Share

Chapter Four

Her Point of View.

I love this dress made by Lor. It's a body hugging silky rose gold gown. Not a tube but an off-shoulder kaya kitang kita ang collarbone ko at kitang kita naman ang hugis hour glass kong katawan. My hair is in a bun at my make up is just light. Ni-enhance lang ang maganda kong mukha. Ngayong gabi ang Engagement Party na dadaluhan ko because my VIP Client invited me. I can't say no and besides, I am not gonna say no. Dahil nabanggit sakin ng Client kong iyon na dadalo ang Sarreignto Newly-wed dahil kasosyo ng mapapangasawa niya si Carriuz Sarreignto kaya talagang pinaghahandaan nila ang Engagement Party dahil paniguradong maraming deals from other businessmen ang makukuha ng mapapangasawa niya kapag nakitang engaged na ito. Tumaas ang kilay ko. Oh well, mabuti na lang talaga my Company is owned by me and Lor. Hindi ko kailangang ma-engaged or ipakasal sa kung sino. Besides, I'm fine with my own company. May mga investors naman and shareholders na willing kaming tulungan with marriage.

"So gorgeous! Hmp!"

I smirked.

"I have to be. Kailangan maagaw ko ang buong atensyon ni Carriuz ngayong gabi."

Umirap si Lor habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin.

"Sapat na ang mukha mo para makuha mo ang buong atensyon niya, Riza. The question is, are you ready?"

Ngumisi ako.

"I am so ready, Lor. I am always ready."

"Dapat lang. Dahil sa oras na magkaharap kayo, hindi ka na maaaring umatras."

I sighed. Bukod din naman sa kay Carriuz naghahanda rin ako dahil alam kong may malalaking tao ang nandoon at bilang isang CEO ng isang Company I am still hoping to get a powerful investors. Malaking bagay iyon para sa EBC.

"Okay ka na ba? We need to go na."

"Yes. Let's go."

Nagngitian kami at ipinulupot ko ang kamay ko sa braso ni Lor. Matangkad si Lor kahit na 5'7 ang height ko. Magandang lalaki si Lor, actually iyon nga lang mahahalata mo talaga sa kaniya na bakla siya dahil sa pananalita at sa kilos. Pero kung naka-steady lang siya at hindi magsasalita? Aakalain mo talagang tunay siyang lalaki.

We arrived at the venue, ten minutes late. Ayos lang naman dahil marami pa kaming nakitang kararating lang din at ang iba ay kasabayan pa namin ang pagdating. Hindi ko namataan sina Carriuz at Asheika sa labas kaya maaaring nasa loob na sila o wala pa sila. Kaagad na may lumapit sa aking babae na may hawak na microphone at sa gilid niya ay isang lalaki na may hawak na camera. Kakalabas ko pa lamang ng mercedes benz ni Lor. Si Lor naman ay sa kabilang pinto ng kotse, lumabas. Binalingan ko ng tingin ang babaeng sa tingin ko ay reporter at matamis itong nginitian.

"Good Morning Miss. Are you the EBC CEO,Clariza Estebas? You're also an international model, right?"

Umakto akong nagulat.

"Omo! How did you know?"

Excited kong sabi. She chuckled at tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

"You look exactly the famous international model, Riza Estebas. I am a fan, actually. And for sure you're wearing a Lorenzo Altiche's giwn tonight!"

Natawa ako. This woman is surely a fashion lover. Well, model screen name ko ang Riza Estebas pero mas madalas akong magpakilala bilang Clariza Estebas.

"Oh well, you're right!"

Tumawa ang Reporter at tila natuwa sa aking pinapakitang attitude. Tumayo si Lor sa tabi ko and waved her palm to the reporter. Kita ko ang kaniyang pagkamangha and I am really sure na madalas manuod ng fashion tv shows ang babaeng ito.

"Oh my god! You're Lorenzo Altiche! I really love your gowns and dresses!"

"Oh! Thank you!"

Tumikhim ang Reporter nang makita kong tinapik siya ng camera man para siguro ipaalala rito na kailangan niya kaming ma-interview at hindi para chikahin kami. I chuckled.

"Oh! I'm sorry. I just want to ask if you're the EBC CEO and International Model, Miss Clariza Estebas?"

Tumango at habang nakangiti.

"Yes. I am Clariza Estebas."

"Soo.. Miss Estebas, ano ang relasyon mo sa dalawang taong ma-eengaged ngayon?"

"The soon-to-be wife is my VIP Client and a friend. She invited me so.. I am here now with Lorenzo Altiche."

"Is is true that Lorenzo Altiche is the Co-CEO of EBC?"

"Yes. We're business partners and best friends. Actually, we're like sisters!"

Ngumiti ang Reporter na babae.

"Well then, Miss Estebas you may enjoy the night and thank you for your time."

"Oh! Thank you."

Nagpaalam na kami at naglakad na papasok ng Venue.

"You're too friendly na nangangamoy sunog na plastik ka!"

Mariin pero mahinang bulong sakin ni Lor. Tumawa ako.

"Come on, Lor. She's a reporter. I should be nice!"

"Nice is valid. Too nice is just.. an off!"

Tumigil ako sa paglalakad at nilibot ko ang tingin sa kabuoan ng venue. Halatang pinaghandaan at talaga namang engrande ang Engagement Party na ito. Tamang tama lang pala ang itsura ko. Kanina pa ako bothered kasi baka mas maganda pa ako sa VIP Client ko. Not that I am bragging myself but I just know that I am beautiful and sexy. Kaya nga pagka pasok na pagka pasok pa lang namin nakuha ko na kaagad ang atensyon ng ibang mga kalalakihan dito.

"Well, naisip ko lang na baka kailanganin ko ang Reporter na iyon."

Inirapan niya ako at saka humalukipkip.

"Ikaw talaga. Basta mag-iingat ka sa mga kilos mo at wag magtitiwala sa kung sino, Riza."

Tumango tango ako at saka siya nginitian.

"Oo naman, Lor. Ako pa ba? I'll be fine."

"Lorenzo Altiche?"

Napalingon kami sa tumawag kay Lor at nakita ang isang magandang babae na nakangiti sa kay Lor. Nang tumingin sa gawi ko ay kaagad na ngumiti siya sakin and so I smiled back. Ang mestiza niya tapos blonde pa ang buhok. She's beautiful.

"Omo! Katty Jackson?!"

She chuckled at tila ba nahihiya.

"Ako nga. You're the famous fashion designer and the Co-CEO of EBC, right? I am your fan! Sobrang namamangha talaga ako sa gawa mo!"

Napangiti ako. Nakaka-proud talaga kapag naririnig ko ang mga magagandang bagay na sinasabi nila tungkol kay Lor. He deserves all the praises dahil talaga namang napakaganda ng mga likha niya. At nakakaproud na bago isuot ng mga runway models niya ang mga gawa niya, ako muna ang nagsusukat nito. I am the living manequin of the famous Lorenzo Altiche!

"Oh really? Well, Can I invite you in one of my fashion show, if ever?"

Napatakip sa kaniyang palad si Katty Jackson. Kumunot ang noo ko, parang familiar talaga sakin ang pangalan niya. Parang narinig o nabasa ko na. Is she a famous model too? Siguro mas sikat pa sakin dahil ni minsan hindi ko pa siya nakasama sa kung saang fashion show event na nandoon ako. This means, big time ang model na ito. God! She's goddess right now!

"Sure. I'd loved too!"

Hinawakan ako ni Lor sa aking braso at hinila palapit sa kaniya.

"Oh Katty, by the way this is Cl—"

"Clariza Estebas. I know her. Lagi kong inaabangan ang mga fashion shows mo. Actually, number one fan mo ako! Grabe! Pansin na pansin na kaagad kita pagkapasok na pagkapasok niyo pa lang. Nakakahiya lang lumapit kaya si Lorenzo Altiche ang tinawag ko. You look gorgeous, my god! Can I hold your hand? Shucks! You're real naman right?"

Tumawa si Lor nang makita ang reaction ko na gulat na gulat sa mga sinabi ni Katty. She's praising me and even admiring me. Totoo ba ito? Fan ko ang dyosang babae na ito?! Shucks! Gusto kong matunaw! Ngayon na!

Hinawakan niya ang kamay ko. And because I was taken aback in her sudden confession, hindi ako makaimik at hinayaan na lang siya. Agad naman akong nakabawi at ayon, hindi na namin naisip ang maupo para mas makapag-usap sana kami. I love talking to her ang kaso may lumapit sa amin na isang matipuno at matangkad na lalaki at kaagad na nilingkis ang braso niya sa bewang ni Katty. Pinakilala niya ang kaniyang sarili bilang si James Chiu. Ang Co-CEO ng SDT Empire. It's a big construction company at kilalang kilala dito sa Pilipinas at maging sa ibang bansa. May alam ako sa SDT Empire dahil nakilala ko na ang CEO nito na si Storm Thompson. Sa kaniya namin pinagawa ang building ng EBC and I must say talagang de-kalidad magtrabaho ang lalaking iyon. I asked James about Storm and he just told me that Storm isn't here tonight because of a personal matter. Nalaman ko rin na pinsan ni Katty Jackson si Storm Thompson, no wonder dahil pareho silang maganda at gwapo. Actually, Storm Thompson was my crush before. Pero nang malaman kong kasal na ito ay hindi na rin ako umasa na mapansin niya ang isang katulad ko.

"Clariza! Oh my god! You're here!"

Agad na lumapad ang ngiti ko nang makita ko ang VIP Client ko na si Jernella Buendia.

"Oh my god! You look like a beautiful bride! Sure ka bang Engagement Party to at hindi kasal?"

Tumawa siya at mahinang hinampas ako sa aking braso.

"Loka ka talaga! Engagement pa lang ito. Malayo pa ang kasal! Hello Lor!"

"Hello beautiful lady! You look gorgeous tonight! Where's the soon-to-be groom?"

"Oh! He's in the other table. Nakikipag-usap sa ibang bisita. Tara! Doon tayo maupo. Magkukwentuhan tayo!"

"Sorry we're kinda late ha?"

Paumanhin ko sa kaniya. Umiling iling siya habang nakangiti sakin.

"No. It's okay. It will just bore you."

Tumawa ako. Naupo kami sa isang bakanteng round table at nagsimula na kaming mag-kwentuhan habang busy naman ang fiancè niya sa kabilang table.

I met Jernella Buendia last year sa States. Of course as what I usually do, nagbabackground check ako sa mga Client ko at napagtantong isang mayamang babae si Jernella kahit hindi halata sa pananamit niya noong unang beses kaming magkita sa isang Clinic ko sa States. Kasama niya pa noon ang Mommy niya. We became friends after that at madalas ako mismo ang nagbibigay ng treatment sa kaniya. Nakwento niya nga sakin ang tungkol sa lalaking ipapakasal sa kaniya. She likes the man pero tagilid ang lalaki sa kaniya but she's hoping that the man will learn to love her kapag magkasama na sila sa iisang bahay bilang mag-asawa. Bago ako bumyahe pabalik ng Pilipinas ay tinawagan niya ako para sabihing imbitado ako sa kanilang Engagement Party that is happening right now. She even told me that Carriuz Sarreignto is one of their special guests kaya nakaplano na talaga sakin na ngayon kami magkikita ni Carriuz.

We're in the middle of chikahan nang may lumapit sa table namin na isang gwapong lalaki. Kaagad niyang hinawakan sa braso si Jernella kaya napatingala si Jernella sa kaniya at kaagad na ngumiti nang mapagsino ang humawak sa balikat niya. Tumayo si Jernella at kaagad na pinulupot ang kamay niya sa braso ng lalaki.

"Oh! Zarren, these are my friends and the Co-CEO and CEO of EBC.. Sina Lorenzo Altiche and the face of EBC, Clariza Estebas."

Ngumiti samin ang lalaki at sabay kaming tumayo ni Lor para kamayan ang lalaki.

"Ito si Zarren, my fiance."

Dugtong ni Jernella.

"Nice to meet you and Congratulations!"

Nakangiti kong sabi kay Zarren. Ngumiti siya.

"Nice to meet you too. I've heard so much about you from Jernella. Thank you for being her friend."

Napantingin ako kay Jernella and she just chuckled at namumula ang pisngi. Hmm.. They look fine and lovely couple, honestly. Iba rin ang glow ni Jernella. Di kaya? Okay na sila?

"Hey bro!"

Tawag ni Zarren sa kung sino man. Napasunod ang tingin namin sa direksyon ng mata ni Zarren at bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko. Narinig ko ang pagtikhim ni Lor pero hindi ko magawang alisin ang mga tingin ko sa lalaking ngayon ay naglalakad palapit samin. He's wearing a black tuxedo and light blue long sleeve polo na panloob. Kitang kita ang long sleeve polo niya dahil nakabukas ang coat niya. He's holding a wine glass na may lamang champagne dahil sa kulay na ito. Medyo magulo ang itim niyang buhok but it's suits him. Mas naging lalaki pa nga siyang tignan. Tall, dark and.. handsome. I really can't deny it. Masyado siyang gwapo at talaga namang kaya niyang mag-stand out kahit pa yata magmukhang basahan ang lalaking ito, lilitaw pa rin ang kagwapuhan niya. Agaw pansin rin ang nunal niya sa ibabaw ng mata, sa gitna. It's one of the things about him na hinding hindi ko magagawang kalimutan. Kahit sa malayuan, kilalang kilala ko siya. Tindig pa lang. Kumunot ang noo ko, hindi ko siya napansin kaninang pumasok kami. Kakarating niya lang kaya? Bakit mag-isa siya? Where is his wife?

"Bro! This is my fiancee, Jernella Buendia. Jern, this is Carriuz Sarreignto, my friend."

"Oh! Nice to meet you, Carriuz."

"Nice to meet you too. You look gorgeous by the way."

Mahinhin na tumawa si Jernella. Naramdaman ko ang pagsiko ni Lor sakin at doon ko lang siya nagawang tingnan. Tumaas ang kaniyang kilay at nginuso ang lalaking kadarating lang sa table namin.

"By the way, Carriuz. These are my friends. Lorenzo Altiche, the famous fashion designer."

Hinila ako ni Jernella sa pamamagitan sa paghawak sa braso ko para makapalapit sa kaniya at kay.. Carriuz.

"And this is Clariza Estebas, the CEO and the face of Estebas Beauty Cosmetics. Clariza, this is Carriuz Sarreignto, the CEO of Sarreign Chain of Hotels!"

Nakatitig lang sakin si Carriuz at tila ba gusto niyang bungkalin ang pagkatao ko para makita ang gusto niyang makita. Napalunok ako. Riza! This is not the time para matunganga ka ngayon! You've waited for this! Get a grip of yourself. I smiled at him and I saw him taken a back. Tila bumalik ang self confidence ko. Nilahad ko ang kamay ko sa kaniya at napatitig siya roon.

"It's nice to meet you, Mr. Sarreignto."

Matagal bago tinanggap ni Carriuz ang nakalahad kong kamay. Sa pagkakahawak niya sa kamay ko ay naramdaman ko ang init ng kaniyang palad.

"Nice to meet you too.. Riza Estebas."

Kumunot ang noo.

"It's Clariza Estebas."

Pagtatama ko sa kaniya. Tumaas ang gilid ng kaniyang labi at hindi niya pa binibitawan ang kamay ko.

"Sorry. Clariza is too long. Riza Estebas suits you more."

Jernella chuckled.

"Nice to meet you, Mr. Sarreignto. I'm Lorenzo Altiche."

Doon lang natigil ang pagkakatitig sakin ni Carriuz at binalingan ng tingin si Lor. Binitawan niya ang kamay ko at doon lang ako nakahinga ng maayos. Urgh. What is happening to me? Hawak lang naman iyon! Umayos ka nga Riza! Hindi mo dapat nararamdaman ang ganito!

"Nice to meet you too, Lorenzo. My wife is a fan of your works. She's a model by the way."

"Oh really? Kasama mo ba siya? I wanna meet her."

"She's with my parents."

Nagpalinga linga siya at tila ba hinahanap ang kaniyang asawa. Nang makita ito ay itinaas niya ang kaniyang kamay at naglakad papunta sa amin si Akeisha.

"Why don't we sit? Para mas maayos ang pag-uusap usap natin?"

Si Zarren ang nagsalita. Tumango kami sa kaniya at naupo nang muli. Katabi ko si Lor at katabi naman ni Lor si Carriuz. May bakanteng upuan sa pagitan ni Carriuz at Zarren at katabi naman ni Zarren si Jernella.

"Yes, Hun?"

Tumaas ang kilay ko nang makita si Akeisha na nakahawak sa balikat ni Carriuz. Gumawi ang tingin ni Akeisha sa amin ni Lor at nagtagal sa akin. Kita ko ang paglaki ng kaniyang mata nang mapagsino ako. I smiled at her.

"Hun, this is Jernella, Zarren's fiancee. And this is Lorenzo Altiche, and he's with.. Clariza Estebas, right?"

He smirked at me while saying that. Tss.

"This is my wife, Akeisha."

"Nice to meet you, Akeisha. We met before, right? Sa isang clothing store?"

Hindi nakaimik si Akeisha. Iminuwestra sa kaniya ni Carriuz ang bakanteng upuan.

"Hun, diba nasabi mo sakin na fan ka ni Lorenzo Altiche?"

"Ye-yeah."

Sagot niya pero ang tingin niya ay nakapako pa rin sakin.

"Ikaw pala ang asawa ni Mr. Sarreignto? And he told me that you love my works. I saw you too. Sa clothing store na tinutukoy ni Clariza. Magkasama kami noon."

Nagulat si Akeisha sa sinabi ni Lor. I smirked. So she didn't know? At halata sa kaniya ang pagiging kabado.

"You met her, Hun?"

Untag sa kaniya ni Carriuz. Napatingin siya kay Carriuz at hilaw na ngumiti.

"Oh! Right. Sorry. Hindi ko na maalala kasi kaya inisip ko pa."

"Hindi mo ako maalala? Oh! But you did recognized someone when you first saw me? You even called me Riza."

Inosente kong sabi. I heard Lor chuckled pero hindi ako tumawa kahit gustong gusto ko na. Sina Zarren at Jernella ay nakatingin lang samin habang nakakunot ang mga noo. Si Carriuz ay nakatitig lang ng seryoso sa kaniyang asawa na si Akeisha.

Tss. What a dimwitted woman. Nahuli sa sariling bibig.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status