Home / Romance / The Bastard Billionaire / Chapter 2- The Santiago's Heirs

Share

Chapter 2- The Santiago's Heirs

"Maaaa"  tawag ko 

"Ito na, Ikaw naman wag ka masyadong magmadali mahaba pa ang oras at magsasakay ka naman sa bus di ka malilate niyan" sagot naman ni mama at natataranta na din 

"First job interview ko po ito mama, ayokong malate at isa pa gusto ko na magkaroon ng work para hindi ka na magtrabaho sa palengke, ako na magpoprovide para sa atin dalawa" paliwanag ko sa mama ko 

"Anak ko, Wag na wag mo ipipressure ang sarili mo, kung para sa iyo ang isang trabaho para sa iyo." paghahagod niya sa mukha at buhok ko 

"Maaaa naman di na po ako baby " sagot ko naman sa kaniya 

"Ito sa lunch, Meryenda mo ito. Kung gagabihin ka ito extra money for dinner wag na wag ka papalipas ng gutom huh. tawagan mo ako kung kukula--"

"Maaaa pang anim mo na po yan na sinasabi po kaya wag ka na mag alala. " sagot ko kay mama 

"At isa pa ma wag ka pong masyadong mag iisip ng kung ano ano tatawag ako oras-oras, magpahinga ka dito sa bahay habang wala ako. " Pagbibilin ko kay mama 

Umalis ako sa bahay ng may ngiti sa labi namin na namumutawi. Ang ganda ni mama sa sa ngiti niya ngayon. Gagawin ko ang lahat para makabawi sa kaniya at ako na ang bubuhay sa aming dalawa. Ibibigay ko ang the best na buhay sa kaniya. 

Nakarating na ako dito sa mall na pag aapply-an ko. 

"Interview for salesman supervisor " sabi ko sa front desk. 

"I am sorry sir, Hindi niyo po ba narecieve ang text message namin na we cancel your appointment to ms. Jen. We moved it for tomorrow."  Sagot ng front desk 

"Ah ganoon po ba? Wala po ako natanggap, hindi po ba talaga pwede ngayong araw.Kahit maghintay po ako hanggang mamaya. Hindi na po kasi ako makakabalik pa kung bukas pa. " Pagmamakaawa ko sa receptionist. 

"I am sorry, but i try my best to message Ms. Jhen " sagot ni niya 

Naghintay lang ako ng halos isang oras para lang sa interview na ito. 

Nagtext ako kay mama na madaming nainiinterview kaya hindi pa ako makakauwi kasi hindi ko pa turn. 

Ayoko naman sabihin ang totoo at mag alala siya sa akin. 

Nagmamadaling pumasok ang isang babae kasunod nito ang isa pang babae. 

"Pwede naman kasing i-moved yan for tomorrow" sigaw ng nasahulihan na babae 

"Kung late inform tayo kasalanan natin iyon, Inabala natin ang tao tapos ikacancel natin. Mabilis lang ito at babalik tayo doon" Pagpapakalma niya sa kasama niya 

"Tsk. Abala" Mataray na sagot niya 

"Tayo ang umabala sa tao" kita ko pa pag irap niya sa kausap 

"Whatever. Sa room muna ako papahinga. Bahala ka na dyan" Sabi ng isang mataray na babaeng ito 

"Papasukin sa office. Magreretouch lang ako" Nagmamadali niyang sabi 

"Sir, Dito po tayo" Paggaya naman sa akin ng receptionist. 

Umupo ako sa sinabi niya sa akin na upuan. Dumating siya at ininterview ako 

Humingi siya ng pasensya sa akin at inorient niya na ako sa mga bagay na dapat gawin at sa mga trabaho ko. 

Wala akong sinabi kong hindi pangtango lamang. 

"Magstart ka na bukas kung pwede?" Muling tanong niya sa akin 

"Hmm sorry po. Pwede po ba sa next other day. Kailangan ko pa po kasing maghanap ng bahay na matitirahan namin ni Mama malapit po dito. Mahirap po kasi ang byahe mula dito hanggang doon sa amin, Hindi ko din pong kaya na malayo kay mama" Pakikiusap ko 

"We have 3 Staff House sa rooftop, you can use one room. Malinis naman doon pwede mo na isama mama mo" Sagot niya 

Sobrang saya ko ng marinig ito pero nakakahiya. Ayoko na abusuhin sila kaya nais ko sanang tanggihan ng muli siyang nagsalita 

"Don't worry free iyon and kung nag aalala ka sa mama mo pwede siyang maging cook ng mga food ng staff at tagalinis ng buong building. Hindi ka naman dito sa mall ma-aasign kung hindi doon sa building botique. Two story House iyon staff house ang itaas, wag mo na tanggihan para may tatao na din sa buong building. You can go now and pick your mom kita tayo tomorrow. My staff call you for the address, thankyou and sorry again " Tumayo na siya at muling naglakad 

Tumayo ako at yumuko bilang paggalang sa kaniya 

Lumabas ako at nagpasalamat sa receptionist. 

I am Ice,

Yes Mama's boy 

Si Mama na lang kasi ang meron ako. Siya lang bumuhay at nagpalaki. Kahit Palipat lipat kami ng tahanan hindi nawalan ng hanap-buhay si mama. Sobrang madiskarte siya , lahat halos ng trabaho alam niya, Mapa-panlalaki man iyan o pam-babaeng trabaho. Siya din gumagawa ng bahay namin. Hindi kasi nakaranas tumira sa bata, gawa lamang sa kahoy at tabla bahay namin. Malinis naman ito at tahimik nakakapagaral ako ng tahimik at nakakapagpahinga kami pareho. 

Ayoko magbago lahat sa aming dalawa ni Mama kaya kahit nasaan ako dapat nandoon din si Mama.

I texted Mama na pauwi na ako. 

Ngunit sa di ko inaasahan nakita ko ang isang tao na alam kong dahilan bakit kami lumayo at nagpalipat-lipat ng bahay ni mama. 

Nagdalawang isip tuloy ako kung itutuloy ko pa ang lahat ng plano ko para samin ni Mama sa lugar na ito. 

Marami pa naman sigurong trabaho na pwede sa akin na malayo sa lugar na ito. 

Pero nasabi ko na kay mama na natanggap ako. Sasabihin ko ba sa kaniya na nandito ang pamilyang iyon.Alam ko naman mag aalala siya. Magtataka din siya kung bakit di ko tatanggapin. Gulong gulo na ako

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status