“Magpasukat ka na ng salamin, Shobe, habang nar'yan pa kayo sa mall. H’wag mong pagtiyagaan ‘yang salamin mong puro gasgas. Matagal na sa ‘yong sinasabi ni Orlie na magpalit ka na ng salamin, so this is your chance. Kung hindi lang ako busy ngayon, ako ang magsasama sa ‘yo sa optometrist eh,” tuluy-tuloy na saad ni Atsi. Iyon lang at nagpaalam na sya dahil nasa opisina pa raw sya. Naniningkit ang mga mata ko sa kanya habang kinakausap ko si Atsi, ngiting-ngiti sya. Paano’y nakahanap sya ng kakampi sa katauhan ni Atsi. Kung hindi lang ako nahihiya kay Atsi at baka sabihin nyang sobrang proud ako sa sarili ko ay hindi ako papayag. “See? Tara na, sa optical shop na tayo pupunta after this.” +++++ May grado na rin pala ang mga mata ko, kaya pala medyo malabo na rin ang paningin ko sa dati kong salamin. Hindi ako nagkaroon ng karapatang pumili ng frame na gusto ko, sya na ang pumili nito para sa akin. At dalawang klase pa na magkaiba ang itsura. Pinalagyan na rin nya ng mga ‘add-on
[Knives’ POV] Pagkatapos kong mailapag ang gamit nya sa gilid ng pintuan ng kwarto nya, which is locked as always, for Christ’s sake, ay bumaba ako sa comedor para kumuha ng brandy. Hindi ko mapigil ang sarili kong hindi mainis. “Shoti! Look at these flowers, pink roses! Grabe, ang gaganda! This symbolizes love in Chinese, 'di ba? Ang sweet ng manliligaw ni Shobe,” looking very thrilled while trimming the ends of its stems. “And so gwapo! Bagay sila ni Shobe.” “Chinese ba ‘yung lalake?” “No, I think Japanese. Half. Seiji Mendoza ang pangalan eh. Nakakwentuhan ko na kanina, and take note, he’s a gentleman. Mata-type-an sya ni Tita Marisa. Did you see his car outside? Lexus. I think mayaman," she seems convinced. I scoffed. I can buy more expensive than that in a heartbeat. “Baka yakuza ‘yan. Sindikato. Drug lord.” “Grabe ka naman,” silip nya sa living room, inirapan pa ako. “Baka marinig ka.” “Well, everyone is entitled to his own opinion." Nangiwi sya. “Pareho kayo
Tulak-tulak nya pa rin ako hanggang makarating kami sa kitchen kung nasaan ang double-door ref. Tumayo lang ako sa tabi nya habang nakatuwad sya at dumadampot ng prutas sa loob ng ref. “I saw the framed sketch he gave you, maganda. Hindi mo natatanong, magaling din akong mag-drawing. Gusto mo i-drawing din kita?” medyo sarcastic ang tono ng boses ko. “Gagawan kita ng fruits mo, tapos gagawan ko rin si Sir Seiji. Kasi nakakahiya naman sa kanya, tinutulungan na nga nya ako eh. Ano ba’ng gusto mo, Ahya? ‘Yung may cheese pa?” pag-iiba nya, kunwang abala sya sa pagre-raid ng loob ng ref at hindi nya narinig ang sinabi ko at hindi rin nya napapansin ang itsura kong yamot na yamot sa bisita nya. “‘Sir’,” I quoted her. I leaned my lower backside on the kitchen counter and chuckled sarcastically. “Yeah, right.” She suddenly turned her gaze at me, drawing in closer and abruptly pinning me onto the cold marblestone of the countertop. I cleared my throat kasi naging seryoso bigla ang expr
[Kataleia’s POV] “Okay lang ba ang kuya mo?” tanong sa akin ni Sir Seiji habang nakatingin Kay Ahya Knives na tila hindi maihing pusa sa kakaparoo’t parito nya, pasipat-sipat sya sa amin dala-dala ang baso na may alak. Medyo mapula na rin ang mukha nya sa kakatagay nya. Hindi ko sya gaanong pinapansin; tinatapunan ko lang sya ng tingin, para hindi nya maisip lumapit at guluhin kami sa ginagawa namin. “Opo, okay lang ‘yan. Ganyan talaga sya,” nakangiting bulong ko kay Master Seiji habang nakasalampak ako sa sahig at pinipilit buuin ang excel sheet na ginawa ko sa Macbook ko at sya naman nilalagyan ng rating ang mga portfolio ng mga estudyante ko. Napakalaking tulong nya sa akin, kahit papaano hindi ako mara-rush sa pagko-compute ng grades. Narinig ko ang pag-ingit nya nang nag-unat sya ng likod. Natapos na nya agad ang ginagawa nya. “Ambilis mo, sir!” puri ko sa kanya na medyo may pagka-eksahirado. “Hindi naman, binilisan ko na talaga. Hindi ko alam ganyan pa pala karami ang
Uulitin ko sana ang tanong ko nang tumawa sya pagkatapos nyang magpasinghot-singhot. “How old are you, Shobe?” “26, Atsi.” “Then bakit nagpapaalam ka pa?!” natawa sya sa akin, inakbayan nya ako. “Of course, yes you can! Hindi ka na menor de edad, you don’t need to ask. Mr. Mendoza seems like a good guy, there’s nothing wrong with dating him or anyone else. Go ahead and change,” pabirong tinulak pa nya ako pagawi sa kwarto ko. Nagpalit lang ako ng simpleng t-shirt at maong, at nag-apply ng konting lipstick at konting pulbos. Hindi na ako gumayak nang bongga at baka isipin ni Ahya umaawra ako. Pagbibigyan ko lang naman ang may birthday sa hiling nya, at wala akong nakikitang masama roon dahil magkatrabaho lang naman kami at magkaibigan na rin. Tinanggal ko ang pagkakatirintas ng buhok ko at nag-ponytail. Minasdan ko ang buhok ko sa likod na nangulot sa pagkakatirintas, ang ganda! Napahagikhik ako. “Where are you going?!” kunut-noong tanong sa akin ni Ahya habang pinagmamasdan a
“Don’t worry, right after natin kumain iuuwi na kita agad. Sorry, mukhang wrong timing yata ang aya ko sa ‘yo. Mainit ang ulo ng kuya mo,” wika ni Master Seiji nang mapansin ang pananahimik ko habang kumakain kami sa magandang restobar na pinuntahan namin. Masarap ang pagkain na in-order nya para sa akin pero hindi ko ito ma-enjoy dahil sa pag-aalala ko kay Ahya Knives. “Okay lang po, nakainom din kasi," pagdadahilan ko. “Medyo skeptical sya sa ‘kin.” “Gano’n talaga sya eh, sa sarili lang sya may tiwala. Hayaan ninyo ‘yon,” ngiti ko sa kanya. Binago ko ang expression ng mukha ko, ayokong ma-disappoint sya ngayong birthday nya. Inilinga ko ang paningin ko sa paligid ng restobar. Dito namin napiling maupo sa may open area ng second floor nito na katabi ng pasimano na overlooking ang magagandang ilaw ng mga kabahayan sa malayo. Nalingon ko ang platform sa likuran ko na may mga instruments, pero walang live band. “Weekday nga pala ngayon, ‘no? Masaya siguro rito kapag weekend
Agad itong pinulot ni Master Seiji, “Nabasag. Palitan natin 'to bukas. Sa’n ba may malapit na optometrist?” “H’wag na po. Uuwi na po ako,” dagli akong tumayo at tinungo ang palabas ng restobar. Huminto ako syempre sa may parking area nang makalabas ako. Ihahatid nya ako eh, wala naman akong pera para mamasahe. “Sorry. I’m really sorry,” habol nya sa akin. Binuksan nya ang passenger’s seat para sa akin at agad akong sumakay. Napapapikit ako habang wala sa loob na nakatingin sa dinaraanan namin, kahit hindi naman nakita ni Ahya ang pangyayari sa restobar ay feeeling lagot akong lalo sa kanya. Kinakabahan talaga ako. “Sorry talaga, Kat… I’m really…” wala ring katapusan ang paghingi sa akin ng dispensa ni Master Seiji. “Hindi ko na-kontrol. Dapat hindi gano'n, shit!” anas nya, nahimigan ko ang pagkainis nya sa sarili kaya kinalmahan ko na lang. “Hindi po, okay lang. Pasensya na rin, nagulat lang ako.” Sa labas na lang ako ng gate nagpababa kay Master Seiji para makauwi na sya agad.
Humagulgol ako pagpasok ko sa kwarto ko. Ang dami kong gasgas sa mga siko, masakit ang ulo, balakang at likod ko. At nabasag pa ang screen ng cellphone ko. Pünyeta talaga! Akala ko sinuwerte na ‘ko ngayong araw na ‘to humabol pa talaga ang kamalasan. Dali-dali kong hinugasan ang mga siko ko habang kagat-kagat ang aking ibabang labi. Kasalukuyan kong ginagamot ang namamanhid ko nang mga siko sa hapdi nang kumatok sya sa aking kwarto. Tumatawag rin sya sa bago nyang biling iPhone. “Shobe? Shobe, please…” Umirap ako. Mangalyo na lang sya sa kakakatok at kaka-redial nya ng numero ko pero hinding-hindi ko talaga sya sasagutin. Siraulo! Nahiga ako sa kama ko at nagtakip ng unan sa aking ulo. Matagal-tagal din syang nasa pintuan ko lang tapos biglang tumahimik. Maya-maya ay narinig ko na si Atsi Olivia. Sya naman ang kumakatok sa pintuan ko. “Shobe? Shobe?” sabay katok nya sa pinto ko. Napikit ako, nagsumbong na naman sya kay Atsi para mapilit nya akong pagbuksan sya ng pinto. Hind
Nagpasinghap-singhap sya at tinuwid ang tayo nya, winawaksi nya ang mga yakap ko sa kanya. “‘Yan ang solusyon mo? Ganyan ang naiisip mong gawin? Maglayas? Magtanan?! Dyusko, Knives, laging sarili mo lang ang iniisip mo! Naisip mo ba ako d’yan sa mga plano mong ‘yan?! May buhay ako rito, may magulang ako, may mga kaibigan, may trabaho. Gusto mo talikuran ko rin lahat ng ‘yun para lang sa ‘yo?!” “Yes! Because I know you love me! Don't deny it, Kataleia. Mahal mo ‘ko, ramdam na ramdam ko ‘yun. Nagmamahalan tayong dalawa… Kung ayaw mong umalis, sige, hindi tayo aalis. Idi-divorce ko si Divine, magpapakilala tayo sa mama mo; I know she’ll understand. I’m sure about that. Please, I can’t lose you.” Tumayo ako at hinapit ko sya ng yakap nang may luha sa mga mata ko. I tried to kiss her, but just as I expected pumipiglas sya sa akin. “Ano ba, Knives! Hindi ka makikipag-divorce kay Divine! Hindi! Hindi mangyayari ‘yun, not in your wildest dreams!” “I’ll give her the company, she’ll take
“Yes po, Ahya?” “I want to give you this,” I pulled out the blue leather Tiffany box in my pocket and showed her what’s inside. "Happy, happy birthday, Shobe." “Wow! Ang ganda naman!” she exclaimed in delight as I hand her the necklace. Tuwang-tuwa sya habang inuusisa ito sa kanyang palad. Hinding-hindi talaga ako nagsisising ito ang pinili kong iregalo kahit halos kasinghalaga nito ang oto ko dahil sa pagniningning palang ng mga mata nya nasulit na ang binayad ko. “You wanna…?” muestra ko na isusuot ko sa kanya ang kwintas kung gusto nya. Kinikilig na tumalikod naman sya agad sa akin at ipinaling lahat ng buhok nya sa isa nyang balikat. “Pero, Ahya, baka magalit ka kapag hinubad ko ‘to mamaya ha, kasi baka mawala eh. Magsu-swimming kasi ako. Hindi ako marunong mag-swim-swim na kagaya ng ginagawa mo, pero magsu-swimming ako,” sabay bunghalit nya ng tawa. Natawa ako sa sinabi nya. Napaka-bubbly talaga ni Kataleia, that’s only one of the many things I love about her. “Of c
[Knives’ POV] “What are you doing?” I ask Divine when I see her moving my things onto my Tourister. “Packing up,” she softly answers. “Ako na’ng gagawa n’yan. May tinatapos lang ako, pero gagawin ko ‘yan,” I retorted, gazing not at her but at my MacBook. I really don’t like anyone touching my stuff—not even her. Our flight’s a few days away. Divine already bought the tickets; kailangan ko nang makauwi at harapin ang aberyang nangyayari sa isang site namin sa downtown Manhattan. My secretary went MIA a few days back—for no reason whatsoever. Investors keep bugging me about the construction delay, so I need to be there as soon as I can. ‘As soon as I can,’ I tell myself. But honestly, I couldn’t. My mind keeps telling me I should leave; kaya na ni Yee itayo ang mall kahit wala ako. Nasa kanya na lahat ng plano at resources para matapos ang project; in-assure na rin naman nya ako na he’ll keep in touch. But my heart keeps telling me otherwise, because it feels really empty
“Hindi po, nasobrahan lang ako sa tulog. Masakit kasi ang ulo ko kagabi,” sagot ko na napapakamot sa gilid ng aking sintido. Naagaw ang pansin nya ng mga kalat sa kwarto ko. “Ang gulo ng kwarto mo, Kataleia! Tingnan mo, inaagiw ka na!” turo nya sa mga nagkalat na damit at sa mga burol ng papel na nakalatag sa lapag. OA rin talaga si Mama; makalat lang naman kasi hindi pa ako nakakapaglinis, pero wala namang agiw. “‘Eto ang mga pasalubong ko sa ‘yo, magaganda ‘yan, imported. Sana kasya sa ‘yo.” “Naku, salamat po, ‘Ma!” Nagpasalamat ako kahit bahagya akong napapangiwi sa nakita ko nang iangat ko ang mga napamili nyang gamit at sapatos para sa akin. Wala talagang ka-taste-taste si Mama sa pagpili ng mga damit. Akala nya siguro kasing-edad ko na sya kaya parang puro pangmatanda ang kulay at style ng mga napili nya. “Akala ko anak nagalit ka sa ‘kin kasi pinauwi ko si Seiji kagabi, sorry ha. Nahiya kasi ako kay Knives eh, baka hindi nya gustong may natutulog na ibang tao rito, la
“Atsi! Bakit gising ka pa? Hindi na ako nakapagpaalam kasi sumakit bigla ang ulo ko.” At iyon na ang magiging opisyal na dahilan ko kung sakaling may magtatanong sa akin kung bakit ako biglang nawala sa inuman kagabi. “Hindi ako makatulog, sabi ni Bestie darating daw sya ng madaling araw eh. Hihintayin ko na lang,” kahit madilim ang kwarto ko ay kitang-kita ko ang mapuputi nyang ngipin sa kanyang pagngiti pati na ang nangingitim na paligid ng kanyang mga mata sa pagkakalat ng eyeliner nyang hindi pa nya natanggal. “Nakita kitang lumabas ng kwarto kaya naisip ko lang na silipin ka. Kaso, matagal kang bumalik.” “Nagkwentuhan pa kasi kami ni Nanay Myrna,” sagot ko naman habang pinupungas-pungas ang mabibigat kong mga mata. Inilapag ko ang dala kong pitsel at baso sa side drawer ng kama at naupo patalikod sa kanya, sinuot ko ang salamin ko at nagkunwaring may kinakalikot ako roon para hindi nya mapansin na nag-iiyak ako mula pa kagabi. “I’m pregnant, Shobe,” mahinang sambit nya.
Hatinggabi na nang bumangon ako sa kama ko. Kinurap-kurap ko ang namamaga at pagod na mga mata at tinungo ang banyo para maghilamos at magpalit ng damit. Binuksan ko ang pinto ko. Tahimik na ang buong mansyon. Wala na ang malakas na tugtog ni Atsi Olivia sa living room. Tapos na ang welcome home party nina Tito Miguel. Minasdan ko ang siwang sa ibaba ng nakapinid na pinto ng kwarto ni Knives, ngayong gabi lang madilim ang kwarto nya sa lahat ng mga gabi na naaaninag ang liwanag mula sa desk lamp nyang iniiwan lang nyang bukas magdamag. Nanariwang muli sa akin ng hapdi ng pagtatalo namin kanina at ang ginawa kong pakikipaghiwalay, nabasa na na naman ng luha ang paligid ng mga mata kong saglit lang na napreskuhan nang basain ko ang aking mukha. Bumaba ako sa hagdan, kanina pa tuyot na tuyot ang lalamunan ko kaya kukuha ako ng maiinom. Napaatras ako nang madatnan ko si Nanay Myrna sa comedor na nakaupo at nagkakape. Ngumiti ako pero iniwas ko ang aking tingin at dumiretso sa kusina.
Atubiling sumunod sila sa utos ni Knives. Nadama nila siguro ang tensyong namumuo sa amin kahit na ngiting-ngiti ako. Binilin ni Nanay Myrna ang karneng malapit nang maluto at lumakad palayo nang pasimpleng nagbubulungan. “Hindi ka na nahihiya talaga, ano?!” marahas ko syang tinulak nang tuluyan nang makapasok sina Pearl sa likurang pintuan kung saan kami nanggaling. Tumalikod ako sa kanya at akma na ring babalik sa loob pero pinigilan nya ako, pagalit na hinatak nya ako sa isang braso. “Don’t walk away from me! Mag-uusap tayo ngayon!” “Ano ba, Knives!” inis na pumiksi ako nang may ilang metro sa kanya. “Lasing ka, baka may makakita sa ‘tin, and’yan lang ang mama ko sa loob. Sa susunod na lang tayo mag-usap,” tumalikod ako ulit sa kanya sabay lakad ko nang mabilis palayo. “Mag-uusap lang naman tayo ah! Why do you always wanna get away from arguments, Kataleia, huh?! You’re not walking away from me again. We’ll talk. Now!” hinatak nya akong muli sa braso sabay yakap nya sa
Natigilan si Mama saglit, nangusap ang mga mata nyang tiningnan ako. Nagtataka sya siguro o nahiya sya bigla. Nang makahuma sya ay wari naman syang nabalisa na paalisin na agad si Seiji. “Ahh… Gawin mo na ‘yung fruits ni Ahya mo, ‘nak, ako na lang ang maghahatid kay Seiji sa labas. Naku! Gabing-gabi na pala, ano? Hindi ko na napansin ang oras! Si Miguel kasi parang ano, ang daldal! Dyusme, gusto ko na nga rin magpahinga eh. ‘Kamo may novena sa school n’yo bukas? Pwede ba ang outsider do’n? Kung pwede ang outsider, makikipag-novena ako. Para mapasyalan ko na rin ang pinagtuturuan ni Kataleia. Tara na, ihahatid na kita,” tuluy-tuloy na salita ni Mama. Nadidismayang tiningnan na lang ni Seiji ang hawak nyang baso na may laman pa sabay tungga. “Mag-magte-text ako kapag nakauwi na ‘ko,” Iyon na lang ang nasabi ni Seiji sa akin kasi hawak na ni Mama ang braso nya at iginigiya na sya palabas ng kusina at iniwan kami ni Knives. “Wow! Ang ganda ng suot mo. Bagay na bagay sa ‘yo. Sino’ng
“Thank you for driving her home safe, Seiji. Pero sana nagpaalam kayo para hindi ako naghanap kay Kataleia, but anyways, thank you,” saad nya saka ipinagpatuloy ang pagkain. Nabalutan ako ng tensyon sa pasaring nyang iyon. Siguradong makakarinig na naman ako ng dramatic na litanya ni Knives once na makapag-solo kami. Inip na inip na ako sa paghuhuntahan nila sa dining table pero mukhang wala pang balak tapusin ni Tito Miguel ang gabing ito, ganyak na ganyak pa rin sya sa pagkukwento nya roon. Nakipag-shot pa sya ng isang whiskey sa mga lalake, kami namang mga babae, wine ang tinitira. Wala rin ni isa ang tumayo sa lamesa, nagpatuloy lang ang paghahain nina Nanay Myrna ng pika-pika at kung anu-ano pang pinapaluto ni Tito Miguel sa kanya. Parang hindi napagod si Tito Miguel sa biyahe nila. Samantalang ako, parang sinisilihan ang pwet ko sa pagkakaupo sa harap ng hapag. Nag-excuse na nga ako na pupunta na sa kwarto ko pero pinigilan ako ni Mama kasi mayroon pang bisita. +++++ “Kuku