Hera
I am examining the dresses in front of me and I guess wala naman akong nakitang mali sa mga ito. Mga order ito ng clients from our last launch which was a huge success lalo at dinaluhan ito ng mga bigating personality around the metro. Nang makuntento ako ay tinawag ko na si Mel, ang secretary ko para maipahanda na ang mga damit for delivery. “Okay na po ba sila ma’am?” tanong niya ng lapitan niya ang rack ng mga damit “Yes Mel, for delivery na yan!” sagot ko sa kanya as I was heading back at my table “Noted ma’am!” sagot niya sa akin saka niya tinulak ang rack palabas ng pinto “By the way Mel, yung mga order nating fabrics, dumating na ba?” tanong ko ulit dito “On the way na ma’am! Kausap ko napo yung logistics.” “Good. Ayokong matambakan ang mga mananahi natin!” sagot ko naman Nang makalabas na si Mel ay nagcheck ako ng mga messages ko. And there is one from Mom. Nasa bakasyon sila ngayon ni daddy at nagsend siya ng picture sa GC naming pamilya. Nasa Bahamas sila ngayon for a vacation and I guess they deserve it. Me and kuya Helious always tell them to go for a vacation lalo pa at malaki na din naman kami. Twenty-four na ako and I work as a senior designer at Bell Dolcezza, ang kumpanya na itinayo ng daddy ko alongside his friends when they were young. Ang kuya Helious ko naman ang nagpapatakbo ng Saavedra Builders, ang construction company ng daddy ko pati na ang ilang negosyo na pag-aari mg pamilya. Masasabi ko na magaling na negosyante si kuya lalo pa at na-train siyang mabuhti ni daddy. Pero ako naman ay sa designing na-linya which is a gift na nakuha ko may mommy and my great lola. ‘Enjoy your vacation!’ I typed those words sa GC saka ko ulit binalikan ang mga papeles na kailangan kong i-review. Hindi ko na mga namalayan ang oras and I saw that it is already six in the evening kaya naman naghanda na ako para makauwi. Isang oras lang naman ang layo ng office sa Saavedra mansion at pagdating ko sa gate ay natanaw ko na nandito ang sasakyan ni Kuya Dylan at ni Kuya Josh. Mukhang may kasiyahan na naman ang mga ito. “Hey! Bakit ngayon ka lang!” bati sa akin ni kuya Helious nang makapasok ako sa loob “May tinapos lang ako ako Kuya. Aalis ka ba?” tanong ko dito dahil baka kaya nandito ang dalawang kababata namin ay para sunduin siya “Hindi. Dito na lang kami iinom! Ayokong lumabas at wala kang kasama!” sagot pa ni kuya sa akin “Ako pa talaga ang ginawang dahilan eh! Siguro may babae ka na namang tinatakasan ano?” biro ko dito kaya sinimangutan ako ni kuya “Wala no! Ano ka ba!” sagot niya pa sa akin “Oo na! Naniniwala na ako na mabait kang kuya!” balik ko sa kanya and he just laughed “Magbihis ka na! La cena è pronta.” utos pa sa akin ni kuya and I just nodded at umakyat na ako sa kwarto para magbihis. (La cena è pronta- dinner is ready) At dahil nakaramdam na ako ng gutom ay nagmamadali na akong lumabas ng kwarto at nakita ko si kuya Dylan na galing sa kwarto ng kapatid ko. Ngumiti sa akin si kuya Dylan pero dahil naiinis ako sa kanya ay tinaasan ko siya ng kilay. “What are you doing there?” tanong ko sa kanya “Ah, natalsikan kasi ng sauce yung damit ko! Nanghiram ako ng shirt sa kuya mo.” Tumango na lang ako at nauna na akong bumaba sa hagdan. Eversince, naiinis ako kay kuya Dylan dahil kahit nung mga bata kami, palagi na lang niya akong inaasar. Madalas niya akong paiyakin nung mga bata pa kami at hindi ko nga alam kung bakit dahil ang ibang kababata naman namin na babae, like ate Regina and Alyssa ay hindi niya ganito tratuhin. “How was you day?” tanong niya mula sa likuran kaya medyo napapitlag pa ako Nakakagulat lang dahil hindi ako sanay na ganito siya. Mas madalas kasi niya akong bwisitin kaysa kausapin ng matino. “Okay lang!” sagot ko na hindi siya nililingon Pagdating ko sa dining area ay nakaupo na si kuya Helious at kuya Josh at mukhang kami nalang ang hinihintay. “Tagal niyo naman!” sabi ni kuya Josh na mukhang gutom na “Baka nag-away pa kayong dalawa ha!” sagot naman ni kuya Helious “Hindi ah! Hindi ko na nga inaasar si Hera eh!” sabi naman ni Dylan Well totoo naman yun dahil hindi na nga niya ako masyadong inaasar. Siguro naisip niya na matanda na kami para sa mga ganyang bagay. Hindi na niya ako inaasar pero nagiging OA siya lalo kapag nakikita niya akong may kausap na lalaki. Gaya na lang noong party ni Tito Lucian last year. Nakita niya lang akong kausap yung kaibigan ni ate Hya, kinaladkad na ako. He first did that when I was twenty at hindi ko nga maubos maisip kung bakit mas mahigpit pa siya sa parents ko. Kaya naman lalong nadagdagan ang inis ko sa kanya. Hindi naman niya ako kapatid para pagbawalan pero ginagawa niya pa rin ito. Minsan nga iniisip ko, hindi kaya totoo yung sinabi niya sa akin before? That he is jealous kaya siya nagkakaganyan? Pero hello! Balitang-balita naman ang pagiging babaero niya eh! Idagdag mo pa si Kuya Michell, kuya Helious at kuya Josh. So paano mangyayari na gusto niya ako right? I remembered my friend asking kung wala daw bang dating sa akin si Dylan? Honestly speaking, he is drop-dead gorgeous. Walang tulak kabigin ikanga but he is s womanizer, at yun ang flaw niya para sa akin. “Okay, let's say grace!” Sabi ni kuya Helious kaya naputol ang pagmumuni-muni and we all bowed down to pray bago kumain Masarap ang pagkain at nagulat pa ako nung sinabi ni kuya na si kuya Dylan ang nagluto. Hindi ko alam na may talent pala sa pagluluto ang taong ito. Akala ko kasi puro pambibwisit lang ang kaya niyang gawin. “How’s the food? Masarap?” tanong niya pa sa akin Alangan namang sabihin ko na hindi e ang dami ko kayang nakain! “Pwede na!” sagot ko kay kuya Dylan “Wow ha! Pwede na pero nakatatlong balik ka!” sabi naman ni kuya Helious kaya inirapan ko ito “Nagugutom ako, bakit ba?!” inis na sabi ko kay kuya Helious Natawa lang si kuya Helious kaya hindi ko naman siya pinansin. Nakakahiya nga kasi lamon to the max ang ginawa ko kaya naman busog na busog talaga ako. After dinner ay dumiretso sila kuya sa entertainment room. Manonood daw sila habang umiinom kaya napangiwi pa ako bago ko sila iwan sa sala. “For sure p**n ang papanoorin niyo!” kantyaw ko sa kanila and they all laughed Napailing na lang ako dahil mukhang totoo ang kutob ko sa balak nilang gawin. Nang makabalik ako sa kwarto ay nagcheck ulit ako ng mga e-mails ko. Nabasa ko na iniimbitahan ako sa isang party which is for the successful young businessmen of the metro. Nakaramdam ako ng excitement lalo pa at nire-recognize nila ang kakayahan ko. Nag-confirm ako sa invitation and I saved the date sa calendar ko. Naupo ako sa table saka ko kinuha ang sketch pad ko. Nagsimula akong gumuhit ng isusuot ko para sa nasabing event. Two weeks from now pa naman ito so I guess maihahabol ko pa ang bagong design ko. At dahil sobrang busog talaga ako ay naisipan kong mag-swimming muna. Kailangang gumalaw-galaw ako bago ako matulog. Tiyak namang busy na sila kuya sa Entertainment Room kaya okay lang na mag-swimming ako. Nagbihis ako ng bikini that I also designed myself saka ko iyon pinatungan ng robe. I got my towel at saka ako bumaba. *Magsi-swimming po kayo senyorita?” tanong sa akin ng mayordoma namin “Opo! Medyo napadami po ang kain eh!” magalang na sagot ko dito “Sige iha! Bubuksan ko ang ilaw doon.” sabi pa niya at nagpasalamat naman ako sa kanya Hindi naman masyadong maliwanag ang ilaw doon kapag gabi kaya tamang-tama lang sa night swimming. Nasa gilid kasi ng mansion ang pool kaya naman sa kusina na ako nagdaan. Pagdating ko doon ay nakabukas na ang mga ilaw kaya tinanggal ko na ang roba ko at agad na akong lumusong sa pool. Lumangoy ako papunta sa kabilang side at nang magpahinga ako ay bigla namang lumitaw ang ulo ni kuya Dylan. Halos mapatili ako sa sobrang gulat habang hawak ko ang aking dibdib. “Anong ginagawa mo dito!” galit na tanong ko sa kanya “Duh! Ano bang ginagawa sa pool? Edi nagsi-swimming!” pilosopong sagot niya sa akin “Diba nasa entertainment room kayo!” sabi ko pa dito “Yeah! Pero sabi ko magsi-swimming muna ako, pumayag naman si Helious!” sagot naman ni kuya Dylan “Sinusundan mo ba ako?” galit na sigaw ko sa kanya kaya napapikit pa ito “Hera nandito lang ako, hindi mo kailangang sumigaw! Isa pa, nauna ako dito so paano mo nasabing sinusundan kita?” pang-iinis niya pa sa akin At dahil totoo naman yun ay hindi na lang ako kumibo. I was about to swim away pero pinigil niya ang kamay ko saka ako isinandal sa pool. Nasa magkabilang gilid ang kamay niya, caging me kaya naman medyo kinabahan ako pero pinagmukha kong matatag ang mukha ko. “Kuya anong ginagawa mo?” tanong ko habang nakatingin ako sa magagandang mata niya “Do you remember what I told you before?” tanong niya with his husky voice “Marami kang sinabi! Alin don?” tanong ko habang nakataas ang kilay ko I almost flinched nang haplusin niya ang pisngi ko, not leaving my eyes kaya pinigilan ko ang pagpikit dahil sa ginagawa niya. “I told you, don’t call me kuya, right?” paalala niya sa akin and I remember that was the first time na pinagalitan niya ako dahil nakikipagusap ako sa iba “Why would I do that? Mas matanda ka sa akin kaya dapat lang na…” Nanlaki ang mata ko ng maramdaman ko ang labi ni kuya Dylan pressing against mine. It was a simple yet nerve wracking kiss. My first kiss! “Call me kuya again, I will punish your sweet lips!” Hindi ako nakagalaw dahil sa bilis ng pangyayari. My heart is beating fast at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. He traced my lips with the use of his thumb while smiling. “This lips is mine from now on!” sabi pa niya bago niya ako iwan sa pool.HeraDalawang araw na buhat nung halikan ako ni kuya..este ni Dylan sa pool area nga mansion.Matagal bago nagsink-in sa akin ang nangyari at hanggang ngayon ay para itong sirang plakang paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko.‘This lips are mine from now on!’ Seryoso ba siya?Iniling ko ang ulo ko para maibalik ang focus ko sa trabaho. Hindi ako pwedeng magpa-apekto kay Dylan lalo at alam ko naman na babaero siyang tao.But he is my first kiss!‘o e ano naman, Hera? Sure ako na hindi ikaw yung first niya!’ bulong ng utak ko kaya lalo akong nabibwisitHindi ko nga alam kung bakit hindi ko magawang isumbong sa kuya ko ang ginawa niya. Ayaw ko naman kasing pagmulan ng away nila. Ayoko ng gulo!‘talaga ba Hera? Yun ba talaga ang rason?’Inis kong tinapik ang pisngi ko para magising ako sa kung ano-anong bagay na iniisip ko. Malapit ng mag-uwian pero sabog pa rin ang utak ko.Mabuti na lang tumawag ang secretary ko sa intercom at sinabing may bisita ako kaya naman kinolekta ko muna an
SIMULA…“Mommy! Mommy!” patakbong lumapit ang sampung taong si Hera Armida sa kanyang mommy na si Sophia Conti SaavedraBirthday ngayon ng tito Lucian Philippe Segovia at nandito sila lahat para ipagdiwang ang mahalagang okasyon na ito.Pero gaya noon, napapaiyak na lang siya dahil sa pang-aasar sa kanya ng kanyang Kuya Dylan Glenn Samaniego, ang panganay na anak ng tito Anton Drake at tita Valeen Alicia.“Why?” tanong naman agad ng mommy niya although my idea na siya kung bakit umiiyak na naman ang anak niya“Mommy si kuya Dylan, kinuha niya po si Agatha! Ayaw niya pong ibalik sa akin! sumbong ni Hera sa mommy niya na ang tinutukoy ay ang manika na palaging dala niya kahit saan siya magpuntaSa lahat kasi ng manika niya,, ito ang pinakapaborito niya and it was a gift from her daddy, Hendrix James Saavedra.Narinig naman ito ni Valeen since nasa iisang mesa lang naman sila na maybahay ng limang itlog.“Naku! Eto nanaman!” inis na sabi ni Valeen saka siya tumayo“Wait princess! Kakaus