Chapter: Chapter 30Two years later..."Congratulations son, we are so proud of you " Halos magkasabay na turan nina Talia at Daniel kay Thaddeus. Dumating ang mag-asawa kahapon mula sa Pilipinas para um-attend sa photo exhibit ni Thaddeus na ginanap nito mismo sa Gallery Studio sa New York City.Ang daming mga dumalo, halos ang iba ay mga celebrities at mga kilalang tao. Ngumiti si Thaddeus sa kanyang mommy at daddy.Nagka-ayos na ang mga magulang niya, last year lang ay nag-renew ng vows ang dalawa. Masaya siya para sa mga magulang. "Thank you mom and dad, maglibot muna kayo baka may mga portraits kayong magustuhan." Sabi ni Thaddeus sa mga ito saka kumindat. Sa loob ng dalawang taon ay ginugol ni Thaddeus ang sarili sa pagkuha ng mga litratro na galing sa iba't ibang bansa. May mga kuha rin siyang magagandang portraits. Naiwan si Thaddeus sa
Last Updated: 2020-12-15
Chapter: Chapter 29Nagising si Thaddeus kinaumagahan dahil sa ingay ng chainsaw, malamang ay nakakuha na ng tauhan si Alberto para putulin ang malaking puno sa harden. Masarap ang tulog niya kagabi, wala man lang siyang narinig na ingay o kaluskos. Lalo na ang daing at iyak ni Maria pero wala siyang narinig bagkus ay nakatulog siya ng mahimbing.Bumangon siya at nagtungo sa bathroom para magsipilyo at maligo na rin. Basa pa ang buhok ni Thaddeus ng bumaba siya sa sala, nakasuot lang siya ng sweatpants at white tshirt. Nakapamulsa siyang nagtungo sa harden. Halos nawala ang ganda ng harden dahil natatabunan ng malaking puno ang mga halaman, ang iba ay nadaganan pa. Para itong taong nakahandusay sa lupa ng tuluyan ng maputol. Binati siya ni Alberto ng makita siya pati na ang mga ibang naroon. "Magandang umaga Sir Thaddeus." Bati ng lahat sa kanya, bahagyanlang siyang yumuko sa mga ito bilang pagtugon.
Last Updated: 2020-12-15
Chapter: Chapter 28"Thaddeus, are you sure about it?" Nag-aalalang tanong ni Talia sa anak. Dalawang buwan na ang nakalipas magmula ng makalabas ito sa ospital. Inaayos nito ang mga gamit sa bag pack. Magmula ng gumaling ito galing comatose ay napapansin niyang iba na ang kinikilos nito.Minsan nakikitaan ni Talia ang anak na nakatitig lang sa kawalan. Minsan ay napapasukan niya ito sa silid na tinatawag ang pangalang Maria habang tulog ito. She wanted to ask him who Maria is pero mas pinili niya nalang na itikom ang mga bibig. "Yes,mom." Tipid na sagot ni Thaddeus sa ina."Baka mapahamak ka ulit." "Mom, i will be fine." Napabuntong hininga si Talia, pinagpipilitan talaga ni Thaddeus na bumalik sa Legazpi,Albay. Babalikan niya raw ang Belle Veu Mansion dahil madami pa raw itong aasikasuhin doon.Puno ng pangamba ang puso niya pero wala siyang magawa. Hindi niya ito ma
Last Updated: 2020-12-15
Chapter: Chapter 27Present TimeYear 2018Kasalukuyang nasa sala si Talia nagbabasa ng magazine habang hinihintay si Daniel, kauuwi lang nito galing sa trabaho at naisipang maglinis muna ng katawan bago sila pumunta sa ospital.Napapitlag si Talia ng mag-ring ang cellphone niya. Agad niya itong sinagot. "Yes?" Sagot niya sa kabilang linya."Mrs. Ambrosio, your son is awake.""Really?" Hindi makapaniwalang usal ni Talia, halos panawan siya ng ulirat sa narinig. "Yes ma'am. Na-check na rin po namin ang inyong anak at okay na po siya."
Last Updated: 2020-12-15
Chapter: Chapter 26"Damn it!" Muling palatak ni Thaddeus sa sarili, ilang beses na niyang sinubukan na umakyat pabalik sa itaas ngunit hindi niya magawa dahil wala siyang sapat na makapitan at mahawakan.Panay mura na siya sa sarili at ang utak niya ay tumatakbo kay Maria. Iniisip niya kung ano na ang nangyayari rito. Mas lalo siyang nakaramdam ng galit sa sarili ng maisip na baka huli na siya. Baka kasama na nito ngayon ang demonyong si Azreal at nagpakasawa sa katawan ni Maria."This is bullshit!" Sigaw niya. He was beyond frustrated. Sinisi niya ang sarili kung bakit nahulog siya sa patibong na ito. Sa ngayon ay kailangan niya ng milagro.Hindi niya alam kung anong oras na dahil wala naman siyang suot na relo maliban sa itim na pulseras! Nawawalan na siya ng pag-asa ng may biglang humagis sa kanya, isang lubid ang inihagis.Napasinghap siya sa gulat at tuwa. Hindi na siya nagdalawang isip pa, hinawakan na niya ang lubi
Last Updated: 2020-12-15
Chapter: Chapter 25Mahal kong Thaddeus,Hindi na kita hinintay pa na magising ka, alam kong mahihirapan akong magpaalam sayo dahil alam kong hindi ka papayag sa gagawin ko. Patawad kong mag-isa ka nalang na magtutungo sa malaking balon. Hindi mo na ako kasama. Iniwan ko ang pulseras mo para ma-protektahan ka. Pati ang kuwentas, ikaw na ang maghulog sa balon. Maglakbay ka na kung kaya na ng katawan mo pero kung hindi pa ay huwag mo ng pilitin. Umalis ako para linlangin si Azreal, habang ginagawa ko iyon ay malaya kang makapaglakbay na walang panganib o sagabal. Ako lang naman ang kailangan niya kaya ako lang ang susundan niya. Sana pareho tayong magtagumpay bago
Last Updated: 2020-12-15
Chapter: Chapter 8[Present Time] Diana's POV "How does it feel to see your ex-boyfriend, Diana?" nang-uuyam na tanong ni William. Kalalabas ko lang galing bathroom at ito kaagad ang bungad niya sa akin. Hinigpitan ko ang pagkakatali sa suot kong roba saka lumapit sa vanity mirror at in-on ang hair dryer. Hindi ko siya pinansin at patuloy lang ako sa ginagawa kong pagpapatuyo sa basa kong buhok. Maski ako ay gulat na gulat nang makita si Darius kanina. Hindi ako nakaimik at natulos ako sa kinatatayuan. Buti na lang kaagad itong nilapitan ng daddy ni William at kaibigan nito. William's parents didn't know that Darius was my ex-boyfriend. Although they heard rumors about my past relationship, they didn't know that it was Darius. Deep inside of my heart, I'm happy he was living the life he deserved. Though it was shocking to see him unexpectedly. "Tinatanong kita, Diana!" asik ni William. Lumapit ito sa akin saka marahas na hinablot ang kanang braso ko dahilan para mapatigil ako sa ginagawa.
Last Updated: 2024-09-19
Chapter: Chapter 7"Diana..." Mula sa pagkakahiga ay bumangon ako nang marinig ang nag-aalalang boses ni lola Remedios. "Lola, bakit po? May masakit po ba sa inyo?" Umiling ito saka mapait na ngumiti. "Isang linggo mo ng pinagtataguan si Darius. Ngayon ay nasa labas na naman at naghihintay sa'yo." Just hearing his name is enough to feel the excruciating pain inside my heart. Hindi ko pa siya kayang harapin lalo na ngayon na magulo ang isipan ko. Baka bumulahaw lang ako ng iyak sa harapan niya at baka panghinaan ako ng loob na hiwalayan siya. Muli akong humiga at itinakip ang kumot sa buong katawan ko, saka unti-unti na namang nag-uunahan ang luha sa aking mga mata. "Diana, apo... Ano ba talaga ang nangyari at nagkakaganito ka?" naguguluhang tanong ni lola. Napakagat-labi ako, pinipigilan ko ang hikbi na gustong kumawala sa bibig ko. "Diana..." Hindi ako umimik. Hindi dapat malaman ni lola Remedios ang nangyari no'ng araw na pinatawag ako ni Madam Lorna. Mas mabuti pang sarilinin ko na lan
Last Updated: 2024-08-05
Chapter: Chapter 6"How dare you seduce my son!" Isang malakas na sampal ang dumapo sa kaliwang pisngi ko. Pakiramdam ko ay yumanig pati utak ko dahil sa sampal ni Mrs. Lorna Davis, ang ina ni William.Ano ang nagawa ko? Tanong ko sa isipan habang sapo ang sariling pisngi. Ramdam ko pa rin ang sakit, hindi ko rin magawang salubungin ang mga mata nito dahil sa takot."Sabihin mo sa akin, hindi pa ba sapat na hindi ko tinatanggal sa trabaho ang lola mo rito sa mansyon kahit matanda na?!" nanggagalaiti nitong singhal sa akin. "Tapos ngayon ang anak ko na naman?!" Mariin akong napapikit habang nakayuko pa rin ang ulo. Dasal ko na sana lamunin na lang ako sa kinauupuan ngayon. "Sagutin mo ako!" muling singhal nito na ikinapanginig ng buong kalamnan ko."M-madam Lorna, hindi ko po alam ang sinasabi ninyo." Umiiling ako at naiiyak na. "Hindi ko po talaga alam ang sinasabi ninyo tungkol kay Sir William." "Huh! You denied my son?! Isang buwan na raw kayong may relasyon tapos bigla mo siyang hiniwalayan? How
Last Updated: 2024-07-30
Chapter: Chapter 5"Darius!" masiglang tawag ko habang nagtatakbo palapit dito. Kahit nahihirapan akong i-balanse ang bigat ng katawan sa makitid na daan ay todo takbo pa rin ako. Nagtatanim ng palay si Darius kasama ang ibang tauhan sa rancho ng pamilya Davis. Malaki ang bayad sa pagtatanim ng palay sa pamilya Davis kaya walang pinapalampas na pagkakataon si Darius."Diana, baka mahulog ka sa putikan!" nag-aalalang sigaw nito saka tumigil sa pagtatanim para salubungin ako.Hindi ako nakinig sa paalala nito at patuloy pa rin ako sa pagtakbo habang iwinawagayway sa ere ang hawak na certificate.Konti na lang at malapit na ako kay Darius, ngunit saka naman ako natisod. Malakas akong napasigaw at ipinikit na lang ang mga mata, inihanda ko na ang sarili sa pagbagsak sa putikan.Ibinuka ko ang isang mata dahil hindi ko naramdaman ang pagbagsak sa putikan, bagkus ay nakayapos sa akin si Darius.Napangiti ako saka niyakap ito ng mahigpit. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso nito na para bang ito ang kina
Last Updated: 2024-07-30
Chapter: Chapter 4Chapter 4"Lola!" sambit ko nang makita ang lola Remedios sa kusina. "Muntikan ka ng ma-late," sita nito sabay abot ng apron sa akin. "Bawas-bawasan n'yo nga ang pagkikita ni Darius.""Ang lakas kasi ng ulan, lola." Napakamot ako sa ulo.Alam naman nito na matagal na kaming may relasyon ni Darius at boto naman ito sa huli. Ang kinakatakot lang nito ay baka mabuntis ako ng maaga. Pero maingat naman kaming dalawa ni Darius kaya malabong mabuntis ako."Inihatid ka ba ni Darius?" Ngumiti ako. "Opo." "Buti naman. Sige na, hugasan mo na 'yang mga gulay at ako na ang bahala rito sa mga karne." Tumango ako. Kulang ng tao sa mansion ngayon kaya kinuha ako ng mayordoma para tumulong ngayong araw na 'to. Ang narinig kong usap-usapan ng ibang mga katulong ay umuwi raw galing Amerika ang nag-iisang anak nina Mr.&Mrs. Davis, at may kasama itong mga kaibigan na taga-Maynila at galing ibang bansa.Kaya may party ngayon para selebrasyon sa pagdating nito at para na rin sa kaarawan ni Mrs. Davis.
Last Updated: 2024-07-30
Chapter: Chapter 3Diana's POV"Huwag ka kasing malikot!" inis na saway ko sa boyfriend kong si Darius. I pouted my lips."Nangangawit na ang buong katawan ko, love," reklamo naman nito.Pinandilatan ko siya ng mga matabago bumalik ang mga mata ko sa sketch pad na hawak habang binibilisan ko ang paggalaw ng aking kamay na may hawak na HB pencil. "Malapit na akong matapos, love. Konti na lang." Ngumisi ako.Paano ba naman, may project kami sa kursong Fine Arts na kailangan makagawa kami ng human sketch. At nagkataon na pasok si Darius sa criteria ng project namin."Konti na lang, love... Oh, ayan na... Tapos na." Kumikislap ang mga mata ko nang matitigan ang sketch na ginawa. Parang ayaw ko ng alisin ang mga mata sa sketch pad. Napapangiti ako. Wala akong pakialam kung gaano ako kagaling pagdating sa arts. Basta ang alam ko ay ang guwapo ng boyfriend ko. Perfect jawline, a chiseled collarbone, well-formed chest and flawless rock hard abs. And his handsome face and tanned skin... My God! Nababaliw na
Last Updated: 2024-07-30