Share

The Billionaire's Revenge
The Billionaire's Revenge
Author: bluefairy1828

Prologue

Nanginginig ang dalawa kong kamay nang muli kong kunin ang pregnancy test na nakalagay sa vanity counter. Matagal akong nakatitig sa bagay na iyon na may dalawang pulang guhit sa gitna.

Positive. Buntis ako.

Muli akong napaiyak saka lumabas sa bathroom na hawak pa rin ang bagay na nagpapatunay na nagbunga ang pagmamahalan naming dalawa ni Darius. Pero huli na ang lahat...

Muntikan na akong mapatalon sa gulat nang bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa roon si William. Maaliwalas ang mukha nito at malapad ang pagkakangiti, halatang masaya. We're getting married tomorrow, kaya nga nandito na ako ngayon sa bahay ng mga Davis.

"William..." sambit ko sa mahinang boses.

Kumunot ang noo nito nang makita akong umiiyak. Lumapit ito sa akin at masuyong hinaplos ang pisngi ko, pinahiran pa nito ang mga luhang nag-uunahang kumawala sa mga mata ko.

"Diana, why are you crying? May masakit ba sa'yo?" tanong nito, halata sa boses ang pag-aalala at pagtataka.

Nanginig ang mga tuhod ko. Kilala ko si William, sa kabila ng maamo nitong mukha ay ang nagtatago nitong maitim na budhi.

"Hindi kita maaaring pakasalan, William."

Bahagya itong tumawa saka tinitigan ako. Iyong klase nang tingin na parang sinasabi nitong nagbibiro lang ako.

"How about your grandmother's debt, Diana?" he asked in his dangerous voice.

Oo nga pala, ako pala ang hininging kabayaran nito dahil isang hamak lamang kaming dukha, hindi namin magawang bayaran ang pagkakautang sa pamilya nito. Matagal ng nagtatrabaho ang lola ko sa pamilya nito at malaki ang naging utang. Ulila na ako sa mga magulang at tanging si lola lang ang nagpalaki sa akin simula pa noong bata ako.

At ngayong malaki na ako, gusto kong bumawi rito. Pumayag akong magpakasal kay William kapalit ng malaking utang namin sa pamilya nito.

Pero ngayong buntis ako, hindi ko kayang magpakasal dito at basta na lang kalimutan ang ama ng magiging anak ko.

"Babayaran ko, magtatrabaho ako para mabayaran ang pagkakautang namin sa pamilya ninyo!" asik ko.

May sakit at may mini-maintain na gamot ang lola ko. Kaya lumaki ang pagkakautang nito sa pamilya Davis ay dahil na rin sa mga gamot nito na kailangang bilhin buwan-buwan. Habang ako ay scholar student sa isang university sa bayan.

Kaming dalawa ni Darius ay scholar, 2nd year college na kami at nangako sa isa't isa na magtatapos muna kami ng kolehiyo bago magpakasal.

"Sa tingin mo sa loob ng isang taon mababayaran mo ang utang ninyo?" Tumaas ang isang kilay nito, saka inayos ang nagtikwasan kong mga hibla ng buhok.

Napayuko ang ulo ko, paano ko ipapaliwanag dito na buntis ako? Hindi ko maatim na magpakasal dito lalo na at buntis ako sa anak ni Darius.

Si Darius na walang alam kung ano ang tunay na dahilan kung bakit ko siya hiniwalayan. Sumikip ang dibdib ko nang maalala ang kasintahan. Naalala ko kung gaano ito nasaktan, sabay kaming nangarap para sa kinabukasan naming dalawa, nangako kami sa isa't isa pero sinira ko ang pangako'ng 'yon.

Basta ang alam lang nito ay mas pinili ko si William dahil mayaman at ito ang mag-aahon sa akin sa kahirapan. Sino ba naman ang hindi mangangarap na maging asawa ang nag-iisang anak ng pinaka-mayamang pamilya sa bayan namin?

Pero hindi ko 'yon pinangarap. Hindi ko pinangarap na maikasal kahit sa sinong lalaki. Si Darius lang ang mahal ko at gusto kong makasama habang-buhay.

Hindi pa naman siguro huli ang lahat, kaya ko pang baguhin ang pagkakamaling nagawa ko kay Darius, kaya ko pang bawiin ang kasinungalingang sinabi ko rito nang hiwalayan ko ito.

Iniangat ni William ang baba ko para tumingin ako sa mukha nito. Tumulo na naman ang luha sa mga mata ko. Muling nanginig ang mga kamay ko kaya humigpit ang hawak ko sa pregnancy test.

"Magpapakasal ka sa akin bukas kung hindi ipapakulong ko ang lola mo."

"Pakiusap, William. Huwag mong gawin ito, magtatrabaho ako para makabayad sa'yo kahit abutin pa ako ng ilang taon." Pagmamakaawa ko rito.

"Hindi ba napag-usapan na natin 'to? Bakit ngayon biglang nagbago ang isip mo, Diana?" Naningkit ang mga mata nito, senyales na galit na ito.

Nang una kong makilala si William, ang bait nito sa akin. Halos hindi ko ito makitaan nang masamang pag-uugali. Pero ngayon ay ibang William na ang nakikita ko.

Hinaplos nito ang pisngi ko, saka dumako sa leeg. Napapikit ako nang sakalin ako nito pero hindi naman mahigpit ang pagkakasakal. Sobra lang akong natatakot ngayon sa maaari nitong gawin.

Lihim kong naiusal ang pangalan ni Darius dahil ang presensya nito ay sapat na para maramdaman kong safe at secure ako rito.

"May ginawa ka bang kalokohan, Diana?" tanong nito, may pagbabanta ang tono nang pananalita nito.

Napalunok ako, paano ko ipapaliwanag dito na buntis ako kung ngayon pa lang ay gusto na ako nitong patayin? Mas lalong nanginig ang kamay ko dahilan para mabitiwan ang bagay na hawak ko. Lumikha iyon nang ingay sa marmol na sahig.

Kumunot ang noo ni William, saka napatingin sa sahig. Inalis nito ang kamay mula sa leeg ko saka yumuko at pinulot ang bagay na siyang magpapatunay na buntis ako. Narinig ko ang mapanuyang tawa nito nang makita ang pregnancy test.

Tumayo ito nang makuha ang bagay na 'yon, saka hinawakan nang mahigpit. Itinaas pa nito sa harapan ko para makita ko nang maayos. Gusto kong himatayin sa takot dahil sa nakikita kong galit sa mga mata nito.

"You're pregnant?" Nagdilim ang mukha nito.

"William–"

Isang malakas na sampal ang dumapo sa kaliwang pisngi ko, sa sobrang lakas ay bumagsak ako sa sahig. Hindi ko na rin kaya ang panginginig ng mga tuhod dahilan para bumigay ako. Nalasahan ko rin ang sariling dugo sa mga labi.

Niyuko niya ako saka sinabunutan, napadaing ako dahil sa higpit nang pagkakahawak nito sa buhok ko.

"Kailan pa?" bulong nito sa akin sa nakakatakot na boses.

"Hindi ko alam, William. Pakiusap, hayaan mo na lang ako," pakiusap ko bago bumuhos ang luha sa aking mga mata. "Babayaran ko rin kayo."

"Ikaw nga ang kabayaran, Diana! Tapos nagpa-buntis ka na hindi ko anak?" Mas lalo nitong hinigpitan ang pagsabunot sa buhok ko.

Halata sa mukha at boses nito ang matinding galit. Napapadaing ako sa bawat higpit nang pagkakasabunot nito, ramdam ko ang hapdi ng anit ko.

"Kaya hindi ako p'weding magpakasal sa'yo, William," usal ko sa mahinahong boses habang patuloy ang pagpatak ng mga luha. "Dahil ipinagbubuntis ko ang anak ng lalaking minamahal ko, ang anak naming dalawa ni Darius!"

"You, slut!" singhal nito bago ako muling sinampal. "Akala mo ba hahayaan ko na lumaki sa tiyan mo ang binhi ng lalaki mo?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. Isa lang ang ibig sabihin nito, gusto nitong ipalaglag ang anak ko.

"We need to get rid of that thing in your belly, Diana. Ano na lang ang sasabihin ng lahat kapag nalaman nila na buntis ka ng ibang lalaki? Ipapalaglag natin 'yan!"

No! Hindi ako papayag. Kung kinakailangan kong lumuhod at magmakaawa rito ay gagawin ko.

"William, maawa ka! Huwag mong gawin 'to. Please, William! I'll do anything, huwag mo lang ipalaglag ang anak ko. Gagawin ko lahat ng sasabihin mo, gagawin ko lahat!" Humagulhol ako ng iyak habang nakaluhod at yakap ang mga binti nito.

I was trembling with fear. I can't do anything but to beg.

Ngumisi ito, saka marahas akong hinila patayo at pabalang akong inihiga sa kama. Hinubad nito ang lahat ng saplot sa katawan.

"Hindi ko na mahintay ang kasal natin, Diana. Mukhang mauuna ang honeymoon natin dahil ipupunla ko na ang binhi ko sa'yo! At sinisigurado ko sa'yo na ang anak ko lang ang nandiyan sa sinapupunan mo!"

"William, huwag mong gawin ito, pakiusap..."

Pero wala rin akong nagawa nang marahas niya akong angkinin nang paulit-ulit.

***

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status