[Knives’ POV] Pagkatapos kong mailapag ang gamit nya sa gilid ng pintuan ng kwarto nya, which is locked as always, for Christ’s sake, ay bumaba ako sa comedor para kumuha ng brandy. Hindi ko mapigil ang sarili kong hindi mainis. “Shoti! Look at these flowers, pink roses! Grabe, ang gaganda! This symbolizes love in Chinese, 'di ba? Ang sweet ng manliligaw ni Shobe,” looking very thrilled while trimming the ends of its stems. “And so gwapo! Bagay sila ni Shobe.” “Chinese ba ‘yung lalake?” “No, I think Japanese. Half. Seiji Mendoza ang pangalan eh. Nakakwentuhan ko na kanina, and take note, he’s a gentleman. Mata-type-an sya ni Tita Marisa. Did you see his car outside? Lexus. I think mayaman," she seems convinced. I scoffed. I can buy more expensive than that in a heartbeat. “Baka yakuza ‘yan. Sindikato. Drug lord.” “Grabe ka naman,” silip nya sa living room, inirapan pa ako. “Baka marinig ka.” “Well, everyone is entitled to his own opinion." Nangiwi sya. “Pareho kayo
Tulak-tulak nya pa rin ako hanggang makarating kami sa kitchen kung nasaan ang double-door ref. Tumayo lang ako sa tabi nya habang nakatuwad sya at dumadampot ng prutas sa loob ng ref. “I saw the framed sketch he gave you, maganda. Hindi mo natatanong, magaling din akong mag-drawing. Gusto mo i-drawing din kita?” medyo sarcastic ang tono ng boses ko. “Gagawan kita ng fruits mo, tapos gagawan ko rin si Sir Seiji. Kasi nakakahiya naman sa kanya, tinutulungan na nga nya ako eh. Ano ba’ng gusto mo, Ahya? ‘Yung may cheese pa?” pag-iiba nya, kunwang abala sya sa pagre-raid ng loob ng ref at hindi nya narinig ang sinabi ko at hindi rin nya napapansin ang itsura kong yamot na yamot sa bisita nya. “‘Sir’,” I quoted her. I leaned my lower backside on the kitchen counter and chuckled sarcastically. “Yeah, right.” She suddenly turned her gaze at me, drawing in closer and abruptly pinning me onto the cold marblestone of the countertop. I cleared my throat kasi naging seryoso bigla ang expr
[Kataleia’s POV] “Okay lang ba ang kuya mo?” tanong sa akin ni Sir Seiji habang nakatingin Kay Ahya Knives na tila hindi maihing pusa sa kakaparoo’t parito nya, pasipat-sipat sya sa amin dala-dala ang baso na may alak. Medyo mapula na rin ang mukha nya sa kakatagay nya. Hindi ko sya gaanong pinapansin; tinatapunan ko lang sya ng tingin, para hindi nya maisip lumapit at guluhin kami sa ginagawa namin. “Opo, okay lang ‘yan. Ganyan talaga sya,” nakangiting bulong ko kay Master Seiji habang nakasalampak ako sa sahig at pinipilit buuin ang excel sheet na ginawa ko sa Macbook ko at sya naman nilalagyan ng rating ang mga portfolio ng mga estudyante ko. Napakalaking tulong nya sa akin, kahit papaano hindi ako mara-rush sa pagko-compute ng grades. Narinig ko ang pag-ingit nya nang nag-unat sya ng likod. Natapos na nya agad ang ginagawa nya. “Ambilis mo, sir!” puri ko sa kanya na medyo may pagka-eksahirado. “Hindi naman, binilisan ko na talaga. Hindi ko alam ganyan pa pala karami ang
Uulitin ko sana ang tanong ko nang tumawa sya pagkatapos nyang magpasinghot-singhot. “How old are you, Shobe?” “26, Atsi.” “Then bakit nagpapaalam ka pa?!” natawa sya sa akin, inakbayan nya ako. “Of course, yes you can! Hindi ka na menor de edad, you don’t need to ask. Mr. Mendoza seems like a good guy, there’s nothing wrong with dating him or anyone else. Go ahead and change,” pabirong tinulak pa nya ako pagawi sa kwarto ko. Nagpalit lang ako ng simpleng t-shirt at maong, at nag-apply ng konting lipstick at konting pulbos. Hindi na ako gumayak nang bongga at baka isipin ni Ahya umaawra ako. Pagbibigyan ko lang naman ang may birthday sa hiling nya, at wala akong nakikitang masama roon dahil magkatrabaho lang naman kami at magkaibigan na rin. Tinanggal ko ang pagkakatirintas ng buhok ko at nag-ponytail. Minasdan ko ang buhok ko sa likod na nangulot sa pagkakatirintas, ang ganda! Napahagikhik ako. “Where are you going?!” kunut-noong tanong sa akin ni Ahya habang pinagmamasdan a
“Don’t worry, right after natin kumain iuuwi na kita agad. Sorry, mukhang wrong timing yata ang aya ko sa ‘yo. Mainit ang ulo ng kuya mo,” wika ni Master Seiji nang mapansin ang pananahimik ko habang kumakain kami sa magandang restobar na pinuntahan namin. Masarap ang pagkain na in-order nya para sa akin pero hindi ko ito ma-enjoy dahil sa pag-aalala ko kay Ahya Knives. “Okay lang po, nakainom din kasi," pagdadahilan ko. “Medyo skeptical sya sa ‘kin.” “Gano’n talaga sya eh, sa sarili lang sya may tiwala. Hayaan ninyo ‘yon,” ngiti ko sa kanya. Binago ko ang expression ng mukha ko, ayokong ma-disappoint sya ngayong birthday nya. Inilinga ko ang paningin ko sa paligid ng restobar. Dito namin napiling maupo sa may open area ng second floor nito na katabi ng pasimano na overlooking ang magagandang ilaw ng mga kabahayan sa malayo. Nalingon ko ang platform sa likuran ko na may mga instruments, pero walang live band. “Weekday nga pala ngayon, ‘no? Masaya siguro rito kapag weekend
Agad itong pinulot ni Master Seiji, “Nabasag. Palitan natin 'to bukas. Sa’n ba may malapit na optometrist?” “H’wag na po. Uuwi na po ako,” dagli akong tumayo at tinungo ang palabas ng restobar. Huminto ako syempre sa may parking area nang makalabas ako. Ihahatid nya ako eh, wala naman akong pera para mamasahe. “Sorry. I’m really sorry,” habol nya sa akin. Binuksan nya ang passenger’s seat para sa akin at agad akong sumakay. Napapapikit ako habang wala sa loob na nakatingin sa dinaraanan namin, kahit hindi naman nakita ni Ahya ang pangyayari sa restobar ay feeeling lagot akong lalo sa kanya. Kinakabahan talaga ako. “Sorry talaga, Kat… I’m really…” wala ring katapusan ang paghingi sa akin ng dispensa ni Master Seiji. “Hindi ko na-kontrol. Dapat hindi gano'n, shit!” anas nya, nahimigan ko ang pagkainis nya sa sarili kaya kinalmahan ko na lang. “Hindi po, okay lang. Pasensya na rin, nagulat lang ako.” Sa labas na lang ako ng gate nagpababa kay Master Seiji para makauwi na sya agad.
Humagulgol ako pagpasok ko sa kwarto ko. Ang dami kong gasgas sa mga siko, masakit ang ulo, balakang at likod ko. At nabasag pa ang screen ng cellphone ko. Pünyeta talaga! Akala ko sinuwerte na ‘ko ngayong araw na ‘to humabol pa talaga ang kamalasan. Dali-dali kong hinugasan ang mga siko ko habang kagat-kagat ang aking ibabang labi. Kasalukuyan kong ginagamot ang namamanhid ko nang mga siko sa hapdi nang kumatok sya sa aking kwarto. Tumatawag rin sya sa bago nyang biling iPhone. “Shobe? Shobe, please…” Umirap ako. Mangalyo na lang sya sa kakakatok at kaka-redial nya ng numero ko pero hinding-hindi ko talaga sya sasagutin. Siraulo! Nahiga ako sa kama ko at nagtakip ng unan sa aking ulo. Matagal-tagal din syang nasa pintuan ko lang tapos biglang tumahimik. Maya-maya ay narinig ko na si Atsi Olivia. Sya naman ang kumakatok sa pintuan ko. “Shobe? Shobe?” sabay katok nya sa pinto ko. Napikit ako, nagsumbong na naman sya kay Atsi para mapilit nya akong pagbuksan sya ng pinto. Hind
[Knives’ POV] “I thought you were sick. Why do you look like you’re wasted?!” “I’m not drunk; I just had a few sips. Alam mo namang hindi ako malakas uminom, ‘di ba?” hindi ako tumitingin kay Divine sa screen ng phone ko. Ayoko ring makita ang nakikita nyang itsura ko ngayon. “Yeah, and I thought you were sick! You’re supposed not to drink at all!” She seems distraught. Napahid ko nang mariin ang nguso ko at sumandal sa lamesa. She keeps on yapping and yapping like she’s totally concerned about me. I chose not to listen to her. My mind is flying elsewhere. Nababaliktad ni Kataleia ang mundo ko. Sinampal nya ako kanina. Sobrang gulat ko no’n. Agad na natanggal ang ispiritu ng alak sa akin. I deserve it anyway, kahit pa inis na inis ako sa kanya ay bawing-bawi naman iyon sa nagawa ko. Guilty talaga ako sa nangyari. We stumbled onto the pavement; may mga bruises ako sa braso. I know for sure mayroon din sya---at mas malala pa. I saw Atsi Olivia knock on her door, pero natigi
Tumahimik ang paligid ng ilang segundo na tila napakatagal para sa akin, hanggang sa sinagot na rin nya ang tanong ni Kataleia. “Uhm, oo, nauntog. Nauntog ako. Hindi ko kasi nakita… Madilim dito,” napakahinang bulong ni Veronica na halos hindi bumuka ang mga namamaga nang labi. Para akong nabunutan nang malaking tinik sa lalamunan. “See? Nauntog. Nagulat na nga lang ako pag-akyat ko dito umiiyak na sya eh. Hay naku! Ipapalipat ko na nga 'yang pasong ‘yan, laging na lang may nadidisgrasya rito,” natatawa na naiiling ako. Daig ko pang nakapasa sa bar exams nang maibsan ang kaba ko. “Magpahinga ka na Veronica. Ipapasunod ko na lang sa kwarto mo ang first aid kit... ‘Lika na, love.” yakag ko sa kanya. “Gutom na ‘ko, baka hindi pa sila kumakain kakahintay sa ‘tin,” Hinawakan ko syang muli sa braso pero tinapik nya nang malakas ang aking braso. “Hindi pwede! Anong first aid kit?! Kelangan ‘tong matahi,” although may pagpa-panic, marahan nyang sinapo ng panyo ang tumulong dugo sa pisngi ni
“Hindi ba sinabi kong h’wag mong aalisin ang tingin mo sa kanya?!” gumaralgal ang boses ko sa lakas ng aking hiyaw. “Napakawala mong silbi!” “Pa-pasensya na, Boss. A-aalis na po ako nga-ngayon— hahanapin ko si Madame,” nagkakandautal sya sa takot sa nag-aapoy kong titig. Tumalikod sya sa akin at akmang lalayasan ako kaya hinablot ko ang maiksi nyang blonde na buhok, hinatak ko ‘yun at naglakad patungo sa bahay. Hanggang sa napahiga sya sa semento ay hindi ko binitawan ang buhok nya at nagpatuloy sa bilis ng paglalakad. Dumidilim ang utak ko sa nagpupuyos kong galit. Hindi ko na naririnig ang mga matitinis nyang tili sa sakit na dulot ng pagkakakaladkad ko sa kanya paakyat sa hagdan patungo sa ikatlong palapag. “Saan sya nagpunta??!” nanggagalaiting hiyaw ko pagbalibag ko sa maliit nyang katawan sa gilid ng sofa, nauntog pa sya sa matulis na gilid ng kwadradong paso ng halaman kaya dumugo ang malapit sa kanyang kilay . “Nasampal na kita kanina bago kayo umalis, ‘di ba? Hindi ka p
Ilegal ang mga laban sa aking flight club. Mga puganteng kriminal ang aking mga manlalaro—mga itinakwil ng batas at itinulak sa aking teritoryo. Walang anunsyo sa TV o radyo, walang media, walang permit. Isa lang ang batas dito: lumaban hanggang sa huling hininga. Ang gantimpala? Kalayaan para sa nag-iisang mabubuhay na higit pang mahalaga kesa sa pera. At tanging mga high-definition na kamerang nakakonekta sa bahay ni Yasou at ng ilan pang kasapi ng pamilya ang tahimik na nagmamasid sa bawat laban. Sa aming pamilya, death boxing is a sport— a tradition. A challenge of courage. The definition of honor. Isang tournament kung saan ang bawat igkas ay hindi lang pagsubok ng lakas, kundi pati na rin ng tapang at paninindigan. Dito, ang bawat manlalarong nasa loob ng ring ay hindi lumalaban para lang manalo, kundi para patunayan ang kanilang sarili at para sa kanilang kasarinlan. Sa ring na ito, hindi sapat ang bilis ng kamao o tigas ng katawan. Kailangan ng tibay ng loob, dahil ang bawa
[Seiji’s POV] “Aniki! Faito Kurabu o katte ni shimeru nante arienai! Koko de sore ga wakattara, watashitachi no pātonā ga dore dake okoru ka wakatteru no ka!? (Older brother! You can’t just close the fight club like that! Do you know how frustrated our family will get?!) “Kore wa watashi no bijinesu da. Shimeru ka dou ka wa watashi no jiyuu da. (This is my business. Whether I close it or not is my choice.)” mahinanong tugon ko sa kausap ko sa malaking monitor. Bumuntung-hininga ako at hinila ang aking buong bigat sa nakalaglag na lubid. I can feel my muscles flexing with each pull. “No, we cannot do that. The cards have already been laid out, and it is not possible to return their money so easily. That is not how things are done!” Gumusot pang lalo kulubot nyang mukha sa galit nya nang ibalita ko sa kanya na isasarado ko na ang club na matagal kong pinagyaman. Kanina pa nya ako sinisermunan. Paulit-ulit na ang pagpapaliwanag ko, mapa-English, Tagalog, o Nihongo, wala syang mai
Nang makahuma ako sa pagkagitla ay lumabas ako ng kotse. Lumakad pa ako ng may ilang metro para habulin ng tingin ang kumakaripas na motor. Napakabilis nyang nakalayo, gatuldok na lang sya sa aking paningin na nagpapasingit-singit sa trapik. Syet! Sya ba ‘yun??! Napakapit ako banda sa aking dibdib para pigilan ang pagwawala ng puso ko. Natutulala sa kawalang nakatayo lang ako sa gitna ng kalsada sa ilalim ng malakas na ulan. Maya-maya narinig kong sumigaw ang pasahero ko pagbaba nya ng bintana. “Hoy praning! Hindi mo ba nararamdamang umuulan?!” “Ang tanga mo naman! Ginitgit ka na nga, hinabol mo pa. Isusumbong talaga kita kay Boss. Kung nagasgasan lang 'tong kotse pati ako yari kay Boss! Hindi ka nag-iisip...” naiinis na turan nya pagbalik ko sa kotse na tila basang sisiw sa pagkakaligo ko sa ulan. Halos bumula ang kanyang bibig sa kung anu-anong pinagsasabi nyang hindi ko na inintindi. Tahimik at nangangaligkig sa lamig na ipinagpatuloy ko ang pagtahak ko sa daan habang na
“Kung dudang-duda ka, edi tawagan mo. Tawagan mo si Boss, tanungin mo. Ngayon na, hangga’t nandito pa tayo kasi baka nga naman mali ako.” Nagngingitngit ang loob kong dinampot ko ang aking cellphone. Tatanungin ko talaga si Seiji. Sasabihin ko na ring ihahatid ko na ang bruhang ito kung saan pa ito pwedeng tumira bukod sa bahay namin kesa maibusal ko sa matabil nyang bibig ang cellphone at kamao ko. “Ni isang beses hindi pa ako nagkamali sa utos sa ‘kin. Sinu-sure ko lahat ‘yun. Bawal akong magkamali. Kung nagkamali na ako noon edi sana matagal na sana akong patay! Bente-dos lang ako, wala akong pinag-aralan pero hindi naman ako gano’n katanga.” “May galit ka ba sa ‘kin?!” hindi ko na talaga natiis at kinompronta ko na sya. “Kung makapagsalita ka parang kilalang-kilala mo na ‘ko eh. Wala akong ginawang masama sa ‘yo para sagut-sagutin mo ‘ko ng ganyan!” “Wala ka ngang ginagawang masama, pero lalo lang bumigat ang buhay ko mula noong dumating ka!” malakas na singhal nya sabay du
“Ikaw ha, inano mo?” kagyat kong hinampas si Seiji sa braso bago sumakay sa bagong bili nyang kulay pulang sedan. Natatawang ikinibit nya ang kanyang balikat sa pagmamaang-maangan nya. “Wala akong ginawa, ano?” Bumunghalit sya ng tawa sa pagpapalatak ko na nagpapailing-iling. “Abnormal ka ba? Tawa ka nang tawa?!” dagli akong nainis sa OA nyang tawa. Nagi-guilty na nga ako sa pag-atungal ni Veronica, tinatawanan pa ako. “Hindi ako abnormal, love. Ang abnormal eh ‘yung paalis na lang, nagagalit pa… Hay nako! Teka nga pala,” dumukot sya sa kanyang bulsa ng kanyang shorts at iniabot sa akin ang kumpol ng pera na naka-rubber band. “Tapos bumili ka na rin ng gamit mo, love. Kumain na rin muna kayo ng gusto n'yo bago kayo umuwi.” “Oh, may pang-grocery na ako, ‘di ba? Baka wala ka nang pera d’yan?” “Meron akong tinabi dito panggasolina ko. Kung may matitira ka pa, ilagay mo sa ipon mo para sa baby natin... Lumakad na kayo, love. Maaabutan n’yo na ang trapik sa daan kapag hindi pa kayo u
“Sumama ka na. Wala ring magda-drive sa ‘yo papunta sa bangko dahil isasama ko si Ibiza, may pupuntahan kami,” ani Seiji. “Kaya ko namang pumunta ng bangko nang mag-isa eh, mamamasahe na lang ako. Bakit kaylangang sumama pa d’yan?! Marunong ba talagang mag-drive ‘yan?” naiinis na turan nya. Paalog-alog ang suso nyang walang panapo sa papadyak-padyak nya. Tumutulis ang nguso ko habang tinitingnan ko sya sa pagmamarakulyo nya, ‘kung matadyakan ko lang ‘tong maliit na babae na ‘to talaga…’ gigil na nasabi ko na lang sa aking sarili. “Hindi ka pwedeng mamasahe, Veronica. Please, gumayak ka na lang. Pagkatapos naming kumain magbibihis na si Kataleia… Pasensya ka na, love, nagkaro’n ng emergency sa bar eh,” nagi-guilting hinawakan nya ang aking pisngi. “Magkita na lang tayo rito mamaya para makapunta tayo sa mansyon. Nag-promise ako kay Mama na du’n tayo magdi-dinner at matutulog,” “Okay lang, love. Kaso parang ayaw nya kasi,” tinapunan ko ng tingin ang pabulung-bulong na mestizang pins
Lumabas ako sa kwarto at binuksan ang katapat naming kwarto at binuksan ang ilaw nito na nasa gilid ng pinto. Ito ang drawing room ni Seiji. Puno ang bawat dingding ng kanyang mga obra. Gustung-gusto kong tumatambay rito kasi ang tahimik tsaka natutuwa ako sa pagtingin-tingin sa mga larawang iginuhit nya halos puro pagmumukha ko—iba’t ibang anggulo at facial expressions. Napaka-passionate nya sa pagpipinta. Kung gagawa nga lang si Seiji ng art gallery mapupuno nya iyon ng mga display kaso naisip ko baka walang pumunta kasi puro ako rin lang naman ang maidi-display nya. Napasimangot ako nang makita ang canvas na huli nyang iginuhit na nakalagay na naman sa painting stand. “Sabi ko itago eh, nakakahiya! Pa’no kung may makakita. Dyusko!” nagigiba ang aking mukha habang ibinabalik ko ang larawan ng aking hubad na katawan sa likuran ng aparador kung saan ito nakalagay. “Did Veronica bother you again? Ay! I told you I’ll dust it off myself,” ani Mamancona pagsilip nya at nadatnan nya ako