Pulang-pula ang dibdib at leeg nya na para syang inaatake ng highblood sa pag-BJ ko sa kanya. Tumukod sya sa gilid ko sabay busal nya sa minumukbang ko kanina. “Ooohh… Shit! That’s so tight,” anas nya pagkuwa’y dahan-dahan na syang gumalaw sa ibabaw ko. Para syang hinahabol ng sampung kabayo sa pawis at hingal nya. Lumalangitngit ang kanyang SUV sa kanyang pagbayo. Nanlalagkit kami pareho sa pagsasalo ng pawis naming dalawa at nanlalabo ang salamin ko sa mata sa steam na dulot ng init ng aking katawan. Pero wala akong pakialam do’n ngayon, ang iniitindi ko ay ang líbog na nakasapi sa akin ngayon. Pakiramdam ko sa bituka ko na tumutusok ang b****a nya sa lalim ng kanyang access dahil yakap-yakap nya ang dalawa kong tuhod. Parang napaparalisa nya ang kalahati ng katawan ko sa sobrang sarap ng pagmamasahe nya sa kailaliman ko. Nagblangko ang utak ko. Napapatitig na lang ako sa umiilaw sa bubong ng sasakyan nya. “Masakit, babe?” bigla syang huminto nang mapansin ang kawalan ko ng kib
“Magpasukat ka na ng salamin, Shobe, habang nar'yan pa kayo sa mall. H’wag mong pagtiyagaan ‘yang salamin mong puro gasgas. Matagal na sa ‘yong sinasabi ni Orlie na magpalit ka na ng salamin, so this is your chance. Kung hindi lang ako busy ngayon, ako ang magsasama sa ‘yo sa optometrist eh,” tuluy-tuloy na saad ni Atsi. Iyon lang at nagpaalam na sya dahil nasa opisina pa raw sya. Naniningkit ang mga mata ko sa kanya habang kinakausap ko si Atsi, ngiting-ngiti sya. Paano’y nakahanap sya ng kakampi sa katauhan ni Atsi. Kung hindi lang ako nahihiya kay Atsi at baka sabihin nyang sobrang proud ako sa sarili ko ay hindi ako papayag. “See? Tara na, sa optical shop na tayo pupunta after this.” +++++ May grado na rin pala ang mga mata ko, kaya pala medyo malabo na rin ang paningin ko sa dati kong salamin. Hindi ako nagkaroon ng karapatang pumili ng frame na gusto ko, sya na ang pumili nito para sa akin. At dalawang klase pa na magkaiba ang itsura. Pinalagyan na rin nya ng mga ‘add-on
[Knives’ POV] Pagkatapos kong mailapag ang gamit nya sa gilid ng pintuan ng kwarto nya, which is locked as always, for Christ’s sake, ay bumaba ako sa comedor para kumuha ng brandy. Hindi ko mapigil ang sarili kong hindi mainis. “Shoti! Look at these flowers, pink roses! Grabe, ang gaganda! This symbolizes love in Chinese, 'di ba? Ang sweet ng manliligaw ni Shobe,” looking very thrilled while trimming the ends of its stems. “And so gwapo! Bagay sila ni Shobe.” “Chinese ba ‘yung lalake?” “No, I think Japanese. Half. Seiji Mendoza ang pangalan eh. Nakakwentuhan ko na kanina, and take note, he’s a gentleman. Mata-type-an sya ni Tita Marisa. Did you see his car outside? Lexus. I think mayaman," she seems convinced. I scoffed. I can buy more expensive than that in a heartbeat. “Baka yakuza ‘yan. Sindikato. Drug lord.” “Grabe ka naman,” silip nya sa living room, inirapan pa ako. “Baka marinig ka.” “Well, everyone is entitled to his own opinion." Nangiwi sya. “Pareho kayo
Tulak-tulak nya pa rin ako hanggang makarating kami sa kitchen kung nasaan ang double-door ref. Tumayo lang ako sa tabi nya habang nakatuwad sya at dumadampot ng prutas sa loob ng ref. “I saw the framed sketch he gave you, maganda. Hindi mo natatanong, magaling din akong mag-drawing. Gusto mo i-drawing din kita?” medyo sarcastic ang tono ng boses ko. “Gagawan kita ng fruits mo, tapos gagawan ko rin si Sir Seiji. Kasi nakakahiya naman sa kanya, tinutulungan na nga nya ako eh. Ano ba’ng gusto mo, Ahya? ‘Yung may cheese pa?” pag-iiba nya, kunwang abala sya sa pagre-raid ng loob ng ref at hindi nya narinig ang sinabi ko at hindi rin nya napapansin ang itsura kong yamot na yamot sa bisita nya. “‘Sir’,” I quoted her. I leaned my lower backside on the kitchen counter and chuckled sarcastically. “Yeah, right.” She suddenly turned her gaze at me, drawing in closer and abruptly pinning me onto the cold marblestone of the countertop. I cleared my throat kasi naging seryoso bigla ang expr
[Kataleia’s POV] “Okay lang ba ang kuya mo?” tanong sa akin ni Sir Seiji habang nakatingin Kay Ahya Knives na tila hindi maihing pusa sa kakaparoo’t parito nya, pasipat-sipat sya sa amin dala-dala ang baso na may alak. Medyo mapula na rin ang mukha nya sa kakatagay nya. Hindi ko sya gaanong pinapansin; tinatapunan ko lang sya ng tingin, para hindi nya maisip lumapit at guluhin kami sa ginagawa namin. “Opo, okay lang ‘yan. Ganyan talaga sya,” nakangiting bulong ko kay Master Seiji habang nakasalampak ako sa sahig at pinipilit buuin ang excel sheet na ginawa ko sa Macbook ko at sya naman nilalagyan ng rating ang mga portfolio ng mga estudyante ko. Napakalaking tulong nya sa akin, kahit papaano hindi ako mara-rush sa pagko-compute ng grades. Narinig ko ang pag-ingit nya nang nag-unat sya ng likod. Natapos na nya agad ang ginagawa nya. “Ambilis mo, sir!” puri ko sa kanya na medyo may pagka-eksahirado. “Hindi naman, binilisan ko na talaga. Hindi ko alam ganyan pa pala karami ang
Uulitin ko sana ang tanong ko nang tumawa sya pagkatapos nyang magpasinghot-singhot. “How old are you, Shobe?” “26, Atsi.” “Then bakit nagpapaalam ka pa?!” natawa sya sa akin, inakbayan nya ako. “Of course, yes you can! Hindi ka na menor de edad, you don’t need to ask. Mr. Mendoza seems like a good guy, there’s nothing wrong with dating him or anyone else. Go ahead and change,” pabirong tinulak pa nya ako pagawi sa kwarto ko. Nagpalit lang ako ng simpleng t-shirt at maong, at nag-apply ng konting lipstick at konting pulbos. Hindi na ako gumayak nang bongga at baka isipin ni Ahya umaawra ako. Pagbibigyan ko lang naman ang may birthday sa hiling nya, at wala akong nakikitang masama roon dahil magkatrabaho lang naman kami at magkaibigan na rin. Tinanggal ko ang pagkakatirintas ng buhok ko at nag-ponytail. Minasdan ko ang buhok ko sa likod na nangulot sa pagkakatirintas, ang ganda! Napahagikhik ako. “Where are you going?!” kunut-noong tanong sa akin ni Ahya habang pinagmamasdan a
“Don’t worry, right after natin kumain iuuwi na kita agad. Sorry, mukhang wrong timing yata ang aya ko sa ‘yo. Mainit ang ulo ng kuya mo,” wika ni Master Seiji nang mapansin ang pananahimik ko habang kumakain kami sa magandang restobar na pinuntahan namin. Masarap ang pagkain na in-order nya para sa akin pero hindi ko ito ma-enjoy dahil sa pag-aalala ko kay Ahya Knives. “Okay lang po, nakainom din kasi," pagdadahilan ko. “Medyo skeptical sya sa ‘kin.” “Gano’n talaga sya eh, sa sarili lang sya may tiwala. Hayaan ninyo ‘yon,” ngiti ko sa kanya. Binago ko ang expression ng mukha ko, ayokong ma-disappoint sya ngayong birthday nya. Inilinga ko ang paningin ko sa paligid ng restobar. Dito namin napiling maupo sa may open area ng second floor nito na katabi ng pasimano na overlooking ang magagandang ilaw ng mga kabahayan sa malayo. Nalingon ko ang platform sa likuran ko na may mga instruments, pero walang live band. “Weekday nga pala ngayon, ‘no? Masaya siguro rito kapag weekend
Agad itong pinulot ni Master Seiji, “Nabasag. Palitan natin 'to bukas. Sa’n ba may malapit na optometrist?” “H’wag na po. Uuwi na po ako,” dagli akong tumayo at tinungo ang palabas ng restobar. Huminto ako syempre sa may parking area nang makalabas ako. Ihahatid nya ako eh, wala naman akong pera para mamasahe. “Sorry. I’m really sorry,” habol nya sa akin. Binuksan nya ang passenger’s seat para sa akin at agad akong sumakay. Napapapikit ako habang wala sa loob na nakatingin sa dinaraanan namin, kahit hindi naman nakita ni Ahya ang pangyayari sa restobar ay feeeling lagot akong lalo sa kanya. Kinakabahan talaga ako. “Sorry talaga, Kat… I’m really…” wala ring katapusan ang paghingi sa akin ng dispensa ni Master Seiji. “Hindi ko na-kontrol. Dapat hindi gano'n, shit!” anas nya, nahimigan ko ang pagkainis nya sa sarili kaya kinalmahan ko na lang. “Hindi po, okay lang. Pasensya na rin, nagulat lang ako.” Sa labas na lang ako ng gate nagpababa kay Master Seiji para makauwi na sya agad.
“Nakatulog na ‘ko, nagising lang ako nu’ng umakyat si Miguel. Lasing na lasing din, inasikaso ko muna. Pag-akyat n’yo si Seiji, pagkapehin mo, pakainin mo ng may sabaw. Hilamusan mo tapos unasan mo para mapreskuhan tapos palitan mo ng damit bago mo patulugin. Tanghali na gigising ‘yan kaya dapat may laman ang tiyan.”Lumaki ang butas ng ilong ko. “Edi wow! Ako nga mukhang hindi na makakapaghilamos sa sobrang antok eh, mag-aasikaso pa pala ako ng lasing?!” naiimbyernang tugon ko. “Sa sahig na sya matutulog!”“Anong patutulugin sa sahig ang sinasabi mo d’yan? Tinuturuan ka na nga ng dapat mong gawin eh,” pakli ni Mama. “Hindi na pwede ‘yang mindset mong gan’yan, hindi ka na dalaga. Pinanindigan ka ni Seiji kaya dapat gano’n ka rin sa kanya. Hindi lang dapat ikaw ang laging iniintindi; dapat ikaw rin marunong makaramdam. Magpasakop ka sa asawa mo. Kung hindi, mag-aaway at mag-aaway lang kayo. I-example na lang natin sina Knives at si Divine, kapag nag-uusap laging may nakabara ang isa sa
“Salamat po, Tito Miguel, ah, D-dad,” nabulunan pa ako nang mailang sa gusto nyang itawag namin sa kanya. “Hindi naman po kasi talaga kelangan. Okay naman na kami dito sa kwarto ko.” “No, I insist. It’s my gift for your wedding. It’s better na sa mas malaki kayong kwarto. You need more space lalo na kapag nagkaanak na kayo. Ayokong magsiksikan kayo rito sa loob. Tsaka kapag dumating ang Ahya mo, maingay na naman, laging nakainom. Baka makulitan lang kayo kaya mas maganda nang nakahiwalay kayo. Alam mo naman ang asawa no’n…” naiiling na pinutol nya ang kung anong sasabihin nya na naintindihan ko naman ang ibig sabihin. Napaka-hopeful talaga ni Tito Miguel na one of these days darating ang anak nyang magaling kahit matindi ang pag-aaway nila bago ito umalis. Lagi nya pa rin nya itong binabanggit. Isinabay pa nya sa pagpapa-renovate ng ikatlong palapag ang pagpapaayos ng banyo ni Knives para mas maging malaki at malagyan ng bathtub. Hindi sya nagtanim ng kahit na katiting na galit
“Sabi mo h’wag tumulong, edi hindi tumulong…” bulong ko naman. Inismiran ko sya nang bonggang-bongga. Si Seiji minsan nakakapag-init ng ulo kung magsalita lalo na kapag pagod. Iniintindi ko na lang dahil hindi nga naman biro ang nangyari sa kanya mula nang mag-umpisa syang maghanda para sa kasal na isinabay nya sa pag-aasikaso ng enrolment sa school at pagma-manage ng kanyang bar. “Sa’n ba ang masakit?” buntung-hininga nya tapos lumuhod sa harapan ko at minasahe ang aking binti. “Dito ba?” Dagli naman naparam ang yamot ko. Pumikit ako at dinama ang naiibsang paninigas ng mga binti ko. “Oo, d’yan nga, hmmm…” mahinang usal ko. “Eh, dito masakit din?” inakyat nya ang hilot nya hita ko.“Hmm… masarap…” tumukod ang mga kamay ko sa magkabilaan kong gilid. “Eh, ito?” ngisi nya pagdating nya sa bandang puno ng hita ko sabay daklot nya sa matambok na laman sa gitna ng aking mga hita.“Uy, kanina pa ‘yan tanghali pinagpapawisan, panis na ‘yan,” natawa ako sabay iwas ko nang ma-conscious ak
“Nasa ibang bansa raw eh, hindi nakarating kasi may problema. Pero tumawag naman daw tapos nagpadala ng regalo,” ngiti ko. Wala ni isang kamag-anak ni Seiji ang dumating sa kasal namin. Tanging ang sinasabi nyang kaibigan lang nya na minsan ay kasama nya kapag may bibitbiting mabibigat noong kasagsagan ng pagpe-prepara nya sa kasal ang naririto ngayon at tahimik lang na nakatayo sa gilid ng hardin na tila nagmamasid at pinakikiramdaman ang paligid. Natigil ang pagtsi-tsismisan namin nang lumapit ang pogi kong asawa mula sa lamesa kung nasaan sina Rector Mendez, Father Erin na Rector naman sa isang branch ng Catholic School kung saan ako dati nagtuturo, ilan pang mga pari at seminarista na kakilala namin. Napakaaliwalas ng babyface nyang mukha paghalik nya sa aking bibig. Hindi ko na mabilang kung may ilang beses nya akong hinalikan mula pa kanina. “Ikaw ha, Sir Seiji! Andami n’yong secret ni Kataleia sa ‘kin. Nagbakasyon lang naging mag-asawa na kayo,” tudyo ni Miss Nori. “Inunahan
Hindi kami nag-imikan ni Seiji habang nasa daan, mataman lang syang nagmamaneho at ako naman nakatingin lang sa gawing bintana ko. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip nya, hindi ko rin sya tinatanong dahil abala ang isip ko sa ibang mga bagay. Nagsalita lang sya nang mag-stopover kami sa isang malaking bilihan ng pasalubong para tanungin kung mayroon akong gustong bilhin at kung ano ang gusto kong kainin. Hindi na ako bumaba ng sasakyan para samahan syang mamili, hinayaan ko na lang syang mag-isa nya. “May problema ba tayo?” tanong ko nang hindi na ako nakatiis pag-abot nya sa akin ng plastic ng pinamili nyang kung anu-anong minatamis at mineral water. “Wala, wala namang problema,” hinalikan nya ako sa noo nang napakagaan na halos wala akong naramdaman pagkatapos ay sumakay na syang muli sa kotse. Kinibit ko ang aking balikat. Kung anuman ang arte nya ngayon, wala na ‘ko do’n. Wala naman kasi akong alam na ginawa kong masama. Ganumpaman, hindi ko maiwasang hindi makaramdam n
Padabog akong naupo sa nakasaradong inidoro pagpasok ko sa isang cubicle. Nakakainis, mariing punas ko sa mukha ko ng tissue na nakuha ko sa tissue dispenser. Hindi naman ako iyakin dati, ngayon laging nag-uunahan ang luha ko sa konting kibot lang!Ang kumplikado na ng buhay ko. Noong magkasama pa kami ni Orlie sa paupahang bahay ay masaya na ako sa mga simpleng bagay. Gala o ‘di kaya tulog maghapon kapag walang pasok, kain kung anong magustuhan. Inom dito, disco doon—gano’n lang. Okay lang kahit minsan walang pera at tipid na tipid. Nagkakasya ako sa isang lata ng sardinas. Sinusulat-kamay ko lahat ng lesson plans ko. Ngayong tumira ako sa magandang bahay at nakasama ko na si Mama, pakiramdam ko napakahirap pag-isipan lahat ng kailangang pagdesisyunan at sa tuwing gagawa ako ng desisyon, lagi akong nagkakamali at sa huli ako ang nasasaktan.Nasa kalagitnaan ako ng walang kasense-sense na pag-iyak ko nang marinig kong may kumakatok sa pinto ng cubicle kung saan ako nagtatago. “Kat, a
“Oh, ano naman ang problema mo do’n, Kataleia?! Ganu’n din naman ‘yun eh, bakit patatagalin pa? May naipon naman siguro ‘tong si Seiji, kaya kang pakasalan kahit saang simbahan mo pa gusto,” komento ni Mama. “Ah hindi ‘Ma, sa huwes na lang muna kami. Tapos after two to three years sa simbahan na.” “Smart choice, Mr. Mendoza,” sabat ni Atsi Olivia na kadarating lang. “Good afternoon, Dad.” Hinalikan nya si Tito Miguel sa noo pati na rin kami ni Mama saka naupo sa harapan ko sa lamesa. Nakasunod sa kanya ang asawa nyang nakasuot pa ng shades na parang walang nangyari kagabi na lalong ikinagiba ng mukha ko na hindi ko na lang pinahalata. “Sukob ang kasal n’yo kung ngayong taon din na ‘to kayo ikakasal sa simbahan. Malas ’yun,” dagdag pa nya.“Pwede rin namang sa simbahan na. Hindi naman kailangan pang sumunod sa tradisyon na ‘yan. Malas ang taong naniniwala sa malas,” ani Tito Miguel.“Eh, Seiji,” nguso ko. Hindi ko naiwasang hindi magprotesta. “Hindi naman ganu’n ang sinabi ko eh.”“S
Tumayo sya sa kama at hinawakan ako sa magkabilang bewang. “Para kang Diyosa,” anas pa nya. Napahagikhik na lang ako bigla. “Oh, bakit ka natawa?” ngiti nya. Tila napakalambing naman ngayon ng tinig nya sa aking pandinig. “Kasi ‘kala ko sasabihin mo, ‘para kang multo.’” Hindi sya tumawa o ngumiti man lang. Ito ang pinakaunang pagkakataon na hindi nya sinakyan ang biro ko mula ng magkakilala kami. Naaninag ko ang kaseryosohan ng kanyang mukhang nakatitig sa akin. Binuhat nya ako papunta sa kama at marahang inihiga ako roon. Hindi nya inaalis ang tingin nya sa akin habang hinuhubad nya ang kanyang damit. Nakangiti ang kanyang mga matang kinulumpon ang mahaba at basa ko pang buhok pataas saka marahang dumapa sa ibabaw ko. At doon na nagkatotoo ang matagal na nyang hiling. Sinamba nya nang paulit-ulit ang buong katawan ko hanggang sa pumutok ang bukang-liwayway. +++++ Pinagmamasdan ko sya habang nakadapang natutulog sa tabi ko. Napakaganda ng mga tattoo nya sa likod na umaabot
“Damn, you’re so hot. Hindi ko sila masisisi kung bakit sila nababaliw sa ‘yo,” nakaririmarim ang init ng hininga nya sa tenga ko. Nagtayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan nang hawakan nya ako sa aking tadyang. Inilalapit nya nang husto ang mukha nya sa mukha ko kaya tinulak ko sya nang ubod ng lakas at nagmadaling dumiretso sa bahagyang nakabukas na pinto. “Shobe? Lalabas ka na?” mahinang usal ni Atsi na nakapikit ang mga mata habang inaayos ang kanyang kumot. Napalingon ako kay Kuya Mike na hindi pa rin umaalis sa kinatatayuan nya at pangisi-ngising nakatingin din sa akin. “Opo, Atsi. Nandito na si Kuya Mike, may kasama ka na,” matalim na tingin ko kay Kuya Mike. “Goodnight, Siobe. Thanks for taking care of Olivia,” ngiti nya na tila nang-aasar pa akma syang lalapit na naman kaya nagkumahog na akong lumabas ng pintuan. Mangiyak-ngiyak akong tinakbo ang papunta sa kwarto ni Orlie. Siguro naman nakauwi na ‘yun galing sa bar. Ano bang gagawin nya do’n nang mag-isa? Hind