Ang lahat ng mga muwebles dito ay inayos nina Sapphire at ng kanyang lolo, at inakala niyang nakalimutan na iyon ni Dexter. Biglang sumulpot sa kanyang isipan ang mga alaala ng nakaraan. Matagal siyang natigilan bago marahang umusad ang kanyang mga paa at dahan-dahang naglakad sa pulang alpombra.
Alam naman niyang ayaw na sa kanya ni Dexter. Kung patuloy siyang gagawa ng gulo, siya rin ang magdurusa sa huli. "Sigurado ka bang ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Delia sa kanya habang nakakunot ang noo. Lumapit ito para tulungan siya na makatayo. Sa kauna-unahang pagkakataon, nakaramdam si
Lalong dumilim ang ekspresyon ni Dexter. Nang magsasalita na sana siya, napansin niyang kumurap si Liam na parang nagtataka, saka tumingin sa direksyong ni Sapphire at nagsalita sa isang napakacute na tinig, "Bakit hindi puwedeng sabihin kay Daddy? Narinig na ni Daddy." Nang marinig ang sinabi ng
Sa ilalim ng matinding presensyang dala ng lalaki, dahan-dahang inayos ni Sapphire ang nagugulo niyang isipan at ang mabilis na tibok ng kanyang puso na k0tambol ng tambol sa kanyang dibdib. Nang muli siyang tumingala, isang matamis na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi, at iyon ang nakita ng d
"Sundan mo ako." sabi ni Ezekiel sa kanya, sabay hawak sa kanyang kamay, at itinago siya nito sa likuran upang hindi siya masagi ng ibang naglalakad.Habang naglalakad, tahimik lang siyang nakatingin sa lalaki. Pinagmamasdan niya ang likuran nito. Hindi niya akalaing ganitong klase ng tao ang kanyan
Sa mga sandaling iyon, malapit nang matunaw ang ice cream. Ang lamig na nagmumula sa balot nito ay nagdulot ng pamumutla sa palad ni Sapphire, nawala ang pink na kulay at naging kasing-puti ng kanyang balat. Maganda itong tingnan, ngunit hindi maitatangging may bahid ng karamdaman. Marahil ay nasas
Maya-maya, mahina at tila nagmumuni-muni si Liam, "Magaan naman siguro ako, pero pagod na rin si Sapphire… mas mabuti pang maglakad na lang ako." Bahagyang lumambot ang ekspresyon ni Ezekiel at binitiwan ang pagkakahawak sa sombrero ng bata. "Mabait ka talagang bata." nakangiti niyang puri sa kanya
Mabilis siyang tumingin sa direksyon ni Liam at nakita niyang masayang kinakain ng bata ang takoyaki at umiinom ng mainit na tsokolate. Nang makitang abala ang bata, dahan-dahan siyang yumuko at lumapit sa baso upang s******p. Ngunit ang lasa ng taro ay malinamnam at matamis—ito pa rin ang lasa na
Masama ang loob niya, at ramdam niya ang galit sa kanyang puso. Napatingin sa kanya ang lahat. Noon niya lubusang naisip kung ano talaga ang layunin ni Antonio sa pag uwi nito. Ang matandang luko lukong ito! bagay ngang maging biyenan ni Emerald. Simula nang personal na ibigay ng matandang ginang s
Biglang nawala ang magaan na pakiramdam sa paligid ng dumating si Ezekiel. Bumigat ang hangin na parang nagbabadya ng isang gulo.Kalmado at mahinahon si Antonio kapag kasama niya ang matandang Briones. Kaya niyang kontrolin ang kanyang sarili, subalit ang presensiya ni Ezekiel ang nagpabago sa kany
Ang mga hindi makatarungang salita ay patuloy pa ring umalingawngaw sa kanyang isipan, at hindi niya mapigilang magtanong sa sarili kung mali lang ba ang kanyang narinig. Anak rin siya ng babae, kaya paano nito nagagawang maging ganito kalupit sa kanya? Diretsong iniwasan ni Delia ang tingin ni Sa
Kahit na lubos nang nawalan ng pag-asa si Sapphire sa pagmamahal ng kanyang pamilya, hindi niya pa rin napigilan ang muling masaktan nang makita niya ito mismo ng kanyang mga mata. Ang lantarang pagtatakwil sa kanya ng sarili niyang pamilya. Hindi pinalampas ni Emerald ang anumang pagkakataon upang
Uminom ng tsaa si Laurice at sinamantala ang pagkakataon upang ibato ang lahat ng sisi kay Sapphire, nagrereklamo, "At hindi ko alam kung anong nangyari sa pagpapalaki ng pamilya nila kay Sapphire. Magkaiba ang mga personalidad ng dalawang anak nila. Maganda at may magandang katawan si Emerald. Ngay
Si Sapphire ay malamig na nakamasid, may halo-halong emosyon—pagkadismaya at ang kagustuhang matawa. Nagiging katawa tawa na ang pagsasama nila ni Dexter at ang pagiging makapal ang mukha ni Emerald. Ang tanging tao na makakapaglarawan ng panghihimasok ng isang third party sa isang relasyon bilang
'Naku ,Dexter! oh kawawang Dexter.. hanggang ngayon ay itinuturing mo pa ring isang magandang bulaklak ang Emerald na yan.' Masayang binuksan ni Ara ang pinto ng sasakyan, tumakbo papunta kay Emerald, at yumakap dito habang naglalambing, "tita Emerald, sabi ni Daddy hindi ka makikipaglaro sa akin s
Ilang simpleng salita lamang ang madaling nakakuha ng pabor ni Sapphire. Hindi alintana kung mula sa puso ni Antonio ang mga papuring iyon, mas mabuti pa rin iyon kaysa kay Laurice na palaging minamaliit siya. Wala na siyang ginawang tama sa kanyang biyenang babae. Lalo na nang mabanggit ni Antoni
Halos mapatawa si Sapphire sa inis. Sa halip, inilipat niya ang tingin at malamig na pinagmasdan ang gwapong mukha ni Dexter. Hindi niya akalain na ganito kakapal ang mukha ng lalaking ito. "Dexter, uminom ka ba ng maling gamot? Ako si Sapphire, hindi si Emerald. Huwag kang magkunwari sa harap ko.