Gabrielle’s Point of View “Anong hindi tipo kung alam mo lang- kuya ano ba? Oo na hindi ko na sasabihin.” Tinatakpan ko kasi ang bibig ni Kate, walang humpay sa kakachismis ng alam niya. Tiningnan ko si Yumi ngunit tumatawa lang siya. Mabuti na lang hindi niya agad naunawaan kung anong nais sabihin nitong babaeng ito. “Anong gusto mo? Ikaw Yumi may gusto ka bang kainin?” tanong ko sa kanilang dalawa. Kailangan ko lang talagag suhulan itong si Kate ng pagkain para hindi magkwento ng kung ano-ano. “May favorite fries pero I want plain one!” sagot ni Kate. Kow! Hindi naman niya talaga favorite ‘yon nakigaya lang siya. “Talaga paborito mo din ang French fries na plain? Really?” natutuwang tanong ni Eumerriah sa kaniya. Masaya namang tumango si Kate, nagpapa-cute pa nga ito. “Ikaw Yumi anong gusto mo?” inip kong tanong.Sa tuwing kasama niya si Kate ay palagay na palagay siya kung makaasta silang dalawa ay parang ang tagal na nilang magkakilala. Na-out of place ako palagi. “Tsk! Sungit!”
Gabrielle’s Point of View “Two orders to go!” order ko ng gusto ni Kate at Yumi. Sa haba ng inalala ko muntik pa akong makalagpas. “Flavor po?” the cashier asked me. “Plain only. Thankyou.” Hindi ko na sinabing crisscross cuts dahil iyon naman ang tinuro ko sa menu kanina. Ilang sandali lang ay inabot na sa akin ang order ko. Agad ko namang kinuha para makabalik na baka kung ano na lang ang pinaguusapan nilang dalawa. Pareho pa naman silang dalawa walang tigil sa pagchichimisan. Lalo na siguro kung makausap pa ni Yumi si Mamala. Nako baka kulang ang isang araw sa dami nilang naiisip na pagusapan. Simula umalis kami ng probinsya maya maya ang tawag at text sa akin ni Kate na ibalik ko agad si Yumi kaso may nangyari kaya hindi ko agad siya naiuwi kaya itong babaeng ito napraning na. Maya maya na lang ako kinukulit tungkol kay Yumi kaya hindi na ako nakatiisi pinagpaalam ko siya kay Mamala na ipahatid na lang papunta dito sa hospital. Alam kong kailangan ni Yumi ng kausap para hindi
Eumerriah Point of View "Ako na dyan." Agad ko kay Gabrielle ng walis. Maski kasi paglinis ng kwartong tinutulugan ko siya din ang gumagawa. Alam kong alam niyang lumaki ako sa mayamang pamilya pero hindi naman ako tamad, may alam din naman ako sa mga simpleng gawaing bahay." Wag na. Magayos ka dahil isasama ka ni Kate kay Lola. Gusto kang makilala." Pagtataboy niya sa akin. Ngumuso lang naman ako at sumunod. Wala naman akong ibang dapat gawin kundi sundin siya dahil nakikitira ako sa puder niya at siya ang nagpapalamon sa akin. Well, i have my savings pero sa ngayon ayaw niyang gamitin ko 'yon. Mula daw ng nabuntis niya ako obligasyon niya kami ng baby sa tyan ko. Alam kong it sounds like responsible man pero hindi iyon ang tingin ko. Alam kong napilitan lang siyang panagutan ako dahil may nabuo, dahil lang sa bata. Kung sakali man na wala baka hindi kami magkakilala ngayon. "Ate yumiii!" Sigaw ni Kate. Alam kong nasa baba siya dahil sa hina ng dating ng boses niya dito sa taas.
Eumerriah's Point of View Medyo nagugutom ako kaya maaga akong nagising. Alas-tres palang ng madaling araw. Dahan-dahan akong dumaan sa sala kung saan natutulog si Gabrielle. Hindi ko magawang buksan ang ilaw dahil baka magising siya. Hindi naman ako natatakot na baka magising siya gusto ko lang makapagpahinga siya ng tama, maaga din kasi siyang nagigising para ipaghanda ako ng masarap na agahan, healthy pa madalas dahil fresh niyang pinamimili sa palengke tuwing umaga. Maya maya lang ay gigising na din siya. Naunahan ko lang kasi kumakalam na ang sikmura ko. Naghanap ako ng makakain pero tanging slice bread lang na nakabalot ang mayroon, wala din silang bread toaster, nalungkot naman ako bigla. Papaano ko kakainin ang tinapay na walang palaman. Hays. "Yumii? Bakit napatawag ka ng ganitong oras? Anong nangyari may masama bang nangyari?" Ramdam ko sa boses ni Manager Kim na natataranta siya dahil sa pagtawag ko ng alas tres ng madaling araw. Dinala ko na lang dito sa kwato ang ti
Eumerriah's Point of View "Uy! Yumii! Yumii!" Patakbo akong hinahabol ni Manager habang bitbit pa din ang dalawang paper bag na kanina pa niya dala. "Ano bang problema? Saan ka ba pupunta at nagmamadali ka. Kunin mo na kaya 'tong mga pinamili ko. Kanina ko pa ito hawak hindi ko na maramdaman ang kamay ko, nangangawit na oh!" Kinuha ko ang isang paper bag gamit ang kamay ko at pabagsak na ibinaba sa buhangin. Sinunod ko naman ang isa, kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Manager Kim. "Oh, ayos na ba? Pulutin mo lahat iyan at ilayo sa akin. Hindi ko 'yan kakainin." Parang bata kong sabi sa kaniya. "Hoy! Eumerriah!! Hindi ka na bata ah, magiging nanay ka na. Wag ka ngang umasta na parang pinagalitan ka ng mommy at Daddy mo dyan! Ano bang problema?" Pinunasan ko ang luha ko. "Ewan ko dyan kay Gabrielle! Akala mo naman ang laking bagay ng ginawa ko. Pinagmukha ko daw siyang pabaya at walang kwenta!" Pagsusumbong ko. Nakapamewang siyang naglakad paalis pero hinabol ko siya. " Wag na! Hay
Gabrielle's Point of View "Kamusta naman si Dad?" Tanong ko sa assistant niya."He is fine. Kailangan niya lang ng pahinga. Dahil dalawa kayong magkapatid ang nasangkot sa gulo masyado siyang nagaalala. Hindi pa makontak ngayon kung nasaan ang kuya Jerome mo. Maigi na din na wala ka dito para hindi ka pagbalingan nila ng sisi. Tatawag ako ulit sa susunod." Ika ni Gerald. My dad's personal butler. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kompanya namin but one thing is for sure ayaw nilang makasal ako sa anak ng mga Ferrer. Hindi ko malaman kung bakit pinipilit nila si Kuya Jerome ang ikasal kay Eumerriah kahit alam na nilang ang nangyari. Hinahanap nila si Jerome para suyuin si Eumerriah at bumalik sa magulang nito. Hindi kami magkasundo ni Dad pero hindi ko akalain na pagdating sa ganitong bagay hindi niya pa din ipaubaya sa akin. Hawak ko si Eumerriah, pwede ko siyang alukin ng kasal anytime. May anak na kami kaya alam kong hindi niya ako matatanggihan. Bumangon na ako at maagang p
Eumerriah's Point of View "Hindi mo naman sinabing magaasawa ka na.""Dito ka lang pala nagtatago, bakit hindi mo pinaalam sa amin.""Kailan ang opening nitong resort mo?" Sunod-sunod na tanong ng mga kaibigan ni Gabrielle. Nandito ang tatlo sa kaniyang barkada. Si Jason, Paul at si Kristine. Mababait naman silang tatlo at mukhang close talaga sila sa isa't isa. Nadatnan nila ako sa sala pero agad akong pumasok nang magsimula silang magkamustahan. Kita ko ang pagtataka sa mukha nila pero tanging ngiti lang ang sinagot ni Gabrielle. What's with that smile? Nakakainis, hindi man lang niya naisip na ipakilala ako. "Hindi pa nga tapos ang resthouse niya, mukhang hindi siya basta mag-open hanggat nandito ang chicks niya. Mukhang pinagdadamot hindi man lang pinapakilala sa atin." Pang aasar ni Paul. Nakilala ko sila kanina, nagpakilala iyong dalawang lalaki. Iyong babae naman binanggit lang ni Paul ang pangalan. Mukhang hindi ako gusto dahil di man lang niya ako tiningnan. Pakiramdam ko
Eumerriah's Point of View "Goodmorning." Bati ni Gabrielle habang naghahain siya ng almusal. Naka-apron siya habang topless. Ang hot niya sa itsura niya ngayong umaga, mas nagpagwapo pa sa kaniya ang ngiti na namutawi sa kaniyang labi nang batiin ako. "Goodmorning." Nahihiyang bati ko sa kaniya pabalik. "Maupo ka na dyan, may niluto akong pritong liempo at carrot soup. Inumin mo muna ang gatas bago ka kumain para si baby muna ang magalmusal." Hinawakan niya pa ako paupo sa hapag kaininan. Napapangiti na lang ako dahil kagabi lang siya nag confess ng nararamdaman niya pero nag double ang care and sweetness niya ngayon. Hindi katulad dati na sobrang siga at sungit niyang manalita. Ngayon naging sweet na pakinggan ang mga sinasabi niya. Ganito ba talaga pag-inlove ang lalaki? Ang gaan ng athmosphere namin. Nagsisimula na kaming kumain ng tanungin niya ako. "Anong gusto mong gawin? Mamili tayo ng damit ni Baby sa bayan o magswimming tayo habang hindi pa lumalaki ang tyan mo?" Tanong n