Tulak-tulak nya pa rin ako hanggang makarating kami sa kitchen kung nasaan ang double-door ref. Tumayo lang ako sa tabi nya habang nakatuwad sya at dumadampot ng prutas sa loob ng ref. “I saw the framed sketch he gave you, maganda. Hindi mo natatanong, magaling din akong mag-drawing. Gusto mo i-drawing din kita?” medyo sarcastic ang tono ng boses ko. “Gagawan kita ng fruits mo, tapos gagawan ko rin si Sir Seiji. Kasi nakakahiya naman sa kanya, tinutulungan na nga nya ako eh. Ano ba’ng gusto mo, Ahya? ‘Yung may cheese pa?” pag-iiba nya, kunwang abala sya sa pagre-raid ng loob ng ref at hindi nya narinig ang sinabi ko at hindi rin nya napapansin ang itsura kong yamot na yamot sa bisita nya. “‘Sir’,” I quoted her. I leaned my lower backside on the kitchen counter and chuckled sarcastically. “Yeah, right.” She suddenly turned her gaze at me, drawing in closer and abruptly pinning me onto the cold marblestone of the countertop. I cleared my throat kasi naging seryoso bigla ang expr
[Kataleia’s POV] “Okay lang ba ang kuya mo?” tanong sa akin ni Sir Seiji habang nakatingin Kay Ahya Knives na tila hindi maihing pusa sa kakaparoo’t parito nya, pasipat-sipat sya sa amin dala-dala ang baso na may alak. Medyo mapula na rin ang mukha nya sa kakatagay nya. Hindi ko sya gaanong pinapansin; tinatapunan ko lang sya ng tingin, para hindi nya maisip lumapit at guluhin kami sa ginagawa namin. “Opo, okay lang ‘yan. Ganyan talaga sya,” nakangiting bulong ko kay Master Seiji habang nakasalampak ako sa sahig at pinipilit buuin ang excel sheet na ginawa ko sa Macbook ko at sya naman nilalagyan ng rating ang mga portfolio ng mga estudyante ko. Napakalaking tulong nya sa akin, kahit papaano hindi ako mara-rush sa pagko-compute ng grades. Narinig ko ang pag-ingit nya nang nag-unat sya ng likod. Natapos na nya agad ang ginagawa nya. “Ambilis mo, sir!” puri ko sa kanya na medyo may pagka-eksahirado. “Hindi naman, binilisan ko na talaga. Hindi ko alam ganyan pa pala karami ang
Uulitin ko sana ang tanong ko nang tumawa sya pagkatapos nyang magpasinghot-singhot. “How old are you, Shobe?” “26, Atsi.” “Then bakit nagpapaalam ka pa?!” natawa sya sa akin, inakbayan nya ako. “Of course, yes you can! Hindi ka na menor de edad, you don’t need to ask. Mr. Mendoza seems like a good guy, there’s nothing wrong with dating him or anyone else. Go ahead and change,” pabirong tinulak pa nya ako pagawi sa kwarto ko. Nagpalit lang ako ng simpleng t-shirt at maong, at nag-apply ng konting lipstick at konting pulbos. Hindi na ako gumayak nang bongga at baka isipin ni Ahya umaawra ako. Pagbibigyan ko lang naman ang may birthday sa hiling nya, at wala akong nakikitang masama roon dahil magkatrabaho lang naman kami at magkaibigan na rin. Tinanggal ko ang pagkakatirintas ng buhok ko at nag-ponytail. Minasdan ko ang buhok ko sa likod na nangulot sa pagkakatirintas, ang ganda! Napahagikhik ako. “Where are you going?!” kunut-noong tanong sa akin ni Ahya habang pinagmamasdan a
“Don’t worry, right after natin kumain iuuwi na kita agad. Sorry, mukhang wrong timing yata ang aya ko sa ‘yo. Mainit ang ulo ng kuya mo,” wika ni Master Seiji nang mapansin ang pananahimik ko habang kumakain kami sa magandang restobar na pinuntahan namin. Masarap ang pagkain na in-order nya para sa akin pero hindi ko ito ma-enjoy dahil sa pag-aalala ko kay Ahya Knives. “Okay lang po, nakainom din kasi," pagdadahilan ko. “Medyo skeptical sya sa ‘kin.” “Gano’n talaga sya eh, sa sarili lang sya may tiwala. Hayaan ninyo ‘yon,” ngiti ko sa kanya. Binago ko ang expression ng mukha ko, ayokong ma-disappoint sya ngayong birthday nya. Inilinga ko ang paningin ko sa paligid ng restobar. Dito namin napiling maupo sa may open area ng second floor nito na katabi ng pasimano na overlooking ang magagandang ilaw ng mga kabahayan sa malayo. Nalingon ko ang platform sa likuran ko na may mga instruments, pero walang live band. “Weekday nga pala ngayon, ‘no? Masaya siguro rito kapag weekend
Agad itong pinulot ni Master Seiji, “Nabasag. Palitan natin 'to bukas. Sa’n ba may malapit na optometrist?” “H’wag na po. Uuwi na po ako,” dagli akong tumayo at tinungo ang palabas ng restobar. Huminto ako syempre sa may parking area nang makalabas ako. Ihahatid nya ako eh, wala naman akong pera para mamasahe. “Sorry. I’m really sorry,” habol nya sa akin. Binuksan nya ang passenger’s seat para sa akin at agad akong sumakay. Napapapikit ako habang wala sa loob na nakatingin sa dinaraanan namin, kahit hindi naman nakita ni Ahya ang pangyayari sa restobar ay feeeling lagot akong lalo sa kanya. Kinakabahan talaga ako. “Sorry talaga, Kat… I’m really…” wala ring katapusan ang paghingi sa akin ng dispensa ni Master Seiji. “Hindi ko na-kontrol. Dapat hindi gano'n, shit!” anas nya, nahimigan ko ang pagkainis nya sa sarili kaya kinalmahan ko na lang. “Hindi po, okay lang. Pasensya na rin, nagulat lang ako.” Sa labas na lang ako ng gate nagpababa kay Master Seiji para makauwi na sya agad.
Humagulgol ako pagpasok ko sa kwarto ko. Ang dami kong gasgas sa mga siko, masakit ang ulo, balakang at likod ko. At nabasag pa ang screen ng cellphone ko. Pünyeta talaga! Akala ko sinuwerte na ‘ko ngayong araw na ‘to humabol pa talaga ang kamalasan. Dali-dali kong hinugasan ang mga siko ko habang kagat-kagat ang aking ibabang labi. Kasalukuyan kong ginagamot ang namamanhid ko nang mga siko sa hapdi nang kumatok sya sa aking kwarto. Tumatawag rin sya sa bago nyang biling iPhone. “Shobe? Shobe, please…” Umirap ako. Mangalyo na lang sya sa kakakatok at kaka-redial nya ng numero ko pero hinding-hindi ko talaga sya sasagutin. Siraulo! Nahiga ako sa kama ko at nagtakip ng unan sa aking ulo. Matagal-tagal din syang nasa pintuan ko lang tapos biglang tumahimik. Maya-maya ay narinig ko na si Atsi Olivia. Sya naman ang kumakatok sa pintuan ko. “Shobe? Shobe?” sabay katok nya sa pinto ko. Napikit ako, nagsumbong na naman sya kay Atsi para mapilit nya akong pagbuksan sya ng pinto. Hind
[Knives’ POV] “I thought you were sick. Why do you look like you’re wasted?!” “I’m not drunk; I just had a few sips. Alam mo namang hindi ako malakas uminom, ‘di ba?” hindi ako tumitingin kay Divine sa screen ng phone ko. Ayoko ring makita ang nakikita nyang itsura ko ngayon. “Yeah, and I thought you were sick! You’re supposed not to drink at all!” She seems distraught. Napahid ko nang mariin ang nguso ko at sumandal sa lamesa. She keeps on yapping and yapping like she’s totally concerned about me. I chose not to listen to her. My mind is flying elsewhere. Nababaliktad ni Kataleia ang mundo ko. Sinampal nya ako kanina. Sobrang gulat ko no’n. Agad na natanggal ang ispiritu ng alak sa akin. I deserve it anyway, kahit pa inis na inis ako sa kanya ay bawing-bawi naman iyon sa nagawa ko. Guilty talaga ako sa nangyari. We stumbled onto the pavement; may mga bruises ako sa braso. I know for sure mayroon din sya---at mas malala pa. I saw Atsi Olivia knock on her door, pero natigi
Kanina ka pa ba d’yan?!” pabulong na tanong nya sa akin. Aninag ko sa mahinang ilaw ng accent lights ang pagkamangha nya nang madatnan ako sa aking miserableng pagkakasalampak sa sahig sa tapat ng kwarto nya. “Are you hurt? Saan? Sa’n ang masakit sa ‘yo?” I got up and inspected her right away. “I’m gonna take you to the hospital.” “Okay lang ako, Ahya.” Niyayakap ko sya pero winawaksi nya ang mga kamay ko. Ramdam na ramdam ko ang galit nya sa akin. “Tara, at least let me attend to your bruises. Shit, I’m really sorry,” “Okay nga lang eh, nagamot ko na ‘yan. Okay na. Okay na ‘ko,” naiiritang pakli nya sa pangungulit ko. “You’re not answering my calls. Please don’t do that to me.” I said like I was uttering a prayer. “Baka kasi tulog na ‘ko. Nagising lang ako kasi nagugutom ako. Tara, kumain tayo.” Para akong asong nababahag ang buntot na sumunod sa kanya papunta sa comedor. Although somehow naibsan ang pag-aalala ko nang makita ko sya at kausapin nya ako. “Nagugutom