Eumerriah’s Point of ViewIlang araw din ang lumipas. Natatapos ko na ang 2 weeks training ko sa company. Hindi kami madalas nag-uusap ni dad pero halata kong masaya siyang nakikita akong tinutulungan ko sila. Hindi ko pa nahahalungkay ang tunay na dahilan o kung sino ang spiya sa loob ng kompanya na gumagawa ng pekeng documents.“Ma’am, may naghahanap po sa inyo.” Pasok ng secretary ni dad. Palagi na siyang nasa tabi ko para turuan ako ng bagay-bagay. May sarili din akong opisina para makapagtrabaho ako ng mapayapa.“Sino d-”“Ako!” sabay pasok ng isang mapusturang babae.Napahinga na lang ako ng malalim dahil sa sinabi niya. “You may go out.” Nakangiti kong sabi sa secretary ni Dad.“Ang kapal ng mukha mong gumawa ng kwento.” Napangiwi naman ako sa naging panimula niya.“Bakit kailangan mo akong siraan sa asawa ko? Akala mo ba babalikan ka pa niya? Sa tingin mo ba mahal ka pa niya?”“Bakit ikaw? Minahal ka man lang ba?” pakiramdam ko ay may napindot ako sa pagkatao niya dahilan para
Gabrielle’s Point of ViewNagmamadali akong umuwi, may next meeting pa ako after Mr. Ferrer ngunit hindi ko na ito pinuntahan pa. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Kilala ko si Kristine, naging deperada man siyang makuha ako at maging asawa ngunit hindi niya magagawang pumatay ng buhay lalo na ng walang muwang na bata.Sobra ang gigil ko kung totoo man ang sinasabi ni Eumerriah, sisiguraduhin kong magbabayad siya. Kung hindi naman at sinisiraan lang kami ni Eumerriah, sisiguradduhin ko ding may kalalagyan siya. Masyadong madami na siyang binibintang sa akin at sa pamilya ko. May hinala ako sa mga transaksyon ni Daddy kaya hindi ko siya maipagtanggol kay Eumerriah.Alam kong darating ang araw na babalik si Eumerriah. Pinaghandaan ko ang bagay na iyon ngunit kahit ano pa maging paghahanda ang gawin talagang magugulat ka kung hindi ka sigurado sa lahat ng tao sa paligid mo.Isang malaking buntong hininga ang pinakawalan ko bago tuluyang pumasok sa mansion. “Nasaan si Kristine?!”
Eumerriah's Point of View Pagod na pagod akong nakauwi ng gabi. Buong araw akong abala sa trabaho at training sa kumpanya ni Daddy. Sobrang dami niyang pinapagawa, sobrang dami niyang utos na minsan ay nairita na nga ako. Pero kailangan kong matutunan ang lahat ng ito para matulungan sila. Alam kong hindi naging madali ang buhay namin kasama siya. Hindi naging madali ang buhay ko kasama sila. Pero hindi iyon rason para talikuran ko sila. Magulang ko pa rin sila, at kailangang kailangan nila ako.Bago ako pumasok sa kwarto ko, nadaanan ko ang kwarto ng mga bata. Dahan-dahan ko itong binuksan. Mahimbing na silang natutulog, halatang pagod sa pag-aaral at paglalaro. Napangiti ako nang makita ko silang ganun."Oh, nandito ka na pala. Ginabi ka na ah. Kumain ka na ba?" biglang sambit ni Shaira mula sa likuran ko. Galing siguro siya sa kwarto niya, at narinig ang pagbukas ko ng pinto sa kwarto ng mga bata."Kumain na ako kanina. Nagkaroon kasi ako ng dinner meeting," sagot ko. "Dinner meet
Sabay-sabay kaming nag-almusal kasama ng mga bata. Ako, si Shaira, si Dustin, at si Justin. "Wala ka bang pasok ngayon? Hindi ka nagmamadali," tanong ni Shaira"Wala. Rest day ko ngayon. Ano magandang gawin? Bawi ako sa inyo," tanging sagot ko."Mommy, bili tayo ng foods, bili tayo ng toys, bili tayo ng... bili tayo ng mga gamit namin sa school. May mga gamit po kami na kulang," sagot naman ni Justine.Si Justin ay 15 years old na, kaya alam niya talaga lahat ng mga kulang sa bahay, sa gamit niya sa school, at sa mga gamit dito sa bahay."Oo siya, sige. We're going to the grocery. Okay? Kunin niyo lahat ang gusto niyo, na kailangan niyo for this month. Tapos after, mag sine tayo. Okay ba 'yun?" sagot ko naman habang nakangiti sa kanila."Yay!" naging sagot ni Dustine.Okay, sige. Magba-bonding tayo ngayon. Babawi si Mommy, okay? Huwag ka na magtampo dyan." Pag-aalo ko kay Justine "Mommy, hindi naman ako yung nagtatampo," sabi niya. "Si Dustin po yun," dagdag pa niya. "Kasi, Mommy,
Maaga akong nagising para may oras akong maihatid sa school ang anak ko bago pumasok sa trababo. Babawi ako hanggat kaya ko at may pagkakataon.Hinatid ko na siya sa room niya bago dumiritso sa faculty room para kamustahi siya sa mga teacher niya. Pagpasok ko sa classroom ng anak ko, naisip kong pwede akong magtago sandali sa likod ng pinto. Nakakatuwa pa, dahil nakaupo siya sa kanyang desk at nagkukwentuhan sa kanyang mga kaklase. Pero ang gulat ko, nang makita ko si Gabrielle na nakaupo sa tabi ng desk ng anak ko, nag-aasikaso sa kanya. Seryoso ang itsura ni Gabrielle, parang nagkukwento sa anak ko tungkol sa mga nangyari sa kanya. Ang eksena na ito ay nagbigay sa akin ng pangambang hindi ko na kayang kontrolin."Gabrielle!" boses ko ang nagpalakas sa silid. Napatingin ang mga bata sa akin, kasama na ang anak ko na nagmamadaling tumayo mula sa kanyang upuan. Ang mukha ni Gabrielle ay hindi mo matutukoy kung nagulat o nabigla."Yumi," mahinahon niyang tugon, ngunit alam kong hindi
**Gabrielle’s Point of View**Mag-iisang buwan na simula ng malaman ni Eumerriah ang paglapit ko sa mga bata. Mababait ang anak ni Eumerriah at Shaira. Alam ko sa sarili kong anak ko si Justine. Hindi makakabuo si Kuya Jerome at alam iyon ng buong angkan namin kaya hindi ito matanggap nila Mommy at Daddy."Shairaa!" Tawag ko kay Shaira nang makita siyang lumabas mula sa gate ng school ni Justine. Nagpalinga-linga pa siya, siguro ay tinitingnan niya kung sino ang nakatingin sa amin."Anong ginagawa mo dito? Pwede bang tantanan mo na ang mga bata? Nagagalit na si Eumerriah!" singhal niya nang makapasok sa loob ng sasakyan ko. "Hindi ako pwedeng magtagal, Gabrielle. Ayokong mag-isip pa ng masama si Yumi! Tigilan mo na kami, tigilan mo ang mga bata. Kahit anong mangyari, hindi papayag si Yumi na gamitin mo ang mga anak niya.""What do you mean? Anak din ni Yumi si Justine?!" gulat kong tanong."Abay malamang! Si Justine at Dustine ay pareho naming anak! Sige na, lumayas ka na. Lalabas na
Eumerriah’s Point of ViewHindi ako makatulog ng maayos kagabi dahil sa mga binitawang salita ni Gabrielle. Hindi ko maintindihan kung paano niya nasasabi ang mga bagay na iyon. Hinanda ko naman ang sarili ko na darating ang panahong ito, darating ang araw na hahanapin ni Gabrielle ang anak niya, na hindi siya maniniwala sa lahat ng magiging dahilan ko dahil tanging lukso lang ng kaniyang dugo ang papakinggan niya.“Oh? Anong mukha iyan? Mukhang wala kang tulog ah?” salubong sa akin ni Shaira.Bumuntong hininga ako. “Ang hirap makatulog.” Tanging nasabi ko. Hindi ako handing sabihin sa kaniya kung ano ang nalalaman ni Gabrielle o ang hinala niya tungkol sa anak niyang si Justine. Alam ko kasing mas masasaktan siya at babalik sa kaniya ang pangyayaring hindi niya ginusto pero nag-iwan sa kaniya ng trauma.“Anong niluluto mo?” tanong ko sa kaniya. Sa may sala kasi kami nagkasalubong pero sabay kaming pumasok sa kusina. Kumuha ako ng malamig na tubig sa reff habang siya naman ay dumiritso
Eumerriah's Point of View Nagmadali akong pumasok sa opisina dahil may pinapagawa daw si Daddy. Ayon sa sekretarya niya, kailangan kong umattend sa isang meeting kung saan magkakaroon ng bagong business partner. Hindi ko maintindihan kung bakit ako ang inatasan, lalo na’t humingi ako ng two days off. Naiinis ako, pero wala akong magawa—kailangan kong sumunod. Suot ang aking two-inch heels at mini skirt, tinungo ko ang office. Nagmamadali akong tumakbo papunta sa elevator."Sandali, sandali!" sigaw ko habang pilit kong pinipigilan ang pagsara ng elevator. Nang makapasok ako, nagulat ako sa aking nakita. Si Gabrielle, mag-isa sa loob ng elevator."Oh, anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya, nanlaki ang mga mata sa gulat."Bakit? Bawal ba akong pumunta dito?" balik-tanong niya sa akin, may halong pangungutya."Hindi naman bawal, pero bakit ka nandito? Anong kailangan mo? Hindi ba sinabi ko sa'yo, layuan mo kami—layuan mo ang pamilya ko!" sagot ko, lumalabas na ang inis sa boses ko.