Share

Chapter 3

Hera

Dalawang araw na buhat nung halikan ako ni kuya..este ni Dylan sa pool area nga mansion.

Matagal bago nagsink-in sa akin ang nangyari at hanggang ngayon ay para itong sirang plakang paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko.

‘This lips are mine from now on!’ 

Seryoso ba siya?

Iniling ko ang ulo ko para maibalik ang focus ko sa trabaho. Hindi ako pwedeng magpa-apekto kay Dylan lalo at alam ko naman na babaero siyang tao.

But he is my first kiss!

‘o e ano naman, Hera? Sure ako na hindi ikaw yung first niya!’  bulong ng utak ko kaya lalo akong nabibwisit

Hindi ko nga alam kung bakit hindi ko magawang isumbong sa kuya ko ang ginawa niya. 

Ayaw ko naman kasing pagmulan ng away nila. Ayoko ng gulo!

‘talaga ba Hera? Yun ba talaga ang rason?’

Inis kong tinapik ang pisngi ko para magising ako sa kung ano-anong bagay na iniisip ko. Malapit ng mag-uwian pero sabog pa rin ang utak ko.

Mabuti na lang tumawag ang secretary ko sa intercom at sinabing may bisita ako kaya naman kinolekta ko muna ang kalat kalat na utak ko.

“Oh my God!!!” napatili ako sabay tayo nang makita ko ang bagong dating

It’s none other than my bestfriend in highschool, si Rexene!

“Hi BFF!” 

Niyakap agad ako ni Rexene nang makalapit ako sa kanya. She was my bestfriend way back pero dahil naaprove na ang petition papers nila ng mommy at mga kapatid niya, nag-migrate na siya papuntang Canada.

“Kailan ka pa dumating?” tanong ko sa kanya at medyo nagulat pa nga ako sa bihis nito

“And what’s with this outfit? Yan na ba ang uso sa Canada?” pang-aasar ko sa kanya

She was wearing an all black outfit at may mga kung ano-anong nakasabit sa leeg niyang kwintas and even bracelets too.

Hinila ko si Rexene sa couch at doon kami naupo. I miss her so much!

“Hindi ito uso! And I tell you BFF hindi lahat ng tao kayang magsuot ng mga ganito.” sagot niya sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay dahil ang wierd  niya talaga ngayon

“E ano nga yan?”tanong ko pa sa kanya

“Well, habang na sa Canada ako, I had this accident and ang sabi ng doctors doon, patay na ako for almost a minute.”

Nanlaki ang mata ko dahil hindi ko inaasahan ang narinig ko mula kay Rexene. Matagal kaming naging magkaibigan at kahit naman nasa Canada siya ay hindi naputol ang communication namin.

Pero hindi ko yata nalaman na naaksidente siya.

“Pero nabuhay ako ulit, BFF and after that, my life was never the same again.” Kwento niya sa akin kay naman bigla akong na-curious

“I started seeing some things. I had visions pero malabo. Hanggang sa makilala ko ang isang grupo ng mga clairvoyant na tao. They helped me open my third eye and since then, ganito na ako.”

“So you mean, nakakakita ka ng multo?” tanong ko pa sa kanya kahit pa medyo kinikilabutan ako  pero siya, cool na cool lang

“Minsan! Pero don’t worry, wala naman akong nakikitang multo dito!” sabi pa niya sa akin kaya hindi ko na lang mapigilang matawa habang lumilinga siya sa office ko

“So ikaw, kamusta ka naman? I heard, sikat na sikat ka na!” sabi sa akin ni Rexene

“Grabe naman yung sikat na sikat! Malayo pa ako doon Rex! Nagsisimula pa lang naman ako!” sagot ko sa kanya dahil hindi ko pa naman talaga kinokonsider ang sarili ko na sikat

Malayong-malayo pa ako sa narating ni Lola at ni Mommy but I know, darating din ako doon. I just need to work hard and persevere to prove my self.

“Kahit kailan talaga napaka-humble ng BFF ko!”  napatingin si Rexene ng bumukas ang pinto at iluwa noon si Mel na may dalang coffee para sa amin

“Hanggang kailan ka ba dito?” tanong ko sa kanya nang makalabas na si Mel

“Hindi ko pa alam! Depende!” maiksing sagot niya sa akin

“Okay pa ba yung bahay ninyo? Ikaw lang ba ang umuwi?” sunod-sunod na tanong ko kay Rex

“Oo ako lang! Okay pa naman yung bahay! Actually pinalinis ko na iyon sa pamangkin ko bago ako umuwi!” sagot ng kaibigan ko

I really plan to lend her my condo unit dahil madalang ko naman magamit iyon kung sakaling wala pa siyang tutuluyan.

“Busy ka ba mamaya after work?” tanong sa akin ni Rex habang iniinom ang kape niya

“Hindi naman! Bakit?” tanong ko sa kanya

“Bar tayo mamaya!” aya niya sa akin and I guess magandang timing ito lalo at may gumugulo sa isip ko

“Sure!” agad na sagot ko

“So pano, kita na lang tayo?” sabi niya sa akin pero umiling naman ako 

“Dinner muna tayo sa bahay! I’m sure matutuwa si kuya Helious pag nakita ka!” 

“Hmmm! Palagay ko magandang idea yan!” sagot naman si Rexene dahil kilala naman din niya ang kuya ko

“Wala ba sila tito at tita? Grabe na-miss ko ang pasta italiano ni tita Sophia!” sabi pa ni Rexene

“Nasa Bahamas sila for a vacation. I guess next week nandito na sila!” 

“Great! Magre-request talaga ako kay tita nun!” 

“Oo naman! Alam mo naman na love ka nila since bestfriend kita!”

Nagtawanan na lang kami hanggang sa magdecide na kaming umuwi sa mansion since five o’clock naman na ng hapon.

“Wala pa po si kuya?” tanong ko sa mayordoma namin na nakatitig lang kay Rexene

Maaring natatakot ito sa kaibigan ko dahil nga sa wierd na pananamit niya tapos all black pa 

“Ah wala iha! Nagpasabi na hindi dito kakain ng hapunan at may lakad daw!” 

“Manang Letty, hindi mo na ba ako nakikilala?” pabirong tanong ni Rexene kay manang kaya lalong kumunot ang noo nito

“Naku si manang nakakatampo!” nilapitan ni Manang Letty si Rexene saka sinuring mabuti ang mukha niya

Tinanggal ni Rexene ang glasses niya at  nang sa wakas ay nakilala na siya ni manang, ay napatalon pa ito sa tuwa.

“Diyos ko Rexene! Hindi talaga kita nakilala! Saka bakit ba naman ganyan kasi ang suot mo!” tanong pa ni manang sa kanya

“Magtatampo talaga ako manang kung nagkataon!” sabi pa ni Rexene dito sabay yakap kay manang Letty

“Nagugutom na ba kayo?” tanong nito sa amin at agad naman tumango si Rexene

“O sige, maghahain lang ako” Paalam naman sa amin ni Manang saka siya pumasok sa komedor

Inaya ko muna si Rexene sa sala at nang makapaghain na si Manang ay dumulog na kami sa mesa.

After our dinner ay umakyat muna kami sa kwarto ko para magshower.

“Marami akong damit diyan, Rex. Mamili ka nalang.” sabi ko dito dahil hindi naman ako papayag na magpunta kami sa bar na ganun ang ayos niya

“Okay!” pagpayag naman ni Rexene at dahil halos hindi nalalayo ang katawan namin sa isa’t- isa, magiging madali lang ang lahat

Matapos kong magshower ay namili na ako ng damit habang si Rexene naman ang pumasok sa banyo.

I chose to wear a red backless dress na above the knee ang haba saka ako nagsuot ng black heels. 

Namili ako ng accessories na isusuot hanggang sa makita ko ang kwintas na bigay sa akin ni Dylan. I opened the box saka ako nag-isip kung isusuot ko ba ito or what.

Buhay kasi ng binigay niya sa ajin ito ay hindi ko pa naman sinusuot. Tinanggal ko ito sa kahon at isinuot ko iyon and surprisingly, bumagay ito sa damit ko.

It is a gold chain necklace na may malaking infinity na pendant. I checked it once more and I don’t know, parang nagkaroon ako ng kakaibang pakiramdam habang suot ko ito.

Nagsuot pa ako ng relo at hikaw saka ako namili ng bag na dadalhin ko. Just recently nag-launch na din ako ng bag collection at it was a hit. 

Kaya naman super proud sa akin ang family ko, as well as our extended family. 

At bilang kakaiba ang trip nitong si Rexene, black pa rin na mini dress ang isinuot niya at black high boots. Hindi ko na lang pinansin lalo pa at hindi niya tinanggal ang mga accessories niya.

Kung doon siya masaya, I am here of course to support her.

Sabay na kaming bumaba at nagpaalam na din ako kay Manang Letty na aalis kami ni Rexene.

I also sent a selfie of me and Rexene sa group chat namin para na din magpaalam na lalabas kami ng bestfriend ko.

Wala pang comment ang parents ko samantalang si kuya Helious, katakot-takot na bilin na ang ibinato sa akin.

Well, sanay na ako sa kanya dahil ganyan siya ka-protective sa akin eversince. Daig pa niya ang mga parents kung maka-sermon. But of course I love my kuya Helious! 

Napakaswerte ng babaeng mamahalin niya dahil alam kong siya yung tipo ng taong all-out kung magmahal. Yun nga lang, dapat huwag sobrahan ang pagka-possessive dahil baka masakal naman ang magiging sister in law ko!

After an hour of driving ay narating na namin ang bar na pag-aari ng mga Samaniego. Si Dwight ang nag-mamanage nito , ang pangalawang anak ni tito Drake and tita Valeen.

Nakilala naman ako ng bouncer at agad na akong pinapasok sa loob. 

Dumaan kami sa bar at nakita ko doon si Dwight kaya kinawayan ko ito.

“Hey! Naligaw ka?” tanong niya sa akin dahil hindi naman kasi ako madalas magpunta sa ganitong lugar

“Yeah! I’m with my friend!” hinila ko si Rexene at ipinakilala ko ito kay Dwight

“Welcome Rexene! Enjoy kayo! On the house ang drinks!” sabi  pa ni Dwight kaya nagpasalamat ako sa kanya pagkatapos kong magpaalam dito

Naghanap na kami ng pwesto ni Rexene at saka kami naupo. Agad namang lumapit ang waiter kaya umorder na kami ng drinks , fries and nachos.

Maraming tao ngayong gabi palibhasa, Friday night! Maaga pa pero siksikan na ang buong bar pati na din ang dancefloor.

Enjoy ang lahat habang panay ang sabay sa tugtog na pumupuno sa lugar. 

Uminom lang kami ni Rexene habang nagkekwentuhan kami ng tungkol sa buhay-buhay namin. 

“Kamusta naman ang lovelife mo?” tanong sa akin ni Rexene after sipping her margarita

“Wala!” maiksing sagot ko kaya naman napataas ang kilay niya

“Panong wala? Hoy Hera Armida, sa ganda mong yan imposibleng wala!” sita pa sa akin ni Rexene

“Aba paano nga gagawin ko? Wala talaga eh! May nanliligaw oo, pero wala naman aking magustuhan!” 

“Baka naman kasi ang taas ng standards mo! Aba hindi ka talaga magkaka-jowa niyan!” natatawang sabi pa ni Rexene

“Wala talaga! Ewan ko basta hindi ko type!” sagot ko pa

Uminom ulit si Rexene saka inilahad ang kamay niya.

“Give me your hand!” sabi niya sa akin

“What?” 

“Just give me your hand!” ulit niya kaya kahit naguguluhan ako, ginawa ko ang sinasabi niya

She held my hand at muntik pa akong matawa dahil pumikit siya pero hindi ko nagawa dahil naramdaman ko na para akong kinukuryente.

After sometime ay dumilat si Rexene, and what surprised me the most is how she stared at me.

“Nauulit ang nakaraan, at ang mga pangako ng kahapon ay magkakaroon ng katuparan. Malapit na siyang dumating!” 

Hindi ko alam kung lasing lang  si Rexene pero aaminin ko, kinilabutan din ako sa mga sinabi niya!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status