Share

Kabanata 5

Sunod-sunod na tunog ng doorbell ang nagpa gising kay Griffin. 

“Who’s that fucking shit!” Napilitan itong tumayo at pupungay-pungay ang mata na lumapit sa pinto.

“Who hill are fucking—” ngunit natigilan siya ng makita si Samantha sa labas ng kanyang pinto. 

“I’m sorry sir.” 

“Bakit ang aga mo!” Bulyaw nito sa dalaga.

“Sir, it’s already two in the afternoon—” 

“Get in!” 

Nahihiya naman na pumasok si Samantha dahil sa napansing suot ng binata at nakita pa niya ang nakaumbok sa harapan nito. 

Isang manipis na boxer short at tela wala na itong suot na panloob kaya malayang nakakatayo kung ano man ang nasa loob nito. 

Napalunok na lang ng laway si Samantha habang kinakabahan baka kung ano na lang ang biglang gawin ng lalake sa kanya. 

“So what are you waiting for?” 

Nagulat ang dalaga ng biglang nagsalita ang lalake. 

“Ho?” 

“Remove your clothes and let’s start my offer to you.” utos nito sa dalaga.

“Sir, hindi po ganun ang inaasahan kong offer mo sa akin. Binalaan na po kita kagabi.” Reklamo ni Samy. 

“And what do you expect? Your a prostitute woman! Hindi ko alam kung paano ka ba nakapasok dito sa hotel ni mommy.” Anas ni Griffin habang matalim ang mga mata na nakatitig kay Samantha. 

Ngunit biglang nagulat ang lalake ng biglang malakas na sampal ang ibinigay ng babae. 

“Ang kapal ng mukha mo! Dancer ako pero hindi ako bayaran!” Nangingislap ang mata dahil sa luha na singhal nito sa lalaki. 

Ngunit hindi agad nakasagot si Griffin ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. 

Akma pa itong lalapit sa babae, ngunit sunod-sunod ang pag tunog ng kanyang cellphone. 

“You have to follow what I want if you don't want to be fired from your two jobs, I know you need a lot of money and I'm the only one who can give you that.” Hawak nito ang panga ng babae at tagis bagang na binantaan ang babae. 

Takot ang naramdaman ni Samantha dahil manghihinayang siya sa malaking sinasahod sa dalawang trabaho, hindi siya nakapag tapos ng pag aaral kaya wala siyang ibang magandang trabahong mapapasukan kaya kailangan niya na tanggapin kung ano man ang nakasalalay ngayon sa kanyang buhay. Dahil sa pera kaya susunod siya sa gusto ng lalaki. 

“Get out!” Galit na utos ni Griffin sa babae. 

Ngunit bago pa man siya makalapit sa pinto ay narinig niya ulit na nagsalita ang lalaki.

“Bumalik ka mamayang 6pm at may pupuntahan tayo.” Mahinahon na ang boses ng lalaki. 

Takot at kahinaan ng loob ang nararamdaman ngayon ni Samantha, para sa kanyang ina ay gagawin niya ang lahat makalikom lang ito ng pera para sa operasyon ng ina na naka takda na sa susunod na araw. 

Lumipas ang ilang oras at muli nasa labas na naman siya ng pinto ng suites ng lalaki. 

Kumatok siya at minuto lang ay nagbukas ang pinto. 

“Wear it!” Utos nito at ibinigay ang isang malaking paper bag. 

Hindi na siya nag reklamo. Pumunta siya sa banyo at kinuha ang laman ng bag. 

Isang white dress at 3 inches pointed heels ang laman nito. 

Nag alangan pa siyang isuot ito dahil sa nakita niyang tag price ng bawat isa. 

Napaka mahal ng mga ito kaya dapat niyang ingatan, matapos siyang makapag bihis ay lumabas na siya sa banyo. 

“Gorgeous,” Sambit ni Griffin. 

“By the way, pirmahan mo ito.” Inilatag ng lalaki ang isang papel sa mesa at ballpen. 

Nagtataka naman si Samantha kung ano ang nilalaman ng papel na ito kaya binasa niya. 

Isang wedding agreement, at kontrata kung hanggang kailan ang kasal na iyon. 

“Teka… bakit ko naman ito pipirmahan?” 

“Read it properly.” 

Muli niyang binaha ang nilalaman ng papel, may nakalagay ng halagang limang milyon para kabayaran sa kanyang pagpayag, sa kanyang pag perma. 

Sobra-sobra na ang halagang ito sa operasyon ng kanyang ina, makapag papa tayo pa siya ng bahay at negosyo kung sakaling papayag siya sa gusto ng lalaki. 

Sa huli ay dinala siya ng kanyang kamay sa ballpen na naghihintay na pulutin. Nag aalangan man pero dahil sa pera ay kailangan na muna niyang isantabi ang kanyang dignidad. 

“Let’s go!” 

Kinija ni Griffin ang papel at una siyang lumabas ng bahay. Habang si Samantha ay hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari. 

“Sam!” Si Rica ang kaibigan ni Samantha ang tumawag sa kanya ng mapansin nito ang babae. 

“Rica.”

“Bakit, ang ganda mo naman. Bakit ganyan ang suot mo?” Nagtataka ito sa nakikita sa kanyang kaibigan. 

“Let’s go Samy, we're late!” 

Hindi na nakuhang makipag usap ni Samantha sa kanyang kaibigan dahil hinila na siya ni Griffin sa elevator. 

Naiwang nakatulala at nagtataka si Rica. 

“S-saan po ba tayo pupunta… sir?” Alanganing tanong ni Samy.

“Griffin, yan ang itawag mo sa akin.” 

“G-Griffin…. Saan po tayo pupunta?” Inulit nito ang kanyang tanong sa lalaki. 

“Sa mansion.” Tipid na sagot ng binata. 

Nakaawang ang bibig ni samantha sa sagot ng lalaki. Kanina lang ay biglang naging kasal na agad siya, ngayon naman sa mansion ng lalaki siya pupunta. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari. 

“Iho, good to see you here.” Nakangiti na sinalubong si Griffin ng kanyang ama. 

“Good evening po.” Alanganin man ang pagbati ni Samantha sa magulang ng lalaki ay bukal naman ito sa kanyang puso. 

“Who is she?” Nagtataka naman na nagtanong ang ina ng binata. 

“Samantha, my wife.” Sambit ni Griffin matapos ilagay ang braso sa bewang ni Samantha. 

“What! But… tito, tita sabi niyo binata pa si Griffin.” Bigla nalang may sumingit na babae mula sa likuran nilang dalawa. 

“Yun ang akala ko.” Sagot naman ng ama ni Griffin. 

“Paano nangyari na may asawa ka na?” Sabat naman ng ina nito. “No! Hindi yan totoo iha.” baling naman nito sa babaeng ipapakilala sana sa anak nila. Si Beth Salvador, isang anak ng stockholder ng company ng ama niya. 

“Hindi ko na kailangan magpaliwanag, dala ko ang marriage contract namin.” Ipinkita nito sa magulang ang kanina lang na agreement na pinirmahan ni Samantha. 

Ngayon alam na ni Samantha kung para saan ang papel na iyon. 

Hindi na nag abala na ipakilala ni Griffin si Samantha sa kanyang magulang dahil matapos lang na ipakita ang papel na katunayan na kasal na siya ay agad na rin silang umalis. 

Malaki ang naging kataningan ng babae kung bakit ganun ang trato ng lalaki sa kanyang mga magulang. Mayaman nga sila pero parang hindi sila masaya bilang pamilya. 

Sa loob ng sasakyan ay tahimik sila at halos walang gustong magsalita. Hanggang sa makabalik sila sa suites ng lalaki. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status