Share

Kabanata 082 First day at business job

Eumerriah’s Point of View

Maaga akong gumising para pumasok sa opisina nila Mommy at Daddy. Hindi naman nila sinabi pero ginusto ko na lang din, kasama naman sa training ko ang gumising ng maaga, kilalanin ang mga tao sa building mula sa pagpasok hanggang sa pinakamataas na pwesto. Alamin kung ano ang mga department at kung sino ang may hawak nito.

“Ikaw na bahala sa mga bata ah, kung may problema tawagan mo ako agad.” Bilin ko kay Shaira.

“Alam mo, para na tayong mag-asawa. Ikaw ang padre de pamilya at ako ang misis na inaasikaso ang mga anak lang.” natatawang komento ni Shaira habang naglalagay ng kanin.

“Heeeh! Hindi ka naman kasi pwedeng magtrabaho. Hayaan mong ako na muna ang gumawa para sa ating apat. Isa pa, ikaw lang ang sanay mag-alaga sa mga bata.” Sagot ko sa kaniya.

Sumisigaw na tumatakbo ang mga bata pababa ng hagdanan. Masama kong tiningnan si Manang dahil hinayaan niyang magtatakbo ang dalawa. “… Sila po kasing dalawa ang naunang tumakbo. Inaayos ko pa ang mga bag nila.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status