Share

Kabanata 3

Sa bar ay agad na umakyat si Griffin sa second floor. Meron kasi itong tatlong palapag, sa ika tatlong palapag ay tulad sa isang hotel may sampung kwarto. Duon umuupa ang mga lalaking gustong maka eskor sa mga babaeng bayaran. 

Elegal? Sa katulad niya ay walang pwedeng mag bawal sa gusto niyang gawin sa kanyang negosyo. 

Sa katunayan ay may mga iilan na mga maimpluwensyang tao siyang customer dito sa bar, sila ang kadalasang umuupa sa mga kwarto sa taas. Kaya mas lalong hindi nila pwedeng ipasara ang kanyang negosyo. 

Dito sa second floor ay may anim na VIP room at ang isa ay exclusive VIP room, ito ay para lang sa kanya at sa kanyang mga kaibigan.

“Rita? Umakyat ka dito ngayon na!” ma awturidad nitong utos sa floor manager ng tawagan ito sa telepono.

 

“Okay boss!” Maya-maya lang ay nasa harap na niya ang babaeng nasa kwarenta na ang edad. 

“Sino ang babaeng yan?” agad nitong tanong habang nakatingin sa babaeng gumigiling sa gitna ng entablado. 

Ngayon lamang kasi nakita ni Griffin ang babae na sumasayaw kahit na nakatakip ang mukha ng mask ay alam niyang bago lang ito kaya nagtataka siya kung paano ito na hired sa kanyang bar, samantalang lahat ng empleyado niya ay sa kanya lang muna dumadaan at siya ang nagdidiside kung tatanggapin niya sa kanyang bar o hindi.

“Ahm boss, si Samy po yan. Ang bagong star dancer natin, boss birhen pa raw siya.” tila masaya pa ito na ipinakilala ang babae sa kanyang boss.

“Bakit hindi ko alam na may bago kayong hired na dancer?” 

Agad naman nagyuko ng ulo ang babae, natatakot ito na baka pagalitan siya dahil sa sariling desisyon na mag hired ng baging dancer.

Isang linggo na rin kasi bago muling naka bisita  si Griffin dito sa bar dahil naging abala din ito sa kanyang car business. 

Ngunit kahit ganun ay gusto niya lagi na mag a update si Rita sa kanya, ngunit wala siyang natanggap ni isang tawag mula rito.

“Pasensya na po boss, biglaan po kasi ang kanyang pagpasok dito, nakiusap lang po kasi siya dahil kailangan niyang kumita ng pera.” alanganing paliwanang ni Rita.

“Iharap mo siya sa akin mamaya, nais ko siyang makilala.” Utos nito. 

Agad naman nagbago ang awra ng babae, naisip niya na interesado ang kanyang amo sa bagong dancer kaya napangiti siya. 

Kanina habang nakaupo si Griffin sa couch at nanunuod ng live show sa screen ng tv ay bigla siyang napa tayo para mas mapanood niya ng maayos ang babaeng sumalang sa entablado para sumayaw. Lumapit siya sa dingding na salamin at duon niya pinanood ang babae habang sumasayaw. 

Nasa VIP room siya ng makita ang babaeng sasayaw, mula kasi sa dingding na salamin ay matatanaw lang ang kabuuan ng unang floor dito sa bar. 

Ngunit dahil may takip ang mata ng babae ay hindi niya ito direktang makita ang mukha. Kaya tinawag na niya ang kanyang manager para magtanong. 

“Sige po boss, paaakyatin ko na lang siya mamaya, pagkatapos ng kanyang sayaw.” Sambit ng babae bago nagpaalam na bumaba. 

Ipinagpatuloy ni Griffin ang panonood sa pagsasayaw ng babae, napaka smooth kasi ng galaw nito. Bawat giling nito ay parang may kung anong nabubuhay sa parte ng kanyang katawan. 

Para bang ang perpekto ng katawan nito. Naalala na naman niya ang babaeng taga linis na kahit naka suot ng uniform na may kaluwagan ay halata ang kurba ng katawan nito. Kaya mas lalo siyang naingganyo na kilalanin ito. 

Sa opisina ng manager ay kumatok si Samy. Agad naman siyang pinapasok ng manager. 

“Ma’am Rita, pinatawag niyo raw ho ako?” tila nahihiya pa ang babae ng lumapit sa amo ng magtanong. 

“Yes Samy, gusto ka kasi makilala ng Boss natin.” natutuwa nitong balita.

“Pero akala ko ikaw ang may ari nito?” Takang tanong ni Samy.

“Isa lang akong manager dito Samy, at may amo pa tayo si big boss.” paliwanag ni Rita.

“O-okay, pero bakit daw ako pinatawag?” nagtataka pa rin itong nagtanong. 

“Basta, halika na…” bigla na lang siyang hinila paakyat sa second floor ng bar.

“Tika!” Hindi man lang muna siya pinagbihis nito. Naka two piece pa siya na haharap sa kanilang amo kaya mabilis siyang nakaramdam ng kaba. 

Habang papalapit sila sa kwarto ng amo ay mas lumalakas ang kanyang kaba. 

“Please set down,” seryosong utos ni Griffin kay Samy. “Maaari mo na kaming iwan Rita.” baling naman nito sa manager.

 

Agad naman na lumabas ng VIP room si Rita matapos suminyas kay Samy na ngumiti at lakasan ang loob. 

Tumayo si Griffin at lumapit sa pinto at pasimple nitong inilock.

“What a perfect body…” sambit nito na may halong pagnanasa na tingin.   

Agad naman na tinakpan ni Samy ang kanyang katawan dahil sa malagkit na tingin ng kanyang amo. 

“Hmp!” Tumikhim pa ang lalaki bago ibahin ang topic. 

“By the way bakit naka mask ka pa rin hanggang ngayon?” Napansin kasi nito na kahit nakababa na ito ng stage ay hindi pa rin tinatanggal ang mask at hindi rin nag bihis. 

“Tapos ka na mag sayaw hindi ba?” Muli niyang tanong bago umupo at kumuha ng alak saka nagsalin sa baso. 

Naglagay din siya ng tube ice bago hinalo ang alak at sumimsim ng kaunti. Tila nauhaw siya sa kanyang nakikita. 

“Si ma’am Rita kasi hindi ako pinag bihis.” 

“I see.” 

“Sir, ano po ba ang kailangan niyo sa akin?” Mahina ang boses nito na tila takot. 

“Gusto kitang makilala, remove that thing?” Utos nito sa babae.

“Pero sir—” sa punto ni Samy ay nahihiya siyang magtanggal ng mask dahil naka two piece lang siya. Nakabalandra na nga ang katawan niya pati ba naman mukha niya makikita pa ng kanyang amo. Sinisisi niya ngayon ang among babae dahil bigla na lamang siyang hinila papunta rito. 

“I said remove that fucking mask!” Bulyaw nito sa babae. 

Nakaramdam naman ng takot ang babae na hindi niya inakala kaya tila nanginginig ang kamay nito na tinatanggal ang nakatakip na maskara sa kanyang mukha.

 

Habang si Griffin ay napangiti ng unti-unti ng hinubad ng babae ang suot nitong maskara. 

Ngunit sa hindi inaasahan ay nanlaki ang kanyang mata ng makita ang mukha ng babae. 

‘What!?’ Sa isip nito. Ngunit agad rin na kinalma ang kanyang sarili. 

Siya ang babaeng nag lapastangan sa kanyang kwarto, dose oras na ang lumipas. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status