Home / Romance / The Bastard Billionaire / Prologue-The beginning

Share

The Bastard Billionaire
The Bastard Billionaire
Author: Anne_belle

Prologue-The beginning

Isang mabuting Anak Si Ice sa Kaniyang Ina. Hindi niya ito binibigyan ng sakit ng Ulo. Maaring Kapus sila sa ibang bagay pero nasisigurado ng kaniyang Ina na hindi niya ito mararamdaman. 

Buong oras niya ay nakatutok lamang sa pag-aaral, Uuwi ng bahay galing school, kakain at mag aasikaso ng sarili at muli siyang mag-aaral. Gustuhin man niyang tumulong sa kaniyang ina ngunit ito naman ang ayaw. Gustuhin man niyang lumabas at maglaro na lang kasama mga bata ngunit wala man lang kakilala sa kanilang lugar, kaya pinili niya na lang mag-aral sa loob ng bahay para sa ikasisiya na rin ng kanyang Ina. Consistent Top Student naman siya kahit palipat-lipat sila ng tahanan. 

Sa kabilang banda naman ay isang pamilyang nagsasalo-salo sa hapag-kainan ngunit hindi naguusap. Isang babae ang halos lumuwa ang mata sa inis dahil sa nalaman nila, ang isa naman ay masayang masaya habang ang dalawa namang tao na naroon ay walang paki-alam at nagmamadaling pumasok. 

"Two weeks pa naman iyon, wag kayong masyadong excited " wika ng babaeng walang pakialam kanina 

Nagkatinginan naman ang mag-ama ngunit nagkibit balikat lang sila at walang sinabi 

"Bakit kasi kailangan pang paghandaan ang pagdating niya. Pwede naman siyang dumating lang at magtrabaho sa kompanya. Bakit kailangan paghandaan. " wika ng babaeng kala mo'y inagawan ng Lollipop

"Isa siyang sikat na artista at model sa U.S malamang dapat pinaghahandaan dahil kung hindi pamilya natin magmumukhang tanga sa media. Mag-isip ka nga " sabi ng isang babae na kanina ay di makapagsalita dahil sa pagmamadaling kumain 

"Busog na ako, Mauna na ako sa inyo. Bye" Paalam niya sabay kinuha ang bag sa kabilang table

Ito ang pamilya Villanueva.

Respetado at kinikilalang pamilya ang mga Villanueva pagdating sa mga negosyo. 

Si Jan ang panganay sa kanilang limang magkakapatid. Matalino siya at maaring sumunod sa yapak ng kanilang ama. 

Si May naman ang pangalawa at tinaguriang matandang dalaga sa pamilya. Sa edad ng mid 30's ay hindi man lang ito nagpakilala ng nobyo sa kanilang pamilya. 

Si Aira naman ang so called perfect child sa kanilang magkakapatid, Ngunit siya ay hindi matanggap ng kaniyang ina. Lagi niyang ginagawa ang lahat ng makakaya niya para maging proud sila sa kaniya. Maganda, Honor student, Student leader At consistent validictorian. Isa din siya sa laging pinag-uusapan na bagay pumalit sa pwesto ng kaniyang ama ngunit hindi ito matanggap ng kaniyang ina.

Ang sumunod naman ay si Ken, isang rakista at atleta. Happy go lucky at masaya kasama. Siya ang laging kasama ni Aira sa lahat ng gagawin. Isa din siya sa laging humahanga at pumupuri sa ate niya. Idol niya ito ngunit lagi siyang pinapalayo ng kaniyang ina kaya lumayo na lang siya sa lahat.

Sikat na Model, artista at endorser naman si Miere short for Meriam hindi nga lang sa pilipinas ngunit sa ibang bansa kaya bata pa lang siya at independent ng naninirahan sa U.S. Hindi siya sanay sa atensyon ng kaniyang magulang dahil ang mga ito ay malayo sa kaniya at sobra-sobrang atensyon nakukuha niya sa ibang tao.

Si Mrs. Samantha Naman ang ina ng tahanan  ngunit astang dalaga dahil sa fashion and style nito. Mukhang hindi din ito nae-stress sa negosyo ng kaniyang asawa. 5 Years ang age gap nilang magaswa ngunit mas mukhang matanda ang lalaki, siguro ay dahil sa dami ng trabaho at mas nag-focus ito na magexpand ng negosyo. 

Dalawang taon na simula ng umalis Miere sa bansa. Kaya muli itong babalik at dito na lang magtrabaho sa bansa. Lahat ay nagulat at nabigla ngunit si meire ay walang pakialam maging si ken dahil alam naman nila ang mangyayari. 

Pagkakaguluhan na naman ang kanilang pamilya ng kung sino-sinong tao mula sa ibat ibang istasyon. Mawawalan na naman silang magkakapatid ng privacy kaya galit na galit ang kaniyang ate . Ayaw kasi nito ng atensyon at mas gustong tahimik ang kanilang araw araw na buhay. 

Buo ang kanilang pamilya, pinalaki sila sa karangyaan at hindi nahirapan habang nagkakaisip at lumalaki. Hindi sila nahirapan pagdating sa mga materyal na bagay ngunit hirap silang lahat makipag-communicate sa isa't isa. Complete family man ngunit hindi nila nararamdaman, iisa man ang bahay na tinitirahan ngunit madalang pa sa patak ng ulan sa tang-init ang kanilang pagkikita. Ngayon na nga lang sila nagkasalo-salo nagkakainitan pa. 

'' Mauuna na din po ako'' Magalang na paalamng isang babae sa kanila 

Natapos ang kanilang almusal ng isa-isang umalis ang mga tao sa hapag.

Samantalang ang mag-ina naman ay masayang naglalakad papuntang school habang nagkukwentuhan. May kalayuan ang kanilang lalakarin ngunit mahaba pa naman ang kanilang oras. Para makasigurado ang kaniyang ina na maayos siyang makakarating ay sinasamahan siya nito. kahit ayaw niya ay hindi niya mapipigilan ang kaniyang ina kaya hinayaan niya na lang ito sa mumuting kasiyahan ng kaniyang Ina. 

Sobrang proud si Ice sa kaniyang ina. Kahit magisa lang siyang tinaguyod ng kaniyang ina hindi ito nagkulang. Malaki ang respeto at pasasalamat ni Ice sa nanay niya kaya ginagawa niya makakaya niya na gawin ang nais ng kaniyang ina at maging masaya ito. 

Sa buhay hindi lahat ng bagay ay tungkol pera at materyal na bagay. Hindi lahat ng bagay ay tungkol sa kumpletong pamilya. Isa o dalawa lamang kayo kung nagkakaunawaan ang isa't isa matuturing pa din itong kumpletong pamilya. 

Pera man ang basehan ng iba sa kanilang kasiyahan para kay Ice magkaroon lang pagkain sa kanilang hapag ay sapat na. Mahalaga na sa kaniya ang masunod ang pangarap at mabigyan ng komportbleng pamumuhay ang kaniyang Ina.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status