Share

Kabanata 0005 Drug Test

Padabong na pinatay ni Yumi ang kaniyang telepono dahil sa sunod-sunod na tawag at messages na natatanggap niya mula sa mga malalapit na tayo sa buhay niya.

"Oh? Bakit mo pinatay? Bakit hindi mo kausapin ng harapan at tanunngin ang bestfriend mo para hindi ako ang pinagiinitan mo ng ulo dyan!" May diin na salita ang binitawan ng lalaking si Gabrielle na kasama niya ngayon.

Sa halip na sumagot ay umismid na lamang ito. Hindi niya din kasi alam ang sasabihin, hindi siya sigurado kung papaniwalaan niya ba ang sinasabi nito pero alam niyang in the back of her mind na walang dahilan ang lalaking nasa harapan niya para magsinungaling.

" Gusto ko ng magpahinga. Pwede mo ba akong ihatid sa pinakamalapit na hotel?!" Pagod at lamya na tanong ni Yumi sa binatang kanina pa hawak ang manubela.

"Hindi pwede!"

" Anong gusto mo? Matulog ako dito sa kotse mo? Hindi mo ba nakikita? Hindi ako komportable sa suot ko at sa pwesto ko kung dito ako matutulog. Bakit hindi mo na lang paandarin itong sasakyan mo! Okay sige wag na! Maiwan ka dito maglalakad ako papunta sa hotel! Jusko ang hirap kausap" Padabog ng lalabas si Yumi sa kotse ng hawakan ni Gabrielle ang kamay niya.

"Hindi ka ba talaga nagiisip? Anong tingin mo sa sarili mo? Ordinaryong tao? Hindi man lang ba sumagi sa isip mo na may isang tao lang ang makakita sayo dyan sa labas ay magiging trending na at paguusapan online? Niligtas na kita sa kahihiyan ipapahamak mo naman sarili mo. Kung 'yan ang gusto mo. Sige umalis ka na at wag kang babalik dito. Bahala ka sa buhay mo, sino ka ba naman para tulungan ko!" Galit din ang tono ng lalaki ng bitawan nito ang kamay ng dalaga.

Hindi na nagpumilit lumabas si Yumi, napaisip siya na tama nga ang lahat ng sinasabi ng binata kaya sumandal na lang siya at hinilot ang sintido. Hindi niya alam kung ano pa ba ang dapat maramdaman niya. Sino ang sisihin at kanino dapat magalit.

Tahimik lang na nagiisip si Gabrielle. Alam niyang malaking gulo kung malalaman ng pamilya niyang itinakas niya ang mapapangasawa ng kaniyang kapatid. Hindi niya alam sa sarili niya kung bakit niya ginawa iyon ngunit alam niyang ayaw pa nitong mapahiya at masaktan ng sobra kung masasaksihan ang pangyayari sa loob ng event center, kung saan ginanap ang engagement party nila ni Jerome at Yumi.

Buhat ng malaman ni Gabrielle ang mga ginawang katarantaduhan at pagtataksil ng bestfriend ni yumi at ng kaniyang kapatid ay pakiramdam niya obligasyon niya ang dalaga. May kung ano sa loob niya ang nagsasabing protektahan ito sa masamang gagawin ng taong minamahal ni Yumi ng sobra maliban sa sarili niya.

Napailing na lang si Gabrielle ng makitang nakatulog si Yumi.

Noong una, nagwawala ito sa galit si Yumi dahil para itong isang sakong bigas kung buhatin ni Gabrielle. Noong napanuod pa ni Yumi ang viral vedio nilang dalawa ni Gabrielle ay dumoble ang galit nito. Pinahinahon lang siya no Gabrielle at hinayaan na umiyak. Kita ni Gabrielle ang sakit ng nararamdaman nito. Paulit-ulit sinasabing hindi sila pwedeng maghiwalay ni Jerome. Si Jerome daw dapat ang pakasalanan niya at mapangasawa.

Nagising si Yumi sa isang malambot na kama, tumungin siya sa paligid ngunit napansin niyang wala siya sa sariling kwarto.

Habang inaalam kung nasaan siya ay biglang naalala niya ang lahat ng bagay. Napaiyak na lang siyang isipin na nawalan na naman siya ng magulang sa ikalawang pagkakataon. Higit pa doon ay ang isipin na wala na ang boyfriend niya, ang taong akala niya ay makakasama niya habambuhay.

Natatarantang tumakbo si Gabrielle ng marinig niya ang sigaw ni Yumi.

"A-anong nangyari sa iyo?"

"Ikaw! Ikaw ang may kasalanan ng lahat. Kung hindi ka tumabi sa akin ng gabing iyon hindi sana nakipaghiwalay sa akin si Jerome. Bakit ka kasi nandoon sa kwartong iyon at bakit mo ako pinagsamantalahan!?!!" Nangingiyak na sigaw ni Yumi sa binata habang dinu-duro ito.

" Teka nga lang! Bakit sa akin ka nagagalit? Hindi ko nga alam na ikaw ang kahalikan ko ng gabing iyon! Hindi mo ba nakita ang vedio? Ikaw ang pumasok sa kwarto para halikan ako. Kaya kung may nangyari sa atin dalawa sigurado akong ginusto mo iyon!" Sigaw pabalik ni Gabrielle. Hindi naman niya intensyon na sabihin lahat ng katagang 'yon ngunit sumusobra na si Yumi. Naiinis si Gabrielle na hindi man lang makapagisip ng tama si Yumi sa halip ay naghanap na lang ito ng masisisi. Sa isip ni Gabrielle ay kung bakit hindi man lang sumagi sa isip ni Yumi na ginamitan siya ng droga para gawin ang ganoong bagay na parehas lang silang dalawang biktima ng sitwasyon.

"Hindi! Hindi ko iyon magagawa. Hindi ko pagtataksilan si Jerome. Mahal na mahal ko 'yon e." Naiiyak na kontra ni Yumi sa mga sinasabi ni Gabrielle.

"Huminahon ka muna. Wag mo pairalin iyang nararamdaman mo dahil iyan mismo ang dahilan kung bakit nagbubulagbulagan ka sa mga nangyayari sa paligid mo. Wag kang masyadong magtiwala sa nakikita mo!" Sigaw ni Gabrielle kay Yumi. Parang bata niya itong pinagsasabihan. "Heto, bumangon ka dyan at ayusin mo sarili mo. Walang mangyayari kung iiyak ka lang. Lumabas ka para kumain saka tayo magusap ng ayos!"

Totoo naman si Gabrielle, magaling umarte si Yumi dahil masunurin ito. Sobrang inosente sa mga bagay. Pinalaki siya ng magulang niyang sumunod lang sa kung anong sasabihin. Yumi is so naive.

Nahihiyang lumabas si Yumi mula sa kwarto. "Kamusta? Kasya ba sa iyo?" Panimula ni Gabrielle.

Nahihiya naman si yumi na hatakin pababa ang dress dahil masyadong maiksi. Above the knee dress kasi ito.

"Ayos lang iyan! Bagay naman sa iyo. Wag mo na muna isipin ang problema mo. Kumain ka na muna" Hinatak ni Gabrielle ang upuan para makaupo ito.

May pagtataka sa mukha ni Yumi ngunit wala na siyang ibang matatakbuhan. Mainit ang mata ng mga tao sa kaniya lalo na ang mga nasa news industry. Alam niyang hihingian siya ng statement ng mga ito.

"Tawagan mo ang manager mo pagkakain. Sabihin mong ayos ka lang at wag kang alalahanin. Sabihin mong magbabakasyon ka. Kailangan natin magtulungan para malaman ang nangyari ng gabing iyon! You need to do drug test!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status