ang hirap ikilos ng mga paa ko parang namanhid, baka nakulangan ng dugo dahil sa sugat ko? Pero ayos naman na ang pakiramdam ko.Salamat kay kuya Jiro na hindi ako binalewala, siya lang ang naghanap sa akin sa lugar na iyon kahit na umuulan at mapapahamak siya.Alam kong nasaktan din siya sa paghahanap sa akin, binuhat ba naman niya ako habang madulas ang daan muntikan pa kami nahulog.Hindi ako makalabas ng tent nahihiya ako sa nangyari sa akin, parang ang laki kong abala sa kanila kaya dito muna ako sa loob at nagpapahinga, bukas naman yung labasan ng tent at may net lang na harang para hindi malamok dito.Maya maya pa biglang nagpakita si kuya Jiro at inalis ang zipper ng tent, nagulat ako kase pumasok siya dito sa loob, inalok niya ako ng kape kaya kinuha ko gusto ko mainitan ang tiyan ko.Napansin kong sumilip si Ericka dito sa loob ng tent ko pero u
Chapter forty threeJiroI’m not enjoying but yeah let’s pretend to be like I’m okay, wala akong choice. Kailangan ko samahan si Sam, wala naman ibang sasama sa kaniya.I canceled all my meetings for this weeks.Nakikita ko naman sa mukha niya na nag eenjoy siya kaya ayos lang kahit nakakaboring, nakaupo lang ako at nanunuod sa kanila.Nagpaalam ako na hindi sasana, required sa mga professor na sumama pero nandito pa rin ako, bahala sila kung ano isipin nila sa akin.Inaantok ako, gusto ko humiga sa tent kaso tumabi sa akin si Ericka, dinaldalan ako, para akong may radio tapos hindi ko naman maintindihan mga pinagsasabi, nakafocus ako kay Sam.Hapon na at last activity na ang gagawin nila, sa waka s makakapagpahinga ako. “Jiro gusto ko coffee?”“Nope.”Ang aga pa para magkape.“How about ice coffee your favorite flavour tiramisu?”“At saan ka naman kukuha?”“May dala ako.”“No thanks.” Ayaw ko ng ibang coffee maliban sa shop na pinagbibilhan ko.Nakikinig lang ako sa susunod na activi
Chapter forty twoSamanthaMaayos na lahat ng tent nagpapahinga na ang iba at may sinabing call time para mag umpisa sa activity mamaya, may mga pagames at may paprice din kaso hindi pwedeng sumali ang mga kasama kagaya nila Ericka at kuya Jiro, tanging mga estudyante lang pero pwede naman sila manuod.“Paano bay an magkaiba ang activity natin.”“Oo nga eh.” Kasama ko ngayon si Riri, kausap ko habang nakaupo at nanunuod sa ibang mga estudyante.Maya maya pa tinawag na ako ng isang professor, nagkahiwalay kami ng landas ni Riri kaso si kuya Jiro nakabantay sa akin may sarili siyang upuan na dala yung folded.Parang artista lang na naghihintay ng taping hahaha.Nakisali ako sa mga ginagawang acticity ang lawak ng space namin kaya nakakapagod pero ayos na rin para pagpawisan, napansin kong may tumabing babae kay kuya Jiro nagpalit ng outfit si Ericka, kala mo magaactivity din sa suot niya, buti pala nabilhan ako ni kuya Jiro ng sapatos dahil kung hindi sira agad ang sapatos ko dito.Nanun