Share

The Billionaire's Mistress
The Billionaire's Mistress
Author: Yeslone

Prologue

Her Point of View.

Nililipad ng hangin ang aking buhok pero hindi ko alintana iyon. Naupo ako sa damuhan habang nakatitig lang sa puntod na ito. Tinanggal ko ang mga naglaglagang mga dahon galing sa puno na nagiging dahilan kaya natatabunan ang lapida. I smiled sweetly. Kailan ba ang huling beses na napangiti ako ng ganito? Hindi ko na maalala. Sa dinami rami ng nangyari sa buhay ko, parang nakalimutan ko na ang ngumiti. Pero ngayon, hindi ko mapigilan ang matuwa at maging masaya.

"Alam kong wala pa akong karapatang sumaya ngayon pero hindi ko kayang itago ang tuwa sa isiping malapit na akong makapaghiganti."

Usal ko habang nakangiting nakatitig sa lapida. Punong puno ako ng poot, galit at paghihiganti. Gustuhin ko mang kalimutan na ang nangyari pero maging sa pagtulog ko ay sinusundan ako ng poot at galit na nararamdaman ko.

Oo nga, mahaba na ang narating ko. Naging maganda ang buhay ko pero wala ni isa sa pamilya ko ang pwede kong pag-alayan ng lahat ng achievements ko. Kungsabagay, kahit gaano pa kataas ang naabot ko sa ngayon, hinding hindi nila makikita iyon. Hinding hindi sila magiging proud sakin. Why? Because you die because of me. Ang minamahal nilang anak ay namatay dahil sakin. Iniwan nila ako pagkatapos mong mailibing at hindi ko na sila nakita pa. I was left alone and I was the only one who's visiting you here. Tila ba pareho nila tayong kinalimutan. Napangisi ako at napapailing. No. Matagal na pala nila akong nakalimutan at ikaw lang ang naaalala nila. Pero ni minsan hindi ako nagtanim ng sama ng loob sayo. Mahal kita eh. Mahal na mahal kita. Kaya nang mawala ka. Nang mamatay ka dahil sakin, wala na akong karapatang mabuhay at sumaya. Hanggang ngayon sinisi ko pa rin ang sarili ko dahil sa pagkawala mo. Hanggang ngayon dala-dala ko pa rin iyon. Gusto ko nang kitilin ang sarili kong buhay ng mapagtanto kong nag-iisa na lang ako. Ngunit may isang taong pumigil sakin na gawin iyon. Isang taong hindi ko kailanman inaasahan na tutulong sakin. He made me realized na hindi ako pwedeng magpakamatay habang masaya ang mga taong gumawa sakin nito at gumawa sayo nito. Hindi nila deserved ang sumaya. At sisirain ko ang buhay nila at sisiguraduhin ko na hindi sila magiging masaya hangga't nabububay ako. Lalong lalo na silang dalawa!

"Sabi ko na nga ba.. nandito ka."

Nilingon ko ang dumating at saka siya ngumiti sakin. I smiled back.

"Kakarating mo lang at dito ka kaagad dumeretso?"

"Matagal ko siyang hindi nadalaw, Lor."

Tumango siya while twitching his lips.

"You should rest, darling. May pupuntahan kang kasal bukas. Diba?"

Tumaas ang kilay ko sa kaniya. Ang kasal. Huh! Oh well, they both deserved each other. Bagay na bagay sila sa impyerno!

"What color should I wear? Red?"

He chuckled.

"Red is gorgeous, darling! Dapat masaya ka sa kasal nila. I'll doubt you kapag itim ang sinuot mo."

Umismid ako.

"They don't deserved the black dress. Hinding hindi ako makikipagsimpatya sa kanila kahit pa sa mismong burol nila."

Tumawa siya dahil sa sinabi ko. The man behind me or should I say, the gay behind me is my bestfriend and business partner Lorenzo Altiche. He's a famous fashion designer and he's also my personal manager. We met nine years ago. He's already 22 years old when we met and I was only 18. Nagsisimula pa lang siya noon as fashion designer at isa ako sa mga kinuha niya bilang modelo at nang magkaroon siya ng magandang offer sa ibang bansa ay sinama niya ako para doon ipagpatuloy ang pag-mo-modelo ko pati na rin ang pag-aaral. From there tinulungan niya ako hanggang sa Estebas Beauty Cosmetics. At dahil hindi pwedeng malaman kung sino ang totoong CEO ng EBC, Siya ang gumawa ng paraan para makapasok ang EBC dito sa Pilipinas. When everything is settled, I am now back and so ready for revenge.

"Oh well..VIP Client natin ang babaeng ikakasal bukas. She's now in one of our branch. Wanna come? Papunta ako roon eh."

Umiling ako.

"Hindi pa ito ang tamang oras para magkita kami. Baka bukas?"

Ngumisi ako sa kaniya at ganoon din siya sakin pero agad din itong napalitan ng pangamba.

"Sigurado ka na ba talaga dito? Ipapaalala ko lang sayo, malaking tao ang kakalabanin mo."

"Siguradong sigurado na ako, Lor. Isa pa, wala namang mawawala sakin eh."

Hindi siya umimik at nakatingin lang siya sa lapida.

"Gusto kong magpasalamat sa kaniya dahil pinili mo ang mabuhay pero sa kabilang banda, gusto ko ring sisihin siya kung bakit ganito ka ngayon."

"Lor.."

"Gusto kong magkaroon ka ng normal na buhay. Gusto kong makita kang magkaroon ng sariling pamilya. Halos nasa saiyo na ang lahat ngayon pero ni minsan hindi pa kita nakitang sumaya."

Umiling ako.

"Wala akong karapatang sumaya, Lor. Saka na ako sasaya kapag nakita ko nang nagdudusa ang mga taong gumawa samin nito! Kung hindi dahil sa kanila.. buhay pa sana siya ngayon."

"Siyam na taon na ang nakakalipas, Riza."

"Hindi sapat ang siyam na taon para kalimutan at ibasura ko na lang ang ginawa nila samin dahil lang sa tinatamasa ko ngayon, Lor. I'm not done with them."

Napasinghap siya at napabuga ng hangin.

"Well.. If this is what you really want, I'll support you. Pero kailan mo balak itago ang sarili mo sa EBC? I can't be with you all the time. Kailangan kong bumalik ng Paris."

I smiled at him.

"You can now go back to Paris, Lor. I'm fine here. Live your own life from now on."

"Hindi ko magawang mapanatag sa sinasabi mo sakin ngayon, Riza."

"Kaya ko ang sarili ko, Lor. Trust me."

"Aalis ako dito kapag na-settle ko na lahat ang EBC. Would you still do modeling while you're here?"

Tumango ako at saka ngumiti sa kaniya.

"Yes. That woman is a famous model here."

"You want to compete?"

Kumunot ang noo ko at pagak na tumawa.

"I'm an international model, Lor. I don't need to compete because I am already on top."

Tumaas ang gilid ng kaniyang bibig at proud na proud na nakatingin sakin.

"Wow! That's my girl!"

Tumawa ako sa sinabi niya at sabay kaming napatingin sa lapida. I smirked.

Magsisimula na ang paghihiganti ko. Para satin ito kakambal ko.

CLARIZA ESTEBAS

1995-2013

"You will never be forgotten"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status