Share

Chapter Three

Her Point of View.

"Ugh. Napagod ako, Koraine!"

She smiled at me.

"Do you need anything, Miss? Ipapaakyat ko na lang po rito. Our Cafeteria serves a delicious meal you might wanna try?"

I smiled at her at saka tumango.

"Sure. And oh! Kumuha ka na rin ng sayo. It's on me."

She chuckled.

"So generous of you, Miss Estebas. Thank you."

"You're welcome, Koraine."

Muli siyang ngumiti at naglakad na papunta sa opisina niya. Napasandal ako sa aking swivel chair at napapikit. Napagod ako sa paglilibot sa buong building ng EBC para puntahan ang lahat ng Department. Mas nagtagal ako sa Laboratory dahil may nakita akong maduming parte sa manufacturing and I don't want that. As much as possible ayokong narurumihan ang mga produkto na nilalabas ng EBC. Ang maliit na pagkakamali sa sanitization ay maglelead sa malaking pilay at suliranin ng EBC. Nakita kong tumatawag si Lor kaya agad kong sinagot iyon.

"Bruha! Ano? Kumusta ka?"

"I'm fine. Just a bit tired roaming around."

"Nameet mo na silang lahat?"

"Yes. Kakain lang ako at sisimulan ko na rin ang mga naiwang papers dito para malinis na table ko. Bakit ka nga pala napatawag?"

"Have you checked the news and newspaper? Lumabas na ang balita about you being the CEO and the face of EBC."

Oh! So lumabas na? That's good. I should let my enemies knew about my existence iyon nga lang sa katauhan ng kapkambal ko at hindi bilang si Rizalyn Clariza Estebas.

"Oh! That's good to hear."

"May isa pa pala akong gustong ibalita sayo."

"What is it?"

"Dom told me that Carriuz Sarreignto is a his VIP Customer."

Kumunot ang noo ko.

"Really? Don't tell me, kinulit mo si Dom?! Lor!"

Well, Lor can sometimes be malandi lalo na sa mga gwapong lalaki na nakikilala niya. At isa si Dom sa mga type niyang lalaki. Tss.. hindi nga yata talaga magandang ideya na pinakilala ko sa kaniya si Dom kagabi.

"Calm down. Di ko naman lalandiin! Isa pa mukha namang mas interesado siya sayo kesa sakin."

Napairap ulit ako. Lagi niyang sinasabi iyan simula kagabi na halatang may gusto daw sakin si Dom pero ipinagwalang bahala ko. The man is just naturally nice. Masyado siyang malisyosong bakla!

"Miss Estebas. Ito na ang lunch mo."

Kaagad akong ngumiti kay Koraine. Tumayo ako dahil doon ako sa may leather sofa kakain. Ayaw kong madumihan ang office table ko. Urgh. Ayoko nang linisin. Isa pa, mukhang may soup ang pagkain ko baka matapunan ang mga files.

"Doon na lang ako kakain, Koraine. Wanna join me?"

Nakita ko ang pagkagulat niya kaya nginitian ko siya.

"Mas masarap kumain kapag may kasalo, Koraine. But if you're uncomfortable, ayos lang naman."

Halata ang kaniyang pag-aalangan pero tipid niya akong nginitian.

"U-uhm.. Sige po, Miss. Sasabayan po kitang kumain."

Ngumisi ako at napapalakpak.

"Perfect!"

Usal ko. I heard her chuckled at agad na inayos ang center table. Tinulungan ko na rin siya. Bumalik siya sa kaniyang office para siguro kunin ang pagkain niya. When the food is settled, napangiti ako.

"Alright! Let's eat!"

Excited kong sabi. Kaagad kong binuksan ang pinaglagyan ng pagkain ko at tama nga ako. May soup nga dahil sa afritada ang ulam ko at may side dish kaya balance naman ang lunch ko ngayon. Sinipat ko ng tingin ang pagkain ni Koraine at napangiti nang makita na pareho kami ng ni-order.

"Aahh.. Miss, masarap po ang afritada nila kaya iyan ang ni-order ko para sayo."

"Oh really? I should try this!"

Nakangiti kong sabi. Nagsimula na kaming kumain at napapatingin ako kay Koraine na pati ang pagkain ay napakahinhin niya. Nga pala, sa may carpet kami nakaupo dahil mababa ang coffee table kaya hindi kami pwedeng maupo sa leather sofa para kumain. We're both comfy naman sa ganitong pag-upo.

"Koraine.."

Inangat niya ang kaniyang mukha at nagtama ang tingin namin. I smiled at her.

"Lor, told me na hindi ka college graduate."

Tumango siya at saka mahinhin na ngumiti.

"Yes, Miss. Luckily, ako po ang na-hire sa batch of applicants namin."

"You deserved the position, Koraine. I know it's too early for me to say it by now pero I can see that you're good at your work. Of course, hindi nagkakamali si Lor sa mga ni-ha-hire niyang applicants."

"I did my best to get this position, Miss. Dahil sa totoo lang po, Ang EBC lang ang nagbigay ng chance sakin para magkatrabaho."

"You mean, hindi ka natanggap sa ibang kumpanya?"

Tumango siya. We stopped eating dahil na rin siguro sa nagtatanong ako. At some point, curious ako sa buhay ni Koraine at ewan ko ba pero magaan ang loob ko sa kaniya.

"Yes po. Masyadong mataas ang qualifications pero minimum lang din naman ang sahod. And honestly speaking po, ganoon din ang expectation ko sa EBC. Kahit na marami na ang nagsabi sakin na hindi ganoon kahigpit ang EBC sa Applicants. Basta pumasa ka at nakakitaan ka ng potential, the EBC will surely accept you."

Ngumiti ako. That's the reason why I am not strict pagdating sa qualifications ng applicants maliban na lang if we're trying to hire someone in higher positions. Kailangan din mataas ang qualifications. Being my secretary naman is not a higher position kung iisipin. Ang trabaho lang naman ay mag-ayos ng schedule ko, meetings ko internationally, at lahat ng gusto makita ako, kausapin ako at puntahan ako ay sa kaniya dadaan. This means, hindi kailangan ang mataas na pinag-aralan para sa pagiginag secretary ko.

"We do have standards naman but depende sa position that we are hiring."

"Yes po. Isa po iyan sa napatunayan ko. Ang EBC po ay may pagmamahal sa mga future employees nila."

Labis akong natuwa sa kaniyang sinabi. Because it is true.

"Anyway, wala ka bang planong mag-aral ulit? Why did you stopped?"

Kinagat niya ang kaniyang labi.

"Nagkasakit po ang Tatay ko at nag-aaral din po ang tatlo kong kapatid. Gustuhin ko man po mag-aral, hindi ko na po kakayanin kaya nagtrabaho na lang po ako."

Tumango tango ako.

"So, ayaw mo na mag-aral ngayon?"

Umiling-iling siya.

"Hindi pa po yata sa ngayon. Hindi pa po sapat ang ipon ko at ayaw kong magkasabay kami ng kapatid ko po na nasa college na po ngayon."

Ngumuso ako.

"Well, I can help you with that. Pwede kitang ipasok sa isang school na nagbibigay ng scholarship. Wala kang babayarang tuition fees at pwede kang mag-online class. You can also choose your own schedule since it's an online class."

Nakita ko ang pagningning ng kaniyang mata kaya napangiti ako.

"Of course, kailangan mo munang ipasa ang entrance at scuolarship exam but as I said, I can help you for a faster process."

"Talaga po, Miss Estebas?! Naku! Nakakahiya po!"

Umiling-iling ako.

"Wag ka mahiya. Just think of it as a sign of gratitude kasi sinamahan mo akong kumain ngayon."

"Miss, kahit kada lunch po sasamahan kitang kumain! Gusto kong tumanggi dahil nakakahiya pero.. gustong gusto ko po talagang mag-aral."

"Anong kurso ba ang kukunin mo kung sakali?"

Muli niyang kinagat ang kaniyang labi na tila ba ay nahihiyang sabihin ang kaniyang nasa isip.

"If ayaw mo sabihin, I understand."

"Ipagpapatuloy ko po ang kurso kong Business Administration, Miss Estebas."

Napalabi ako at tumango tango.

"Well, that's better. Sasabihan kita kung kailan ka pwede mag-take ng examination, okay?"

Tumango tango siya at kinuha niya ang dalawang kamay ko.

"Miss, maraming maraming salamat po talaga. Tatanawin ko pong malaking utang na loob ito sayo."

"No. Wag. Wala kang utang na loob sakin. Bibigyan lang kita ng opportunity pero ikaw pa rin ang tatrabaho sa magiging takbo nito. So whatever the outcomes are, it's beacause of you and not because of me."

Mas nagningning ang kaniyang mga matang nakatitig sakin. I smiled at her.

"Omo! Kumain na tayo. Marami pa tayong gagawin!"

Nakangiti kong sabi. Tumango tango siya at binitawan na niya ang aking kamay. Itinuloy namin ang pagkain at pati na rin ang aming usapan na naging kwentuhan na sa pagtagal.

****

"You helped her?"

Tumango ako at sabay na nilagok ang hawak kong kopita ng wine. Nandito si Lor sa bahay ko ngayong gabi. Ayaw niya raw muna pumunta sa kung saang Club or Bar dahil para raw siyang nasusuka sa amoy ng alak. But here he is drinking some wine with me.

"It's just a small help, Lor. Sayang naman si Koraine. Malayo pa ang mararating niya."

He smirked.

"Even after nine years, you're still the Rizalyn I knew."

Tumaas ang kilay ko habang nakatingin sa kaniya. Nahkibit balikat siya.

"You're still generous and nice, Riza. Mabilis magtiwala at mabilis mahabag sa mga taong katulad ni Koraine."

Napasinghap ako. He's right. I just can't help it.

"Siguro ganoon talaga kapag lumaki ka sa pamilyang hindi ka nabigyan ng pagmamahal at atensyon na kailangan mo?"

Inirapan ko siya at napatingin sa glass window at kita ko ang garden mula dito sa kinauupuan namin.

"Maaring nagbago ako sa ibang aspeto pero deep within, I am still the Rizalyn Estebas you met nine years ago, Lor."

"That's why, I am always hoping that one day hindi mo na itutuloy ang plano mo."

"That's the one thing that will never happen, Lor."

"Speaking of, wala pa bang Carriuz Sarreignto na bumibisita sa Opisina mo?"

Tumaas ang kilay ko.

"He won't surely go there just to see me, Lor. Kahit pa marinig at makita niya ako sa tabloids, news at kung saan pa, hindimg hindi niya ipapasok iyon sa utak niya."

"Really?"

"Yes. Isa pa, we'll surely met, anytime soon."

Tumaas ang gilid ng bibig ko habang s********p ang wine sa aking kopita.

"Kailan at saan naman yan?"

Nilingon ko si Lor at saka siya nginitian.

"An Engagement party. She's our VIP Client abroad pero dito sa Pilipinas ang Engagement. At nalaman kong invited ang mag-asawang Sarreignto."

Tumaas ang isang kilay ni Lor at ngumisi.

"Sasama ako ha?"

Tumawa ako at napailing na lang sa kaniya.

"Bakit pa?"

"Dahil gusto ko at wala ka nang magagawa dun. Basta sasama ako."

I chuckled.

"Okay fine."

Natatawa kong sabi. We enjoyed our wine with some talks. Simula noon hanggang ngayon, ito ang mga gusto kong alaala kasama si Lor. He'll always find time for me whenever he'll have the chance. May mga personal man siyang ginagawa, hindi niya nakakalimutang kumustahin ako at siguraduhin na maayos lang ako. Kung tutuusin pwede na siyang mawalan ng pakialam sakin dahil ang tulong na naibigay niya sakin ay sobra sobra na pero hindi niya ginawang iwan at pabayaan ako. Lahat nang pinagdaanan ko para maabot ko ang buhay na mayroon ako ay nandiyan siya para tulungan at gabayan ako kahit hindi naman na kailangan. Kaya kung may tao man sa buhay ko na ayaw kong mawala sakin, Si Lor iyon. Habang buhay kong tatanawin ng utang na loob ang pagtulong na ginawa niya sakin siyan na taon na ang nakararaan. Kahit pa sinasabi niyang wala akong utang na loob sa kaniya dahil ang tangi niyang binigay sakin ay oportunidad at ako pa rin naman ang nagpakapagod para maabot ang kung ano mang mayroon ako ngayon, para sakin malaki pa rin ang utang na loob ko sa kaniya at maging ang buhay ko ay hindi sapat na kabayaran sa lahat ng kabutihan at tulong na binigay niya sakin.

Now that I think about it, I said the same thing to Koraine. Napangiti ako, speaking of Koraine.. masyado akong natuwa nang makita ko ang ningning ng kaniyang mga mata. Iyon ang unang beses na may tao akong napasaya sa simpleng tulong na nagawa ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status