Share

Kabanata 4

‘Anong ginagawa niya rito? Ibig sabihin hindi niya ako nakilala kanina hindi niya ako namumukhaan? Pero paano nakapasok ang isang prostitute sa kompanya ng magulang ko? Piniki ba niya ang files niya para ma hired siya sa isang kilalang hotel?’ Yan ang mga tanong ni Griffin sa kanyang isip na kailangan niyang itago para hindi siya makilala ng babae. 

“Hmm!” Ungol niya. “Anong pangalan mo?” Nagtanong na lamang siya ng pangalan ng babae kahit na alam na niya. 

“Samy po,” sagot ni Samy habang nakayuko. 

“I need your full name!” ma awtoridad na utos ni lalake.

‘Ngunit… ano ba ang pakialam ko kung siya nga ang babaeng taga linis?’ 

“Po-?” 

“Kailangan ko ang iyong buong pangalan, baka isa ka sa mga wanted na nagkalat dito sa pilipinas. Pumasok ka dito sa aking bar ng hindi ko alam, kailangan kong kilalanin lahat ng nagtatrabaho dito para sa kaligtasan ko at ng lahat ng empleyado ko.” Anas nito sa kaharao na babae. 

Totoo ang sinabi niya pero mas importante pa rin sa kanya ang malaman kung siya ba ang babaeng tagalinis sa MGL tower. 

“Sam—-”

“Samantha Nicole Santiago! Am I right?” 

Nanlaki ang mga mata ng babae ng unahan itong banggitin ang kanyang pangalan. 

‘Teka… paano niya nalaman ang buo kong pangalan.’

“P-Paano niyo po nalaman ang buong pangalan ko?” gulat pa rin itong nag tanong. 

Kahit si Griffin ay nagulat sa kanyang sinabi. 

‘Bakit ba pinangunahan ko siya? Hindi ko na tuloy alam ang isasagot ko.’ 

“M-may nakita akong pangalan kanina, nagkataon lang siguro na pareho kayo ng pangalan.” sa wakas ay nakaisip ang lalake ng isasagot.

“S-saan po?” ngunit tila hindi naniniwala ang babae. 

“Hindi na yun importante.” Tumayo siya at nagsindi ng sigarilyo, hindi man niya aminin ay may nabuong tensyon sa pagitan nilang dalawa. 

“S-sir… p-pwede na po ba ako umalis?” 

“No!” Mabilis niyang sagot at humarap sa babae. 

“I mean, may sasabihin pa ako.” 

“A-ano po yun b-boss?” 

“I have an offer for you, nabanggit kasi ni Rita na you need money. So naisip ko na ikaw na yung tamang tao para dito.” 

“FYI po, hindi ako bayaran. Dancer ako, at aasa ako sa ipapasahod mo sa akin pero hindi ako nagbebenta ng aliw or nagpapa kama.” asik ni Samantha sa amo.

Kunot ang noo ni Griffin sa sinabi ng babae.

“I know you Sam, kaya sa ayaw at sa gusto mo kailangan mong tanggapin ang alok ko!” Seryoso nitong saad habang nakatingin ng diretso sa mga mata ng dalaga, ngunit tila nagkamali yata siya sa ginawa niya dahil may biglang nabuhay na kung ano sa kanyang gitnang parte ng katawan, sabayan pa ang nakikita niyang halos hubad ng katawan ng babae at ang mapupula nitong labi ay kanina pa niya gustong tikman. 

 “Hmm!” Ungol nito. Kinalma niya ang sarili bago muling nagsalita. 

“Pumunta ka sa number 369 room sa MGL tower bukas ng umaga at malalaman mo kung ano ang alok ko sayo.”

 

Nanlaki ang mga mata ni Samantha na tila may kung anong naalala. 

“Po—!”

“Pwede ka nang lumabas.” utos ni Griffin bago siya tumalikod at uminom ng alak. 

Hindi niya alam sa kanyang sarili kong bakit siya napapangiti. 

Habang si Samantha ay litong lumabas ng VIP room at nagtataka kung bakit alam ng lalaki ang hotel na pinagtatrabahuhan niya at ang suites na tinutukoy nito ay kung saan nakita niya ang paris na galit sa kanya ng basta na lamang siyang pumasok habang may ginagawang kalaswaan ang dalawa. Hindi niya tuloy makuha ang sagot kung pupunta ba siya o hindi. Hindi rin naman siya interesado sa gusto ng lalaki, ngunit naglalaro din sa isip niya na kailangan niya ng pera ngayon.

Si Griffin ay nag madaling pumunta sa dingding na salamin upang tingnan si Samantha na pababa ng hagdan, batid niyang nag iisip ang babae dahil sa bagal nitong maglakad na tila binibilang ang bawat hakbang nito sa hagdan.

 

Nakita pa niya na sinalubong ang babae ni Rita na abot tenga ang ngiti. 

Alam kasi ni Rita na kung sino man ang babaeng tawagin ng kanyang amo at nais na makilala ay masyerte dahil nagustuhan ito ng binata. Ibig sabihin interesado na kilalanin at maging kapareha ito sa kama. 

Dahil sa nangangailangan ng pera ni Sam siguro ay iniisip ni Rita na interesado si Griffin kay Samantha, sabagay totoo naman. 

Ngayon mas mabilis na magagawa ni Griffin ang kanyang plano. 

Ang maging sex slave ang babaeng taga linis na ngayon ay isa ring dancer ng kanyang bar at mas naging interesado pa lalo ito sa babae.

Habang nagmamaneho si Griffin pauwi sa MGL tower ay may nalagpasan siyang babae na pamilyar sa kanya. Naglalakad ito ng mabagal habang may bitbit na isang supot at saklay sa isang balikat ang maliit na bag. 

Bahagyang hininto ni Griffin ang sasakyan at simpleng sumilip sa side mirror, tama naman ng mag angat ng ulo ang babae. Si Samantha.

“Hey! Ihahatid na kita, saan ka ba?” 

Nagulat naman ang babae ng makita ang kanyang amo. 

“B-boss, hindi na po. Diyan na lang po ako sa may kanto.” pagtanggi ng dalaga. Ayaw niyang sumabay baka dahil baka isipin ng lalaki na meron siyang utang na loob dito. 

“Ok!” Agad naman na sinara ng binata ang bintana ng kanyang sasakyan at muling pinaandar ito. Nakangiti itong umiiling habang tinatanaw ang babae sa side mirror. 

Samantalang si Samantha ay bagsak ang balikat na ipinagpatuloy ang paglalakad. Sa totoo lang ay malayo pa talaga ang kanyang bahay, kailangan niya na maglakad para makatipid. 

Kailangan niya ng pera para magpagamot sa nanay niyang may sakit, pero sa isang banda ay naiinis siya sa kanyang ama dahil mas inuuna pa nito ang pambili ng alak na maiinum kisa sa asawa niyang kailangan maoperahan. 

Nag iisang anak lang siya kaya pasan niya lahat ng problema ng kanyang magulang, dahil ni isang kamag anak ay walang gustong tumulong sa kanila dahil sa tatay niyang mataas ang pride ngunit hindi naman kayang solusyunan ang problema nila. 

Halos tumirik na ang araw ng makauwi siya sa kanilang bahay, may tatlong oras pa siyang itutulog bago siya pumasok sa kanyang trabaho. 

Ngunit imbis na makatulog ay pinu problema niya ngayon kung tatanggapin niya ba ang alok ng amo. 

Ilang beses siyang nagpa baling-baling para makatulog na ngunit hindi talaga siya makatulog. Dumagdag pa ang ingay sa labas dahil gising na ang kanilang mga kapitbahay. Sa iskwater kasi hindi talaga mawala ang ingay ng mga tao sa labas, dahil kahit naguusap lamang ang mga ito ay parang nag aaway na sa lakas ng mga boses.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status