Share

HINANAKIT

"That was not good, Gavin. He's a good friend of mine. And if you will know the reasons why he went here, baka tumahimik ka riyan." Sermon ko sa kaniya. 

Alam ko naman na masakit sa parte niya, pero ano'ng magagawa ko? Kahit naman gusto kong tapusin ang mayroon kami, ayaw niya at natatakot din ako na sabihin ulit iyon sa kaniya. 

"Palagi mo talagang pinagtatanggol ang lalaki na 'yan, Esther! May napapala kaba riyan?" sigaw niya. 

"May napapala ka sa kaniya!" sigaw ko pabalik. "Sa materyal na bagay na mayroon ka, may parte siya. Wala ako sa kung nasaan ako ngayon, kung wala siya, Gavin." 

Nakakasawa na ang ganitong senaryo naming dalawa. Iyong tenga ko kulang na lang mabingi para hindi ko marinig ang mga sigaw niya. Hindi ito maririnig ni Lola Esperanza sa baba naman ang kwarto niya at makapal ang pader namin. 

"Fine! Whatever, Esther. Matutulog na lang ako, buti pa sa labas nararamdaman iyong kasiyahan, bullshit." Padabog niyang sinabi. 

Tama ka, sa labas ko lang din nahahanap ang kasiyahan na hindi ko makita sa 'yo. Hinantay ko lang siyang matulog. Bumaba muna ako para uminom ng gatas at mag-scroll sa feed ko. 

I took out the milk from the ref and filled my glass, I put some ice para malamigan ako kahit papaano. Gusto ko sanang maligo sa pool kaso masiyadong malamig ang tubig. 

"Bagay na bagay talaga silang dalawa." 

"Love team na real couple, grabe ang chemistry." 

I've read some comments in Oswald posts. He tagged me that's why I was flood in notifications even in the messages. Bukod sa papuri nila sa chemistry namin ni Oswald, binati rin nila ako dahil sa bagong endorsement. 

"Apo, bakit gising kapa?" Nagulat ako sa boses ni Lola, kaya ginawi ko kung saan nanggaling iyon. 

"Lola, aatakihin ako sa puso niyan." Tinanggal ko ang hawak sa dibdib ko at tumayo para alalayan siyang maglakad. 

"Kaya ko pa naman maglakad. Ikaw talaga, ginagawa mo akong ugod ugod na." Natawa ako sa sinabi ni Lola. 

Tumabi rin siya sa inuupuan ko kahit medyo mataas para sa kaniya. I was just quiet but I know that she was observing me. Wala naman ng ibang makakakilala sa 'kin, kung hindi itong nasa harap ko. 

"Ano'ng problema? Nag-away kayo  ni Gavin?" tanong niya ngunit hindi niya na 'ko hinantay sumagot. "Apo, magsawa ka man sa sasabihin ko, pero hindi talaga mabuti ang nobyo mo para sa 'yo." 

Bumuntong hininga ako. Paulit- ulit sinasabi 'yan sa akin ni lola, pero siguro nga manhid at tanga na 'ko. Hindi nga ako makahanap ng salita para sa sasabihin ko dahil alam ko sa sarili ko kung totoo ba 'to o hindi. 

"La, masaya po ako kay Gavin... at kung hindi po kami para sa isa't- isa huwag ka pong mag- alala, hindi ko po pipilitin," paalala ko sa kaniya. 

Ngumiti siya sa 'kin nang malungkot, ang mga mata ay nag- aalala. Bakit ba kasi napakapasaway ko pa rin sa kaniya? Sorry, Lola. 

I drank my milk before I sleep beside Lola. Yet, I couldn't sleep. I just wait for her to close her eyes at kusang na lang akong nakatulog, nauna pa ata ako sa kaniya nakatulog. 

"Good morning, babe!" Nakabungad ang mukha sa akin ni Gavin at nasa kwarto na ako. 

He was acting like there's nothing happened last night. He prepared a breakfast and put it on the table with design. 

Alam ko na 'to, ganito siya palagi dahil palagi kaming nag-aaway. He would apologize to me. Hindi pa ako nakakabangon ay sinalubong niya agad ako ng halik, same like before, seems like we did not fight. 

Inaliwalas ko ang aking mukha dahil good mood siya. "Good morning!" I kissed his cheeks. 

"I've prepared a breakfast for the both of us, babe. Hindi pa 'ko nakakapag-mouthwash dahil hinahantay talaga kita, so, let's go?" I nodded to him. 

His gestures was new to me unless he will ask me for something. Kinikilig dapat ako pero wala akong maramdaman na kung hindi ang kasiyahan dahil wala siyang topak ngayong umaga. 

"Ahm, I will check for lola," paalam ko bago muna kumain but he held my hand right away. 

"Eat our breakfast first, babe. I'm sure Zita prepared for her." Bumuntong hininga siya, labag man sa loob ko nagpadala na ako sa hatak niya. 

I was holding my phone and went to my stan account on twitter. Mamayang tanghali pa naman ang shoot ko after lunch. Awhile browsing on my feed, nag-uusap kami ni Gavin. 

"Do you have shoot today, babe?" he asked. 

I gave him a look. "Yes. Actually, I will   wash myself after this." Ganoon na lang ang pagkatahimik ko nang makita ang isang litrato na ni-retweet ni Oswald sa fan account niya. 

It was a video of Gavin wherein he was kissing wildly the girl, bukod pa ang babae na ipinakita sa akin ni Oswald kagabi. Marami na itong likes at retweet. 

Maybe this is the reason why he was so sweet to me. 

"Babe, nakikinig ka ba?" 

"My mind is preoccupied with this picture, Gavin." Nagbuga ako nang mabigat na paghinga bago itutok sa kaniya ang screen. "Seriously? You have kissed that stranger girl, unless you were doing something behind me!" 

Instead to eat, I stood up in my sit and distance myself from him. Alalahanin ko pa lang ang labi na dumampi sa akin kanina ay naramdaman ko na ang pagkirot ng puso ko. 

Hindi ba't ayaw ko rin namang hinahalikan niya ako kung saan-saan ngunit bakit ako nasasaktan? God, Amity! 

"Am I?" sarkastiko siyang tumingin sa akin bago padabog binaba ang mga kubyertos.

"Eh, bakit ka humahalik ng iba?" 

"Nakakatawa ka, Esther Amity!" Pagalit niyang hinilot ang kaniyang sentido. 

Something in his eyes would burst his anger in just minute. Paatras akong naglakad palayo sa kaniya dahil ang mga tuhod ko ay nanginginig na. 

"Bakit... huwag mo 'kong sasaktan, huwag mong susubukan," banta ko nang i-ready niya ang mga palad niya sa ere. 

Natauhan siguro siya kaya niya binaba. "You are really the best actress, Esther. Nagtataka ka kung bakit ako humahalik ng babae, ha? Bakit ikaw, diyan sa loveteam kuno mo, ilang beses kana ba niyang kinama, kaya ayaw mong halik-halikan kita?" ang bawat salita ay parang hinuhusgahan ako, na para bang totoong halik ang bawat eksenang nakikita niya sa mga palabas. 

Some were true, ang iba naman ay dala lang ng anggulo ng camera. My eyes are full of water-- tears that about to fall. 

"Trabaho ko iyon, Gavin. That was just act!" sigaw ko sa kaniya. 

"Eh, bakit big deal sa iyo ang paghalik ko sa babae, huh?" sigaw niya pabalik. "Trabaho? Kasama ang pagtawag niya ng babe sa iyo trabaho na rin? Endearment natin 'yon, eh. Walang kuwentang rason, Esther!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status