แชร์

Chapter 1- The 3rd Villanueva

Nagfocus ako sa pagaasikaso ng mga papers para sa next branch ng sarili kong botique. Madaming dahilan bakit nagkaroon ako ng sarili kong business ayoko na lang balikan pa  at masyadong mabigat sa aking kalooban. 

"Raven, After this what's my next meeting?" Tanong ko sa aking secretary 

"Wala na po Miss, but Ms. Pen called me earlier saying that she wanted to see you. Ano po bang pwede kong isagot ang sabi ko po kasi ay tatawagan ko siya once na may sagot na" Dagdag pa ng secretary ko. 

"Don't answer, let her be" sabi ko sa kaniya na may malapad na ngiti. 

Wala siyang pasabi na uuwi siya sa pilipinas tapos ang gusto niya kunin ang free time ko. Sino ba siya? hahahah 

Joke. 

Raven is my Bestfriend. 

She is the one and only na nandyan sakin ng mga panahon walang naniniwala sa akin. Actually dalawa sila kaso ang isang tao bigla na lang lumayo ng di man lang nagsasabi kong bakit. 

Kung may nagawa man akong masama sa kaniya, lagi ko naman ito hinihingi ng sorry sa kaniya, lagi akong nagtetext sa number niya ngunit wala ako nakukuhang sagot. Kahit nagkikita kami ni hindi niya ako tinatapunan ng kahit katiting na tingin. 

Anyway, I am Aira Jen Villanueva 

Owner ng Jen Coords and Lady's Botique. I don't consider myself as one of Villanueva's Siblings. Maraming rason kung bakit pero ang alam ko lang dahil maging ang aking ina ramdam ko na hindi ako tanggap.

Naalala ko dati laging pinapagalitan sila kuya dahil laging pangalawa o tatlo lang sa klase tapos ako lagi akong nangunguna. Tuwing sinasabi ko kay Mom and dad ang tangi lang nilang sagot ay "nararapat lang dahil Villanueva ka"

Hindi ko naramdaman na naging masaya sila sa mga achievements ko pero lagi ko pa din sinasabi sa kanila at pinapakita. 17 years old ako ng marealize ko na kahit anong gawin ko walang kwenta sa kanila. Ramdam ko na sampid lang ako sa pamilya ko. 

Maging ang isang tao na sobrang close sakin ay umiwas noong nagdadalaga't binata na kami. Akala ko noong una dahil nagkaroon lang siya ng girlfriend, kaso mali ako dahil wala ni isa siyang pinakilala. Napansin ko din ang pagbabago ng personality niya, pagiging cold and one word person niya. 

Madaming nagbago sa amin kaya tinanggap ko na lang lahat ng pagbabago. Wala na din kasi akong magagawa kung hindi tanggapin na lang ang lahat ng nangyayari. 

"Hey, this is earth mameeen" tili ng isang babae sa harapan ko 

Napairap na lang ako ng marealize ko kung sino ang nasa harapan ko. Tumayo ako at kukunin ang bag ko at aalis na sana. 

"Wow, Welcome back to me huh" sarcastic niyang sabi sakin 

Umiling na lang ako ng nakangiti habang naglalakad palayo. 

Alam ko naman na kahit sabihin ko na wag siyang pupunta ay pupunta pa rin siya. Ganoon siya katigas ang ulo. Ang alam ko may schedule ako this afternoon kaya noong sinabi sa akin na wala di na ako nagulat dahil alam ko naman na pinacancel niya na lahat. 

"So ano? Magiging aso na lang ba akong susunod sayo?" Muli niyang tanong habang nakasunod sa akin. 

"Sinabi ko bang sundan mo ako?" sarcastic kong tanong 

"Bobita" sagot niya 

Hahahaha napapatawa na lang ako sa isip ko. 

Ang ganda niyang babae, Classy, matangkad at mayaman. Sobrang kinis ng kutis niya pero one thing is for sure di niya type ang mga lalaki. 

"Alam na alam mo san tayo pupunta ah" Dagdag pa niya 

"Malamang, You cancel all my appointments for this without my permission. How dare you pala?" Sermon at tanong ko sa kaniya 

"Hahahahaha Sino ang galing states sa ating dalawa ikaw o ako? Conyo girl ka na pala HAhahaha" Pang aasar pa niya 

Well, ganyan talaga kaming dalawa ni Raven. Business partner kami sa botique pero parang investor lang siya kasi lahat ng botique works ako, pera niya lang ginamit niya. May work talaga siya at iyon ang pagiging stylist ng isang artista. Guest what sinong artist hawak niya? HAhahahah

Ako na nagdrive papunta sa favorite spot namin sa bar. Ito na kasi ang nagiging unwind namin dalawa. Ito din ang nakasanayan. 

"So, nandito na din siya?" tanong ko 

"Yes, pero di siya didiretso sa inyo. May dadaanan yata siyang resort na pinatayo niya. One week daw siya doon wala daw munang mangugulo kaya 1 week akong tahimik ang mundo" mahabang sagot ni Raven 

"Sabi ni Dad with in 2 weeks. Bakit 1 week san niya balak next week?" tanong ko pabalik. 

May pakialam pa din naman  ako sa kaniya, hindi lamang ako showy gaya niya o ng ibang tao. Kung nais niya muna ng tahimik na bakasyon hahayaan ko siya di ko muna ipapaalam sa kanila Dad.

"Stylist niya ako hindi Manager. Tawagan mo siya kung nais mong malaman." Mataray na sagot niya pabalik sa akin 

"Maiba tayo, Kamusta ang botique?" Pagbabago niya sa topic 

"Ayaw mo pagusapa works mo then ayoko din" mataray kong sagot sa kaniya 

Nagtatarayan kami pero nandoon pa din ang concern namin sa isa't isa. Tumawa lang kami ng marealize namin pareho katarayan namin. Siya si Rea Vanessa Legario.

Mahabang panahon na kaming magkaibigan. Mahabang panahon na din simula noong umamin siya sa akin na ako daw ay gusto niya hindi bilang kaibigan kung hindi higit pa doon. 

Sinabi ko naman sa kaniya ng harapan ang nasa loob ko. Sinabi ko din naman na wala akong Special feelings sa kaniya at hanggang magkaibigan lang kami. 

Two months din ang lumipas bago kami bumalik sa dati at ni isa sa amin wala na muling nagbanggit tungkol sa bagay na iyon. One day bigla na lang kaming nagusap at bumalik sa dati.

Hindi ko alam

Hindi ko alam kung paano. 

Hindi ko alam kung saan 

Ang tanging alam ko lang magkaibigan kami at di magbabago iyon

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด

DMCA.com Protection Status