Around 6 pm po ang sinabi kong next update. Hehe. Not exactly 6 pm. Heto po ang UD.
Hindi makapasok si Ismael at Damien sa loob dahil sa mga pulis. Maraming humaharang sa kanila na mga bombero at may mga tao pa sa harapan na nagsisiiyakan. Meron ring mga pasyente na nagsisilabasan kasama ng ibang staffs, doctors, nurses at lahat. Sobrang crowded ng lugar kaya hindi sila makasingit sa unahan. Napatingin si Ismael sa gilid at nakita niya si Michael na nakatingin sa hospital na nasusunog habang may luha sa mga mata. Tumingin rin siya sa itaas at kumunot ang noo niya. Bigla niyang naalala na ang parte kung saan may apoy ay mukhang galing sa kwarto ng ina ni Mithi. “Why Dame?” tanong ni Ismael nang mapansin ang reaction ng kaibigan. “Parang sa kwarto yan kung saan nakaconfine ang mama ni Mithi.” Aniya “Huh? Sigurado ka ba?” “Oo. Pero bakit may sunog bigla sa kwarto niya?” takang tanong niya. Dahil agad nakaresponde ang mga bombero no’ng magsimula ang sunog, hindi na kumalat ng husto ang sunog sa buong hospital. Ganoon pa man, may damage pa rin itong naiwan lalo na s
NAGISING SI KALLAHAN, at tumambad sa kaniya ang balitang wala na si Angel. Labis ang gulat at pagkabigla niya sa sinabi ni Ismael.“N-No! Paano niya makikita ang ganti ko? Dapat siyang gumising!” Naghihestirikal na rin siya.At habang sinasabi niya yun, hindi man lang niya namalayan na tumulo ang luha sa mata niya.Galit na tumayo si Kelleon at sinuntok siya kaya napasigaw si Gela.“KELELON!” Saway ni Damien at Milandro.“I admit wala akong alam sa buhay mo. But I knew your wife and she’s the best. Akala ko pa naman Kallahan matalino kang tao but you disappoint me! Ang tanga mo!” Galit na galit ito.“Anong sabi mo?” galit na tanong ni Kallahan sa kaniya.“Bakit mo pinakasalan si Mithi? Because she reminded you of her mom?”“You don’t know anything!” puno ng gigil na sabi ni Kallahan.“Hindi nga. But I know for sure na ang b0b0 mong tang.ina ka! This is your house pero may Mithi bang dumating?”Nanlaki ang mata ni Kallahan at napatayo. “Where’s Mithi?” tanong niya.“Hindi namin alam, Ka
Lumapit si Donya Merita kay Mithi habang si Michael naman ay agad na inasikaso ang dala niyang pagkain.“Kumakain ka ba ng tama?”“Opo la.”“Mabuti naman.” Umupo si Donya Merita sa tabi niya. “Simula ngayon, ang isipin mo nalang ay ang kapakanan mo at ng baby ah?”“Opo. At salamat po pala. Nasabi ni papa na binayaran mo raw lahat ng bills ko dito. Nakakahiya po.”“Naku hija. Bakit ka mahihiya dahil responsibilidad na rin kita. Hindi mo kailangan mag-alala kasi kahit pa siguro mamatay ako, mabubuhay kayo ng anak mo. Nakasuporta ako sa inyo.”Lumabi si Mithi. “Huwag niyo pong sabihin yan, la. Ayoko naman may mangyaring masama sa inyo.”Napatitig si Donya Merita sa kaniya. Marahan niyang hinagod ang buhok ni Mithi.“Hay naku! Kung nalaman ko lang noon na may isang kagaya mo, inuwi ko na sana si Kallahan sa Pinas ng sayo na siya umibig kaagad.”Nagbaba ng tingin si Mithi. Nagluluksa pa rin sila sa sinapit ng mama niya. Sinusubukan niya lang maging malakas dahil sa baby.Malaking factor rin
Sunod sunod na tinapon ni Kallahan ang mga gamit niya na nasa loob ng study room. Napapikit ang mga katulong dahil sa gulat. Kahit si Shy ay napapikit rin ngunit piniling panatilihin na kumalma. “MGA WALANG SILBI!”Sigaw ni Kallahan sa mga taong nasa harapan at iyon ang naabutan ni Donya Merita. Nasa sala pa lang siya pero rinig na rinig na niya ang mga pagmumura ng apo niya sa itaas.Nagmamadali siyang umakyat sa itaas. At nakita niya si Kallahan na pinapagalitan ang mga taong inutusan niya para hanapin si Mithi.Of course, wala silang mahahanap dahil sinisigurado niyang hindi matutunton ng mga tauhan ni Kallahan kung saan nagpunta si Mithi. Hindi nga nito alam na nasa hospital pa ito at nagpapahinga dahil nagdadalang tao.Tumingin siya sa ginawa ng apo niya at doon niya napagtanto na tama lang na hindi niya sabihin ang tungkol sa dinadala ni Mithi.“What are you doing here?” galit na tanong ni Kallahan kay Donya Merita.“I’m here to watch how miserable you are.”Tinignan siya ng ma
Matapos ang isang linggo, maayos na si Mithi at nakakalakad na siya. Handa na rin siyang umalis kasama ng papa niya.“La, salamat po sa lahat ng tulong niyo.” Sabi ni Mithi.“Walang anuman.” Sagot ni Donya Merita na may ngiti sa labi.Yumakap si Mithi sa kaniya bago siya sumama kay Connor na siyang maghahatid sa kanila ng papa niya sa pupuntahan nila.Si Donya Merita naman ay nagpahatid sa driver niya papuntang airport. Tumingin siya sa likuran at may nakita siyang dalawang tao na nakaupo sa backseat na agad nagbigay galang sa kaniya.“Magandang araw po Madam,” sabi nito.Tumango lang siya at umupo na katabi ng driver.Inabot sila ng isang oras bago nakaabot ng airport. Pagpunta nila doon, agad niyang hinarap ang dalawang kasama niya na siyang nakasakay sa backseat kanina. Agad niyang inabot ang dalawang passport na hawak niya.“Salamat sa inyo.” Sabi niya.“Salamat rin po Madam,” saad ng dalawa at umalis na.Umupo si Donya Merita habang nakatanaw sa dalawang tao na sasakay ng eroplano
Napatingin si Mithi sa labas habang binabaybay nila ang daan papunta sa lilipatan nila ng papa niya. Si Connor ang nagmamaneho ng sinasakyan nila ngayon.“Are you okay, anak?” tanong ni Michael. “Nag-aalala ka ba kay Kallahan?” he added.“Hindi pa.” Pagsisinungaling niya. Alam niyang plinano ni Donya Merita na palabasing umalis siya ng bansa para sundan siya ni Kallahan sa America. Kahit na ang totoo ay nasa Pilipinas lang sila. Sa isang malayong probinsya lang.Tumingin si Connor sa kaniya sa salamin at napailing.“Hindi mo kailangang mag-alala, anak. Dahil papalakihin natin ang baby mo ng magkasama. Hindi mo kailangang mangamba na wala siyang papa dahil ako ang tatayong papa at lolo niya.”Ngumiti si Mithi sa papa niya.“And you don’t have to worry too dahil nangako si lola na tutulungan ka niya. And besides, apo niya rin ang baby mo and same goes to me na pamangkin ko siya.”Payapa ang kalooban ni Mithi dahil alam niyang may mga tao siyang masasandalan. “Salamat sa inyo,” ang sabi n
"Let go of me, Kallahan. Kung galit ka, huwag mo sa akin ibunton ang galit mo. In the first place, ikaw ang nagkamali. Mas inuna mo mama niya e kesa sa kaniya." Inirapan siya ni Gela matapos siya nitong bitawan. No matter what they do, alam niyang mahihirapan silang hanapin si Mithi. Wala pa siyang kilala na kayang maisahan ang isang Merita Siao. Kaya para lang silang naghahanap ng isang butil ng asukal sa nagkukumpulang asin. Umalis si Kallahan. Wala namang pakialam si Gela kung galit ito sa kaniya. Basta sinabi niya ang gusto niyang sabihin. "Iba ka Mithi. Malakas ang kapit mo. Kung sabagay, lolo at lola nga niya ang tamang tao na pwede mong hingan ng tulong kung gusto mong taguan ang isang Kallahan." Sabi ni Gela sa kawalan.Maya-maya pa, si Ismael naman ang pumasok sa kwarto niya. Agad siya nitong hinawakan sa kamay.“Ano bang sinabi mo kay Kallahan?” tanong ni Ismael sa kaniya.“Sinabi ko lang ang kabob0hang ginawa niya. Kung gusto niya palang manatili si Mithi sa kaniya,
“Kal, yes…” agad na lumapit si Gela at yumuko sa harapan niya. “We’re going to help you. Kaibigan mo kami e,” sabi niya.Lumapit rin si Ismael. Lihim niyang pinunasan ang luha sa mata niya at tumabi kay Kallahan. “We’ll find her. Tutulungan ka namin, Kal. Fvck. We’re not just your friends. Matagal mo na kaming kasama, kapatid na ang turing natin sa isa’t-isa.”Ismael is not vocal to his feelings pero gusto niyang iparamdam kay Kallahan kung anong gusto niyang sabihin.He treated Kallahan as his brother. Kaya nasasaktan rin siya na hindi ito kailanman nagsabi ng saloobin nito sa kanila.May suspetya siya kung bakit hindi nag open-up si Kallahan. Silang tatlo lang ang magkakaibigan sa Venice dahil si Milandro ay naiwan sa Pinas.And at the time, hindi na nila kaibigan si Kelleon at Damien.At kapwa sila lalaki ni Kallahan. Hindi sila kailanman nagsasabihan ng problema sa buhay. So he thought all along na maayos lang ito. Na okay lang si Kallahan.But he was wrong….And as for Gela, hindi