Share

Chapter Five

Her Point of View.

I am sipping my glass of champagne habang nakikinig sa kwento ni Jernella at ni Zarren. So this Engagement Party is not just about business, they both love each other. Kaya pala iba ang glow ni Jernella ngayon. I am happy for her. Ngumiti ako para makasabay sa usapan. Si Akeisha ay tahimik lang at tila ba nandoon pa rin ang kaniyang kaba at pagkailang. Dumapo ang tingin ko kay Carriuz at nahuli ko siyang nakatingin sakin. I put down my glass of champagne and I smiled at him. Nakita kong nahuli ni Akeisha ang pagngiti kong iyon kay Carriuz. Si Carriuz ay seryoso lang na nakatitig sakin.

"Hun..Mom is texting me. Pumunta na raw tayo sa table nila."

"Oh! You two can go. For sure, maraming businessman ang gustong makausap ka, Carriuz."

Bumuntong hininga siya at tinanggal ang titig sakin at nginitian si Jernella.

"Baka nga. Maiwan na muna namin kayo."

Paalam ni Carriuz. Binaling ko ang tingin ko kay Akeisha na ngayon ay masama ang tingin sakin. Ngumisi ako para mas asarin pa siya at hindi nga naman ako nagkamali. She looked like an angry kitten who's ready to bite me. Tss. As if. Hinila niya na paalis sa table namin si Carriuz na nahuli kong tinapunan ako ng tingin bago tumalikod samin. Narinig ko ang pagtikhim ni Zarren kaya napatingin ako sa kaniya. He smiled widely.

"Grabe! That's the first time I saw Carriuz staring at a woman like that!"

Tumawa si Jernella sa sinabi ni Zarren.

"Napansin mo rin pala Babe? Kung hindi ko nga lang alam na may asawa si Carriuz baka isipin kong na-love at first sight siya kay Clariza!"

I chuckled at saka napapailing.

"Ssshh.. baka may makarinig at ma-issue kinabukasan."

Pagbibiro ko. Maging si Lor ay tumawa dahil sa sinabi ko.

"I can't blame, Carriuz. My Clariza is really gorgeous!"

Tumango tango sina Jernella at Zarren.

"Mabuti na nga lang, I am wearing a semi wedding gown, kahit papano hindi naging attention stealer si Clariza!"

Napanganga ako dahil sa sinabi ni Jernella. Si Zarren ay tumatawa.

"Babe, you're still the most beautiful woman for me."

Hindi ko napigilan ang ngumiti ng matamis dahil sa tinuran ni Zarren.

"Oh my god! Sana all, Jernella. Sana all!"

Natatawang sabi ni Lor na nagpatawa sa aming lahat. Maya maya pa ay nagpaalam ang dalawa para kausapin ang iba pa nilang bisita.

"Nakakapagtakang nandito ka pa ngayon sa tabi ko bruha ka!"

Kunot noo akong napatingin kay Lor.

"What do you mean?"

He rolled his eyes at saka humalukipkip.

"That Sarreignto is still staring at you kahit nasa tabi lang ang asawa niya."

Pagak akong tumawa.

"Of course, he'll stare at me because he saw someone in me that was already dead nine years ago."

Umiling iling si Lor.

"Pero you can't hide the truth from me. Nakita ko kung paano mo malagkit na titigan si Carriuz kanina nang palapit siya satin."

Napalunok ako nang mabanggit niya iyon. At hindi ako sumagot. Uminom na lang ako ng champagne at tinapunan ng tingin si Carriuz na mayroong kausap na isang lalaki pero ang tingin niya ay nakapako sakin.

"Hi. You're Clariza Estebas of EBC, right? You're an International Model too."

Nagulat ako sa nagsalita at sa lalaking lumapit sa table namin. He has dark brown long hair pero nakatali ito sa ngayon at may kaontinh tikwas na buhok sa mukha niya. He's not gay dahil na rin sa baritonong boses niya. Inilahad niya ang kaniyang kamay sa akin.

" Drain Anchor Feriol. I'm a Director."

Napa-ohh ang bibig ko at kaagad na tinanggap ang kaniyang palad para makipag-shakehands.

"Ooh! Nice to meet you and yes I'm Clariza Estebas. And this is my Co-CEO and a fas—"

"The famous fashion designer, Lorenzo Altiche."

Pagputol ni Drain sa sasabihin ko. I chuckled at saka tumango tango. Nakipagkamay din siya kay Lor at naupo siya sa tabi ko. At first this Drain beside me is just talking about how he wants to meet me the moment he saw me in a fashion show event na dinaluhan niya sa States. Gusto niya sana akong alukin na maging isa sa Artist niya. Agad akong tumanggi at sinabing hindi ko binalak ang mag-artista at tanging pag-mo-modelo lang ang gusto ko. Maya-maya pa ay sila na ni Lor ang nag-uusap kaya naging way iyon para i-excuse ang sarili ko para pumunta ng powder room. Nagpaalam ako sa dalawa and Drain offered me a company to the powder room pero tumanggi ako. Kaagad akong naglakad papuntang powder room na ipinagtanong ko pa sa isa sa mga crew kung nasaan.

Napabuntong hininga ako ng makapasok ako ng powder room habang nakatingin sa repleksyon ng sarili ko sa salamin. Dito ko lang yata nagawang huminga ng maayos. Pumasok ako sa isang cubicle at doon ako nag-stay ng ilang minuto. Nakarinig ako ng pagbukas nng pinto at tunog ng takong. Kahit tapos naman na ako umihi ay hindi na muna ako lumabas ng cubicle.

"I saw it, Akeisha! sobrang lagkit ng titig ng asawa mo sa Estebas na iyon."

"Ilusyon mo lang yan, Rebecca. Mahal ako ng asawa ko."

"Oh well.. I can't blame Carriuz. Maganda talaga ang Estebas na iyon."

"Rebecca wag kang tanga! CEO ng Beuty Cosmetics ang babaeng yun kaya malamang may mga pinagawa na iyon sa mukha niya!"

Tumaas ang kilay ko dahil sa narinig. May mga pinagawa? Nagpapatawa ba siya? Hanggang skin care treatment nga lang ang nagagawa ko dahil almost perfect na ang pamumukha ko. Nanatili pa rin ako sa loob ng cubicle at hinihintay ang sasabihin pa ni Akeisha. Alam kong si Akeisha Rendez ang nandito at kung sino mang Rebecca na kasama niya. Bagonng alipores niya kaya?

"Besides kaya lang siya tinititigan ni Carriuz dahil kamukhang kamukha niya ang babaeng pinaglaruan niya noong senior high school kami."

"What?! Pinaglaruan? Baka iyon ang babaeng iyon."

"Yeah. Pero hindi maaaring siya ang babaeng iyon dahil matagal ng patay na iyon. That Clariza Estebas is her twin sister. Nagpa-investigate ako sa Estebas na yan and it turned out that she's just her twin sister at doon na siya halos tumira sa States."

I smirked. Tulad nang inaasahan ko the moment Akeisha saw me, nagpa-investigate siya at nataon na ang kinuha niyang Investigator ay kakilala ko at sinabi sakin ang tungkol sa plano ni Akeisha kaya ang tanging nabigay lang na impormasyon kay Akesiha ay ang mga impormasyon na gusto kong ipaalam lang sa kaniya. Sorry Akeisha.

"And Rebecca.. mahal ako ni Carriuz. Siya mismo ang nag-alok ng kasal sakin after nine years of chasing him. Sakin pa rin naman siya bumagsak. I just really hat her guts. Ayoko sa kaniya!"

Tumaas ang kilay ko at binnuksan ko ang pinto ng cubicle. Agad koong nakita ang pagkagulat nilang dalawa. Naglakad ako palapit sa sink sa tabi ni Akeisha. Nilapag ko ang purse ko at binuksan ang gripo sa sink para makapaghugas ng aking kamay. Tumingin ako sa reflection ni Akeisha sa salamin at nahuli ko siyang gulat na gulat pa rin na nkatingin sa akin. I smiled at her.

"You can continue gossiping about me."

Nakangiti kong sabi. Kumuha ako ng tissue para ipunas sa kamay ko. I opened my purse at kinuha ang lipstick na dala ko at ipinahid ito sa aking labi. Nang matapos at makontento sa itsura ko ay ibinaik ko na ang lipstick ko sa aking purse. Hinarap ko silang dalawa at ka ko sila nginisian.

"Aren't you gonna say something in front of me? Kanina lang pinag-uusapan niyo ako."

Naglakad ako at nilampasan nila ako. Tumigil ako sa bandang pinto at nilingon sila. Tinitigan ko si Akesiha.

"Thank you for renting an Investigator. I feel so special."

Saka ako nagsimulang maglakad palabas ng powder room na may ngiti sa aking labi. Dim light na ang buong Venue pagkalabas ko ng powder room at nakita kong nagsasayawan na rin ang ibang mga bisita. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid para hanapin si Lor pero hindi ko siya makita.

"You're alone.. Riza."

Napalingonn ako sa aking likod at nakita ko si Carriuz na nakatayo habang nakatingin sakin. Humalukipkip ako at inirapan ko siya.

"Clariza. Clariza Estebas ang pangalan ko Mr. Sarreignto."

Pataray konng sabi sa kaniya.  I heard him chuckled.

"Kanina nakita ko how amazed you are when you saw me and now you're being rude. May galit ka ba sakin?"

Kumunot ang noo ko at saka ko siya hinarap at nanatili akong nakahalukipkip.

"I'm not beng rude, you are. You keep on calling me Riza when it should be Clariza."

Tumaas ang kaniyang kilay.

"You're Rizalyn Estebas. Not Clariza."

Tumawa ako ng malakas na ikinakunot ngg kaniyang noo.

"Ang dami niyong nakakakilala kay Rizalyn pero wala naman akong nakitang ibang tao sa lamay niya!"

"Wha-what do you mean?"

Naglakad ako palapit sa kaniya habang nakatitig ako sa kaniya.

"What I mean is.. I'm Rizalyn's twin sister! Sino ba kayo ng asawa mo sa buhay ng kakambal ko?!"

Hndi siya nakaimik at nakatitig lang siya sakin na tila ba hindi siya makapaniwala sa sinasabi ko.

"Your wife hred a private investigator para lang alamin kung sino ako! Sino ba kayo?!"

Hinawakan niya ako sa aking braso nang mahigpit at napapikit ako dahil sa sakit nang pagkakahawak niya sa braso ko.

"Don't lie to me, Riza! Alam kong ikaw yan!"

"Bitawan mo ako or I'll scream here!"

Singhal ko sa kaniya. He smirked at me.

"Go. Scream all you want but you can never lie to me!"

"Lie your face! Hire a private investigator too para malaman mo! Just like what your wife did!"

Napapikit siya at nang muli niyang buksan ang mga mata niya ay nakita ko kaagad ang kaniyang matang punong puno ng galit.

"You are Rizalyn Estebas! Alam kong kilala mo ako! Nakita ko iyon sa mga mata mo kanina!"

Iwinaksi ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.

"Pwede ba?! Gwapo ka, Mr. Sarreignto! I'm just admiring you!"

Natigagal siya sa sinabi ko.

"And here I thought you're staring at me because you liked me iyon pala kakambal ko ang nasa utak mo habang nakatitig sakin. That's rude."

"Hun!"

Napatingin ako sa gawi ni Akeisha na ngayon ay naglalakad palapit samin. Nasa likod niya naman iyong babae na kausap niya kanina sa powder room.

"Hun."

Tawag niya kay Carriuz at kaagad na pinulupot ang kaniyang kamay sa braso ni Carriuz. I smirked.

"Guess, we're done here Mr. Sarreignto. Kung may gusto ka pang sabihin o itanong sakin. Feel free to be my guest."

Kinindatan ko pa siya at nginisian si Akeisha na nakatitig lang sakin. Iniwan ko sila doon na nakatayo habang sinusundan ang bawat lakad ko papalayo sa kanila. Huh! Hindi pa nga ako nagsisimula, apektado na silang dalawa. How much more if I'll start my revenge? Baka hindi na nila kayanin pa?

Nakita ko si Lor na kasama sina Zarren at Jernella. Kaagad kong inaya si Lor na umuwi na at maayos na nagpaalam sa dalawa. Habang palabas kami sa Venue ay kinuwento ko ang nangyari sa powder room at sa labas ng powder room kanina. Panay ang tawa niya sa mga kwento ko hanggang sa makapasok kami sa loob ng kaniyang sasakyan.

"I can't imagine their faces, bruha ka!"

Tumaas ang kilay ko at natawa. Well I can imagine it because I saw it with my own eyes. Hinatid lang ako ni Lor sa bahay ko at umalis din siya kaagad dahil may pupuntahan siya. If I know alam ko naman kung saan ang punta niya. Sa bar ni Dom. Halos naging tambayan niya na iyon. Napabuntong hininga na lang ako at nilasap ang warm water mula sa shower ko. Kahit papaano ay nabawasan ang pagod na naramdaman ko. Mabilis talaga akong mapagod kapag nasa isang Event ako. Nakakapagod makipag-usap at makipag-plastikan sa kung kanino but I have to. Kasama iyon sa aking piniling buhay. Deep within me, gusto ko ng tahimik na buhay at mamuhay malayo sa siyudad. Being here is draining my whole self.

Nakatulog ako ng maayos sa gabing iyon at nagising ako na nagmamadali because I'm already late. Nakita ko rin na may missed calls sa akin si Koraine. Mabuti na lang at wala akong importanteng meeting ngayong araw. Kaagad akong naligo, nagbihis at nag-ayos. Dali dali kong kinuha ang susi ng kotse ko at dali-daling nagmaneho para makarating sa EBC Building. Papasok pa lang ako ng building ay nag-ring ang phone ko at nakitang si Koraine iyon kaya sinagot ko kaagad.

"I'm already at the lobby, Koraine."

"Okay po Miss. Uhm.. may bisita po kayo, Miss Estebas."

Tumaas ang kilay ko. May bisita ako? Wow! 10 a.m pa lang at may bisita na ako kaagad?

"Who?"

"Mr. Carriuz Sarreignto, Miss."

Napanganga ako dahil sa nabanggit na pangalan. Tumikhim ako.

"Alright. Papasukin mo na siya sa opisina ko. Tell him to wait for me."

"Okay, Miss."

Koraine ended the call. Pumasok ako ng elevator at kaagad na pinindot ang button sa floor ng opisina ko. Napakaaga naman ng kaniyang pagbisita. He's that determined to know who I really am? Should I feel special about it? Tss. If I know gusto niya lang makasiguro na hindi ako si Rizalyn. Ang babaeng pinaglaruan niya nine years ago. Totoo naman ang sinabi ni Akeisha, pinaglaruan lang ako ni Carriuz noon.

Bumukas ang elevator at lumabas ako. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa opisina. Kaagad na bumungad sakin si Korain na naghihintay sa gilid ng entrance.

"Good Morning, Miss."

"Good Morning Koraine. Where is he?"

"Nasa office mo na po."

Tumango ako at naglakad patungo sa office ko. Kaagad kong nakita ang malapad niyang likod at nakaupo siya sa coach. Si Koraine ay nakasunod lang sa akin.

"Good Morning Mr. Sarreignto. You're too early."

"You're just late, Miss Estebas. Good Morning, by the way."

He smirked. I chuckled. Tama naman siya. Late nga ako.

"Okay. I'm late. Need anything? Coffee?"

Umiling siya kaya tumango ako. Nilipat ko ang tingin ko kay Koraine.

"Iwan mo na muna kami, Koraine. Thank you."

"You're welcome, Miss."

Kaagad na umalis si Koraine at marahang isinara ang pinto ng office ko. Naupo ako sa aking swivel chair. Tumayo si Carriuz at naglakad papunta sa may may glass window.

"You have a nice office, Miss Estebas."

"Thank you. So.. anong maitutulong ko sayo Mr. Sarreignto?"

"I asked my wife about what she did and I'm sorry for that."

Tumango ako.

"It's okay. Though, I am curious kung ano ang naging parte ng kakambal ko sa buhay niyo at kinailangan niyang mag-hire ng investigator para lang malaman ang tungkol sa akin at sa kakambal ko."

"You look exactly like her. At habang tinitignan kita ngayon hindi ko magawang kumbinsihin ang sarili ko na hindi ikaw si Rizalyn."

Ngayon ay nakaharap na siya sakin. Iminuwestra ko sa kaniya ang upuan sa harap ng office table ko. Naglakad siya at naupo roon.

Ngumuso ako.

"I'm her twin sister, Mr. Sarreignto. Pero hindi kami lumaki nang magkasama. Sa States na ako tumira. Hindi ko alam kung anong klaseng buhay at karanasan ang nangyari sa kakambal ko dito."

He sighed.

"Kung hindi ikaw si Rizalyn, bakit nandito ka ngayon kung sa States ka na lumaki?"

Pagak akong tumawa.

"Can't I be here? Can't I live here? May dual citizenship naman ako. Mali ba iyon?"

"The reason why you're here for revenge, right?"

I smirked.

"Revenge? What for? I mean.. hindi ko nga pina-imbestigahan ang car accident na nangyari nine years ago tapos pupunta ako dito for revenge? Baliw ka ba?"

Hindi siya nakaimik.

"Mr. Sarreignto, I am here for my business. I am here because this is my home. Living in the States for so long stresses me. It has nothing to do with my twin sister. Besides, aksidente lang naman daw talaga iyon at walang may nagtangkang patayin siya. O.. mayroon ba?"

Napatingin siya sakin at tila ba nagulat sa sinabi ko. Ngumiti ako.

"You being here made me think that there's something fishy nine years ago. Tell me, Mr. Sarreignto. May alam ka ba sa pagkamatay ng kakambal ko?"

Napatayo siya at nakita ko ang pagkuyom ng kaniyang mga palad.

"Napatunayan ko na ngayon na hindi ikaw si Riza. Kamukha ka lang niya pero magkaibang magkaiba kayo."

Tumawa ako.

"Sobrang magkaiba kami. My twin sister is weak but not me."

"Yes. She's weak but she has a pure heart."

Tumaas ang kilay ko.

"So sinasabi mo bang hindi malinis ang puso ko? Now, you're being offensive."

He smirked at me. Ipinatong niya ang kaniyang dalawang kamay sa table ko at inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

"I'm not being offensive, Miss Estebas. Mas gusto nga kita kesa sa kakambal mo."

I smirked.

"Really? Ipapaalala ko lang sayo Mr Sarreignto. You're married."

"Does it matter? I'm just being honest."

Ngumisi ako at nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya at halos centimeter na lang ang pagitan. Kinagat ko ang aking labi at saka tumingin sa mapupula niyang labi.

"Well.. I like you too, Mr Sarreignto."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status