Share

Chapter One

Her Point of View.

It's an elegant church wedding. Motiff pa lang ng kasal alam mo na kaagad na kilalang tao ang ikakasal. Marami rin ang mga Reporters sa labas pa lang hanggang sa loob ng simbahan. Maraming tao at halos hindi mapagsino ang mga dumalo. Tumaas ang kilay ko. The wedding is really happening huh? As if. Walang nakapansin sakin dahil sa halos magsiksikan ang mga tao dito sa loob ng simbahan. I am wearing a red long dress at may mahabang v-line cut sa harap. Yes. I look gorgeous, I know. But I am not here to gain attention but I just want to see the two persons who's getting married today. At dahil may katangkaran naman ako at nakasuot ako ng five inches, it's not that hard to see the two of them. Guess tapos na ang homily ni Father dahil nagpapalitan na ng vows ang dalawa. Tumaas ang kilay ko. Wala namang espesyal sa vows nila. They've said the same thing eh. Praktisadong praktisado. The man looked unhappy while the woman looks like she won a lottery. Tss. Hanggang ngayon isa pa rin talaga siyang martir!

When Father said that he may kissed the bride saka pa lang humarap ang lalaki at nakita ko ang paglaki ng mata niya nang magtama ang tingin naming dalawa. Well, this is not part of my plan. Ang sabi ko manunuod lang ako. I should get out here. Agad akong tumalikod at naglakad na palabas ng simbahan. Alam kong nakilala niya ang mukha ko pero sogurado akog mababaliw siya kakaisip kung kathang isip lang ba ako o totoo. Gusto kong tumawa ng malakas. Sige lang. Mabaliw ka lang. Mabaliw ka lang kakaisip Carriuz Sarreignto! Dahil mas babaliwin pa kita kapag talagang nag-krus na ang mga landas natin. For now, tatakutin muna kita at gigisingin ang natutulog mong konsensya!

I sipped my coffee habang ineenjoy ang pagbabasa ko sa librong hawak ko. Pagkagaling ko sa simbahan ay dumeretso ako sa Cafe na ito. Syempre nagpalit na rin ako ng damit. Sinadya ko lang suotin ang long dress na iyon para sa kasal nila. Of course! I should be happy diba? Yung parehonh demonyo nagawang makapasok ng simbahan at nagpakasal pa. Tss. Sa kotse na rin ako nagpalit ng damit at binitbit ko ang libro na ito para may mabasa ako dito sa loob ng Cafe.

My phone ringed at tumaas ang kilay ko nang mapagsino ang tumatawag. I answered it and put on my phone in my ear.

"Yeah?"

"Hindi mo naman ginulo ang kasal noh? Nag-aabang ako ng balita."

Pagak akong tumawa dahil sa sinabi niya.

"Lor, I will never ruin their wedding. Hindi magiging matagumpay ang plano ko kapag umeksena ako habang hindi pa sila kasal."

"Hmm.. Kungsabagay. Nasaan ka na pala? Nandito ako sa main branch ng EBC. Pupunta ka ba?"

"Wag na. Sa meeting na lang para mas formal."

"Okay. If you say so. Pero nasaan ka nga?"

I rolled my eyes kahit alam kong hindi naman niya makikita ito.

"Just a near Cafe dito. Pauwi na rin ako."

"Alrighty. Mag-iingat ka."

"Okay. You two. Bye."

"Byeee!"

I sighed. Nilapag ko ang phone ko sa mesa at nagpatuloy na ulit sa pagbabasa. Nawala ang focus ko sa pagbabasa nang may naramdaman akong presensiya sa gilid ko. Tumigil ako sa pagbabasa at tinignan kung kaninong anino itong naaaninag ko. I looked up para mapagsino at isang pamilyar na mukha ang lumantad sakin. Hindi siya nagbago for the past nine years! Seriously? Kung nay nagbago man sa kaniya iyon ay ang pananamit niya at may kulay na siya ngayon sa buhok!

"Ri-Riza?"

Napaawang ang bibig ko dahil sa pagbanggit niya ng pangalan ko. Come on Riza! Don't look at her as if kilala mo rin siya!

"I-I'm sorry. What? Do I know you?"

Naupo siya sa bakanteng upuan sa harap ko at nakangiting tinignan ako. She's still the same. Feeling close.

"Oh my god! Ikaw nga! Hindi ako pwedeng magkamali! Pero.. hindi ba't.."

"I don't mean to be rude pero hindi Riza ang pangalan ko."

Nagulat siya sa aking sinabi at siya naman ang napaawang ng bibig. I smiled at her.

"Pe-ro.. kamukhang kamukha mo si Riza! Rizalyn Estebas!"

Hindi ko naisip na may mga tao pa rin palang nakakakilala sakin lalo na ang babaeng kaharap ko ngayon. The last time we see each other was nine years ago.

"Rizalyn Estebas. I know her."

Kunot noo lang siyang nakatingin sakin na para bang iniisip niya kung ano ang sinasabi ko. Well hindi ko siya masisisi. Ang tanging may ganitong mukha na alam nila ay walang iba kundi si Rizalyn Estebas.

"She's my twin sister. You knew her? How?"

"Wha-what?! Twin sister? Walang nabanggit sakin si Riza na may kakambal siya!"

I smirked at saka nagkibit balikat.

"We aren't close as sisters. I grew up in States at doon na rin ako halos tumira."

Napasinghap siya. Hindi pa rin makapaniwala. Alam kong marami ang magugulat pero kahit saan nila i-check mayroon talaga akong kakambal. Hmm.. Hindi ko na kayang magtagal dito. Meeting her accidentally stresses me. Pero I am happy to see her. Tumayo na ako pero bago iyon ay may binigay ako sa kaniyang invitation card.

"Be there. And here's a VIP Pass Card. Just visit any branch of our Salon and Stores at ipakita mo ito. They will surely give you the best treatment and beauty products for free. It's on me. No worries."

Tatalikuran ko na sana siya pero pinigilan niya ako sa paghawak niya sa braso ko.

"Why are you being nice to me when you don't even know me? Totoo ba talaga ang sinasabi mong hindi ikaw si Rizalyn Estebas?"

Ngumuso ako.

"Can't I be nice to my twin sister's friends?"

"How sure are you that I am her friend?"

I twitched my lips. Gusto ko nang matawa dahil talagang wala pa rin siyang ipinagbago.

"Because you wouldn't be that excited to see me. I saw it. I'm not that naive. Have a good day.. What's your name?"

"Cali. Cali Simson. I am the owner of this Cafè."

Tumango tango ako. I see. Talagang pinursue niya ang pagmamahal niya sa frappe and coffee. She also loves pastry kaya hindi na nakakapagtaka na available rin sa Cafè niya ang bread and cakes.

"Ooh! Nice Cafè by the way. I love your coffee."

Nakangiti ako habang sinasabi sa kaniya iyon. I am so happy to see her but I can't be friends or too close to her. I can't risk it. Ayaw ko siyang madamay sa pangalawang pagkakataon. I had enough of it.

"You can come here anytime. I'll treat you.."

Nakangiti niyang sabi. I smiled back.

"Sure. Thanks!"

At saka ko siya tinalikuran at naglakad na palabas ng Cafè. Dali dali kong binuksan ang kotse ko at pinaandar ito para makaalis na roon.

Cali Simson. I met her nine years ago sa school na pinapasukan ko. She's a transferee. Siya rin ang kauna-unahang kaibigan na mayroon ako. But some shits happened to me at nadamay din siya dahil sa letseng babaeng iyon! I never thought I'll see her again. I was so curious about what happened to her for the past years and looking at her awhile ago? I was so happy for me and proud even.

And as what she addresses me awhile ako. She thought I am Rizalyn Estebas. She's right. I am the one and only Rizalyn Estebas who died nine years ago because of car accident. Iyon ang alam ng karamihan pero hindi ako ang namatay sa car accident na iyon kundi ang kakambal kong si Clariza Estebas na ngayon ay binubuhay ko sa pagkatao ko. Lor helped me to hide my identity. Hindi naka-register na patay si Rizalyn Estebas because I am alive. Besides nakalimutan na yata ng mga nakakakilala sakin na may second name ako. Rizalyn Clariza Estebas ang buo kong pangalan habang ang twin sister ko naman ay Clariza Lyn Estebas ang pangalan. Ang ipinasang death certificate ni Lor ay ang sa kakambal ko. But then, no one knew about it. Sino lang naman ba ako para alalahanin ang pagkamatay hindi ba? Wala ngang nagluksa eh. Kahit ang mga magulang ko inabanduna ako kahit pa buhay pa ako dahil lang sa namatay ang mahal na mahal nilang anak. Wala na akong balita sa mga magulang ko pero ang huling sinabi sakin ni Lor nasa probinsiya na ang mga magulang ko. And in order to take my revenge I used my second name na first name naman ng twin sister ko ti hide my real identity dahil nga ang alam nila patay na ang Rizalyn Estebas na kilala nila. All of my life sinanay ko ang sarili kong mamuhay sa pangalan ng kakambal ko and pretended to be like her. Pinatay ko ang totoong Rizalyn Estebas sa utak ko at maging sa puso ko. Pero nang magkita kami ni Cali, mumuntik nang bumalik ang Rizalyn na matagal nang nanahimik sa pagkatao ko. No. Hindi ako pwedeng basta na lang maapektuhan dahil lang sa may nakita at nakausap akong tao na nakilala ko sa nakaraan. Rizalyn Estebas is now dead. I am now Clariza Estebas. Binilisan ko ang pagmamaneho at binagalan ko lang nang nasa main road na ako. Guess mag-ma-mall na lang ako. Lor bought me a Condo but I suggested to buy my own house dahil matagal ang pananatili ko dito sa Pilipinas. Kapag tapos na akong maghiganti at nakita na ng mismo kong mga mata ang pagbagsak nila? Tapos na ako rito at mananatili na ako sa States.

Pabagsak akong naupo sa mahabang sofa na ito dito sa malaking sala ng bahay ko. Mapakatahimik. Lor is not staying with me at wala rin akong kahit na isang kasambahay dito sa bahay ko. It's so lonely. At least nung nasa States ako marami akong kaibigan. May mga nakakasama ako. Gusto ko sanang pumunta ng Bar tonight pero nawalan ako ng gana nang magtagpo ang landas namin ni Cali. Si Cali. Urgh! It brings so much memories na sumasakit ang ulo at puso ko kapag naaalala ko. Anong gagawin ko ngayon dito? Hindi pa ako inaantok. Hindi pa talaga nakakapag-adjust ang katawan ko sa oras dito sa Pilipinas. Iba pa rin ang body clock ko. Masarap itulog sa umaga at gising na gising ako sa gabi. Ni-dial ko ang number ni Lor and it took four rings bago niya sinagot ang tawag ko. Agad kong narinig ang malakas na tugtog as his background. Tumaas ang kilay ko. Nasa bar siya for sure. Gusto kong mainggit.

"Oh Hello, darling!"

"Tss.. you sounds drunk. Ang aga pa nasa Bar ka na?"

Narinig ko ang kaniyang malakas na pagtawa.

"It's already 8pm. Gabi na kaya! So kumusta? You're bored noh?"

I sighed.

"Just fine. Pumunta lang ako ng mall at doon nagpalipas ng oras."

"Good for you. Anyway, I'm having fun at wala akong balak makipag late night talk sayo! Bye!"

He ended the call bago pa man ako magsalita. Tss.. napakabastos ng ugali! Hmp!

Tumayo ako at naglakad papuntang terrace. Should I go to bar? Syempre hindi sa bar kung nasaan si Lor. Panigurading mga kauri niya ang mga nandoon. Ma-out of place lang ako if ever. Hmm.. A little shot won't harm me naman diba? Okay. Let's go Riza!

I wore a simple fitted night dress at hubog na hubog ang maganda kong katawan. I have a brownish straight long hair na abot hanggang bewang. I never cut my hair since my twin sister never cuts her hair short. Three inches ang taas ng aking suot na sandals. I put a little make up just to enhance my beautiful face. Yes. I am confident. I should be. I'm an International Model. Pinili ko ang nakita ko sa g****e na Elite Bar somewhere in BGC. Amoy alak at ingay mula sa mga nagsasayawan ang bumungad sakin pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa Bar. Ngumuso ako. Kung nasa States lang ako baka kaagad akong tumakbo sa dancefloor but nah. I don't feel like dancing tonight. Magpapalipas lang naman ako ng oras dito at iinom ng kaonti pampaantok. Dumeretso ako sa bar counter at naupo sa isa sa mga high chair nila. The bar is huge and by the looks of the people around here halata na kaagad na mayayaman lamang ang mga nakakapunta rito. Lumapit sakin ang isang bartender and he smiled at me. I smiled back.

"What's your drink, Ma'am?"

I twitched my lips.

"Just give me a rum with ice on it."

"Right away Ma'am."

Masaya niyang sabi. I mouthed thank you at saka ako tumingin ulit sa dance floor. I miss my friends sa States. Urgh. Hindi na yata ako masasanay pa sa Pilipinas. It feels like I'm not belong here. I can't see myself living here anymore. Kung magkikita man kami ng dating Rizalyn Estebas baka kamuhian niya ako ng sobra sobra.

"Hi!"

Napalingon ako sa isang matangkad na lalaki at ngiting ngiting nakatingin sakin. Tumaas ang kilay ko. He's drunk.

"Yes?"

Naupo siya sa katabing high chair ko. Medyo hirap pa nga dahil lasing na siya ng sobra.

"Are you alone? I can accompany you."

I smirked. Kahit saan ka ng bansa yata mapunta hindi talaga nawawala ang mga ganitong lalaki sa loob ng bar. Elite bar man or just a regular bar.

"No thank you. I'm fine being alone."

"Nice! Feisty woman. I like it."

Inirapan ko siya.

"Sorry but.. I don't like you."

"Here's your order Ma'am. Do you know him?"

Nginitian ko ang Bartender at itinuro ko ang lalaking katabi ko.

"I don't know him and he's disturbing me. Can you do something?"

Tumikhim ang Bartender at ngumiti sakin.

"No worries, Ma'am. I got you."

"Thanks!"

Magiliw kong sabi. Kinukulit pa rin ako ng lalaki pero may dumating ng dalawang nagbabantay sa Bar at hinila na ang lalaking nangungulit sakin. I chuckled. Buti na lang the Bartender helped me. Hindi ko tuloy napigilan na pagmasdan ang Bartender na iyon na ngayon ay magiliw na nakikipag-usap sa isang babae while he's making a drink. He's nice, approachable and siguro funny na rin? Since kanina pa tumatawa ang babaeng kausap niya. The first I saw him hindi siya bagay maging Bartender. Gwapo siya, matikas ang pangangatawan at propesyunal din magsalita at makipag-usap. Lumaki ang mata ko nang tumingin siya sa gawi ko kaya agad kong binaling ang tiingin ko sa dancefloor. He caught me checking him out! Gosh!

"Ma'am?"

Dahan-dahan akong tumingin sa kaniya while I'm drinking my rum.

"Ye-yes? I'm sorry if you caught me staring at you. I didn't mean anything."

Deny ko kaagad sa kaniya. Tumawa siya.

"It's okay. I just want to ask you if you need another glass of rum?"

Napatingin ako sa rum na iniinom ko. Oops! Malapit na siyang maubos. Medyo maaga pa naman nang sinipat ko ang aking relo. Guess I can have another glass.

"Sure. But last ko na yan so make it special for me."

Hirit ko sa kaniya. He chuckled at kaagad naman na tumango. He made my drink infront of me and I am so pleased to it with my own eyes.

"This is the first time I see you here, Ma'am. Are you a tourist?"

Umiling ako.

"No. But I grew up in States at ngayon na lang ako ulit nakabalik."

For some reason magaan ang loob ko sa lalaking ito.

"Oohh.. kaya pala. You should go here every friday night. May live band kami."

"Oh really? That would be fun. Matagal ka ng Bartender dito?"

"I'm actually the owner of this Bar."

Nagulat ako sa sinabi niya. Kaya pala he's a bit off for me. Parang may mali eh. Siya pala ang owner. Binigay niya sakin ang order ko and he smiled at me.

"Here's your drink, Ma'am. It's on the house since it's your first time here."

Ngumiti ako ng malapad.

"Gosh! Thank you! So nice of you!"

Tumawa siya.

"If you don't mind Ma'am.. Can I ask for your name? Just the first name."

Oh well.. wala namab sigurong mali sa pagiging friendly, right? Afterall mukhang hindi ito ang una at huli kong punta sa bar na ito.

"Clariza. I'm Clariza Estebas and you're?"

I asked for his name para fair naman.

"Dom. Domerio Alejandro."

Alejandro?

"May lahing spanish?"

Paghula ko dahil sa apelyido niya. He chuckled at dahan dahan tumango. Omo! Tama ako!

"Sabi na eh! Alejandro is a bit.. unique kapag nandito ka sa Pilipinas. Right?"

"Right. It's nice to meet you, Clariza Estebas."

"It's nice to meet you too, Domerio Alejandro."

He winked at me and I chuckled. At least kahit mag-gabi gabi man ako dito hindi na ako matatawag na alone because may kilala na ako. Not bad, Rizalyn Estebas!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status