Share

Kabanata 2

Napangiti si Griffin ng bigla niya naalala ang maid, pinilig nito ang kanyang ulo at muli niyang tinungga ang bote ng alak.

Ilang minuto na ang nakalipas ngunit hindi mawala sa kanyang isip ang babaing tagalinis, pilit niyang ini-re-rehistro sa kanyang isip ang mukha ng babae. Napaka-amo ng mukha nito, bagay lamang sa babae ang medyo may pagka kulot nitong itim na buhok na lagpas balikat ang haba at medyo makapal na kilay, ang mga mata nito na kulay abo at samahan pa ng matangos na ilong at mapulang labi ay tila napaka perpikto ng mukha. Morena ito pero nakakamangha ang makinis niyang balat sa tulad niyang isa lang namang alipin ng kanyang magulang.

Sino mag aakala na isa lang siya sa mga tagalinis dito sa gusaling pagmamay ari ng kanyang magulang dahil kung hindi lamang ito nakasuot ng uniporme ng house keeper ay hindi naman ito mukhang mahirap.

Habang malalim ang iniisip ni Griffin ay may naalala siya.

Naisipan niyang tumawag sa maids quarter. Isang ring lamang ng telepono at agad na itong sinagot ngunit agad rin niya itong pinutol nang hindi matukoy ang pangalan ng babae.

“No, I can find her name!” kinontra niya ang kanyang sarili.

Ibinalik ang telepono sa pwesto nito at tumayo. Napagtanto niya na personal niyang puntahan ang HR. Dali-dali siyang napatakbo sa opisina ng HR depertment. Ayaw niyang dumiritao sa maids quarter para hindi siya pagtakhan ng mga manggagawa.

“Pahingi ako ng copy ng mga babaeng housekeeper,” utos niya sa taong una niyang nakita sa opisina ng HR Department.

“Kailan mo po kailangan sir?” Tanong naman ng isa na naka duty sa departamento.

“Right now!” Seryoso nitong sagot.

“Ah okey po sir, aasikasuhin ko na po.” Saad ng babae saka nagmamadaling kinuha ang mga files ng mga tagalinis.

“Send it to my office as soon as possible!” Utos niya dito.

'Yeah, I have an office room here in KGH tower. Ako na rin kasi halos ang nagpapatakbo ng gusaling ito simula ng mag desisyong mag retire ni Mommy. Si Mommy kasi ang nagpapatakbo nito simula noong pinatayo palang ito at ipinasa lang ito sa'kin nung nagkasakit siya at ngayon na magaling na siya at sa edad niyang 55 ay nag retired na siya sa pagtatrabaho at nais na lamang daw niya mag relax. Like. Makipag party sa mga kaibigan niya, hangout. At ikutin ang buong mundo, kung saan-saang bansa na lang ito nag tatravel.'

Natigil ang pag-mu-muni-muni nito ng may kumatok at pumasok ang isang babae.

“Excuse me, Sir, ito na po ang hinihingi mo,” pumasok ang isang babae na impliyado matapos itong kumatok at inilapag sa kanyang mesa ang isang usb.

“Thanks, you may go," saad niya at agad naman umalis ang babae.

Kinuha niya ang usb at agad itong isinaksak sa kanyang laptop at tiningnan isa-isa ang files ng bawat isa sa mga house keepers.

Lumabas din siya agad ng opisina ng maisipan na sa kwarto niya na lamang itituloy ang ginagawa. Ayaw din kasi nito na tumatambay sa loob ng opisina kung wala naman siyang trabaho na importante.

Dala ang laptop na nagmadali siyang nagtungo sa kanyang condo unit.

Sa loob ng kanyang condo unit ay inisa-isa niyang tiningnan ang mga litrato nga bawat files ng mga babaeng tagalinis, hanggang sa nakita niya ang isa na familiar sa kanya.

“Bingo!” Saad niyang nakangiti.

'Samantha Nicole Santiago ang pangalan ng babae... beautiful name.' Sa isip nito.

“Hmmm, Interesting…” umupo ito sa single sofa at kumuha ng isang stick ng sigarilyo at sinindihan, matapos siyang humigop ng malalim sa sigarilyo ay ibinuga niya ang usok nito, habang tinitingnan ang files ng babaeng nagngangalang Samantha, ay may nabubuo naman siyang plano sa kanyang isip.

He is right. She’s a poor woman, totally poor. But he's interested to her. Interisado siya dahil sa nabuo niyang plano dito.

'Maganda siyang paglaruan, hawakan sa leeg katulad ng mga babaeng naging alipin ko sa kama. Yeah! Alipin sa kama, ito ang nababagay sa kanya.' Naisip niya.

'Ang mga katulad kasi ni Samantha ay madali lang makuha, lalo na’t may kahirapan sa buhay at bayaran ko lang ito ng malaking halaga ng salapi ay panigurado na mabilis itong bubukaka sa aking harapan.' dagdag pa nito sa kanyang isip.

Maya-maya ay biglang tumunog ang kanyang cellphone kaya inis itong tumayo.

“Hello dad,” pakli niya ng sagutin ang tawag ng kanyang ama.

“Zale, iho, umuwi ka ng mansion bukas at dito ka mag dinner …may bisita tayong darating.” Utos ng kanyang ama.

“Busy ako Dad,” pagsisinungaling niya.

“Ipagpaliban mo muna kung ano man yan, dahil mas importante ito kisa dyan!”

Sa inis niya ay pinatay nito ang tawag, sa katunayan ay naiinis siyang umuwi ng mansion dahil ayaw niyang dinidiktahan sa mga gagawin niya sa buhay.

Kaya nga humiwalay siya ng tirahan dahil hindi nito gusto na kasama sila, sa katunayan alam niya na ang mangyayari bukas.

Isang dinner na naman ang magaganap sa mansion at katulad ng dati ay may isang babae na naman silang ipapakilala sa kanya at ipapag kasundong ipakasal sa binata.

'Hello, ilang babae na ba ang pinakilala nila sa akin, para pakasalan ko? Hindi ko mabilang sa aking daliri, hindi ba sila nagsasawa na tanggihan ko bawat babaeng pinapakilala nila?'

Napailing ito at itinapon ang cellphone sa kama.

'Pati ba naman sa pag aasawa ay kailangan sila pa ang mamili ng babaeng pakakasalan ko? Sorry nalang sa kanila pero may sarili akong puso at puso ko ang mag didikta kung sino ang pakakasalan ko.'

Bigla naman sumagi sa isip niya ang babaeng tagalinis, napangiti nalang akong umiiling.

'At lalo naman na hindi siya iyon, isa lang siya sa magiging puppet ko sa kama.'

Tumayo ito at kumuha ng jacket, saka isinaklay niya ito sa kanyang balikat. Lumabas siya ng condo at naisip magpunta sa sariling bar.

'I need to refresh my mind.' Napapasipol pa ito habang naglalakad.

Kahit may pera siya ay hindi ito mahilig sa pormahan na naka suit, mas gusto pa nito ang laging nakasuot ng t-shirt at itim na jacket. Pormang badboy kung baga.

Habang naglalakad siya papunta sa elevator ay may narinig itong babaeng halos pasigaw na magsalita, tela may pinapagalitan. Hinanap niya ang boses na iyon at may nakita siyang babae na naka uniform ng housekeeper at may kausap ito sa cellphone.

“Sam? Hoy! Tigilan mo na yan, baka makita ka sa cctv!”

May isang babaeng naka uniform din ang lumapit sa babae na may kausap sa cellphone at sinaway ito.

Kaya pinatay ang tawag saka isinilid sa bulsa ang cellphone at madali silang naglalakad palayo.

Hindi niya nakita kung ano ang itsura ng babae ngunit narinig niya ang pangalan na itinawag sa kanya ng kapwa niyang tagalinis “Sam” ang narinig niya. Muli niya na naman naalala si Samantha, ang babaeng nag lapastangan na pumasok sa kanyang condo.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status