Share

Kabanata 0006 Isla

R|18

Eumerriah's Point of View

"Ano?! Totoo ba iyang sinasabi mo?" Paulit-ulit na tanong ng manager ko.

Pinaalam ko sa kaniya lahat ng sinabi sa akin ni Gabrielle, ayaw ko man paniwalaan pero may kung ano sa loob ko ang nagsasabing may katotohanan ang sinabi niya.

"Okay, i'll going to call someone i know para palihim na gumawa ng drug test sa iyo. Tatawagan kita kung pwede ka ng pumunta. Mag iingat ka kung nasaan ka man, wag ka munang magpapakita sa mga tao." Ramdam ko ang pagkataranta ng manager ko na si Kim. Ibinilin ko din sa kaniyang wag na muna ipaalam ito sa iba kahit sa bestfriend ko. Alam kong nagtataka siya pero hindi ko pa kayang sabihin sa kaniya dahil hindi rin ako sigurado.

"Ano? Kailangan na ba kitang ihatid sa maynila?" Biglang sulpot ni Gabrielle.

"Huh? Bakit nasaan ba tayo ngayon?" Tumingin ako sa bintana, tanging dagat, mga puno at damuhan lang ang nakikita ng mga mata ko. "Nasaan tayo?" Takang tanong ko.

"Nandito tayo sa isang resort na pag-aari ko. Hindi pa naman ito nagbubukas kaya wala pang tao ang nagagawi sa lugar na ito. Wala akong maisip na lugar na pwedeng pagdalhan ko sa iyo. Masyadong mainit ka sa maynila. Wag ka magaalala ligtas ka dito." Ani nito habang nagaayos ng dala niyang mga prutas.

" Saan galing iyan?" Tanong ko dahil bigla akong natakam. Agad akong lumapit at kumuha ng isang manggang hilaw, pinili ko talaga ang pinakamaliit para maasim. "Wa- hugasan mo muna kasi." Mabilisan niyang inagaw sa akin at itinapat sa grip na malapit sa amin. Kamuntikan na iyon, kamuntikan ng kamay niya ang kagatin ko. Ngumuso ako na parang bata dahil hindi ko nakuha ang gusto ko.

"Maghintay ka! Babalatan ko lang sandali." Itinuro pa niya ang upuan na nasa harapan ko. Para akong bata kung utusan niya. Nakakainis pero hindi ko magawang magreklamo dahil sa kaniya ang mga iyon at nanghihingi lang ako.

"Ayan! Dahan dahan lang sa pagkain baka maimpatso ka. Anong sawsawan ang gusto mo?" Tanong niya.

"Suka!" Masaya kong sagot sa kaniya na kinangiwi niya. " Hilo ka ba? Maasim na iyang kinakain mo tapos gusto mo maasim din na maasim na sawsawan? Baka naman magsuka ka niyan." Komento niya habang naglalakad palayo sa akin.

Wala naman akong makitang mga sawsaw sa maliit na kusina na ito. Wala masyadong gamit, walang toyo o kahit asukal. Mayroon palang asin pero ayoko no'n. Ayoko ng salty. Isa sa mga kinaayawan ko ang salty foods. Maya maya pa ay natanaw ko siyang paakyat, kita kong may dala siyang mangkok na may puting sabaw. Napangiti akong isipin na suka iyon. Ang saya!

"Kung hindi ka lang talaga buntis!" Rinig kong mahina niyang komento. Sino daw? Ako buntis? Kailan pa!

" Hoy! Anong sabi mo?" Tanong ko sa kaniya habang ngumunguya ng kinakain ko.

"Wala! Sabi ko parang wala lang sa iyo na tinakwil ka ng parents mo! Pagkatapos mong umiyak at magwala kagabi nakatulog ka naman agad. Tapos ngayon ang saya saya mo. Biopolar ka ba?" Nakakunot pa ang noo niya habang tinatanong sa akin ang bagay na iyon. Mukha ba akong baliw sa paningin niya? Letse!

" Ewan ko sa iyo! Sinisira mo ang umaga ko. Sa iyo na iyan! Ikaw na kumain ng mangga mo at higupin mo ang sukang iyan hanggang sa mamuti ang buong katawan mo! Letse" Pagalit kong binato ang mangga sa lamesa. Nagtalsikan pa ang suka na nasa mangkok dahil sa paggalaw ng lamesa. Alam ko namang masama ang magtapon ng pagkain pero hindi ko mapigilang hindi mapikon sa sinabi niya. Ang ganda ko namang baliw sa paningin niya kung ganoon.

Pero tama siya, kahit nalaman ko na tinakwil ako nila Mommy at Daddy hindi man lang sumama ang loob ko. Sa totoo lang, hindi sa pagiging ungrateful daughter mas gumaan ang pakiramdam kong isipin na wala ng magmamando sa mga kilos ko, wala ng pipigil na gawin ang lahat ng gusto sa buhay ko. Pakiramdam ko ngayon palang ako nagiging tao.

"Hoy! Alam mo bang inakyat ko ang puno dyan sa kahuyan at kagatin ng mga antik doon para lang makuha ang manggang ito. Tapos ngayon itatapon mo lang? Ganyan ba talaga pag nag iisang anak? Spoiled brat!" Rinig kong sigaw niya mula sa taas.

Bumaba kasi ako ng hagdan para magpahangin sa nakita kong lilim ng puno ng niyog. Doon na lang muna ako tatambay habang naiirita pa ako sa pagmumukha niya. Isipin ba naman niyang buntis ako at naglilihi tapos ngayon tinawag niya akong spoiled brat!

Oo nagiisa akong anak nila Mom and Dad pero hindi sila ang tunay kong mga magulang. Bata pa lang ako namatay na sila dahil sa isang car accident. Walang nakapagturo kung sino ang nakabangga sa kanila para bumagsak sa isang bangin kaya hanggang ngayon hindi pa sila nabibigyan ng hustisya.

Isa din sa mga rason bakit pinili kong makilala sa buong mundo gamit ang apelyedo ni Daddy ay para mabigyan sila ng hustisya.

" Hi!" Isang magandang tinig ang narinig ko mula sa likuran ko habang nagiisip dito sa lilim.

Nagwave ako sa kaniya habang papalapit siya sa akin. "Sabi ko na nga ba ikaw iyan! Madalas kitang napapanuod sa TV. Kagabi lang viral ang vedio niyo ni kuya Gabrielle. Sorry sa nangyari sa iyo. Kamusta ka pala?" Nakangiti siyang umupo habang nakatingin sa dagat.

Nakayuko naman ako dahil nahihiya ako napanuod niya iyon. " Wag kang mahiya sa akin. Naniniwala naman ako sa kuya ko. Sigurado akong hindi mo ginusto iyon pero grabe ang mga tao now a days noh? Imagine sinabi nilang pakana mo daw na ilabas iyon dahil gusto mo daw mas sumikat pa at pagusapan." This time nakatingin na siya sa akin.

"I'm sorry ang dami ko ng nasabi. Ako pala si Kate, kapatid na ang turingan namin ni Kuya Gabrielle pero hindi niya ako kapatid. Ampon lang ako ng lola niyang nakatira dito. Hindi ba ikaw si Eumerriah?" Inabot niya sa akin ang kamay niya.

Mahinhin si Kate, halata sa kaniya ang kabaitan dahil sa sobrang hinhin niyang magsalita. Ang ganda ng mukha niyang maliit, sobrang perfect niya. Inabot ko ang kamay ko para makipagkilala. " You can call me Yumi."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status