แชร์

PAANO AKO?

The media that came to Oswald's restaurant last time, asking for forgiveness. Hindi na raw nila uulitin iyon. Para namang gagawin ni Oswald ang sampahan sila ng kaso.

Oswald knows how to use his power. Ka- dikit naman na ng trabaho namin ang mga paparazzi, they won't earn without news from us.

Pareho lang kaming natawa ni Oswald habang binabasa ang email sa kaniya ng mga reporter maging ang company nila. We're currently on his office at Pasay City for the shoot.

"Congratulations, Beatrice! Ang ganda- ganda ng new song mo talaga," puri sa akin ng isa sa mga staff ni Oswald. 

"Thank you! Hope you guys will support me untile the end," I said sincerely bago ako magpalit ng isusuot. 

Imo-model ko lang naman 'yong pagkain na bagong labas sa menu nila. Dalawa kami ni Oswald ang magka-partner, siya lang dapat kaso nagpumilit pa siya na isama ako. We wore a chef attire. 

The photographer are amazed to us. Saglit lang natapos ang shoot dahil hindi naman sila nahirapan sa 'min. Sa mga ganito, alam na namin ni Oswald ang gagawin kaya hindi na kami nahihirapan. 

We enjoy what we do and it's convenient to us. 

"Let's go, tastes our new food here as my pay to you." Humalakhak siya. 

Okay lang naman sa 'kin kahit hindi na niya 'ko bayaran. Para saan pa ang pagkakaibigan namin, 'di ba? I love our relationship right now, hindi mahirap gustuhin ang isa't-isa but we know our limitations towards to each other. 

Naghanda siya ng upuan para sa 'kin. Habang naghahantay kami ng pagkain, mayroong nagpapa- picture sa 'kin o sa 'ming dalawa. 

"Ganda- ganda niyo po pala talaga." Nakangiti nitong puri. 

Pinaalis na lang sila ni Oswald nang dumating na ang pagkain. Sinuway ko pa nga dahil strikto niyang pinaalis ang mga 'yon. 

"We should take a photos together, right? Stop scolding me!" Oswald complained. 

 

I rolled my eyes bago pa 'ko tumingin sa camera ng cellphone niya. Nagpa- picture din ako gamit ang cellphone ko. Nag- C.R pa 'ko saglit nang matapos naman ako, nag- abot siya sa 'kin cheque. 

"Panget mo ka-bonding, you don't need to pay me," tanggi ko. 

"Work is work, Amity. You won't accept this or I will give it to your boyfriend?" he threatened. 

Wala na 'kong nagawa kung hindi ang tanggapin. Kung ibibigay niya 'yan kay Gavin, mapupunta lang 'yon sa wala-- puro alak at luho lang. Umuwi agad ako pagtapos ng bahay para makita si Lola Esperanza. 

"Lola, guess what? I brought something for you!" masaya kong litanya bago siya yakapin nang mahigpit. 

Sa yakap na nadama ko sa maraming tao, kay Lola Esperanza ang paborito at hinahanap-hanap ko. Siya ang buhay ko kaya ang lahat ng ginagawa ko para sa kaniya. 

Nagpadala si Oswald para kay Lola kaya tuwang-tuwa siyang kainin. 

"Hindi talaga ako kinakalimutan ni Oswald hindi gaya ng nobyo mo," ito na naman kami ni Lola, nakakalimutan siguro na nandito si Gavin. 

"La, nandito po si Gavin baka marinig kayo," suway ko. 

"Anong nandito? Umalis 'yang nobyo mo! Hindi nga nagpaalam sa 'kin, sabihin mo nga kung matino 'yan, sabi ko naman kasi sa 'yo wala kang mapapala sa lalaki na 'yan," sermon ni Lola. 

Sa tuwing napapasok talaga ang ganiyang usapin, gusto ni Lola na mahiwalay ako kay Gavin. Hindi ko naman kayang gawin iyon, hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit, may kung ano kasing pumipigil sa 'kin. 

Tumingin ako sa cellphone ko kung may text ba si Gavin na aalis siya, wala naman. Kapag ako kailangang magpaalam sa kaniya, huh. 

"Lola, relax yourself. Don't stress yourself to us po, baka kung ano pa ang mangyari. Kukuha lang ako ng gamot mo, ha." Tumayo na ako para humingi ng gamot sa katulong. 

Mga ganoong topic talaga ang iniiwasan ko sa 'min ni Lola, baka atakihin kasi siya ng sakit niya kaso hindi naman niya maiwasan na sabihin at paalalahanan ako tungkol kay Gavin. 

Maybe if the right time comes, I can let go him. 

"Manang Zita, nagsabi po ba si Gavin sa inyo kung saan siya pupunta?" tanong ko sa pinakamatandang kasambahay namin.

Napakamot siya sa ulo niya. "Naku, Madam! Hindi po, tuloy- tuloy nga lang po ang alis niya."

Tumango na lamang ako, maybe he went home to their house or went somewhere else yet he didn't tell me where. Matanda naman siya kaya alam niya na.

 

Sinamahan ko lang si Lola na maubos 'yong kinakain niya bago ako bumalik sa trabaho at nag- promote ng mga product na in-endorse ko. Being an actress is a biggest thing that happened to my life. 

It changed the yesterday-- it changed my life na akala ko hindi na 'ko makakaalis sa kahirapan. But now, I did. Kaya ko na maibigay kay Lola ang gusto niya. 

"Ako na naman ang napili mong inisin?" tanong ko kay Oswald sa kabilang linya, kunwaring naiinis. 

Nagulat na lang ako sa kalagitnaan nang pagbibihis ko, nakasuot pa nga ako ng towel at tumunog ang cellphone ko dahil tumawag pala siya. 

"I saw your boyfriend here, Babe. He's with his friends, I guess? He was with the other girls here. Are you aware?" 

Nagsumbong pa nga. Nasa bar siguro siya ngayon dahil sa ingay ng background niya. Kaya nakipag- videocall na lang ako para makita ko kung totoo talaga. Maloko pa naman minsan ang lalaki 'to. He was wearing his black polo with three unbutton on top and his one hand holding a glass of alcohol drinks. 

Kumikinang ang pierce na mayroon siya tenga na mas nagpadagdag ng pagiging attractive niya. 

"U- uh, just don't talk him baka ano... mga kaibigan niya lang 'yan," pampalubag loob ko sa sarili kahit na ang totoo ay may kandong na babae si Gavin. 

"The fuck, Amity. Hahayaan mo lang siyang ganiyan?" masungit na tanong sa 'kin ni Oswald. 

"Alam mo, Oswald? Mambabae kana lang diyan... hayaan mo 'yan." Pinatay ko na ang tawag dahil alam kong sesermonan niya lang naman ako. 

Mabuti pa si Gavin malayang gawin ang mga ganoong bagay. Hindi man lang nagsabi kung saan pupunta, mabuti na rin iyon at least makakapagpahinga ako ng maayos dahil walang maingay. Maingay kasi iyon kapag naglalaro. 

Hindi naman ako nakakaramdam ng selos, siguro manhid na talaga ako pagdating sa ganiyan.

"Bakit po?" tanong ko kay Manang Zita nang kumatok sa pinto. 

"May tao po sa labas, Ma'am. Ayaw pong pumasok kapag hindi raw po kayo ang magpapapasok." 

Hindi ko man kilala kung sino iyon dahil ayaw banggitin ni Manang, lumabas pa rin ako. Sumilip muna ako sa kwarto ni Lola kung tulog na siya at saka hinalikan ang pisngi niya. 

Lumabas na ako ng bahay namin at nakita ang sasakyan ni Oswald. Binuksan ko ang gate para labasin siya. 

"Ano na naman ang pakulo mo? Akala ko ba nasa bar ka?"

"Bawal ba bumyahe papunta rito?" sarkastiko niyang tanong sa 'kin. "Are you upset now?" seryoso niyang tanong sa 'kin. 

Naglakad ako palapit sa kaniya at sinandal din ang likod sa kaniyang sasakyan. "Hindi naman, hindi lang kasi siya nagpaalam. Kapag ako, kailangan updated siya." 

Nabalot kami nang katahimikan. Hindi madilim dito sa labas dahil may ilaw sa bawat poste at kami na lang dito sa labas. 

Natatakpan ng pabango niya, ang amoy ng alak sa kaniyang katawan. "I don't get it why you can't breakup with him, Amity. Yet, I can't force you. I went here just to check on you. May shoot pala tayo bukas." 

Hindi ko lang talaga katambal 'to si Oswald kung hindi best friend na rin. He always check on me whenever I feel upset or not okay. Palagi niya 'kong dinadamayan sa problema ko. 

"May shoot nga tayo tapos nakuha mo pang uminom. Himala wala kang nakuhang babae ngayon," pang-aasar ko sa kaniya. 

"Ano ka pala? I'm hiatus today... hindi ako makapili kung sino." Pareho kaming humalakhak sa sinabi niya. 

Nahinto lang nang may dumating na pamilyar na sasakyan-- ang sasakyan ni Gavin. Napatingin ako kay Oswald at hinipo niya lang ang balikat ko. 

Lumabas si Gavin ng sasakyan niya, napahinto nang makita kami. He looks drunk. 

"Oh, bakit nandito 'yang mokong na 'yan?" inis na tanong ni Gavin. 

"Napadalaw lang siya... kasi ano--" hindi ko matuloy ang sasabihin ko dahil nagsalita na naman siya. 

"Trabaho na naman? Palagi namang ayan 'yang rason mo, Esther. Bullshit! Nakakasawa na, paano naman ako?"

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด

DMCA.com Protection Status