Maaga akong nagising para may oras akong maihatid sa school ang anak ko bago pumasok sa trababo. Babawi ako hanggat kaya ko at may pagkakataon.Hinatid ko na siya sa room niya bago dumiritso sa faculty room para kamustahi siya sa mga teacher niya. Pagpasok ko sa classroom ng anak ko, naisip kong pwede akong magtago sandali sa likod ng pinto. Nakakatuwa pa, dahil nakaupo siya sa kanyang desk at nagkukwentuhan sa kanyang mga kaklase. Pero ang gulat ko, nang makita ko si Gabrielle na nakaupo sa tabi ng desk ng anak ko, nag-aasikaso sa kanya. Seryoso ang itsura ni Gabrielle, parang nagkukwento sa anak ko tungkol sa mga nangyari sa kanya. Ang eksena na ito ay nagbigay sa akin ng pangambang hindi ko na kayang kontrolin."Gabrielle!" boses ko ang nagpalakas sa silid. Napatingin ang mga bata sa akin, kasama na ang anak ko na nagmamadaling tumayo mula sa kanyang upuan. Ang mukha ni Gabrielle ay hindi mo matutukoy kung nagulat o nabigla."Yumi," mahinahon niyang tugon, ngunit alam kong hindi
**Gabrielle’s Point of View**Mag-iisang buwan na simula ng malaman ni Eumerriah ang paglapit ko sa mga bata. Mababait ang anak ni Eumerriah at Shaira. Alam ko sa sarili kong anak ko si Justine. Hindi makakabuo si Kuya Jerome at alam iyon ng buong angkan namin kaya hindi ito matanggap nila Mommy at Daddy."Shairaa!" Tawag ko kay Shaira nang makita siyang lumabas mula sa gate ng school ni Justine. Nagpalinga-linga pa siya, siguro ay tinitingnan niya kung sino ang nakatingin sa amin."Anong ginagawa mo dito? Pwede bang tantanan mo na ang mga bata? Nagagalit na si Eumerriah!" singhal niya nang makapasok sa loob ng sasakyan ko. "Hindi ako pwedeng magtagal, Gabrielle. Ayokong mag-isip pa ng masama si Yumi! Tigilan mo na kami, tigilan mo ang mga bata. Kahit anong mangyari, hindi papayag si Yumi na gamitin mo ang mga anak niya.""What do you mean? Anak din ni Yumi si Justine?!" gulat kong tanong."Abay malamang! Si Justine at Dustine ay pareho naming anak! Sige na, lumayas ka na. Lalabas na
Eumerriah’s Point of ViewHindi ako makatulog ng maayos kagabi dahil sa mga binitawang salita ni Gabrielle. Hindi ko maintindihan kung paano niya nasasabi ang mga bagay na iyon. Hinanda ko naman ang sarili ko na darating ang panahong ito, darating ang araw na hahanapin ni Gabrielle ang anak niya, na hindi siya maniniwala sa lahat ng magiging dahilan ko dahil tanging lukso lang ng kaniyang dugo ang papakinggan niya.“Oh? Anong mukha iyan? Mukhang wala kang tulog ah?” salubong sa akin ni Shaira.Bumuntong hininga ako. “Ang hirap makatulog.” Tanging nasabi ko. Hindi ako handing sabihin sa kaniya kung ano ang nalalaman ni Gabrielle o ang hinala niya tungkol sa anak niyang si Justine. Alam ko kasing mas masasaktan siya at babalik sa kaniya ang pangyayaring hindi niya ginusto pero nag-iwan sa kaniya ng trauma.“Anong niluluto mo?” tanong ko sa kaniya. Sa may sala kasi kami nagkasalubong pero sabay kaming pumasok sa kusina. Kumuha ako ng malamig na tubig sa reff habang siya naman ay dumiritso
Eumerriah's Point of View Nagmadali akong pumasok sa opisina dahil may pinapagawa daw si Daddy. Ayon sa sekretarya niya, kailangan kong umattend sa isang meeting kung saan magkakaroon ng bagong business partner. Hindi ko maintindihan kung bakit ako ang inatasan, lalo na’t humingi ako ng two days off. Naiinis ako, pero wala akong magawa—kailangan kong sumunod. Suot ang aking two-inch heels at mini skirt, tinungo ko ang office. Nagmamadali akong tumakbo papunta sa elevator."Sandali, sandali!" sigaw ko habang pilit kong pinipigilan ang pagsara ng elevator. Nang makapasok ako, nagulat ako sa aking nakita. Si Gabrielle, mag-isa sa loob ng elevator."Oh, anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya, nanlaki ang mga mata sa gulat."Bakit? Bawal ba akong pumunta dito?" balik-tanong niya sa akin, may halong pangungutya."Hindi naman bawal, pero bakit ka nandito? Anong kailangan mo? Hindi ba sinabi ko sa'yo, layuan mo kami—layuan mo ang pamilya ko!" sagot ko, lumalabas na ang inis sa boses ko.
Nagulat ako nang makita si Gabrielle na naupo sa kabilang dulo ng conference table. Para akong binuhusan ng malamig na tubig habang pinipilit kong iproseso ang sitwasyon. Ang buong akala ko, sandaling pagtatagpo lamang sa elevator ang mangyayari sa amin kanina, pero eto na kami ngayon—magkasama sa iisang proyekto. Hindi ko alam kung ano ang iniisip ni Daddy para maisipang isama si Gabrielle dito. Hindi ba niya alam ang lahat ng nangyari sa amin noon? O baka alam niya, pero pinili niyang ipagwalang-bahala? Wala akong ideya. Ang tanging alam ko lang ay hindi ako handa para dito. Napansin kong tumingin sa akin si Gabrielle mula sa kabilang dulo ng mesa, may bahagyang ngiti sa kanyang labi. Parang naiinis ako sa ngiting iyon—parang alam niya ang nangyayari sa akin, at nasisiyahan pa siya dahil dito. Hindi ko mapigilang mapakunot ang noo, pero agad ko ring binawi ang tingin ko bago niya pa ito mapansin."Dad," sabay tanong ko habang pinipilit na gawing natural ang tono ng boses ko. "Ano
Eumerriah's Point of View Pagdating ko sa bahay, halos hindi ko na mabitawan ang bag ko habang nagmamadali akong pumasok sa sala. Naabutan ko si Shaira na naglalaro kasama ang mga bata sa sofa, pero agad niyang napansin ang tila hindi mapakali kong kilos. “Yumi, anong nangyari?” tanong niya agad, habang nilalapitan ako. “Mukhang may something na nangyari sa trabaho.”Huminga ako nang malalim, pilit na pinapakalma ang sarili, pero hindi ko mapigilan ang panginginig ng mga kamay ko. “Shaira, hindi mo alam kung anong pinagdaanan ko ngayong araw,” simula ko, habang hinahaplos ang noo ko. “Si Gabrielle, Shaira! Si Gabrielle ang bagong business partner namin.”Napatigil si Shaira, at saglit na napakunot ang noo bago unti-unting lumitaw ang ngiti sa labi niya. “Wait, Gabrielle? As in, ex mo na Gabrielle?”Tumango ako, sabay upo sa tabi niya, ramdam ang gigil na kanina ko pa pinipigil. “Oo, siya nga. At hindi lang basta business partner, Shaira. Magkakatrabaho kami sa isang malaking project
Eumerriah's Point of View Habang nasa gitna kami ng discussion tungkol sa proyekto, napansin ko agad na hindi kami magkasundo ni Gabrielle sa direksyon na gusto naming tahakin. Pareho kaming may matitinding opinyon, pero parang mas tumitindi ang tensyon sa bawat salita na binibitawan namin. “Hindi pwedeng ganito, Gabrielle,” sabi ko, pilit na pinapaliwanag ang panig ko. “Kung ipipilit natin ang gusto mo, mawawala yung essence ng project. Kailangan natin itong gawin ng tama, at ito yung tamang approach.” Huminga siya nang malalim, halatang pigil ang inis. “Yumi, I understand your point, but you're missing the bigger picture. Kung hindi natin irerevise, hindi magiging sustainable itong project na 'to in the long run.” Umiling ako, mas lalong nainis sa tono niya. “You're not listening to me, Gabrielle. This project isn’t just about numbers or sustainability. It’s about the people we’re trying to help. Kailangan nating mag-focus sa impact nito sa kanila.” Bigla siyang nagcross n
**Gabrielle's Point of View**Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ko si Eumerriah sa kabilang dulo ng mesa. Sa kabila ng lahat ng nangyari sa amin, narito kami ngayon, magkasama muli sa isang proyekto. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya tungkol dito, pero ako—masaya ako. Masaya akong makatrabaho siya ulit, kahit alam kong masalimuot ang sitwasyon.Bakit nga ba ako masaya? Siguro dahil alam kong sa bawat sandaling magkasama kami, may pag-asa akong mas mapalapit sa kanya—at sa katotohanan. Hindi ako naniniwala sa sinabi niyang patay na ang anak namin. Sa loob ng mahabang panahon, kinumbinsi ko ang sarili ko na totoo iyon, pero ngayon, hindi na. Instinct ko ang nagsasabi na may tinatago si Eumerriah, at sa kabila ng lahat, alam kong malapit ko na itong matuklasan.Itong proyektong ito ang magiging daan ko. Hindi ko man gusto ang paraan ng pagsasama namin muli, alam kong ito na ang pagkakataon ko. Kung hindi si Justine ang anak namin, sino siya? Ano ang itinatago ni Eum