Share

Kabanata 0007 Lover's Quarrel

Eumerriah's Point of View

"Kateee!" Sigaw ng lalaking epal sa buhay ko kahit kailan. Tinatawag niya si Kate na kausap ko ngayon. Nang makalapit siya ay hinigit niya si Kate sa likod niya. " Wag ka ngang sumasama sa kagaya niya. Mamaya niyan mahawa ka sa ugali niya."

"Lover's Quarrel kayo?" Nakangising tanong agad ni Kate.

Hindi ko na kaya matagalan ang pangiinsulto niya sa ugali ko. Isang beses ko lang nagawa sa kaniya pero nakakadalawang beses na niya akong pinagsasalitaan ng ganyan. Kapal ng mukha! Huminga ako ng malalim habang nakapikit at maglalakad na sana paalis ng maalala kong magpaalam kay Kate. " Nice to know you Kate. Let's bond another time pag wala ng asungot sa buhay natin." Nagwave pa ako sa kaniya at patuloy na paglalakad ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero siguro kailangan ko lang i-check kung may tawag na si Manager Kim. Nakalimutan ko ng may kailangan pala akong puntahan.

"See you again ate Yumi!" Sigaw ni Kate.

Hindi na ako lumingon pa at naglakad na lang ako pabalik sa kubo o bahay man ang tawag doon.

"Nakakaboring" Komento ko pagkaakyat ko. Hinanap ko agad ang cellphone ko. Pasalamat na lang talaga ako dahil may signal dito kung wala baka napatay ko na ang lalaking iyon.

Madami pa ding notification akong natatanggap. Hanggang ngayon pinaguusapan pa din ang nangyari kagabi. Wala naman akong narecieve na tawag mula sa dalawang taong malapit sa akin, si Shaira at Jerome. Kaya ngayon pakiramdam ko ay totoo ang mga sinasabi ni Gabrielle. Hindi ako naniniwala dahil naging totoo sa akin si Shaira. Alam kong kaibigan ako ituring ng babaeng iyon pero siguro nga tama si Gabrielle hindi ko kilala ang mga tao sa paligid ko. Tanging gusto ko lang makita ang pinapaniwalaan ko.

Napaigtad ako ng marinig kong tumunog ang cellphone ko. Napabalik nito ang isip ko sa reyalidad. Sinilip ko muna kung sino ang tumatawag, hindi ako nagkamali si Manager Kim nga.

"Yumi! N-nasaan ka ba? Kagabi pa kami naghahanap sa iyo. Alalang alala kami. Buti naman sumagot ka na." Napakunot ako ng ulo habang pinapakinggang ang sinasabi ni Manager Kim habang natataranta. Wala akong idea sa ginagawa niya ngunit nagisip ako ng mabuti, hinayaan ko siyang magsalita ng magsalita, pinakinggan ko lang ang background niya at inaral ang mga sinasabi niya. " Nandito si Shairaa. Nagaalala din siya, hindi ka din daw niya makontak. Kamusta ka na ba? Napanuod mo na ba?" Bingo!

Bilin ko kay Manager Kim na walang makakaalam na nagkakausap kami. Wala siyang dapat pagsabihan kung nasaan ako although hindi niya talaga kung nasaan ako. "Yumi!! Hindi kita nakita kagabi sa party, nasaan ka ba? Alam mo ba ang kumakalat na vedio? Totoo ba iyon? Kamusta ka ngayon? May natutuluyan ka ba? Gusto mo sunduin kita dyan! Tulungan kitang magtago." Natawa naman ako. Talaga naman palang artista siya.

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot. Kung kaya niyang magpanggap na walang alam kaya ko din ipakita sa kaniya na magaling din ako sa bagay na sinimulan niya. " Shairaa bess, ayos lang naman ako dito. Hayaan mo tatawagan kita kung kailangan ko ng tulong mo. Sa ngayon gusto ko munang mapagisa." Kunwaring naluluhang sabi ko. Nagpanggap din ako na nawawalan ng signal dito kaya naibaba ko ang tawag.

Hangga't hindi ako nakakasigurado na may kasalanan siya sa nangyari sa akin hindi ko siya pwedeng komprontahin. Wala akong matibay na ebidensya na ginawa niya ang bagay na iyon. "Ang galing mo talagang artista" Nabitawan ko ang cellphone ko dahil sa gulat.

" Bakit hindi ka muna kumatok bago pumasok?" Tanong ko,

"Kailangan pa ba?" Tanong niya habang ngumunguso, tinuturo niya ang pinto na wala naman pintuan kundi isa lang kurtina. Hindi ko na siya pinansin ng makarecieve ako ng text. Nakita kong galing ito kay Manager Kim kaya dali-dali ko itong binuksan.

'Yumi, magsuot ka ng damit na hindi ka makikilala ng kahit sino. Wag ka din magsuot ng sangglases or cup na pang mayaman. Magsuot ka ng normal na damit ng mga tao bago ka pumunta sa clinic na ito. Halos dalawang buwan na din ang nakalipas kaya hindi makakasigurado kung accurate ang makukuhang result pero kailangan pa din natin subukan.'

Napaisip naman ako sa ibig niyang sabihin. "May alam ako." Biglang sabat ni Gabrielle mula sa likuran ko. Nakadungaw ito sa ibabaw ng balikat ko kaya ng tumingin ako sa kaniya ay halos magdikit ang labi namin, half inch na lang ay mahahalikan ko na siya.

Kita kong napatingin siya sa labi ko habang ganoon din ako. Isang galaw na lang ay possibleng mahalikan na niya ako.

" Ate yumiii!"

Nagulat ako kaya nasanggi ko siya dahilan para bumagsak kaming dalawa sa sahig. Nasa ibabaw ko siya habang nasa ilalim naman ako. Nakatukod ang kamay niya pero n-nasa.

"Aaaaaaaah! Bakit ka naghahawak ng boobs!" Tulak ko sa kaniya. Hindi ko alam kung paano nakarating ang kamay niya sa dibdib ko. " Huh? Kuya Gabrielle? Minanyak mo si Ate Yumi? Nakakadire ka!" Sigaw ni Kate, itinago pa niya ako mula sa likuran niya habang yakap yakap ko ang sarili ko.

"H-hindi sa ganoon. Bumagsak ako sa kaniya humanap ako ng mahahawakan pero- hays! Hindi ko sinasadya okay! Hindi ko hahawakan ang dibdib niya. Hindi naman iyan ang tipo ko." Depensa ni Gabrielle.

" Ang kapal mo!" Singhal ko.

"Isusumbong kita kay Lola. Manyakis ka ah. Pagkatapos sasabihin mo hindi mo siya tipo! Kailan ka pa naging ganyan kabastos kuya Gabrielle!" Singhal ni Kate sa kuya niya habang hawak-hawak ako palabas ng kwarto.

"Bagay mo?" Tanong niya sa akin. Nilakihan ko siya ng mata dahil hindi ko nagegets kung ano ang sinasabi niya. " Bagay ba sa akin maging ate? Pwede na ba akong maging tita? Matured na ba akong tingnan?" Pataas-baba pa ang kilay niya at parang nagkikislapan ang mata niya.

"Huh?hahahaha Oo mukha ka ng matured." Nahihiya kong sagot.

"Kasi naman, palagi niyang sinasabi na isip bata pa ako. Lagi niya akong pinapagalitan dahil matanda na daw siya." Reklamo niya.

Ang cute niya! Tama naman si Gabrielle para siyang bata. Hahahahahaha

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status