Eumerriah’s Point of View
“Nasaan ka ngayon?” “Nasa condo, malapit na akong ikasal wag mo na muna ako bigyan ng trabaho. Ito na ang last chance ko kay Jerome. Sa ngayon susundin ko na sila Mommy.” Sagot ko kay Manager Kim ng ito ay tumawag. “Ganoon mo talaga kamahal ang lalaking ‘yan noh. Siya sige, basta kung gustuhin mong bumalik open ang agency ko para sa iyo.” Tumango-tango ako na parang nakikita niya ako. Binaba niya ang tawag. “M-magkano po ito?” utal kong tanong sa cashier. Hindi naman niya ako makikilala dahil nakadisguise ako ngayon. Nakasuot ako ng cup at naka-facemask. Nakasuot din ako ng leather Jacket upang hindi makita ang bibilhin ko. “135 pesos po ma’am.” “Alin ba ang pinakamahal dito at accurate?” I ask the pharmacist na kararating lang. “Ilang weeks na po ba?” Bumuntong hininga ako. “I think 5 weeks already pero 2 weeks pa lang akong delay, isn’t possible na accurate ang lumabas?” “Two or three sigurong try every morning po, wala muna kayong kakainin at iinumin na kahit ano pagkagising bago niyo gamitin. Kung hindi pa din kayo satisfied better to visit OBGYN.” Nakangiti niyang sagot sa akin. “Bigyan mo ako ng tig tatlo brand. How much?” “1135 po lahat ma’am.” “Okay.” Kinuha ko ang dalawang libong piso sa wallet ko at agad na kinuha ang pinamili ko, nilagay ko agad ito sa bulsa ng jacket ko. “Miss, mayroon ba kayo nito for hangover- ay sorry. Pasensya ka na medyo may tama pa kasi ako.” Tinulungan naman ako ng lalaking nakabangga sa akin. Nagkalat ang mga pinamili ko. Dahil yumuko ako ay nalaglag ang cup ko. “Ang dami naman nito Ms. Lahat ba ito ikaw ang gagamit?” umangat ang tingin niya sa akin. “I-ikaw?” luminga pa ito. Lumapit siya sa akin at bumulong. “Anong gagawin mo sa pregnancy test?” Nagmadali akong kinuha ang pinamili ko at tumayo. Hindi ko na ininda kung may naiwan pa ba dahil agad akong lumabas ng pharmacy. Hindi ko siya pinansin, dire-diretso akong pumasok sa kotse ko. Huminga ako ng malalim. “Buntis ka?” sobrang gulat ko ng may pumasok sa backseat ng kotse ko. “Anong ginagawa mo dito?” “Tinatanong kita! Buntis ka ba? Ako ba ang ama?” “Lumabas! Wala tayong dapat pagusapan!” tinulak ko siya palabas ng kotse. “Hindi ako lalabas kung hindi mo ako sasagutin.” Nagpipigil akong sumigaw. Sobrang galit ko sa kaniya, siya ang dahilan ng lahat ng problema namin ni Jerome. This time hindi na ako papayag na may gawin pa siya para pigilan ang kasal naming dalawa. “Hindi ako buntis, inutusan lang ako ng kaibigan ko para bumili nito. Please, nakikiusap ako! Wag ka ng gumawa ng bagay na ikakasira namin ni Jerome. Ikakasal kaming dalawa at mahal naming ang isa’t isa. Kami ang nakatadhana.” May pag sign gesture pa ako sa kaniya. Nakikisuyo na ako. “Ganoon mo ba talaga siya kamahal? Hindi mo ba nakikita na hindi ka niya mahal. Kailangan ka lang niya. Kung hindi ka maniniwala desisyon mo iyon, binalaan na kita! Hindi ka niya mahal!” padabog niyang sinara ang kotse ko. Bumuntong hininga ako at agad na umuwi sa condo. Mamaya ng gabi ang Engagement party namin ni Jerome pero ilang araw na ding masama ang pakiramdam ko. Minsan nawawalan ako ng malay at nagigising na lang ng walang nakakita sa akin. Nangangamba na ako, pero hindi ako tanga, alam kong possibleng buntis ako kaya hindi agad ako makalapit sa doctor. Wala akong ibang mapagsabihan. “Nasaan ka?” sinagot ko ang tawag ni Dad habang nagda-drive. “Pauwi na po.” Sagot ko. Ibinaba niya na din agad kaya nag u-turn na ako pauwi. Hindi na muna ako dadaan sa condo. Agad akong nakarating sa isang hotel na pagmamayari din ng pamilya namin. Iginaya ako ng mga tao ni Mom papunta sa isang kwarto. "Nandyan na po sila Sir Jerome. Pinapatawag na kayo ng Mommy niyo." " Iwan niyo na muna ako." Sabi ko sa kanila at iniwan nila ako dito sa kwarto. Sinisipat ko ang sarili ko. "Sinabi ko di ba-ano ba sino ka ba ibaba mo ako!" Utos ko sa taong may karga sa akin ngayon bago niya lagyan ng panyo ang bibig ko. Nakalutang ako ngayon at nagpupumiglas. "Araaay! Ang sakit! Ano bang problema mo?!" Sigaw ko sa lalaking nagda-drive ngayon pagkatapos niya ako isalampak sa backseat ng kotse niya. " Hoy! Ihinto mo ito! Ano ba! Sino ka ba para gawin sa akin ito!?!" Wala pa din humpay ang paghampas ko sa likod niya habang palinga-lingang nagbabakasakaling may makita akong kakilala sa dinadaanan. "Gabrielle?!? Ikaw na naman! Ihinto mo ang sasakyan! I said stop the car- aw! Shit! Bakit ka nag preno bigla?!" Naumpog kasi ang mukha ko sa upuan na nasa harapan ko ngayon. "Sabi mo stop the care!" Napataas niya ang kilay ko. " Ibalik mo ako doon kung hindi sisigaw ako ng sisigaw dito!" "Magsisigaw ka. Wala naman makakarinig sa iyo! Isa pang gulo sa pagda-drive ko sa empyerno tayo pupulutuin!" Pagbabanta niya. "Ikaw lang! Sa langit ako" Irap ko sa kaniya. " Kung langit gusto mo, manahimik ka dyan. Sabay natin pupuntahan ulit iyon!" Automatic na nagkulay kamatis ang mukha ko at nahiya ng bahagya sa kaniya. Ang kapal ng mukha niyang ipaalala ang bagay na iyon. "Ewan ko sa iyo! I'll going to call manager Kim. Ipapakulong kita sa pangingidnap mo sa akin!" Pagbabanta ko. Kinuha ko ang phone ko sa secret pocket ng gown ko. Sunod-sunod na notifications at tawag ang nareceieve ko mula sa iba't ibang tao lalo na sa mga executives. Kumunot ang noo ko ng makita ang isang vedio, nanginginig ang kamay ko pero hindi ako nagdalawang isip na tingnan. "Aaaaaaa. B-bakit may ganyan? S-saan galing iyan!" Nabitawan ko ang cellphone ko dahil sa gulat. " Ah! Shit! Tinuloy nga nila!" Komento niya ng makita ang vedio na nagpiplay sa cellphone ko. Hindi pa ako nakakarecover ng makita kong tumatawag si Dad. Nanginginig ako at umiiyak pero kailangan kong sagutin. "D-dad l-let me exp-plain. I-" " Kaya ba hindi ka nagpakita dito dahil nakipagtanan ka sa lalaki mo? Wala ka talagang utang na loob! Ngayon anong gagawin mo? Isa kang malaking kahihiyan! Kung hindi ka pakasalanan ni Jerome sisiguraduhin kong wala kang makukuha sa amin ng Mommy mo. Hindi ka na namin anak! Nagsisisi akong kinuha kita at pinaglaki!"Padabong na pinatay ni Yumi ang kaniyang telepono dahil sa sunod-sunod na tawag at messages na natatanggap niya mula sa mga malalapit na tayo sa buhay niya. "Oh? Bakit mo pinatay? Bakit hindi mo kausapin ng harapan at tanunngin ang bestfriend mo para hindi ako ang pinagiinitan mo ng ulo dyan!" May diin na salita ang binitawan ng lalaking si Gabrielle na kasama niya ngayon. Sa halip na sumagot ay umismid na lamang ito. Hindi niya din kasi alam ang sasabihin, hindi siya sigurado kung papaniwalaan niya ba ang sinasabi nito pero alam niyang in the back of her mind na walang dahilan ang lalaking nasa harapan niya para magsinungaling. " Gusto ko ng magpahinga. Pwede mo ba akong ihatid sa pinakamalapit na hotel?!" Pagod at lamya na tanong ni Yumi sa binatang kanina pa hawak ang manubela. "Hindi pwede!" " Anong gusto mo? Matulog ako dito sa kotse mo? Hindi mo ba nakikita? Hindi ako komportable sa suot ko at sa pwesto ko kung dito ako matutulog. Bakit hindi mo na lang paandarin itong
R|18 Eumerriah's Point of View "Ano?! Totoo ba iyang sinasabi mo?" Paulit-ulit na tanong ng manager ko. Pinaalam ko sa kaniya lahat ng sinabi sa akin ni Gabrielle, ayaw ko man paniwalaan pero may kung ano sa loob ko ang nagsasabing may katotohanan ang sinabi niya. "Okay, i'll going to call someone i know para palihim na gumawa ng drug test sa iyo. Tatawagan kita kung pwede ka ng pumunta. Mag iingat ka kung nasaan ka man, wag ka munang magpapakita sa mga tao." Ramdam ko ang pagkataranta ng manager ko na si Kim. Ibinilin ko din sa kaniyang wag na muna ipaalam ito sa iba kahit sa bestfriend ko. Alam kong nagtataka siya pero hindi ko pa kayang sabihin sa kaniya dahil hindi rin ako sigurado. "Ano? Kailangan na ba kitang ihatid sa maynila?" Biglang sulpot ni Gabrielle. "Huh? Bakit nasaan ba tayo ngayon?" Tumingin ako sa bintana, tanging dagat, mga puno at damuhan lang ang nakikita ng mga mata ko. "Nasaan tayo?" Takang tanong ko. "Nandito tayo sa isang resort na pag-aari k
Eumerriah's Point of View "Kateee!" Sigaw ng lalaking epal sa buhay ko kahit kailan. Tinatawag niya si Kate na kausap ko ngayon. Nang makalapit siya ay hinigit niya si Kate sa likod niya. " Wag ka ngang sumasama sa kagaya niya. Mamaya niyan mahawa ka sa ugali niya." "Lover's Quarrel kayo?" Nakangising tanong agad ni Kate. Hindi ko na kaya matagalan ang pangiinsulto niya sa ugali ko. Isang beses ko lang nagawa sa kaniya pero nakakadalawang beses na niya akong pinagsasalitaan ng ganyan. Kapal ng mukha! Huminga ako ng malalim habang nakapikit at maglalakad na sana paalis ng maalala kong magpaalam kay Kate. " Nice to know you Kate. Let's bond another time pag wala ng asungot sa buhay natin." Nagwave pa ako sa kaniya at patuloy na paglalakad ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero siguro kailangan ko lang i-check kung may tawag na si Manager Kim. Nakalimutan ko ng may kailangan pala akong puntahan. "See you again ate Yumi!" Sigaw ni Kate. Hindi na ako lumingon pa at nagl
R-18 Eumerriah's Point of View "Ateeee" Pagpapacute sa akin ni Kate. " Ateee babalik ka huh?" Paulit ulit na pakiusap sa akin ni Kate. "Oo nga, kanina ka pa. Babalik siya dito dahil hindi ko siya iiwan doon. Sige na baka hinahanap ka na ni Lola." Pagtataboy ni Gabrielle kay Kate. Kanina pa kasi nagpapacute sa akin si Kate, akala niya kasi hindi na ako babalik. Kumuha si Gabrielle ng mga damit ni Kate at siya ngayon ang gamit ko kahit medyo maliit sa akin. Nakasuot ako ngayon ng longsleeve na hindi branded, malayo sa tela na sinusuot ko dati. Nakasuot din ako ng maluwag pero maiksing jogging pants. Mas matangkad ako ng bahagya kay Kate pero mas matangkad pa din naman sa akin si Gabrielle. Nakasakay na ako ngayon sa passenger seat habang inaayos ni Gabrielle ang seatbelt niya. "Pwede bang magtanong?" Bigla kasi akong na-curious kung bakit ako tinutulungan ni Gabrielle. Hindi ko naman siya kilala, hindi din niya ako gaano kakilala. " Nagtatanong ka na." Pamimilosopo niy
Possitive! Sigurado! Buntis ako. Matapos namin magpacheck up for drug test at nagpossitive ang result ko sa pregnancy test ay agad kaming nagpasecond opinion. Humanap na din ng mapapakatiwalaang OB si Gabrielle at Manager Kim. Sa kalagayan ko ngayon mahirap malaman pa lalo ng publiko. Kahit nasira ang pangalan ko, hindi naman valid iyon para sirain ko din ang pangalan ng taong minsan ko ding minahal. Sigurado akong masasankop siya sa bagay na ito kung maisapubliko pa. "Hi, mare! Kamusta ka dito? Maayos naman ba ang pagpapatakbo ng maliit na clinic na ito?" Bati ni Manager Kim ng makarating sa clinic na kakilala niya. " Ito lang ang naipundar ko matapos kong malaos!" Pabirong sagot nito. "Talaga ba? Anyway kilala mo naman na siya, Eumerriah-" "Yes, the best Eumerriah Ferrer. Alam mo sobrang fan mo ako. Kung kasing galing mo lang ako noong kabataan ko baka na-link na ako sa iba't ibang lalaki. Mabait ka din ah, isang lalaki lang na-link sayo. Akala ko nga dati totoo r
Eumerriah's Point of View Masakit ang ulo kong nagising mula sa pagkatulog. Pakiramdan ko sobrang haba ng tulog ko. Babangon na sana ako ng mapansin kong wala ako sa sariling kwarto. Nandito ako sa kwarto kung saan puro puti ang paligid at may aparato. Iaangat ko sana ang kamay ko ng maramdamang hawak ito ng kung sino kaya tiningnan ko. Nakaramdam ako ng saya ng makita ko muli ang mukha niya. " J-Jerome?" Haplos ko sa mukha niya gamit ang kaliwang kamay ko kahit medyo hindi ko abot. Kahit ano pa ang nalaman ko, hindi magbabago ng ganoon kadali ang nararamdaman ko para sa kaniya. Naramdaman kong gumalaw siya kaya nagpanggap akong tulog. Narinig kong gumalaw ang upuan kaya sigurado akong tumayo siya mula sa pagkakaupo, nawala din ang pagkakahawak nito sa kamay ko. Naghikab pa siya bago ako nakarinig ng tubig na sinasalin sa baso, kaya hindi ko na napigilan ang magmulat at umupo. "Nauuhaw na din ako." Ani ko. " Oh? Mabuti naman at gising ka na? Kamusta pakiramdam mo?" Nakita k
Eumerriah's Point of View "Yumii!!" Sigaw ni Gabrielle habang papalapit sa akin. Kunwari kasing nanghina ako para hindi siya lumabas. Hindi ko alam kung anong nag udyok sa akin gawin iyon pero naisip ko lang na posibleng saktan niya si Jerome kung hahayaan ko siyang makalabas sa kwartong ito. " Bakit? Nahihilo ka ba? Anong nararamdaman mo?" Dire-diretsong tanong niya habang inaalalayan akong makaupo sa sofa. "Oh, tubig! Hindi ko alam kung kanino nila nalaman na nandito ka. Palagay ko pinapasundan nila ako. Hindi ko alam kung anong pumapasok sa kukote nila para gawin iyon. Mas lalong lumalakas ang paniniwala kong niloloko ka nga nila sa mahabang panahon. Kita mo ba iyon, sobrang concern niya kanina kay Shaira! Bwisit sana hindi sila bigyan ng anak dahil sa ginagawa nila!" Nakatingin lang ako habang umiinom kay Manager Kim. Gusto ko man sabayan ang pag rarants niya ngunit hindi ko magawa dahil pakiramdam ko naubusan ako ng energy. "Kamusta ka? Ayos ka na ba?" Tanong ni Gabrielle. "
R-18 Eumerriah’s Point of View Tatlong araw din ang tinatagal ko sa Hospital. Wala naman daw problema ang baby sa sinapupunan ko. Normal lang daw ang spotting sa buntis lalo na sa mga unang tatlo hanggang apat na buwan ng pagbubuntis, lalo na kung nai-stress. Sa loob ng tatlong araw walang bumisita mula sa mga magulang ko. Alam kong tinakwil na nila ako pero hindi ko akalain na wala na silang pakialam sa akin. Si Jerome at Shaira naman ay hindi na bumalik pa mula nang unang araw. Wala ding articles ang lumabas tungkol sa paglagi ko sa hospital. Mainit pa din ako sa mata ng mga tao lalo na ng media dahil madami pa din ang tumataag kay Manager para kunan siya ng statement. Madami rin akong nababasa na marketing strategy lang ito para mas pagusapan ako at si Jerome. Sana ganoon na nga lang iyon para hindi ako nahihirapan ngayon. Alam kong sapat ang ipon ko para palakahin ang batang nasa sinapupunan ko pero hindi ako handa sa ganitong bagay. Kailangan ko pa din ng gamay mula sa sarili