Share

Chapter 5

Author: Lianna
last update Last Updated: 2024-11-15 15:43:12

Hera

Dahil sa ginawa ni Dylan kanina ay pakiramdam ko, wala akong focus sa trabaho. Mabuti na lang at marami akong nagawang designs noong mga nakaraang araw kaya hindi ko kailangang ma-pressure lalo pa at may gumugulo sa isip ko.

Wala sa loob na nahipo ko ang labi ko. Sa ikalawang pagkakataon, hinalikan ako ni Dylan at hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi ko magawang magalit sa kanya.

I should be offended pero hindi ko naman maramdaman iyon. 

Napahinga ako ng malalim at sinubukan kong kalimutan ang mga nangyari kanina. Napahawak ako sa leeg ko at nakapa ang kwintas na suot ko.

It was Dylan’s gift at hindi ko pala ito naalis kagabi after naming manggaling sa bar. 

Balak ko sanang tanggalin ito pero ewan ko ba at diko magawa kaya hinayaan ko na lang at bumalik na ako sa trabaho.

Hindi naman nagtagal ay nagsimula na ang meeting ko with the senior designers of Bella Dolcezza. Pag-uusapan namin ang gaganaping fashion event ng Bella Dolcezza.

“Okay na ba ang mga models natin?” tanong ko kay Hilary, ang handler ng mga modelo namin dito sa kumpanya

“Yes Miss Hera, ongoing na din po ang practices nila as well as briefings for the event.”

“Good! Make sure na wala tayong malalagpasan na details.” bilin ko pa sa kanila and they know kung gaano ako ka-metikuloso basta may kinalaman sa mga gawa ko

After the meeting ay bumalik na ako sa opisina hanggang sa tawagin ako ni Mel.

“Miss Hera, may delivery po kayo sa loob!” she adviced me

“Okay Mel! Thanks!” sagot ko dito saka ako pumasok sa opisina ko

May nakita akong bouquet of red roses sa mesa ko at nang malapitan ko ito sy agad kong binasa ang nakasulat sa card.

‘this roses can’t be compared to your beauty

But I do hope that you are like them so I can pick you up in the garden’

Binaligtad ko ang card pero wala naman akong nakita sa sender. Sanay naman akong makatanggap ng mga ganito pero mostly ay nalalaman ko kung kanino galing.

But this one, wala naman pangalan kundi dedication lang.

Ipinagkibit-balikat ko na lang thinking that maybe he is one of my fans. Marami na din kasi akong followers sa social media page ko and I am thankful that they are all supportive of my craft.

Naagaw ng pansin ko ang phone ko and it was blinking kaya dinampot ko iyon and I saw Dylan calling.

Kumalabog ng mabilis ang tibok ng puso ko as I answered his call.

“Hello?” 

“Hi Amore! Sunduin kita ha. Nasa area lang ako. Let’s have lunch!” sabi pa ni Dylan sa akin at bago pa ako nakapag-protesta ay binaba na nito ang tawag

Bakit ba ako binibigyan ng problema sa katauhan ni Dylan? I massaged my temple dahil pakiramdam ko sumasakit ang ulo ko sa ginagawa ng lalaking ito.

Hindi naman nagtagal ay dumating na si Dylan kaya agad na akong napatayo.

“Dylan ano ba to?! Can you please explain to me kung bakit ganyan ka? Ano ba to? Trip mo lang?”inis na tanong ko sa kanya dahil gulong-gulo na din ako

“Bakit ba nagagalit ka na naman?!” malambing na tanong niya sa akin bago siya lumapit sa akin

He held my shoulders and he looked into my eyes na para bang nandoon ang kasagutan na hinahanap ko.

“Dylan please! Hindi ito magugustuhan ng parents natin lalo na si kuya! Isa pa, bakit all of a sudden ganyan ka sa akin samantalang dati, laughing stock mo lang ako!”

“Amore dati yun! Hindi mo ba napansin na kaya ko ginagawa iyon, kasi gusto ko nasa akin lang ang atensyon mo! Gusto ko mapansin mo ako!” paliwanag sa akin ni Dylan

“You’re really crazy, Dylan! Sa palagay mo ba maniniwala ako sa mga sinasabi mo?” Buwelta ko sa kanya lalo pa at kilala ko naman siya mula pagkabata

“I know mahirap paniwalaan Amore! But please give me a chance! Okay sige ganito, let’s go out. Just like normal couples! Dinner, lunch, movies, kahit ano pa yan!”

“Seryoso ka talaga? We are not even a couple!” hindi makapaniwalang sabi ko  pero ngumiti lang si Dylan

“We will be! Just give me two months, amore! Patutunayan ko sayo na malinis ang intensyon ko. Will that be fine?” tanong pa ni Dylan sa akin

I was stunned! Hindi ako nakakibo lalo pa at bihag ni Dylan ang mga mata ko.

“Good!” he said and then he gave me a smack on my lips kaya doon na ako napakurap

“Get ready amore! I’m hungry!” sabi pa nito 

He was about to go to the couch but his eyes went straight to the flowers at my desk. Nilapitan niya iyon and he got the card saka niya iyon binasa.

“Sino to?” tanong niya habang hawak ang card with his crumpled face

I just shrugged my shoulders dahil hindi ko naman talaga kilala kung sino ang nagpadala nito.

“Who is this sonofabithch?! Ano tingin niya sayo, rosas! Dammit!” 

Nagulat ako sa reaksyon ni Dylan. Aba hindi ko pa siya sinasagot napaka possessive na?

‘bakit Hera? May pag-asa na ba?’ bulong na naman ng utak ko kaya napailing na lang ako

Pero ang nakakagulat ay nang bitbitin ni Dylan ang bulaklak at itapon iyon sa trash bin na nasa loob ng opisina ko.

“Dylan!” saway ko sa kanya dahil sayang naman ang mga bulaklak na tinapon niya

“What?! Kung gusto mo ng bulaklak kayang-kaya kitang bigyan! Even a whole plantation of roses kung gusto mo!” inis na sagot niya sa akin

“You’re unbelievable!” sagot ko as I rolled my eyes at him

“No Hera! I am just guarding what’s mine!” he said in a cool manner

Knowing him, he really meant what he said.

Sabay na kaming lumabas ng opisina para sa invitation niya for lunch. Sana lang walang makakita sa amin dahil hindi ko alam kung paano ko ito ipapaliwanag sa pamilya ko.

“Anong gusto mo for lunch?” tanong sa akin ni Dylan matapos niyang buhayin ang makina ng kotse niya

“Kahit ano na lang!” sagot ko naman sa kanya lalo pa ang matindi ang pagkalabog ng dibdib ko

Bakit ba kasi ako kinakabahan? Hindi naman ito ang unang beses ko na makipag-date. Siguro naninibago lang ako na si Dylan na mortal kong kaaway noon ang kasama ko ngayon.

“Okay! May nakita ako na bagong bukas na Korean restaurant! I know you love Korean Barbeque and Tteokbokki, right?” 

Nagulat pa ako dahil alam ni Dylan ang bagay na ito.

“Paano mo naman nalaman?” tanong ko kaya napangiti lang siya kahit pa sa kalsada siya nakatingin

“Of course I know! Ikaw ang magiging Mrs. Dylan Samaniego kaya dapat lang na alam ko lahat ng tungkol sa iyo, tama ba?” 

“Ewan ko sayo!” sagot ko pero pakiramdam ko may kumikiliti sa tiyan ko

‘Oh God Hera!’ kastigo ko sa sarili ko pero wala naman akong magagawa dahil yun talaga ang nararamdaman ko

Sa isang Korean Restaurant kami nakarating ni Dylan ang I can say that the place is good. Hindi crowded dahil very spacious ng lugar.

Marami na ding customers so we occupied the corner spot at agad naman kaming nilapitan ng waiter.

Sinabi ko kay Dylan ang gusto ko at siya na ang umorder sa waiter. At habang hinihintay ang order namin ay pinag-aralan ko ang paligid. 

Mostly mga estudyante ang kumakain dito dahil may separate area sila para sa gustong mag-samgyupsal.

“I was right na bagay sayo ang necklace na yan, amore!” pukaw ni Dylan sa akin and I unconsciously touched the necklace at my neck

“T-thank you nga pala dito!” sabi ko sabay ngiti kay Dylan

Nakakapanibago talaga na hindi kami nagbabangayang dalawa.

“Infinity sign! Ganyan ang feelings ko para sayo, Hera Armida Saavedra! Infinite! Walang katapusan!” he said it with his husky voice and it sent shivers down to my spine

“Ang ganda mo talaga lalo kapag namumula ka! I will never get tired of staring at your beautiful face!” dagdag pa ni Dylan

“Dylan, stop it na!” sabi ko pa kaya natawa pa siya

“Bakit? Ayaw mo bang pinupuri kita?” 

“Hindi lang ako sanay!” sagot ko sa kanya

Mabuti na lang dumating na ang pagkain na inorder namin kaya nagsimula na kaming kumain. 

And I can say, masarap ang mga pagkain nila dito. Very authentic! No wonder kahit medyo malayo ito ay dinarayo talaga ng mga customers.

“Paano pala kung malaman ni kuya ito?” nag-aalangang tanong ko kay Dylan kaya napatingin siya sa akin 

“Bakit? May problema ba kung malaman niya?”

“Sa palagay mo ba, papayag siya? Of course hindi kasi he knows that you’re a womanizer!” walang prenong sagot ko

“Hey! Hindi naman totoo yan!” Protesta pa ni Dylan but I just laughed

“Totoo yun! Akala mo ba hindi ko kayo naririnig pag nag-uusap kayo tungkol sa mga babae ninyo?” pang-aasar ko pa sa kanya

“Tsk! Baka ang kuya mo yun! Isa pa, hindi ko itatanggi sa iyo na may mga nakasama na akong babae! Hindi naman ako santo Hera! Pero hanggang doon lang naman yun! Of course hindi pa kita pwedeng pasukan noon kasi bata ka pa!” mahabang paliwanag niya

“Whatever!” taas kilay kong sabi ang he laughed

Yung tawang masarap  pakinggan at hindi kagaya noon na nakakabwisit!

Related chapters

  • The Billionaire's Affair Bk.7 Somewhere in my Past   Chapter 6

    DylanNasa isang bar ako ngayon with kuya Michell and we are waiting for Josh and Helious.Habang wala pa sila ay panay ang kwentuhan namin ni kuya Michell tungkol sa mga nagaganap sa buhay namin.He is happily married now at mabuti nga nakasama pa siya sa amin ngayon. Well hindi naman na madalas gaya nung binata pa siya. Of course kailangan niyang tutukan ngayon ang pamilyang binubuo niya.“So kamusta naman kayo ni Hera?” tanong niya sa akinSa aming lahat, tanging siya lang ang nakakaalam ng feelings ko for Hera. And I trust him naman dahil hanggang ngayon, wala siyang pinagsasabihan lalo na si Helious.Tama naman si Hera! I know that Helious will be mad lalo at ang prinsesa nila ang pinaguusapan. At gaya ng sinabi ko kay Hera, hindi naman ako santo dahil I also had my share of being a womanizer when I was younger. Pero ngayon, nagtino na ako dahil gusto kong maging karapat- dapat sa babaing mahal ko.“Ayaw niyang maniwala sa akin kuya pero sinabi ko naman na patutunayan ko that I

    Last Updated : 2024-11-16
  • The Billionaire's Affair Bk.7 Somewhere in my Past   Chapter 7

    HeraFor the whole week, nasanay na din ako sa presensya ni Dylan who is so enthusiastic sa panunuyo niya sa akin.I can say na mabait naman siya at maasikaso whenever we are together kaya hindi na nakakapagtaka na umabot na ito sa kaalaman ni kuya Helious.“Sit down!” sabi ni kuya nang ipatawag niya ako sa conference room ng Bella Dolcezza at nagulat pa ako pagpasok ko dahil nandoon si Dylan at si kuya Josh“M-may problema ba kuya?” pagpapatay malisya ko pa but kuya’s piercing eyes is enough para mahulaan ko ang ibig sabihin ng ‘meeting’ na itoNakayuko naman si Dylan pero nang makaupo na ako ay agad siyang tumabi sa akin kaya lalong nalukot ang mukha ni kuya Helious.“Hanggang kailan ninyo balak itago sa amin yang relasyon ninyo ha?!” inis na tanong ni kuya Helious sa amin“Kuya wala kaming relasyon ni Dylan.” sagot ko agad sa kapatid ko“Wala pa! But we are already dating Helious! Ano naman ang masama doon?” segunda naman ni Dylan kaya lalong napataas ang kilay ng kuya ko“Kailan

    Last Updated : 2024-11-17
  • The Billionaire's Affair Bk.7 Somewhere in my Past   Chapter 8

    HeraSinundo ako ni Dylan after office hours and I think the people around us here in the office knows na may something kaming dalawa.Wala namang nagtatanong sa akin and I know of course na dahil yun sa respeto nila sa akin bilang boss nila.Nagpunta muna kami ni Dylan sa grocery para mamili ng iluluto daw niya and he often asks me kung may gusto daw ba akong bilhin.Nagpunta ako sa ice cream section at kasunod ko naman agad si Dylan at nagulat na lang ako when he got a tub of my favorite flavor which is pistachio. He smiled at me as I shook my head dahil pati ba naman favorite flavor ko ng ice cream, alam niya. He reached for my hands habang papunta kami ng counter habang hindi naaalis ang malawak na ngiti niya sa kanyang labi.“I always do my homework!” sabi pa niya kaya inikutan ko na lang siya ng mata“Oo na!” natatawang sagot ko sa kanyaPagdating namin sa unit ay naimpress ako dahil naabutan kong malinis at organized ang paligid. Tinulungan ko na siyang mag-ayos ng pinamili

    Last Updated : 2024-11-17
  • The Billionaire's Affair Bk.7 Somewhere in my Past   Chapter 9

    Hera‘Dorina….Dorina….’Napadilat ako nang marinig ko ang pamilyar na tinig na bumibigkas sa pangalan na iyon.Hindi ko maintindihan kung bakit ako nagigising sa twing maririnig ko ang tinig na iyon na tinatawag ang pangalang Dorina.‘Dorina….’Hindi ko napigilan ang mga paa ko nang kusa akong tumayo para hanapin ang pinagmulan ng tinig na iyon at kagaya ng dati, natagpuan ko ang lalaking tumatawag sa akin sa isang malaking puno ng acacia.Lumingon siya at ngunit hindi ko pa rin makita ang mukha niya gaya nung una ko siyang makita.Inilahad ng lalaki ang kamay niya at tila may sariling utak ang kamay ko dahil inabot ko iyon sa lalaki.Kung hindi ako nagkakamali, Manuel ang pangalan niya. “Mahal ko…” bulong ni Manuel nang yakapin niya ako ng mahigpit Ramdam ko ang malakas na tibok ng puso niya at hindi ko mapigilang mapapikit.“Tara na…” aya sa akin ni Manuel at walang pag-aatubiling sumunod ako sa kanya habang hawak niya ang kamay koNaglakad kami at nakarating kami sa isang lawa k

    Last Updated : 2024-11-19
  • The Billionaire's Affair Bk.7 Somewhere in my Past   Chapter 10

    HeraBandang alas-diyes ay dumating si Rexene sa opisina ko with her usual outfit. Ilang araw ding kaming hindi nagkita dahil ayon sa message niya sa akin ay may pinuntahan siyang kamag-anak sa Pampanga para dalawin.“Kamusta ang lakad mo?” tanong ko kay Rexene nang makaupo na kami sa couch“Okay lang naman, BFF! Ikaw kamusta ka naman?”tanong niya sa akin habang nakatitig sa akin“Okay naman ako!” maiksing sagot ko sa kanya“In love?” tanong pa niya sa akin kaya medyo napataas ang kilay koMukhang maniniwala na nga yata ako sa pagiging clairvoyant niya.“Paano mo naman nasabi?” kunwari pagde-deny ko pa sa kaibigan ko‘wait, in love na ba talaga ako kay Dylan? Basta ang alam ko, masaya ako kapag kasama ko siya, in love na ba yun?’“You’re aura exudes a certain energy, BFF. At yung energy na iyon, nakikita sa mga taong in love!” nakangiting sagot sa akin ni Rexene.”Napailing na lang ako sa sinabi ni Rexene pero magtatanong pa pala sa akin ang kaibigan ko.“Sino ang maswerteng boy, B

    Last Updated : 2024-11-19
  • The Billionaire's Affair Bk.7 Somewhere in my Past   Chapter 11

    HeraPagkagaling ko sa mall ay dumeretso na ako sa mansion and I was surprised when I looked at my watch dahil alas-otso na pala ng gabi. Masyado akong nalibang sa kwentuhan namin ni Paul at hindi ko tuloy namalayan ang oras.At instead na coffee ay nauwi kami sa dinner. Bago ako bumaba ng kotse ay kinuha ko muna ang phone ko at halos mapamura ako nang makita ko na tadtad ng text at missed calls ni Dylan ang phone ko.Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kay Dylan ang hindi ko pag-update sa kanya lalo pa at nababasa ko sa mga texts niya na galit na siya.Napahinga na lang ako ng malalim saka ako bumaba and I saw his car parked in the garage kaya naman lalo akong kinabahan.Well no choice na ako kung hindi harapin si Dylan.“God Hera!” bungad sa akin ni Dylan nang tuluyan na akong makapasok sa mansionNasa couch siya at halatang aburido habang panay ang pindot sa phone niya.“Hey! Kanina ka pa ba?” tanong ko naman dito as I try my best to look composed kahit ang totoo, kinakabahn

    Last Updated : 2024-11-20
  • The Billionaire's Affair Bk.7 Somewhere in my Past   Chapter 12

    Hera“Hera iha, nandito na ang sundo mo!” Tinig iyon ni manang Letty sa likod na pinto na sinabayan pa niya ng mahinang katok.“Pasok po manang!” sagot ko naman habang panay ang ikot ko sa malaking salamin na nasa kwarto koI wanted to look perfect in Dylan’s eyes kaya naman hindi ako mapakali lalo at ito ang unang event na dadaluhan namin na magkasama.“Naku and prinsesa namin, huwag kang mag-alala, maganda ka na at bagay na bagay sayo ang ang suot mo!” sabi ni manang habang naglalakad palapit sa akin“Sure ka manang?” Tanong ko saka ako muling tumingin sa salamin“Aba eh kelan ba pumangit ang prinsesa namin?” sabi pa ni manang kaya agad ko ng kinuha ang clutch bag na dadalhin koNakasuot ako ng pulang evening dress na tube style. Malambot ang tela nito kaya naman kumakapit talaga ito sa balat. Fitted ito mula taas hanggang sa bewang, at naging flowing pababa hanggang sa ibabaw ng sakong.May mga designs ito ng swarovzky crystals sa bust area, sa bewang at sa laylayan. Itinaas ko

    Last Updated : 2024-11-20
  • The Billionaire's Affair Bk.7 Somewhere in my Past   Chapter 13

    DylanMatapos kong ihatid si Hera sa mansion ng mga Saavedra ay dumeretso ako sa bar para sundan si Josh at si Martin.Gusto ko na sanang umuwi na at matulog pero pagkatapos ng nangyari kanina sa amin ni Hera ay balisang balisa talaga ako.Alam ko naman na hindi pa handa si Hera at nanagako naman ako na igagalang ko siya kaya naman laking pasalamat ko at napigilan ko ang aking sarili.Dahil kung sakaling hindi, baka makagawa ako ng bagay na hindi pa nararapat.I scanned the place at nakita ko sa wakas si Josh at si Martin at hindi na ako nagulat na may katabi silang babae na malamang, binobola na nila.Ganito naman din kasi ako noon. Kahit pa alam ko sa sarili ko na si Hera ang mahal ko, nagkaroon pa rin ako ng mga babae. Pero gaya ng sabi ko, hanggang doon lang naman iyon. Gusto ko at gusto din ng babae. Pagkatapos noon, tapos na. No strings attached.Lalaki ako at may mga pangangailangan ako na kailangan kong matugunan. Pero noong magtapat na ako kay Hera, wala naman na akong nag

    Last Updated : 2024-11-22

Latest chapter

  • The Billionaire's Affair Bk.7 Somewhere in my Past   Chapter 36

    HeraUnti-unti, nawala naman ang takot na nararamdaman ko lalo at hindi ako pinabayaan ni Dylan. Palagi siyang nasa tabi ko kaya naman unti-unti, nawala ang takot ko sa mga kakaibang nagaganap sa buhay ko nitong mga nakaraang araw.Hindi na din nagparamdam si Manuel o si Lemuel at maging sa panaginip ay hindi ko na ulit sila nakita.My parents arrived yesterday kaya naman kampanteng umalis si Dylan papuntang Dubai for a business conference dahil may makakasama na daw ako kahit umalis siya.Kakatapos lang naming mag-usap through video call kaya naman binalikan ko na ang mga designs na kailangan kong ireview for our next launch.Hindi nagtagal ay tumunog ang intercom at sinabi ni Mel na nasa labas daw si Rexene.Nakaramdam ako ng tuwa lalo at matagal itong nawala.“BFF!” sabi ni Rexene the moment he entered the office“Grabe ka! Saan ka ba nagsuot?” tanong ko sa kanya matapos niya akong yakapin“Sorry BFF, may importante lang akong inasikaso! Ikaw kamusta? Nakwento sa akin ni Madam a

  • The Billionaire's Affair Bk.7 Somewhere in my Past   Chapter 35

    DylanHindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko that moment na tumuntong sa unit ko ang taong kausap ni Hera sa telepono.I must admit I felt chills lalo pa at naka-all black ito and the way she stares and look is really different.Pati na ang babaeng kasama niya ay ganun din ang kasuotan and right, I do remember Rexene in them! Kasamahan din ba ng bestfriend ni Hera ang mga ito?“Madam Xena, mabuti po at nandito kayo! Takot na takot po ako.” napabaling ang tingin ni Madam Xena sa akin matapos sabihin ni Hera ang mga salitang iyon“By the way, siya po pala si Dylan Glenn Samaniego, ang boyfriend ko po at may-ari ng unit na ito.” pakilala ni Hera sa akinLumapit naman ako at inilahad ang aking kamay kay Madam Xena and I swear, mas lalo akong kinabahan when I felt a certain heat na nanggagaling sa mga kamay niya nang tanggapin niya ang palad ko.Hindi naman binitawan agad ni Madam ang kamay ko at napapikit pa siya kaya napakunot ang noo ko. Hindi ko naman din magawang bawiin ang kamay

  • The Billionaire's Affair Bk.7 Somewhere in my Past   Chapter 34

    HeraImbes na bumalik ako sa opisina ay dumeretso ako sa office ni Dylan para makausap siya.Alam ko naman na mali ang mga sinabi ko and I need to own up to my mistakes. Hindi ko lang talaga alam kung kaya kong ipaliwanag sa kanya ang pakikipagkita ko kay Madam Xena dahil sigurado ako na tututulan niya ito.“Nasa loob si Dylan?” tanong ko sa sekretarya ng nobyo ko“Ay hello po Ms. Hera, nandyan po siya! Mainit po ang ulo!” nakangiwing sabi ni Tess at alam naman ko naman kung bakit“Napagalitan ka ba?” tanong ko pa at tumango lang ito sa akin Sabay kaming napangiwi nang marinig namin ang dagundong ng boses ni Dylan mula sa loob.“Tess! I need the f*****g report! Nasaan na ba!!” Napatayo naman si Tess at agad hinanap ang mga reports na hinihingi ni Dylan.“Akin na Tess, ako na nag magdadala sa loob!” presinta ko lalo at nakikita ko na natatakot ang sekretarya ni Dylan“S-sure ka ba, Ms. Hera?” alinlangan niyang tanong and I just nodded sako ko kinuha ang inabot niyang mga papelTimal

  • The Billionaire's Affair Bk.7 Somewhere in my Past   Chapter 33

    HeraI kept on dialling Rexene’s number pero hindi ko siya makontak. I decided to ask for help para masamahan ako kay Madam Xena lalo pagkatapos ng nangyari sa Vigan at dahil na rin sa pagkakakilala ko kay Lola Choleng.Although may idea na ako about the story of Manuel and Dorina, ay may gusto kong malaman kung paano ko iha handle ang sitwasyon.I have been thinking, paano kung hindi si Dylan ang lalaking para sa akin? Kung ako si Dorina in my past life, sino si Manuel? Is he Dylan?Kaya naman gusto kong makausap si Madam Xena pero ito naman si Rexene, hindi ko mahagilap!Agad na akong tumayo dahil nag-decide na akong magpunta kay Madam Xena para makausap ito. Habang tumatagal, hindi na ako mapakali sa kagustuhan kong malaman ang totoo.“Mel, may appointments pa ba ako?” tanong ko sa sekretarya ko at agad naman niyang sinilip ang calendar ko“Ma’am may meeting po kayo with the finance department mamayang three PM.” sagot niya sa akinI checked my watch and it’s already one PM kaya

  • The Billionaire's Affair Bk.7 Somewhere in my Past   Chapter 32

    DylanNasa pampang ako kasama ang mga kababata ko and our parents as we await the arrival of the coast guards na in charge sa paghahanap kay Hera. Tumawag sila about an hour ago at sinabi nila na natagpuan na nila si Hera sa kabilang isla. Halos mapaupo ako as soon as sabihin sa amin that Hera is safe.Pakiramdam ko nawala ang bigat na nararamdaman ko as soon as I heard the news. Napaiyak pa ako at agad naman akong niyakap ni Mommy.Tito Marcus called Tito Hendrix at sinabi niya na okay na ang lahat para hindi na ito mag-alala. Sinabihan niya din ito na siya na ang bahala and that there is no need for them to go home.Pumayag naman si Tita Sophia lalo pa at hindi pa niya maiwan ang kapatid niyang si Tito Stephano. Kinausap din ako ni Tito Hendrix at pinagbilinan ako about Hera. I also applogized to them for what happened but they dismissed the thought na ako ang nagpabaya at hindi ko naalagaan si Hera.Ilang sandali pa ay natanaw ko na ang speedboat kung saan nakasakay ang mga coas

  • The Billionaire's Affair Bk.7 Somewhere in my Past   Chapter 32

    DylanNasa pampang ako kasama ang mga kababata ko and our parents as we await the arrival of the coast guards na in charge sa paghahanap kay Hera. Tumawag sila about an hour ago at sinabi nila na natagpuan na nila si Hera sa kabilang isla. Halos mapaupo ako as soon as sabihin sa amin that Hera is safe.Pakiramdam ko nawala ang bigat na nararamdaman ko as soon as I heard the news. Napaiyak pa ako at agad naman akong niyakap ni Mommy.Tito Marcus called Tito Hendrix at sinabi niya na okay na ang lahat para hindi na ito mag-alala. Sinabihan niya din ito na siya na ang bahala and that there is no need for them to go home.Pumayag naman si Tita Sophia lalo pa at hindi pa niya maiwan ang kapatid niyang si Tito Stephano. Kinausap din ako ni Tito Hendrix at pinagbilinan ako about Hera. I also applogized to them for what happened but they dismissed the thought na ako ang nagpabaya at hindi ko naalagaan si Hera.Ilang sandali pa ay natanaw ko na ang speedboat kung saan nakasakay ang mga coas

  • The Billionaire's Affair Bk.7 Somewhere in my Past   Chapter 31

    Hera“Ano pong ibig ninyong sabihin?” tanong ko kay Aling Maria Hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol sa panaginip ko at nagkunwari akong walang alam tungkol sa pagkakabanggit ng nanay niya sa pangalang Dorina at Manuel.Napahinga ng malalim si Aling Maria saka siya nagsalita.“Bata pa lang kami, madalas ng ikwento ni inay amg tungkol sa mahal niyang si Senyorita Dorina. Bunsong anak siya ng mga Singson kung saan naninilbihan si Inay. Ang pamilya nila ang isa sa pinakamayang pamilya dito sa Vigan. May plantasyon sila ng tabako na nasa loob mg Hacienda Katrina.”“Sino si Katrina?” “Si Senyora Katrina ang nanay ni Senyorita Dorina. Ang sabi ni inay mabait ang Senyora dangan nga lang ay wala itong magawa sa mga desisyon ng asawa niyang si Senyor Jorge. Batas ang bawat salita nito, sa tahanan man nila o sa buong Hacienda.”“So anong kinalaman ko sa kanila?”“Gaya ng sabi ni Inay nakikita niya sa iyo si Senyorita Dorina, kamukhang-kamukha mo siya!” Tumayo si Aling Maria at may kinuha s

  • The Billionaire's Affair Bk.7 Somewhere in my Past   Chapter 30

    Dylan“Nasaan si Hera?” tanong ko kina Ate Hya, Regina at Alyssa the moment they stepped out of the roomI was waiting for my girl para sabay na kaming bumaba for breakfast kaya naman nagtaka ako kung bakit hindi nila ito kasama sa paglabas nila.“Wala siya sa loob! Akala ko nga kasama mo siya at maaga lang kayong lumabas.” sagot ni Ate Hya kaya naman kinabahan na ako“Hindi ko pa siya nakikita this morning Ate!” sagot ko as I got my phone and dialled her number“Nasa loob ang phone niya kuya! Naiwan niya sa kama!” sabi ni Allysa kaya doon na talaga ako kinabahan“Kung ganon nasan siya?” Regina asked pero hindi na ako makasagot“What’s happening?” tanong ni Ate Maegan na kalalabas lang sa kwarto nila kasama ang fiance’ niya“Nakita mo ba si Hera, Ate?” agad kong tanong kay Ate Maegan“Hindi! Kakalabas lang namin ngayon.” nakita ko ang pag-aalala sa mata ni Ate Maegan at napamura na lang ako sa isip koGusto kong isipin na nago-over react lang ako dahil baka nasa labas lang si Hera at

  • The Billionaire's Affair Bk.7 Somewhere in my Past   Chapter 29

    Hera‘Dorina…Dorina….’Napadilat ako sa nang marinig ko ang tinig na iyon. It was so familiar at hindi ko mapigilan ang sarili ko na sundan kung saan nagmumula ang tinig na iyon.Tila ba ako hinihila ng tinig na iyon at kahit nagdadalawang isip ako ay hindi ko makontrol ang sarili ko sa pagtayo.I was aware of my surroundings. Alam ko na nandito pa ako sa resort at nakikita ko ang mga kasama ko sa kwarto na tulog na tulog na.‘Dorina…mahal ko….halika…nandito ako…”Sinundan ko ang tinig na patuloy na tumatawag sa akin. Hindi ko alam kung anong oras na pero madilim pa sa labas nang makalabas ako ng tuluyan sa villa.‘Dorina….halika…ang tagal kitang hinintay…Dorina..’Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa matanaw ko na ang dagat. Tanging ang liwanag ng buwan ang nakikita ko at naging tanglaw ko.Narating ko ang pampang at lalong lumakas ang pagtawag sa akin.‘Dorina….Dorina…halika mahal ko…samahan mo ako…’May natanaw akong pigura ng lalake na nasa tubig. Nakatalikod siya sa akin per

DMCA.com Protection Status