Share

Chapter 4

Chapter 4

"Lola!" sambit ko nang makita ang lola Remedios sa kusina.

"Muntikan ka ng ma-late," sita nito sabay abot ng apron sa akin. "Bawas-bawasan n'yo nga ang pagkikita ni Darius."

"Ang lakas kasi ng ulan, lola." Napakamot ako sa ulo.

Alam naman nito na matagal na kaming may relasyon ni Darius at boto naman ito sa huli. Ang kinakatakot lang nito ay baka mabuntis ako ng maaga. Pero maingat naman kaming dalawa ni Darius kaya malabong mabuntis ako.

"Inihatid ka ba ni Darius?"

Ngumiti ako. "Opo."

"Buti naman. Sige na, hugasan mo na 'yang mga gulay at ako na ang bahala rito sa mga karne."

Tumango ako. Kulang ng tao sa mansion ngayon kaya kinuha ako ng mayordoma para tumulong ngayong araw na 'to.

Ang narinig kong usap-usapan ng ibang mga katulong ay umuwi raw galing Amerika ang nag-iisang anak nina Mr.&Mrs. Davis, at may kasama itong mga kaibigan na taga-Maynila at galing ibang bansa.

Kaya may party ngayon para selebrasyon sa pagdating nito at para na rin sa kaarawan ni Mrs. Davis.

Sanay na ako sa gawaing kusina dahil sa tuwing may okasyon ay ako ang tinatawag para tumulong.

"Lola, ako na po ang maghihiwa niyan. Tapos na akong maghugas ng mga plato," saad ko saka kinuha ang kutsilyong hawak nito. "Magpahinga mo na kayo, ako na ang bahala rito."

Kinindatan ko siya habang abot tainga ang ngiti. Napailing na lang din ang lola ko. Sa katunayan ay mabilis akong kumilos at kapag may instructions na sinasabi sa akin ay mabilis kong naiintindihan.

Alas otso na at tapos ng mag-dinner ang lahat pati na ang mga bisita. Buti na lang sa kusina lang ako na-assign, hindi ako nagsi-serve ng pagkain sa dining area, kung hindi ay baka hindi ko kayanin ang mga mapanghusgang mga mata ng mga mayayamang tao na nasa party.

"Ito na ang bayad mo, Diana, salamat." Iniabot ng mayordoma sa akin ang isang kulay puting envelop.

Ngumiti ako at sabik na tinanggap ang envelop. "Salamat po."

"Sa uulitin uli, Diana. Sige na, umuwi na kayo ng lola mo baka umulan pa ulit at mahirapan kayo sa daan."

"Sige po, Tita Esther."

Mabait sa aming dalawa si Tita Esther kahit mayordoma ito sa mansion. Madaming nagsasabi na m*****a raw ito at istrikto pero hindi naman. Mukha lang itong nakakatakot dahil hindi pala-ngiti.

Sa katunayan ay ito nga ang nagsabi sa akin na Tita Esther na lang ang itawag ko rito dahil matanda ito sa akin ng sampung taon.

"Mag-iingat kayo," wika nito bago kami iniwan.

Sadyang malamig lang ito makitungo sa lahat pero may pusong mamon naman ito.

Naglalakad na kami ni lola patungo sa main gate ng mansyon, alam kong naghihintay si Darius sa amin sa labas lalo na at masama ang panahon.

"Lola, okay lang po ba kayo?" Napansin ko kasi na nahihirapan itong huminga.

"Oo naman, huwag mo akong intindihin, okay lang ako. Masyado lang siguro akong napagod dahil busy sa kusina."

Napatango na lang ako pero sa totoo lang ay matagal na akong nag-aalala sa kalagayan nito. Hindi lang ako nagpapahalata dahil ayaw kong makita nito na nag-aalala ako rito, makakaapekto raw sa pag-aaral ko kapag masyado ko siyang iniintindi.

"Diana!"

Napalingon ako nang may tumawag sa pangalan ko. Isa sa mga katulong sa mansion ang lumapit sa akin na may dalang malaking flower vase na puno ng magagandang bulaklak.

"Pasuyo naman ako Diana, pakilagay naman ito sa Gazebo sa harden, sumakit kasi bigla ang tiyan ko, kailangan ko yatang pumunta sa C.R.," saad nito at halatang namimilipit nga sa sakit ng tiyan.

"Sige, ako na ang bahala." Kinuha ko ang flower vase, halos hindi makita ang mukha ko dahil sa mga bulaklak na nakalagay.

"Salamat, Diana, alis na ako!" Nagtatakbo itong umalis.

"Lola, mauna na kayo sa labas at susunod ako. Alam kong nandoon na rin si Darius."

"Oh, sige, mauna na ako."

Pagdating ko sa garden ay naabutan ko na may mga tao roon. Nag-iinuman at halatang nag-i-enjoy ang mga ito. Palagay ko ay nagustuhan din ng mga ito ang ambiance ng Gazebo.

Isa sa nagustuhan ko sa mansion ng pamilya Davis ay ang malaking Gazebo sa garden. It is a rustic modern gazebo, has a fireplace wall that keep you warm during rainy seasons.

And the cozy couch that surrounded the center table was visually appealing. Also, there are lights that illuminate the area.

"Excuse me, ilalagay ko lang po ang flower vase," magalang kong saad.

Natahimik naman ang mga ito na kanina lang ay nagtatawanan. Napansin ko rin ang mga bote ng mamahaling alak sa center table. Apat na lalaki at dalawang babae ang nakaupo sa couch.

"Go ahead, just put it in the corner, left side," utos sa akin ng lalaking nasa gitna na ang mga mata ay nakatitig lang sa deriksyon ko.

Kaagad naman akong sumunod. Inilagay ko ang malaking flower vase sa left side corner kung saan malapit sa fireplace.

"Oh, my God! Did she really understand you, William?" nang-uuyam na palatak ng babae, maarte ang boses nito at mukhang hindi naman foreigner.

So, si Sir William pala ang lalaking kanina pa nakatingin sa akin, at bawat kilos ko ay sinusundan nito ng tingin.

"Maybe, she's not an uneducated maid," sabat naman ng isang babae.

"Hey girls, don't make fun of her. She looks pretty though," wika ng isang lalaki na halatang foreigner.

Bumuntonghininga ako at naikuyom ang kamao, nagpipigil na hindi patulan ang mga ito.

"Her dress looks shabby and tattered," natatawang saad ng babaeng katabi ni William sabay inom ng wine. The woman eyeing me terribly.

Napatingin ako sa sarili, sinuri ko ang suot. Luma na ang suot kong bestida pero hindi naman ito punit-punit o sira.

"OMG! She really understand you guys!" wika pa ng isang babae sa maarteng boses saka tumawa.

"Hmm... Interesting," usal ni William habang malalagkit ang tingin sa akin.

"Excuse me, I understand all of you very well. As a matter of fact, I am a college student in Biliran University, I studied Fine Arts." Puno ng pagmamalaki ang boses ko. Sinasalubong ko rin ang bawat tingin ng mga ito.

Hindi ako nagsikap makapagtapos ng kolehiyo para lang laitin ng mga ito ang pagkatao ko. That's why I hate rich people, masyadong mga mata-pobre.

"Wow! Fine Arts? Hindi ba pangmayaman ang kurso na 'yon? Masyado ka namang ambisyosa!" saad ng babaeng katabi ni William.

Halata sa boses nito ang pang-uuyam at ang mga mata nito ay puno ng pandidiri. Tumayo ito at bitbit ang wine glass na lumapit sa akin.

Hinarap ako nito saka ngumisi. "And you speak English very well." Tumaas ang isang kilay nito. "Pero hampaslupa ka pa rin sa paningin namin kahit gaano pa kataba 'yang utak mo!"

Napaawang na lang ang bibig ko habang nakatitig sa babaeng kaharap.

Nakakamangha ang galit na nakikita ko sa mga mata nito. Pero parang hindi lang galit ang nakikita ko, kung hindi ay selos...

Why?

Napaatras ako. Bigla akong natakot sa maaari nitong gawin sa akin. Alam kong kapag nagseselos ang isang tao ay mahirap itong awatin o pakalmahin.

Napasinghap ako nang mapagtanto na ibubuhos nito ang wine sa ulo ko. Pero bago pa nito nagawa ay napigilan na ito ni William.

Mahigpit na hinawakan ni William ang kamay ng babae. "You're drunk, Meliz," awat nito sa babae saka kinuha ang hawak na wine glass.

Padabog na bumalik si Meliz sa kinauupuan. Samantalang si William ay nakangiting hinarap ako.

"Hi, I'm William Davis. Pasensya ka na sa mga friends ko medyo lasing na."

Parang saglit akong nahumaling sa kagwapuhan nito ngayong magkaharap kami ng malapitan. Bukod sa gwapo ay ang amo rin ng mukha nito. Matangkad ito at maputi.

"O-okay lang po ako, Sir William."

"Ano ang pangalan mo? Alam kong hindi ka maid dito."

"Ako po si Diana, at hindi nga po ako maid. Napag-utusan lang ako."

"Ganoon ba. Pasensya ka na Diana, hayaan mo, pagsasabihan ko sila."

Sumilay ulit ang matamis nitong ngiti na alam kong kahuhumalingan ng mga babae.

"A-alis na po ako, Sir William. Excuse me po."

Kaagad akong tumalikod at nagmadaling humakbang palayo sa Gazebo pero hindi nakaligtas sa pandinig ko ang pagtatalak ni Meliz.

"Fuck you, William! Did you like that garbage girl?!"

"Shut up, Meliz!"

"I'm your girlfriend, but you're staring at her like she's the woman of your dreams! Fuck!"

Napapitlag ako sa narinig at mas lalo pang binilisan ang hakbang ko para kaagad akong makaalis sa lugar na 'yon. Ngayon alam ko na kung bakit nagseselos ito.

Buti na lang hindi katulad si Darius kay Sir William na kahit may girlfriend na ay naghahanap pa rin ng iba.

Napailing ako. No. Mukhang hindi naman ganoong lalaki si Sir William, sa katunayan ang bait ng pakikitungo nito sa akin kanina.

Baka lang masyadong selosa ang girlfriend ni Sir William kaya lahat binibigyan ng malisya. May pakiramdam ako na mabait talaga si Sir William.

***

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status