Malapit na tayo sa first half ng kwento. May nakaabot po ba dito na chapter?
Nagising si Mithi at nasa kwarto na siya. Bigla siyang napatingin sa pinto ng bumukas ito at nakita niya si Shamcey na may dalang nilagang baka. Naamoy niya agad ang aroma nito. “Nahimatay ka. Kumain ka muna.” Hindi siya nagreklamo dahil natakam ang sikmura niya nang makaamoy no’n. Agad siyang umupo sa kama at hinintay si Shamcey na makalapit. Mugto ang mga mata niya kaya hindi siya pwedeng umuwi na ganoon ang itsura. “Uuwi ako kay Donya Merita, Shams.” Kumunot ang noo ni Shamcey. “Bakit?” “Mukhang alam niya kasi na si mama ko ang kabit ni Kallahan. May nasabi siya sa akin noon na lapitan ko siya oras na mag-away kami ni Kallahan. Pakiramdam ko e, inaasahan na niya ang gagawin ko.” “Naniniwala ka na ba talagang kabit ni tita ang asawa mo?” “Sinusubo na sa akin ang mga ebidensya Shams. Hindi ako pwedeng magbulag-bulagan.” “Ang akin lang naman Mithi, paano kung hindi siya at nagkataon lang pala lahat?” “E paano kung siya nga?” Natahimik si Shamcey. Hindi rin niya alam kung anon
“Wife?” narinig ni Mithi ang boses ni Kallahan na tinatawag siya. Tumingin muna siya kay Donya Merita bago balingan ito ng tingin. “Kal?” ngumiti siya at tumayo para salubungin ito. “Bakit hindi mo ‘ko tinawagan?” maririnig ang pagtatampo sa boses niyo. “I’m sorry. Pinatay ko kasi ang phone ko.” Hindi nagbago ang expression sa mukha ni Kallahan. Kanina pa siya hindi mapakali na hindi niya matawagan si Mithi. Agad niya itong niyakap. “I love you so much my wife but please call me or text me kung saan ka magpunta.” Kumuyom ang kamao ni Mithi. Hindi na niya alam kung anong klaseng pagmamahal meron ang asawa niya sa kaniya ngayon. “Kumain ka na?” tanong ni Kallahan nang matapos nilang magyakapan. “Yup. Ikaw?” “Hindi pa. Gusto kong makasabay ka. Hinintay kong makauwi ka kanina e.” “I’m sorry. Dapat pala sabay tayong pumunta dito.” “It’s okay.. Tara na? Uwi na tayo?” Kinuha ni Mithi ang kamay niya na hawak ni Kallahan dahilan kung bakit agad na kumunot ang noo nito.
“Wife?” tawag ni Kallahan dahil nakatitig na lang sa kaniya si Mithi. “Is there something wrong?” he asked. “Wala. Ready ka na?” sabi ni Mithi at kinuha ang bag niya. Kinagat niya ang mariin ang labi para lang pigilan ang sarili na huwag umiyak. “Yeah.” Lumapit si Kallahan sa kaniya at pinagsiklop ang kamay nilang dalawa. Bumaba sila at naabutan pa nila si Donya Merita na nakatitig sa kanilang dalawa. “Let’s go.” Sabi nito at naunang lumabas. Sumunod si Kallahan at Mithi. Ramdam niyang pinipisil ni Kallahan ang kamay niya and she just smiled, na para bang ayos lang ang lahat kahit na hindi. Pagdating nila ng simbahan, mainit silang tinanggap ng mga tao lalo na’t isa silang pamilyang Siao. “Madam,” sinalubong sila ni Chairman Yeon. “Chairman,” mahinang sabi ni Donya Merita, habang silang dalawa ni Kallahan na nasa likuran ay bahagyang yumuko. “Masaya ako at dumalo kayo sa kasal ng apo ko.” “Hindi na rin kami makapaghintay na makitang kinasal na si Luis sa babaeng pin
Nasa bahay sila ni Donya Merita. Kasama nila si Michael na nag-aalala sa anak. Hindi niya ito kayang iwan. Nakiusap siya kanina kay Donya Merita na kung maaari sana ay pwede ba siyang isama. At pumayag ito. Hinihintay niyang magising si Mithi dahil nahimatay ito kanina. May doctor na ring pinapunta si Donya Merita para matignan si Mithi. Nang makita ni Michael na iminulat ni Mithi ang mata niya, agad siyang napatayo. Ngunit luha ang agad niyang nakita na dumaloy sa pisngi ni Mithi matapos siyang makita nito. Tumagilid siya ng higa sa kama at doon na umiyak. “Mikaela, anak…” pagtawag niya. Ngunit hindi siya sinagot ni Mithi. “M-Maiintindihan ko kung habambuhay mo ‘kong kakamuhian dahil sa ginawa ko sa mama mo.” “Dahil ba sa akin papa?” tanong niya. “Dahil ba sa akin kaya hanggang ngayon ay hindi niyo pa rin sinukuan si mama?” Maririnig ang hagolgol sa boses ng ama sa likuran niya. At nasasaktan si Mithi dahil naiintindihan niya kung bakit hindi pinakulong ng papa niya si
Tumulo ang luha sa mga mata ni Mithi. Susunod na sana siya sa asawa niya at papa nang pigilan siya ni Donya Merita.“Nagdurugo ka.” Sabi nito.Nanlaki ang mata niya at napatingin sa binti niya. Napasinghap siya at agad na kinabahan ng makita ang dugo.“L-La…” tawag niya habang ang isipan niya ay nagtataka na kung bakit siya dinugo.“DOC!” Sigaw ni Donya Merita sa doctor na siyang tumingin kanina kay Mithi.Dumating ang isang doctora na may katandaan na at lumapit sa kanila.“Dalhin natin siya sa kwarto.” Sabi nito kaya agad na tumalima ang mga bodyguards at agad nilang binuhat si Mithi para iakyat papunta sa loob ng kwarto.“La,” umiiyak na sabi ni Mithi kay Donya Merita. Sobra siyang kinakabahan. “Anong nangyayari? Paano si mama? Kailangan ko siyang puntahan.” Sunod sunod na sabi nito.“Kumalma ka hija kung ayaw mong malaglag ang anak mo sayo.”Natigilan si Mithi sa sinabi ng doctor. “A-Anak?” hindi makapaniwalang tanong niya.Hiniga siya ng guards sa kama.“Nang tignan kita kanina, a
Hindi makapasok si Ismael at Damien sa loob dahil sa mga pulis. Maraming humaharang sa kanila na mga bombero at may mga tao pa sa harapan na nagsisiiyakan. Meron ring mga pasyente na nagsisilabasan kasama ng ibang staffs, doctors, nurses at lahat. Sobrang crowded ng lugar kaya hindi sila makasingit sa unahan. Napatingin si Ismael sa gilid at nakita niya si Michael na nakatingin sa hospital na nasusunog habang may luha sa mga mata. Tumingin rin siya sa itaas at kumunot ang noo niya. Bigla niyang naalala na ang parte kung saan may apoy ay mukhang galing sa kwarto ng ina ni Mithi. “Why Dame?” tanong ni Ismael nang mapansin ang reaction ng kaibigan. “Parang sa kwarto yan kung saan nakaconfine ang mama ni Mithi.” Aniya “Huh? Sigurado ka ba?” “Oo. Pero bakit may sunog bigla sa kwarto niya?” takang tanong niya. Dahil agad nakaresponde ang mga bombero no’ng magsimula ang sunog, hindi na kumalat ng husto ang sunog sa buong hospital. Ganoon pa man, may damage pa rin itong naiwan lalo na s
NAGISING SI KALLAHAN, at tumambad sa kaniya ang balitang wala na si Angel. Labis ang gulat at pagkabigla niya sa sinabi ni Ismael.“N-No! Paano niya makikita ang ganti ko? Dapat siyang gumising!” Naghihestirikal na rin siya.At habang sinasabi niya yun, hindi man lang niya namalayan na tumulo ang luha sa mata niya.Galit na tumayo si Kelleon at sinuntok siya kaya napasigaw si Gela.“KELELON!” Saway ni Damien at Milandro.“I admit wala akong alam sa buhay mo. But I knew your wife and she’s the best. Akala ko pa naman Kallahan matalino kang tao but you disappoint me! Ang tanga mo!” Galit na galit ito.“Anong sabi mo?” galit na tanong ni Kallahan sa kaniya.“Bakit mo pinakasalan si Mithi? Because she reminded you of her mom?”“You don’t know anything!” puno ng gigil na sabi ni Kallahan.“Hindi nga. But I know for sure na ang b0b0 mong tang.ina ka! This is your house pero may Mithi bang dumating?”Nanlaki ang mata ni Kallahan at napatayo. “Where’s Mithi?” tanong niya.“Hindi namin alam, Ka
Lumapit si Donya Merita kay Mithi habang si Michael naman ay agad na inasikaso ang dala niyang pagkain.“Kumakain ka ba ng tama?”“Opo la.”“Mabuti naman.” Umupo si Donya Merita sa tabi niya. “Simula ngayon, ang isipin mo nalang ay ang kapakanan mo at ng baby ah?”“Opo. At salamat po pala. Nasabi ni papa na binayaran mo raw lahat ng bills ko dito. Nakakahiya po.”“Naku hija. Bakit ka mahihiya dahil responsibilidad na rin kita. Hindi mo kailangan mag-alala kasi kahit pa siguro mamatay ako, mabubuhay kayo ng anak mo. Nakasuporta ako sa inyo.”Lumabi si Mithi. “Huwag niyo pong sabihin yan, la. Ayoko naman may mangyaring masama sa inyo.”Napatitig si Donya Merita sa kaniya. Marahan niyang hinagod ang buhok ni Mithi.“Hay naku! Kung nalaman ko lang noon na may isang kagaya mo, inuwi ko na sana si Kallahan sa Pinas ng sayo na siya umibig kaagad.”Nagbaba ng tingin si Mithi. Nagluluksa pa rin sila sa sinapit ng mama niya. Sinusubukan niya lang maging malakas dahil sa baby.Malaking factor rin