Home / Romance / The Billionaire's Hidden Heirs / Kabanata 0001 A Night Can't Remember.

Share

The Billionaire's Hidden Heirs
The Billionaire's Hidden Heirs
Author: Anne_belle

Kabanata 0001 A Night Can't Remember.

Author: Anne_belle
last update Huling Na-update: 2024-04-05 14:01:35

Eumerriah’s Point of View

Masakit sa balat ang init ng araw na tumatama sa balat ko nang magising ako. Dahan-dahan kong inangat ang katawan ko sa kama at napansin kong wala akong saplot ni isa dahil sa lamig na direktang tumatama sa aking balat. Kahit medyo masakit ang ulo ko ay pinilit kong idinilat ang nanlalabo ko pa ring mga mata. Sapo-sapo ko ang aking ulo saka ipinilig ito.

Hinablot ko ang kumot at ibabalot sana ito sa aking katawan. Pero tila may mabigat na bagay na nakadagan sa kumot kaya hindi ko to mahablot ng maayos. Halos nakapikit pa ang mga mata ko kaya kinusot-kusot ko ito gamit ang isang kamay habang ang isa naman ay muling kinapa ang kumot. Ngunit laking gulat ko nang hindi kumot ang nakapa ng isang kamay ko kundi isang matigas na bagay. Biglang nawala ang antok ko at idinilat ng maayos ang mga mata ko para makita ang matigas na bagay na nakapa ko sa aking tabi.

“Aaaaaa! Sino ka? Anong ginagawa mo dito?” sigaw ko ng marealize kong hindi ito ang boyfriend ko. Saka ko pa lang napagtanto na hindi pala ito ang kwarto ko, kundi sa iba.

Nataranta ako kaya sinubukan kong tumayo at umalis sa kama. Ngunit bigla akong napangiwi nang maramdaman ko sumigid ang kirot sa aking gitna. Napasulyap ako sa lalaking katabi ko ngunit mahimbing pa rin ang tulog nito at hindi man lang nagising sa lakas ng sigaw ko. Hindi ko alam kung anong dapat sabihin, ano ang dapat gawin? Nakita ko sa sahig ang mga damit kkong nakakalat kaya agad kong pinulot ang mga ito at mabilis na isinuot. Tiniis ko ang sakit sa pagitan ng mga hita ko habang gumagalaw ako.

Napaigtad ako nang marinig ko ang pag tunog ng cellphone. Hinanap ko ito at nakita ko ang cellphone ko na nasa ibabaw ng bedside table. Agad kong sinagot ang tawag ng mabasa ko ang pangalan ng caller na nasa screen ng cellphone ko. “Thank God, Yumi, sumagot ka rin! Nasaan ka ba ngayon? Bakit wala ka sa condo mo! Kagabi pa ako naghahanap sa iyo. Ano bang nangyari sa iyo!?” malakas na boses ng manager ko sa kabilang linya kaya bahagya kong inilayo ang cellphone sa tainga ko.

Habang hawak-hawak ang cellphone ko ay biglang sumakit ang ulo ko kaya nabitawan ko ang kumot na bumabalot sa katawan ko. “Ah! Shit!”

“Yumi! Send me your locations at susunduin kita dyan agad kung nasaan ka man!” dinig kong sabi ng manager ko.

Bago pa man ako makapag-isip ng ibang gagawin ay inayos ko na muna ang aking sarili. Hindi ko na pinansin ang lalaking hanggang ngayon ay nakadapa pa rin sa kama. Sinend ko kaagad kay manager ang location ko para maasikaso na niya itong nangyari. Mahirap na kung makalabas pa ito.

“Yumiii! What’s the meaning of this?” bungad ni manager Kim nang dumating ito sa kwarto kung saan ako naroroon. Hindi ako makasagot dahil wala talaga akong alam at wala talaga akong maalala.

“What is this and who the hell is he?” tanong ng isang familiar na boses na kasunod ni manager Kim walang iba kundi ang long time boyfriend ko. Si Jerome.

Nakakunot ang noo niya at salubong ang mga kilay habang nakatingin sa lalaking nasa kama. “Babe, sandali lang magpapaliwanag ako,” ngunit hindi ako pinansin ni Jerome bagkus hinawi niya ako sa harap niya at deritso niyang nilapitan ang lalaking hindi ko kilala na nakadapa pa rin sa ibabaw ng kama.

“Sino ka? Hoooy! Gumising ka!“ sigaw ni Jerome at hinatak ang lalaking nakadapa.

“Ah! Ano bang meron bakit ang ingay niyo? Sino ka ba? At ano bang problema mo?” wala sa ulirat na tanong ng lalaking walang saplot.

“Ang sakit ng ulo ko, shit!” sambit nito.

J-jerome?” gulat na bigkas ng lalaki sa pangalan ni Jerome ng minulat niya ang mga mata. “Anong ginagawa mo rito? Bakit galit na galit ka?”

Hindi na sumagot si Jerome at isang sapak ang ibinigay niya sa lalaki saka ito nagmamadaling umalis ng kwarto.

Hindi ko na pinansin ang lalaki na ngayon ay unti-unti ng bumabalik ang malay at hinabol ko si Jerome.

“Jeromeee! Sandali lang, magpapaliwanag ako,” nahabol ko naman ito at mabilis na hinawakan sa kamay. “Hayaan mo akong magpaliwanag please, pakinggan mo muna ako. Hindi ko alam kung bakit ako nandito at kung anong ginagawa ko sa tabi niya. Nagising na lang ako na katabi siya sa kama pero promise, believe me babe, wala talaga akong maalala,” natataranta kong paliwanag sa kanya.

Humarap sa akin si Jerome na blanko ang mukha. “Tapusin na lang natin ang movie bago tayo maghiwalay. Hindi ko na kailangan pang pakinggan pa ang paliwanag mo dahil hindi rin naman ako maniniwala sa sasabihin mo. Hindi ko na kayang makipagrelasyon pa sa babaeng nilawayan na ng ibang lalaki.” malamig na wika nito dahilan para manlambot ang tuhod ko sa narinig. Nadudurog ako kung paano niya ako tingnan. Ang luhang pinipigilan ko ay tuluyan ng bumagsak.

“Yumi!” sigaw ni manager Kim mula sa likod ko. Inalalayan niya akong makatayo. “Bigyan mo muna siya ng oras. Kakausapin ko siya at papatunayan natin na hindi mo ginusto ang nangyari,” ani ni manager.

Pagkarating namin sa parking lot ay agad kaming pumasok sa loob ng kotse. “Nakausap ko na si Gabrielle, wala siyang ilalabas na kahit anong statement. Pumirma din siya sa akin. Ipapaasikaso ko rin ang CCTV.”

Hindi ako sumagot kaya pinaandar niya na ang kotse at hinatid ako sa condo ko.

“Pumunta agad ako rito nang malaman ko ang nangyari. Yumi, kamusta ka?” nag-aalalang tanong ni Shaira. Si Shaira ang matalik kong kaibigan.

“Masakit ang ulo ko, pwede bang iwan niyo na muna ako? Kailangan ko lang magpahinga,” pakiusap ko sa kanilang dalawa.

“I am Emerirah Ferrer, an artist, a commercial model and a beauty queen. I may not reign yet but I am always on the runner up. Hindi ako nagmula sa mayamang pamilya but I did my best to become rich and well-known person ng bansa. Marami pa akong pangarap at dapat gawin para sa aking sarili kaya hindi pa ako tumitigil. Marami na akong nagawang pelikula at mga commercials, malayo-layo na rin ang narating ko mula sa dati kong buhay.

“Yumii! Yumiiiii! Anak. Kamusta naman ang araw mo? Hindi ka ba pagod sa pag-aaral mo ngayon araw?” wika ni mama habang hinahaplos ang aking mukha.

“Mama? Mamaa. Mama dito ka na lang po please. Maaaaaaaaaaaaaaaa!” unti-unting kasing nawala si mama mula sa liwanag na nasa harapan ko.

Humahangos kong iminulat ang mga mata ko at bumangon mula sa pagkakahiga. Lagi talagang nandyan si Mama sa mga down moments ng buhay ko. Hindi ko pala namalayan na nakatulog ako.

Natataranta na lumapit si Shaira sa akin. “Bakit? Anong bang nangyari? Kamusta ka na ba ngayon?” nag-aalala niyang tanong.

“Hindi ko siya kilala. Hindi ko din alam kung bakit ako nandoon besh. Hindi ko talaga maaalala lahat ng bagay,” umiiyak ako habang nakayakap sa kaibigan ko. Kahit anong isip ko sa nangyari ay wala akong maalala. Ang alam ko lang nagkaroon lang kami ng premiere night tapos nun umuwi na ako ng hotel, then I don’t know what happened next.

“Shhh. Tahan na, masama sa iyo ang masyadong umiiyak. May photoshoot ka pa e,” bumuntong-hininga siya at pinaharap ako sa kanya. “Nakita namin ang CCTV, although binura na naming lahat ang copies pero base doon sa nakita ko ikaw ang unang humalik sa lalaki at pumasok sa room niya. I’m sorry pero alam kung mahihirapan kang mag-isip kaya sinabi ko sa iyo ang totoo.”

Mas lalo akong naiyak sa katotohanan na nalaman ko.

Nakipag-one stand ako sa hindi ko kilalang lalaki?

Kaugnay na kabanata

  • The Billionaire's Hidden Heirs    Kabanata 0002 (Spg Warning) The Traitors

    R-18 |Shaira’s Point of View“Kamusta siya ngayon?”“Ayon mukhang may tama pa ng droga na pinainom mo! Bakit mo naman dinamihan?” hinatak ko siya palapit sa akin. Hinalikan ang labi niya at agad naman niya akong hinalikan pabalik. “Kaunti lang naman ang nilagay ko ah, baka sobrang hina lang talaga ng babaeng iyon. Maganda lang siya at magaling umarte kaya gustong-gusto siya ng lahat.”Binitawan ko siya at umupo sa sofa. “Wow, mukhang inlove ka talaga sa kaniya ah. Nasaktan ka ba sa nakita mo kanina?” Tumabi siya sa akin at bahagyang humiga sa balikat ko. “Bakit naman ako masasaktan sa bagay na hindi ko naman ginusto. Alam mo naman na ginawa ko lang iyon dahil gusto mong umusbong ang Career ko. Look, tama ka nga. Mula nang siya ang i-love team sa akin nagsunod-sunod ang mga offers sa akin. Mabilis tayong makakaipon at makakapagpundar para sa future natin.”Napangiti naman ako. Siya si Jerome Velasquez ang longtime boyfriend ko at soon to be my husband. Siya lang naman ang Jerome na on

    Huling Na-update : 2024-05-17
  • The Billionaire's Hidden Heirs    Kabanata 0003 Soon to be...

    Eumerriah’s Point of View“Jerome! Can we talk?” tumingin lang siya sa akin ng walang emosyon, tumayo at tuluyang umalis. Sinundan ko naman siya. Nagpalinga-linga pa ako baka may makakita sa amin. Lumingon siya sa akin at lumapit. “Ipapahiya mo ba talaga ang sarili mo?” bulong niya sa akin.Napatingin ako sa paligid at marami ngang tao, nandito nap ala kami sa lobby ng hotel. Tapos na nag movie namin, ito na ang huling araw namin sa taping. Bumuntong hininga ako at agad na tumalikod pabalik sa kwarto ko. May tatlong linggo na din simula ng suyuin ko siya. Kahit araw araw kaming magkasama ay civil lang kami, hindi siya nagsasalita kung hindi kailangan. Inuunawa ko na lang dahil alam ko ang mali sa nagawa ko, ang gusto ko lang naman ay pakinggan niya ako. Kung mauunawaan niya edi okay, maayos namin ang aming relasyon. Kung hindi naman ay mauunawaan ko, ang gusto ko lang ay makapagpaliwanag pero kahit isang Segundo hindi niya ako binigyan ng pagkakataon.“Tumawag ang Daddy mo!” salubong

    Huling Na-update : 2024-05-17
  • The Billionaire's Hidden Heirs    Kabanata 0004 The Viral Vedio (Spg warning)

    Eumerriah’s Point of View“Nasaan ka ngayon?”“Nasa condo, malapit na akong ikasal wag mo na muna ako bigyan ng trabaho. Ito na ang last chance ko kay Jerome. Sa ngayon susundin ko na sila Mommy.” Sagot ko kay Manager Kim ng ito ay tumawag.“Ganoon mo talaga kamahal ang lalaking ‘yan noh. Siya sige, basta kung gustuhin mong bumalik open ang agency ko para sa iyo.” Tumango-tango ako na parang nakikita niya ako.Binaba niya ang tawag. “M-magkano po ito?” utal kong tanong sa cashier. Hindi naman niya ako makikilala dahil nakadisguise ako ngayon. Nakasuot ako ng cup at naka-facemask. Nakasuot din ako ng leather Jacket upang hindi makita ang bibilhin ko.“135 pesos po ma’am.”“Alin ba ang pinakamahal dito at accurate?” I ask the pharmacist na kararating lang. “Ilang weeks na po ba?”Bumuntong hininga ako. “I think 5 weeks already pero 2 weeks pa lang akong delay, isn’t possible na accurate ang lumabas?”“Two or three sigurong try every morning po, wala muna kayong kakainin at iinumin na ka

    Huling Na-update : 2024-05-18
  • The Billionaire's Hidden Heirs    Kabanata 0005 Drug Test

    Padabong na pinatay ni Yumi ang kaniyang telepono dahil sa sunod-sunod na tawag at messages na natatanggap niya mula sa mga malalapit na tayo sa buhay niya. "Oh? Bakit mo pinatay? Bakit hindi mo kausapin ng harapan at tanunngin ang bestfriend mo para hindi ako ang pinagiinitan mo ng ulo dyan!" May diin na salita ang binitawan ng lalaking si Gabrielle na kasama niya ngayon. Sa halip na sumagot ay umismid na lamang ito. Hindi niya din kasi alam ang sasabihin, hindi siya sigurado kung papaniwalaan niya ba ang sinasabi nito pero alam niyang in the back of her mind na walang dahilan ang lalaking nasa harapan niya para magsinungaling. " Gusto ko ng magpahinga. Pwede mo ba akong ihatid sa pinakamalapit na hotel?!" Pagod at lamya na tanong ni Yumi sa binatang kanina pa hawak ang manubela. "Hindi pwede!" " Anong gusto mo? Matulog ako dito sa kotse mo? Hindi mo ba nakikita? Hindi ako komportable sa suot ko at sa pwesto ko kung dito ako matutulog. Bakit hindi mo na lang paandarin itong

    Huling Na-update : 2024-06-08
  • The Billionaire's Hidden Heirs    Kabanata 0006 Isla

    R|18 Eumerriah's Point of View "Ano?! Totoo ba iyang sinasabi mo?" Paulit-ulit na tanong ng manager ko. Pinaalam ko sa kaniya lahat ng sinabi sa akin ni Gabrielle, ayaw ko man paniwalaan pero may kung ano sa loob ko ang nagsasabing may katotohanan ang sinabi niya. "Okay, i'll going to call someone i know para palihim na gumawa ng drug test sa iyo. Tatawagan kita kung pwede ka ng pumunta. Mag iingat ka kung nasaan ka man, wag ka munang magpapakita sa mga tao." Ramdam ko ang pagkataranta ng manager ko na si Kim. Ibinilin ko din sa kaniyang wag na muna ipaalam ito sa iba kahit sa bestfriend ko. Alam kong nagtataka siya pero hindi ko pa kayang sabihin sa kaniya dahil hindi rin ako sigurado. "Ano? Kailangan na ba kitang ihatid sa maynila?" Biglang sulpot ni Gabrielle. "Huh? Bakit nasaan ba tayo ngayon?" Tumingin ako sa bintana, tanging dagat, mga puno at damuhan lang ang nakikita ng mga mata ko. "Nasaan tayo?" Takang tanong ko. "Nandito tayo sa isang resort na pag-aari k

    Huling Na-update : 2024-06-19
  • The Billionaire's Hidden Heirs    Kabanata 0007 Lover's Quarrel

    Eumerriah's Point of View "Kateee!" Sigaw ng lalaking epal sa buhay ko kahit kailan. Tinatawag niya si Kate na kausap ko ngayon. Nang makalapit siya ay hinigit niya si Kate sa likod niya. " Wag ka ngang sumasama sa kagaya niya. Mamaya niyan mahawa ka sa ugali niya." "Lover's Quarrel kayo?" Nakangising tanong agad ni Kate. Hindi ko na kaya matagalan ang pangiinsulto niya sa ugali ko. Isang beses ko lang nagawa sa kaniya pero nakakadalawang beses na niya akong pinagsasalitaan ng ganyan. Kapal ng mukha! Huminga ako ng malalim habang nakapikit at maglalakad na sana paalis ng maalala kong magpaalam kay Kate. " Nice to know you Kate. Let's bond another time pag wala ng asungot sa buhay natin." Nagwave pa ako sa kaniya at patuloy na paglalakad ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero siguro kailangan ko lang i-check kung may tawag na si Manager Kim. Nakalimutan ko ng may kailangan pala akong puntahan. "See you again ate Yumi!" Sigaw ni Kate. Hindi na ako lumingon pa at nagl

    Huling Na-update : 2024-06-19
  • The Billionaire's Hidden Heirs    Kabanata 0008 Possitive!!

    R-18 Eumerriah's Point of View "Ateeee" Pagpapacute sa akin ni Kate. " Ateee babalik ka huh?" Paulit ulit na pakiusap sa akin ni Kate. "Oo nga, kanina ka pa. Babalik siya dito dahil hindi ko siya iiwan doon. Sige na baka hinahanap ka na ni Lola." Pagtataboy ni Gabrielle kay Kate. Kanina pa kasi nagpapacute sa akin si Kate, akala niya kasi hindi na ako babalik. Kumuha si Gabrielle ng mga damit ni Kate at siya ngayon ang gamit ko kahit medyo maliit sa akin. Nakasuot ako ngayon ng longsleeve na hindi branded, malayo sa tela na sinusuot ko dati. Nakasuot din ako ng maluwag pero maiksing jogging pants. Mas matangkad ako ng bahagya kay Kate pero mas matangkad pa din naman sa akin si Gabrielle. Nakasakay na ako ngayon sa passenger seat habang inaayos ni Gabrielle ang seatbelt niya. "Pwede bang magtanong?" Bigla kasi akong na-curious kung bakit ako tinutulungan ni Gabrielle. Hindi ko naman siya kilala, hindi din niya ako gaano kakilala. " Nagtatanong ka na." Pamimilosopo niy

    Huling Na-update : 2024-06-19
  • The Billionaire's Hidden Heirs    Kabanata 0009 Revelation

    Possitive! Sigurado! Buntis ako. Matapos namin magpacheck up for drug test at nagpossitive ang result ko sa pregnancy test ay agad kaming nagpasecond opinion. Humanap na din ng mapapakatiwalaang OB si Gabrielle at Manager Kim. Sa kalagayan ko ngayon mahirap malaman pa lalo ng publiko. Kahit nasira ang pangalan ko, hindi naman valid iyon para sirain ko din ang pangalan ng taong minsan ko ding minahal. Sigurado akong masasankop siya sa bagay na ito kung maisapubliko pa. "Hi, mare! Kamusta ka dito? Maayos naman ba ang pagpapatakbo ng maliit na clinic na ito?" Bati ni Manager Kim ng makarating sa clinic na kakilala niya. " Ito lang ang naipundar ko matapos kong malaos!" Pabirong sagot nito. "Talaga ba? Anyway kilala mo naman na siya, Eumerriah-" "Yes, the best Eumerriah Ferrer. Alam mo sobrang fan mo ako. Kung kasing galing mo lang ako noong kabataan ko baka na-link na ako sa iba't ibang lalaki. Mabait ka din ah, isang lalaki lang na-link sayo. Akala ko nga dati totoo r

    Huling Na-update : 2024-06-20

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Hidden Heirs    Kabanata 131- The Reason why she left

    15 years ago,Eumerriah's Point of View "Pakasalanan mo si Jerome!" galit na sabi ni Daddy, habang tinitigan ako ng mariin.Huminga ako ng malalim bago sumagot. "Pero, Dad, alam naman nating hindi ko na siya kayang balikan.""Dahil ano? Dahil sa kapatid niya? Alam mo bang nilalagay mo sa kapahamakan si Gabrielle?" Lumalim ang mga mata niya, at may bigat sa bawat salitang binibitiwan niya.Napatingin ako sa kanya, litong-lito. "Ano pong ibig niyong sabihin?"Nag-aalangan si Mommy, biglang hinawakan ang braso ni Daddy. "Mahal, wag mo na sabihin kay Yumi ang bagay na iyan," pakiusap niya, tila may pag-aalala sa kanyang boses.Pero matatag si Daddy, hindi nagpatinag. "Hindi, kailangan niyang malaman para matauhan siya. Ang lakas ng loob magpabuntis sa lalaking iyon."Napalunok ako, unti-unti nang tumitindi ang kaba sa aking dibdib. "Ano po ba kasi iyon?!"Lumapit si Daddy, malamig ang tingin niya sa akin. "Kaya nilang patayin si Gabrielle, huwag lang kayong magkatuluyan."Parang nabingi

  • The Billionaire's Hidden Heirs    Kabanata 130 The Truth

    Eumerriah's Point of ViewSa tagal naming nag-uusap ni Gabrielle, hindi kami magkasundo. Hindi ko maunawaan kung bakit niya kailangang ilayo ang sarili niya sa amin. Lumabas na ang lahat ng katotohanan—ang tungkol sa kasal nila ni Kristine at ang naging takbo ng buhay niya kasama si Paul. Nagsisisi na rin siya, at maging si Paul ay tila napansin ang kanyang mga pagkakamali."Hindi mo talaga ako nauunawaan," sabi ni Gabrielle, may halong frustration sa boses."Edi ipa-intindi mo sa akin!" sagot ko, hindi na rin nakapagpigil."Sige, matanong kita. Bakit pinili mong lumayo at magtago, aber? Labing limang taon! Labing limang taon kong hindi nakita at nakasama ang anak ko, tapos malalaman kong legally anak siya ni Shaira! Paano mo ipapaliwanag sa akin ang bagay na iyon, ha?" tanong niya, puno ng galit at pagkabigo."Makinig ka!" sabi ko, halos hindi ko na maitago ang sakit sa boses ko. "Nawalan ng anak si Shaira dahil sa naging asawa mo! Ano sa tingin mo ang gagawin ko? Natural, inisip ko

  • The Billionaire's Hidden Heirs    Kabanata 129 His Place

    Eumerriah's Point of View"Nasaan siya?" tanong ko kay Kate, diretso at puno ng curiosity."Kung gusto mong malaman, sumunod ka sa akin," sagot niya, sabay pasok sa kanyang kotse. Tumango ako, ngunit imbes na mag-drive ng sarili kong sasakyan, nagmadali akong pumasok sa passenger seat ng kotse niya.Napakunot ang noo niya at binigyan ako ng tingin na parang nagtatanong. "Bakit ang tamad mong mag-drive?" tanong niya, may halong inis."Gusto kong sumakay sa kotse ng babaeng gustong-gusto ako dati," sabi ko, nagpapatawa na rin para mawala ang tensyon."Tsk! Kung hindi dahil kay Kuya Gabrielle, hindi kita magugustuhan," bawi niya, pero may nakakalokong ngiti sa mga labi."What do you mean?" tanong ko, medyo naguguluhan pero alam kong may something siyang tinatago."Secret," sagot niya, sabay tawa habang nagmamaneho.Napatingin ako sa labas ng bintana, pero di ko mapigilan ang ngiti sa mukha ko. Hindi ko akalain na ang masiyahing bata noon na palaging nakadikit sa akin, gustong gusto ako,

  • The Billionaire's Hidden Heirs    Kabanata 128 He still care

    "Eumerriah!" Tinawag ako ni Kate, ang boses niya ay puno ng alalahanin.Lumingon ako sa kaniya, at nakita ko ang seryosong ekspresyon sa kanyang mukha."Naiisip mo pa din ba siya?" Tanong niya, ang tinig ay puno ng pag-aalala. "Kung kamusta man lang ba siya?"Tahimik akong tumayo at binugaw ang mga tao sa paligid, tila may nararamdaman akong bigat. Naisip ko si Gabrielle. Sa lahat ng nangyari, siya pa rin ang nagbigay ng damdamin sa aking puso, pero hindi ko alam kung paano ko siya haharapin ngayon."Ano bang nais mong iparating?" tanong ko, pilit na tinatago ang nararamdaman."I just wanted you to know," sabi ni Kate, ang kanyang boses ay seryoso, "na noon pa lang nahirapan na siyang tanggapin na nawala ka ng ganoon lang. Tapos bigla kang bumalik at inisip na pinabayaan ka niya, na hindi ka man lang hinanap?"Habang binabasa ko ang kanyang mga salita, parang sumabog ang sakit sa aking dibdib. Naramdaman ko ang pighati ni Gabrielle sa mga taon ng pagkawala ko, ngunit hindi ko rin kaya

  • The Billionaire's Hidden Heirs    Kabanata 127

    "Another movie you slay!" bati ni Shaira, habang yakap ako ng mahigpit."Napakagaling talaga ng mommy ko," puri ni Justine na ngayon ay nakaayos na parang ganap na binata na, ang buhok ay maayos, at ang suot na amerikana ay tumatakip sa kanyang buong katawan. Tumingin siya sa akin ng may labis na paghanga, at para bang natutunan niya ang mga bagay na ito mula sa akin."You always pretty, Mommy," sabi ni Dustine, na kahit bata pa, may mga simpleng salita na kayang magpasaya sa puso ko. Nakangiti siya sa akin, ang mga mata ay puno ng kasiyahan at pagmamahal."Ang napakaganda at walang kupas sa galing," papuri naman ni Jayson, na tumayo sa aking tabi, ang mga mata ay puno ng paggalang.Kakatapos lang ng premier night ng isa sa mga pinakamatagumpay naming pelikula ni Jerome. Ang kwento namin sa pelikula ay punong-puno ng emosyon, at hindi ko inisip na magiging ganito ang lahat. Matapos ang ilang linggong hirap at pagod, ang pagkakataon na ito ay nagbigay saya at tagumpay sa amin.Nasa git

  • The Billionaire's Hidden Heirs    Kabanata 126

    Eumerriah's Point of View Sa loob ng anim na buwan, nasa maayos ang lahat. Walang gulo, walang away, kahit madalas ko nang katrabaho si Jerome."Siya pa din ba hanggang ngayon?" tanong ni Jerome."Eh, ano naman sa'yo?" Sagot ko, medyo matalim ang tono.Para bang wala siyang pakialam sa mga nangyari noon. Na parang hindi siya ang lalaking minsang kinabaliwan ko."Kung sana pinagpatuloy mo lang ang pagiging baliw sa'kin, baka natutunan ko pa 'yang mahalin ka," biro ko."Sabi mo e," sagot niya, tila walang malasakit."Ang tigas mo na ngayon, ah. Parang hindi ka nabaliw sa'kin noon," patuloy ko."It's been 17 years and still? Hindi ka pa rin ba nakaka-move on? Hindi mo nga nagawang ipaglaban ang bestfriend kong una mong minahal, ako pa kaya na ginamit mo lang?""Eh, hindi ko kasalanan kung hindi siya matanggap ng pamilya ko.""Kasalanan mong pinaasa mo siya at hindi minahal ng totoo.""Anong alam mo sa pagmamahal ng totoo?""Eh, ikaw? Anong alam mo? Hindi na tayo mga bata para dyan! Kung

  • The Billionaire's Hidden Heirs    Kabanata 125

    Eumerriah's Point of View Tatlong buwan na ang lumipas simula nang biglaang pagkawala ni Gabrielle, at walang sinuman ang nakarinig ng balita mula sa kanya. Lahat sila'y nag-aalala—pati sina Kristine at Kimberly ay naguguluhan na rin sa nangyayari. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanila na pati ako’y wala ring ideya kung nasaan siya o kung kailan siya babalik.Sa kabila ng lahat ng ito, ang buhay namin ni Shaira ay unti-unting bumalik sa dati. Ako ang patuloy na nagtatrabaho para sa aming pamilya, habang si Shaira naman ang naiiwan sa bahay upang asikasuhin ang mga gawain at si Justine. Naging maayos ang daloy ng mga araw, ngunit ang bigat ng mga tanong na walang kasagutan ay laging naroon."Hanggang ngayon ba, wala pa ring paramdam si Gabrielle?" tanong ni Shaira, habang iniayos ang mga laruan ni Dustine sa sahig.Umiling ako, naramdaman ko ang lungkot sa aking dibdib. "Kahit si Kristine ay nagtatanong na rin sa akin. Nagkakagulo na daw sa kumpanya nila dahil sa biglaan niyang

  • The Billionaire's Hidden Heirs    Kabanata 124

    Eumerriah's Point of ViewNakarecover na si Justine mula sa kanyang karamdaman, at sa kabila ng lahat ng nangyari, malaki ang pasasalamat ko kay Gabrielle. Ang kanyang suporta sa amin ay hindi ko malilimutan. Ngunit pagkatapos ng aming pagkikita at nang malaman kong ang matalik niyang kaibigan na si Paul ang tunay na ama ni Kimberly, parang isang matinding tinik ang naalis mula sa kaniya, ngunit hindi ko pa rin maipaliwanag ang tunay na nararamdaman niyang nararamdamanDalawang linggo na ang nakalipas mula nang matuklasan ko ang katotohanan, ngunit wala na akong balita mula kay Gabrielle. Nawawala siya, at kahit anong gawin ko, hindi ko siya matagpuan. Ang kanyang pagkawala ay tila isang bagong pahirap na dumagdag sa aking mga pagsubok.Sa gitna ng lahat ng ito, napapadalas ang pagbisita ni Jayson sa aming bahay. Ayaw ni Justine na magpaligo sa ibang tao, kaya't mas pinili naming huwag mag-hire ng personal nurse. Minsan, nakikita ko siyang nag-aalala at nagtatago ng kanyang tunay na n

  • The Billionaire's Hidden Heirs    Kabanata 023

    Gabrielle's Point of ViewHindi ko alam kung paano ko nagawang iwan ang lahat. Minsan, parang panaginip lang ang lahat ng ito—ang buhay na iniwan ko, ang pamilya na sinira ko. Pero ito ang realidad na ginawa ko sa sarili ko, at sa bawat araw na lumilipas, mas nagiging malinaw sa akin kung gaano kalaking pagkakamali ang nagawa ko.Si Kristine, ang babaeng nakasama ko ng maraming taon, ang ina ng anak kong si Kimberly. Bumuo kami ng pamilya, isang pamilya na minsan kong pinangarap na magiging masaya at buo hanggang sa huli. Pero ngayon, wala na iyon. At ako ang may kasalanan. Nagsimula ang lahat nang bumalik si Eumerriah sa buhay ko. Hindi ko inasahan na makikita ko pa siya muli, na mararamdaman ko ulit ang mga damdamin na matagal ko nang inilibing. Akala ko, tapos na ang lahat sa amin ni Eumerriah. Akala ko, kaya ko na siyang kalimutan, kaya kong magpatuloy sa buhay kasama si Kristine at si Kimberly. Pero nang makita ko si Eumerriah, biglang bumalik ang lahat ng damdamin na iyon—mga d

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status