Possitive! Sigurado! Buntis ako. Matapos namin magpacheck up for drug test at nagpossitive ang result ko sa pregnancy test ay agad kaming nagpasecond opinion. Humanap na din ng mapapakatiwalaang OB si Gabrielle at Manager Kim. Sa kalagayan ko ngayon mahirap malaman pa lalo ng publiko. Kahit nasira ang pangalan ko, hindi naman valid iyon para sirain ko din ang pangalan ng taong minsan ko ding minahal. Sigurado akong masasankop siya sa bagay na ito kung maisapubliko pa. "Hi, mare! Kamusta ka dito? Maayos naman ba ang pagpapatakbo ng maliit na clinic na ito?" Bati ni Manager Kim ng makarating sa clinic na kakilala niya. " Ito lang ang naipundar ko matapos kong malaos!" Pabirong sagot nito. "Talaga ba? Anyway kilala mo naman na siya, Eumerriah-" "Yes, the best Eumerriah Ferrer. Alam mo sobrang fan mo ako. Kung kasing galing mo lang ako noong kabataan ko baka na-link na ako sa iba't ibang lalaki. Mabait ka din ah, isang lalaki lang na-link sayo. Akala ko nga dati totoo r
Eumerriah's Point of View Masakit ang ulo kong nagising mula sa pagkatulog. Pakiramdan ko sobrang haba ng tulog ko. Babangon na sana ako ng mapansin kong wala ako sa sariling kwarto. Nandito ako sa kwarto kung saan puro puti ang paligid at may aparato. Iaangat ko sana ang kamay ko ng maramdamang hawak ito ng kung sino kaya tiningnan ko. Nakaramdam ako ng saya ng makita ko muli ang mukha niya. " J-Jerome?" Haplos ko sa mukha niya gamit ang kaliwang kamay ko kahit medyo hindi ko abot. Kahit ano pa ang nalaman ko, hindi magbabago ng ganoon kadali ang nararamdaman ko para sa kaniya. Naramdaman kong gumalaw siya kaya nagpanggap akong tulog. Narinig kong gumalaw ang upuan kaya sigurado akong tumayo siya mula sa pagkakaupo, nawala din ang pagkakahawak nito sa kamay ko. Naghikab pa siya bago ako nakarinig ng tubig na sinasalin sa baso, kaya hindi ko na napigilan ang magmulat at umupo. "Nauuhaw na din ako." Ani ko. " Oh? Mabuti naman at gising ka na? Kamusta pakiramdam mo?" Nakita k
Eumerriah's Point of View "Yumii!!" Sigaw ni Gabrielle habang papalapit sa akin. Kunwari kasing nanghina ako para hindi siya lumabas. Hindi ko alam kung anong nag udyok sa akin gawin iyon pero naisip ko lang na posibleng saktan niya si Jerome kung hahayaan ko siyang makalabas sa kwartong ito. " Bakit? Nahihilo ka ba? Anong nararamdaman mo?" Dire-diretsong tanong niya habang inaalalayan akong makaupo sa sofa. "Oh, tubig! Hindi ko alam kung kanino nila nalaman na nandito ka. Palagay ko pinapasundan nila ako. Hindi ko alam kung anong pumapasok sa kukote nila para gawin iyon. Mas lalong lumalakas ang paniniwala kong niloloko ka nga nila sa mahabang panahon. Kita mo ba iyon, sobrang concern niya kanina kay Shaira! Bwisit sana hindi sila bigyan ng anak dahil sa ginagawa nila!" Nakatingin lang ako habang umiinom kay Manager Kim. Gusto ko man sabayan ang pag rarants niya ngunit hindi ko magawa dahil pakiramdam ko naubusan ako ng energy. "Kamusta ka? Ayos ka na ba?" Tanong ni Gabrielle. "
R-18 Eumerriah’s Point of View Tatlong araw din ang tinatagal ko sa Hospital. Wala naman daw problema ang baby sa sinapupunan ko. Normal lang daw ang spotting sa buntis lalo na sa mga unang tatlo hanggang apat na buwan ng pagbubuntis, lalo na kung nai-stress. Sa loob ng tatlong araw walang bumisita mula sa mga magulang ko. Alam kong tinakwil na nila ako pero hindi ko akalain na wala na silang pakialam sa akin. Si Jerome at Shaira naman ay hindi na bumalik pa mula nang unang araw. Wala ding articles ang lumabas tungkol sa paglagi ko sa hospital. Mainit pa din ako sa mata ng mga tao lalo na ng media dahil madami pa din ang tumataag kay Manager para kunan siya ng statement. Madami rin akong nababasa na marketing strategy lang ito para mas pagusapan ako at si Jerome. Sana ganoon na nga lang iyon para hindi ako nahihirapan ngayon. Alam kong sapat ang ipon ko para palakahin ang batang nasa sinapupunan ko pero hindi ako handa sa ganitong bagay. Kailangan ko pa din ng gamay mula sa sarili
R-18!! Warning Shaira’s Point of View “Ano bang alam nila?” singhal ko kay Jerome. Sinamahan niya kasi akong umuwi. “Hindi ko alam. Hindi ko din siya maintindihan kanina. Pumunta lang naman ako doon dahil nagtext sa akin si Gabrielle.” Inosente nitong sagot sa akin. Nagulat naman ako kung bakit siya tinext ng kapatid niya. “At bakit ka niya tinext? Ano ba ito planado niyo?” hindi ko maiwasang hindi magisip ng bagay na iyon lalo na at alam ko ang galaw ng bituka ni Jerome. Alam kong lahat ng bagay gusto niyang siya ang nakakalamang. “Abay hindi! Hindi ko kakampihan ang katunggali ko!” depensa niya. Alam kong matagal na siyang hindi maganda ang pakikitungo kay Gabrielle. Bata pa man sila. “Wag ka ng magisip ng ganyan. Masyado kang na-stress. Tinext ako ni Gabrielle dahil hindi daw kayo pwedeng magkita ni Yumi! Hindi naman sinabi kung bakit pero sigurado akong may alam na sila. Kaya ako pumunta agad dahil ayokong may mangyari sa anak natin dahil sa kaniya baka mapatay ko siya.” Dagda
Gabrielle’s Point of View “Anong hindi tipo kung alam mo lang- kuya ano ba? Oo na hindi ko na sasabihin.” Tinatakpan ko kasi ang bibig ni Kate, walang humpay sa kakachismis ng alam niya. Tiningnan ko si Yumi ngunit tumatawa lang siya. Mabuti na lang hindi niya agad naunawaan kung anong nais sabihin nitong babaeng ito. “Anong gusto mo? Ikaw Yumi may gusto ka bang kainin?” tanong ko sa kanilang dalawa. Kailangan ko lang talagag suhulan itong si Kate ng pagkain para hindi magkwento ng kung ano-ano. “May favorite fries pero I want plain one!” sagot ni Kate. Kow! Hindi naman niya talaga favorite ‘yon nakigaya lang siya. “Talaga paborito mo din ang French fries na plain? Really?” natutuwang tanong ni Eumerriah sa kaniya. Masaya namang tumango si Kate, nagpapa-cute pa nga ito. “Ikaw Yumi anong gusto mo?” inip kong tanong.Sa tuwing kasama niya si Kate ay palagay na palagay siya kung makaasta silang dalawa ay parang ang tagal na nilang magkakilala. Na-out of place ako palagi. “Tsk! Sungit!”
Gabrielle’s Point of View “Two orders to go!” order ko ng gusto ni Kate at Yumi. Sa haba ng inalala ko muntik pa akong makalagpas. “Flavor po?” the cashier asked me. “Plain only. Thankyou.” Hindi ko na sinabing crisscross cuts dahil iyon naman ang tinuro ko sa menu kanina. Ilang sandali lang ay inabot na sa akin ang order ko. Agad ko namang kinuha para makabalik na baka kung ano na lang ang pinaguusapan nilang dalawa. Pareho pa naman silang dalawa walang tigil sa pagchichimisan. Lalo na siguro kung makausap pa ni Yumi si Mamala. Nako baka kulang ang isang araw sa dami nilang naiisip na pagusapan. Simula umalis kami ng probinsya maya maya ang tawag at text sa akin ni Kate na ibalik ko agad si Yumi kaso may nangyari kaya hindi ko agad siya naiuwi kaya itong babaeng ito napraning na. Maya maya na lang ako kinukulit tungkol kay Yumi kaya hindi na ako nakatiisi pinagpaalam ko siya kay Mamala na ipahatid na lang papunta dito sa hospital. Alam kong kailangan ni Yumi ng kausap para hindi
Eumerriah Point of View "Ako na dyan." Agad ko kay Gabrielle ng walis. Maski kasi paglinis ng kwartong tinutulugan ko siya din ang gumagawa. Alam kong alam niyang lumaki ako sa mayamang pamilya pero hindi naman ako tamad, may alam din naman ako sa mga simpleng gawaing bahay." Wag na. Magayos ka dahil isasama ka ni Kate kay Lola. Gusto kang makilala." Pagtataboy niya sa akin. Ngumuso lang naman ako at sumunod. Wala naman akong ibang dapat gawin kundi sundin siya dahil nakikitira ako sa puder niya at siya ang nagpapalamon sa akin. Well, i have my savings pero sa ngayon ayaw niyang gamitin ko 'yon. Mula daw ng nabuntis niya ako obligasyon niya kami ng baby sa tyan ko. Alam kong it sounds like responsible man pero hindi iyon ang tingin ko. Alam kong napilitan lang siyang panagutan ako dahil may nabuo, dahil lang sa bata. Kung sakali man na wala baka hindi kami magkakilala ngayon. "Ate yumiii!" Sigaw ni Kate. Alam kong nasa baba siya dahil sa hina ng dating ng boses niya dito sa taas.