Home / Romance / The Bastard Billionaire / Chapter 4-Starting the plan

Share

Chapter 4-Starting the plan

Author: Anne_belle
last update Last Updated: 2024-02-29 17:09:52

"Ma, Sino po siya?" tanong ko sa kaniya 

Nakahiga ako sa sala ng biglang dumating si mama na may kasamang lalaki. 

"Akala ko bibili ka lang ng pang-ulam mamayang gabi at bukas ng umaga?" muli kong tanong kay mama 

Walang ni isa sa kanila ang nagsasalita. 

Si mama naman di ko  mabasa ang reaksyon basta nakatingin lamang siya sa akin. 

"Ma ano---  Naramdaman ko na lang yumakap sa akin ang lalaki at humagulhol si mama ng iyak 

What the fuck! 

Bakit umiiyak si Mama

Bakit ganyan reaksyon ni Mama 

Bumitaw ako sa yakap ng lalaki at hinawakan si mama 

"Ma ano  po bang nangyayari? Pwede niyo po ba ipaliwanag?" tanong ko kay mama habang kumukuha ng water sa table at ibibigay kay mama 

"Umupo ka muna at huminahon Mama" alalay ko sa kaniya 

Tumahimik ng sandali ang paligid at muling nagsalita si Mama

"Siya ang tatay mo" kaswal na sabi ni Mama 

"Alam ko Ma, pero bakit nandito siya?"  Malakas na boses na tanong ko 

"Anak huminahon ka muna. Magpapaliwanag ako." sabi sa akin ni Mama

"May sakit ang mama mo at kailangan niya ng mahabang gamutan kailangan ko siyang ipadala sa U.S para masirado ang gamutan niya kapalit noon kailangan mong magtrabaho sa akin. Malaking pera ang kakailanganin para sa kaniya at ikaw ang magbabayad nun" Bigla biglang sagot ng aking Ama 

"Alfred! Wag mo biglain ang anak natin." sigaw naman ni Mama 

Sasagot pa sana ang aking Ama ngunit nagsalita na ako

"Kung may sakit ang aking Ina ipapagamot ko siya ng sarili kong pera. Magtatrabaho ako at hindi sa iyo. Maari ka ng umalis. Kaya kong ipagamot si Mama. " Magalang at may diin kong sagot sa Kaniya 

Oo nabigla ako pero kailangan kong lakasan ang loob ko dahil ako lakas ni Mama. Masakit para sa akin malaman na may sakit si mama. Masakit para sa akin na nahihirapan na pala ang aking ina pero wala akong ginagawa para tulungan siya.

"Aalis ako dahil ayoko ng Drama niyong mag-ina. Chel ang pinag usapan natin sana tumupad ka" sabi niya kay mama at naglakad na palabas ng pinto

Sinundan ko siya para masigurado na umalis na siya. 

"Umalis na tayo dito ma. Lipat tayo ng apartment" sabi ko habang kinukuha ang maleta 

"Hindi pwede anak" sabi ni mama

"Kailangan mong magpagamot, kailangan natin ng tahimik na buhay tulad ng sabi mo dati. Ako magpapagamot sa iyo. Ayoko ng tulong ng kahit sino" sabi ko kay Mama 

"Anak, Kailangan ka ng Daddy mo" sabi naman ni Mama 

"Hindi natin siya kailangan!" sabi ko kay Mama

"Pero anak-

"Mama naman. Nabuhay tayo sa mahabang panahon ng wala siya. Nakapag-aral ako ng maayos at nakapagtapos dahil sa iyo. Ikaw at ako lang sa mahabang panahon, tapos ngayon, ngayon ko lang maibabalik lahat ng sakripisyo niyo, lahat ng pinaghirapan niyo at bigyan ng maayos na buhay tapos babawiin niya? sino ba siya? Anong karapatan niya sa atin ma, sa akin" mahabang sinabi ko ko at halos maiyak iyak na

Pinutol ko si mama 

"Siya ang Ama mo, anak" saad ni Mama 

"Hindi siya nagpaka-ama kaya hindi ko siya Ama. Di ba dapat ako ang magdecide kung Ama ko siya po Hindi? Di ba Ma?" tanong ko kay Mama 

Umiyak na lang ng umiyak si Mama kaya niyakap ko na lang siya ng mahigpit. Mahal na Mahl ko si Mama. Siya lang ang taong nagtiis, nagsumikap at nagsakripisyo para mabuhay ako at bigyan ng magandang kinabukasan.

Nakatulog si Mama dahil sa pagod kakaiyak kaya binuhat ko na lang siya sa kwarto at inayos ang ang dala niyang pinamili kanina.

Mamaya pag mahinahon na si Mama. Kakausapin ko siya sa bagay na sinabi ng lalaking iyon. 

Kilala ko na siya. Matagal na panahon na. 

Madaming beses ko na din nahuli sila ni Mama na nag uusap sa di ko malaman na dahilan. Pero tuwing matatapos ang usapan nila nag iimpake na si Mama at aalis kami ng sobrang layo ng biglaan. 

Hindi na ako nagtatanong at nagtataka pa sa paulit ulit na nangyayari iyon. 

Sobrang laking pagtataka ko ngayon bakit baliktad na ang nangyayari. Alam kong bilyonaryo ang aking Ama ngunit di ko inaasahan na sa kaniya hihingi ng tulong si Mama. 

*Third Person P.O.V*

Wala naman talagang sakit ang Ina ni Ice. 

Pinalabas lamang nila ito dahil sa isang Kasunduan. 

Si Martin Santiago ay isa sa mga bilyonaryong tao sa bansa. Siya ang naging tagapagmana ng company nila kahit madami silang nagaagawan dito. Naibigay sa kaniya ang posisyon dahil sa galing, talino at sariling diskarte. Sa loob ng limang taong pamamahala mas naging mabuti at maayos ang kumpanya. Sobrang perpekto na ng kaniyang buhay ngunit may isa at pinakamalaki lang siyang problema ito ay ang hindi magkaroon ng Anak na lalaki. 

Tatlong taon na silang nagsasama ng kaniyang asawa. Unang taon pa lamang ay biniyayaan  na sila ng anak na babae. Tinanggap at minahal niya ito ngunit ng mga lumipas na buwan at araw nakita niya ang pagiging mahina at sakitin nito kaya pinilit niyang magkaroon pa ng isa pang anak. 

Naniniwala kasi siya na kung mahina ang kaniyang anak walang ibang tagapagmana at sasalo ng kaniyang mga pinaghirapan. Ayaw niyang dumating sa punto na mapunta sa mga sakim niyang mga kapatid ang lahat. 

Ilang taon din nilang sinubukan ngunit wala talaga. Lahat na ginawa nila, mga payo at gamot na sinasabi ng doctor. 

Nagiging kansyawan pa sa kanilang opisina ang pagkakaroon niya ng babaeng anak at wala na daw kuno ang susunod sa yapak niya. 

Wala na siyang ibang maisip na gawin kung hindi magpakalasing at unti-unting tanggapin ang lahat. Hindi nasagi sa isip niyang mangaliwa dahil mahal na mahal niya ang asawa niya. Ayaw niya din magkaroon ng bahid para muling pulaan ng ibang tao. 

Ngunit isang gabi, dumating ang kaniyang secretary at dinamayan siya sa kaniyang kalungkutan ngunit nagbunga ito. 

Sobrang galit niya noong nalaman niya kaya inutos niyang ipalaglag ang bata. 

Nabalitaan niya na lang na lumipat ang mga ito at walang nakakaalam saan sila lumipat.

Ginawa niya ang lahat, kumuha siya ng imbestigador para hanapin ang magina at malaman kung pinatuloy niya ba ang kaniyang pagbubuntis. 

Pinuntahan niya ito noong malaman na lalaki ang anak nila. 

Nakiusap siya na pananagutan at bubuhayin niya ang kaniyang Anak ngunit si Michelle ang talagang ayaw dahil sa tuwing natatagpuan niya ang mga ito ay agad na lilipat ng lugar. 

Hanggang sa napagod siya. Hinayaan niya na lang ang mga ito sa nais nila. Naging malamig na din ang trato niya sa kaniyang magina at parang wala na siyang pamilya. 

Mula sa malayo alam niya ang nangyayari sa kaniyang malayong magiina. Alam niya din na nagapply sa anak ng kalaban niyang kumpanya ang kaniyang Anak. 

Hindi niya ito pinigilan pero sinubukan niyang tawagan at kontakin ang ina nito hanggang sa napagusapan nilang magtatrabaho ito sa kaniya at lalayo siya sa kaniyang anak. 

Plinano na niya ang lahat ng mga iyon bago niya sabihin sa kaniyang dating secretary. Alam niya din kung paano mapa-oo ang babaeng iyon.

Sa kabilang banda naman ay isang babae ang nawalan ng malay habang naglalakad. Basang basa ito ng ulan at halatang sobrang napagod. 

Dinala ito ng mga nakakita sa pinakamalapit na hospital. 

Nagising ang babae sa halip na alalahanin niya kung bakit siya nasa hospital ay inalala niya bakit hindi dumating ang kaniyang inaasahang tao. 

Sobra siyang nanlumo ng di ito dumating dahil sa maraming dahilan. 

Una na doon ang kaniyang magulang at mga kapatid. 

Alam niyang kung isang ordinaryong tao lang kagaya ni Ice at isang kagaya niya mataas ang antas sa lipunan ay di gugustuhin ng karamihan. Alam niyang tulad ng nakukuha niyang panghuhusga ay mas doble kung malalaman ng public na isang ordinaryo lang ang boyfriend ng isang coo na kagaya niya. 

Alam niyang iisipin ng iba na pera lamang ang habol ng boyfriend niya sa kaniya. Alam niyang malaki talaga ang magbabago sa buhay nilang dalawa kung malalaman ni Ice na isa siyang anak ng isang villanueva. 

Natatakot siyang hiwalayan siya nito dahil lang ayaw ni Ice ng marangya at magulong pamilya. Hunagulhol na lamang siya ng may lumapit na babae sa kaniya at tinanong kung 'Okay lamang siya'

Alam niyang langit at lupa sila ngunit handa siyang maging ulan sa langit para pagdating ng panahon sa lupa pa din ang bagsak niya at ito ay sa piling ng kaniyang mahal at minamahal.

Related chapters

  • The Bastard Billionaire    Chapter 5 A Flashback

    "Ang ganda mo pala" sabi ko sa isip ko habang nakaharap sa kaniya. "Huh?" sabi ng taong nasa harapan ko "H-huh? wala. Sabi ko ano maganda ang araw ngayon mukhang di uulan" saad ko habang natataranta. Nabigkas ko pala sa harapan niya, nakakahiya. Two weeks na since i start working here sa kaniyang botique bilang isang Sales supervisor. Ako lang naman ang bumibisita, naglilista at bumibili sa mga supplier. Kasama din sa trabaho ko ang magdouble check ng materyales at inventory ng stocks. Napakilala naman na niya sa akin ang lahat sa akin at kaunting mga papers na lang ang kailangan kong tapusin. Siya din ang personal na nagtrain sa akin ng mga kailangan ko. Mabait siya, malumanay makipagusap at higit sa lahat sobrang ganda. Sa kutis niya masasabi mong mula siya sa mayamang angkan. Sobrang sosyal niya kumilos at magsalita ngunit simpleng bagay lang nagpapasaya sa kaniya. Katulad na lamang ng mga simpleng jokes ko sa kaniya. Corny sa iba pero sa kaniya sobrang bumibenta. "Simu

    Last Updated : 2024-03-02
  • The Bastard Billionaire    Chapter 6- Santiago's Life

    "Ma, Update me always please." Pakikiusap ko kay MamaHindi ko na kasi ihahatid si Mama dahil isa iyon sa kondisyon ng aking Ama. Ayoko man pero kailangan kong gawin. Pumunta kami ni Mama sa hospital kung saan siya nagpacheck up at nagpasecond opinion na din kami sa iba ngunit iisa lang ang sinasabi nila. Ilang araw ko din pinagisipang mabuti ang lahat maging ang aking trabaho ay pinabayaan ko na. Kaya kong i-give up lahat wag lang si Mama. Nakikita ko din ang iilan at maliliit na pagbabago sa galaw ni mama kaya napagpasyahan kong gawin ang makakabuti sa kaniya. "Sir, kami na po bahala kay Ma'am hinihintay ka na po ni Mr. Martin sa bahay niya." Tiningnan ko lang siya ng masama at yumakap ng mahigpit kay MamaSampong minuto din kaming nanatili sa ganoong pwesto. Hindi ko nakikitang umiiyak si Mama kaya sinabihan niya akong magpakalalaki daw, wala daw lalaking umiiyak. Tumawa naman kami pareho at pinako sa isa't isa na magsasama kaming muli pagtapos ng lahat ng problema. Speaking of

    Last Updated : 2024-03-04
  • The Bastard Billionaire    Chapter 7- Shadow

    "Manang mana sa iyo ang iyong anak" wika ng isang board kay daddy "He is smart and young. Sana higitan niya kung paano ako noong kabataan ko" wika ni Daddy Mula nag-start akong mag-train dito wala ng ibang ginawa kundi kaliwa't kanan na comparison at expectation. Hindi na ako nagkaroon ng sarili kong image dahil puro na lamang sila nagexpect na kasing galing ako ni Dad o mas higit pa. Well, that's life. Maaga akong nagaasikaso ng lahat. Hindi ako napapahuli dahil bilin iyon ni Mama. Lahat ng bilin ni Mama ang sinusunod ko, alam kasi ni mama ang gusto at hindi gusto ni Daddy. Dating secretary ni dad si Mama. May asawa't anak na si daddy noong nagkakilala sila ni Mama. Wala naman masamang intensyson daw si Mama, gusto niya lamang ang damayan si Dad sa mga panahong hindi na nito kaya ang pinagdadaanan. Hindi man nasabi ni Mama kung ano pinagdadaanan nito ay mas pinili niya na lang damayan kaysa usisain ang mga bagay-bagay. "Sir Miguel, Excuse me" saad ng secretary ko I have my own

    Last Updated : 2024-03-06
  • The Bastard Billionaire    Chapter 8-The Big Event

    Maingay at madaming Camera ang kaniya kanyang kislap at nakatutok sa bawat lalabas sa sasakyan at papasok sa venue. This is so insane. Gosh Dumalo kami sa big gatherings ng mga malalaking tao sa buong mundo. Wala naman silang ibang gagawin kung hindi ay magyabangan na lang sa mga kanilang na achieve sa buhay at magpayamanan. "Dad, Can i go early after the program. " tanong ko naman kay daddy "Ibigay mo na sa Ama mo ang buong magdamag na ito Aira, wag kang pasaway." Masungit na sagot ni Mommy Umirap na lang ako. Kahit kailan talaga wala akong boses sa family na ito. Lahat na lang ng sasabihin ko ay kontra sa kanila. Nanahimik na lang ako at umupo sa table na naka asign sa family namin. Si dad sa tabi ni ate, ako then si Meriam. Sa other side of dad is si kuya and ken then si mom sa tapat ni Daddy. From a far you can see of the smile of my whole family. We look happy and contented family. A Family figure that everyone's dream. "Kumpare!" a man says when he saw my dad "Nice to s

    Last Updated : 2024-03-07
  • The Bastard Billionaire    Chapter 9- A Challenge

    Third Person P.O.V Pagtapos ng kanilang encounter sa isang malaking gatherings ay nagiwan ito ng isang malaking katanungan ang naiwan sa kaniya. Hinanap ni Ice ang katanungan sa kaniyang isipan. Kinalkal niya ang tungkol sa mga villanueva at ang taong minahal niya maliban sa kaniyang Ina at ang babaeng nakita niya noong nakaraang gabi ay iisa nga lang ba? Patago siyang ng inbestiga. Patago niyang inalam ang lahat ngunit hindi niya batid na may isang taong nakakaalam ng plano niya. Nandyan ang kaniyang Ama. Bawat galaw, maging hininga ni Ice ay alam niya. Naka-focus ang mata ng kaniyang Ama sa kaniya lamang "Kanina pa kita pinatawag bakit ngayon ka lang?" tanong ng kaniyang Ama "Madami lang akong tinapos bago ko gawin ang susunod mong ipagawa" sagot ni ice "Wala naman akong ipapagawa. Nais ko lang kamustahin ang aking Anak ng tanging kami lamang, tulad ng may girlfriend ka na ba? o anong tingin mo sa anak ni Mr. James" Mahabang pahayag niya. "That girl? Clumsy. Sino ba ang

    Last Updated : 2024-03-07
  • The Bastard Billionaire    Chapter 10

    Nagulat ako ng magtext siya at nais makipagkita "Bakit dito mo gustong magusap tayo?" tanong ko sa kaniya "Para tahimik" simple niyang sagot "Baka tahimik sa bar" sarcastic kong sabi sa kaniya "Masungit ka pa din" sabi naman niya Umirap lang naman ako sa kaniya at naupo sa harapan niya. Nagsalin ako ng alak sa baso na nasa harapan ko. "Akala ko ba hindi ka naghahard?" Tanong niya Hindi ko siya sinagot at nilaklak lang ang alak na sinalin ko. "So, mayaman ka pala?" tanong niyang muli "Ano ngayon? Is that enough reason for you to leave me?" matapang kong tanong. May lakas na din akong sabihin sa kaniya dahil may tama na din ako ng alak. "Bakit hindi mo sinabi sa akin? Hindi ba talaga kita kilala o peke lang ang pagkakilala ko sa iyo?" matalim niyang tanong. Hindi niya naman sinagot ang tanong ko. "Bakit ikaw? Nagpanggap kang mahirap para matanggap sa Botique ko para ano?" sagot ko sa tanong niya. "Sino bang may sabing mayaman ako?" taas kilay niyang sagot Bakit ba kami

    Last Updated : 2024-03-08
  • The Bastard Billionaire    Chapter 11

    "Giiirl, Anong chika?" sigaw ni Raven pagdating niya dito sa Office Umirap naman ako dahil nakakairita pagiging madaldal niya sa harap ko pero sobrang sungit sa harap ng ibang tao "Saan?" tanong ko sa kaniya "Someone book the VIP room last night at sabi nila nandoon ka sa loob, so sino siya at what happened?"Nakapamewang niyang tanong with taas kilay pa "Si Miguel" simpleng sagot ko "Whaaaat?" sigaw niyang muli Pinaupo ko siya at pinakalma dahil naiinis na ako sa kaingayan niya. Kinukwento naman sa kaniya ang lahat at paano nangyari.Halos hindi siya maniwala na ginawa ko iyon kahit di ko naman talaga alam rason ng pagiwan niya sa akin. Hindi ko din naman naisip dahil sorry niya lang sapat na, saka ang sinabi niyang mahal niya pa din ako. "Waaaait. Ganoon na lang ba talaga iyon? Pagkatapos ka niyang iwan at di nagpaalam pumayag ka ng ganoon lang dahil sinabi ka niyang mahal ka niya pero hindi ka niya nagawang panindigan. Ano ka ba Aira" pagwawala ni Raven "Mahal ko e" simpleng

    Last Updated : 2024-03-09
  • The Bastard Billionaire    Chapter 12

    "Bakit niyo kami pinatawag?" tanong ko kay Daddy "Si kuya niyo nagpatawag sa inyo hindi ako" sagot ni dad Umupo ako sa table at nakita ko na parating na si kuya galing sa itaas ng mansyon "Anong meron kuys?" tanong ni ken "Oh, himala nandito ka Aira. " sabi ni Meire Kararating niya lang dito sa bahay "Magpapakasal na ako" Lahat naman kami ay nagulat sa mga sinabi ni kuya ngunit hindi sila mommy at daddy. "Alam niyo na ito Dad?" Tanong ni Meire "Mommy?" sunod niyang tanong Ngumiti lang naman sila daddy kaya pumalakpak si ken at tumayo "Congratulations Kuya" sabi pa niya "Congrats Jan" bati naman ni ate "Congratulations kuyaaaa" sabi naman ni Miere "Congrats kuya " simpleng bati ko naman sa kaniya "Maaga mga bati niyo pero salamat. Kaya ko kayo pinatawag dahil magpopropose pa lamang naman ako, possible naman na hindi siya sumagot ng oo. Gusto ko kayong lahat ay nandoon at magkakaroon din ako ng enggagement party after" malawak niyang paliwanag "Paano kung hi

    Last Updated : 2024-03-10

Latest chapter

  • The Bastard Billionaire    Epilogue

    Miguel’s Point of View Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya na pumayag si Aira na magpakasal sa akin ngunit hindi kami maikakasal ngayong taon. Ang gusto kasi ng parents niya ay engrandeng kasalan. Isa din kasi iyon selebrasyon ng merging ng dalawang malaking company. Ang Villanueva Group of Company at ang Santiago Enterprise. Anong magagawa ko kung sa iyon ang nais nila. Isa pa ayaw nilang maging negative ang maging comment ng mga tao sa kasalan namin dahil sa pinost ni Abby ng kasal namin dalawa. Makukuha no’n ang atensyon ng tao kaysa sa kasal namin. “Wag ka nang malungkot dyan! Ikakasal din naman tayo, hindi ngayon pero sigurado akong ikakasal ako sa iyo lang at walang iba.” Aira cheered me. Ngumiti naman ako sa kaniya. “Basta sa akin ka lang huh? Sa aking ka lang magpapakasal ah. Walang iba?” Paninigurado ko sa kaniya. Tinaas naman niya ang kamay niyang may singsing. “This is not a simple ring. This was a promise ring, this symbolize our promise wedding.” Hinali

  • The Bastard Billionaire    Chapter 120

    Miguel's point of View Aira and I was lying on my bed. Nakahiga siya sa braso ko habang hinahaplos ko ang mga buhok niya. This feelings i never imagine that happened again. Hindi ko akalain na darating kaming muli sa puntong ito ng buhay namin. Kaming dalawa muli ang magkasama at hindi iniisip ang ibang problema. Siguro sasabihin ng iba masyadong tipikal ang naging relasyon naming dalawa. Mula sa hindi magkasundong pamilya, produkto ng broken family at anak kami pareho sa labas ng aming Ama pero hindi iyon naging hadlang. Naging daan pa ito na mas lalo namin maunawaan ang isa't isa. "Ilang anak ang gusto mo?" Aira's asked me while looking at me. Ngumiti ako sa kaniya at pawang nagisip. "I want more than 4 i think. Gusto ko madami sila, ayoko maranasan nila ang magisa at walang kalaro gusto ko ang bestfriend nila ang isa't isa." Masaya kong sagot. Sumimangot naman siya na kinataas ng kilay ko. " I told you already na ayoko magkaroon ng madaming anak. Bukod sa hindi ako siguradong

  • The Bastard Billionaire    Chapter 119

    Miguel Point of ViewMasaya akong umuwi sa bahay ng maihatid ko si Abby sa isang facility. Ang anak naman niya ay dinala ko sa mama niya. Hindi ko pinaalam kay Aira ang nangyayari dahil gusto ko siyang surpresahin. Nagulat si Tita ng dumatinf akong dala ang anak ni Abby. Akala nila itinakas ko kaya agad nila itong pinuntahan sa doon. Sobrang pasasalamat ni tita dahil sa wakas natauhan ang anak niya. Sa wakas pinili nitong maging okay ang sarili at magpalaya ng tao. Kahit medyo mahirap ang nangyayari laging pasalamat ko na sa wakas ay natapos din. Sa ngayon ang kailangan ko na lang asikasuhin ay ang company ni Daddy. Hindi ko alam ang nangyayari sa loob ng pamilya niya. Ang tanging sinabi sa akin ni Cheska ang madalas pagaaway ni Daddy at ng Mommy niya na kahit siya hindi alam ang rason. Lahat inihanda ni Dad bago siya sumuko sa mga pulis. Naihanda din ang paglipat sa pangalan ko ng mg shares niya. Mayroon ding shares ang naiwan kay Cheska. Ang mga buildings, farms at small business

  • The Bastard Billionaire    Chapter 118

    Miguel Ice's Point of View "Mamaya mo na iyan ituloy, kumain ka na muna." Pasok ni Abby dito sa office ko sa bahay niya. Hindi ko gusto pero para sa ikakatahimik ng isip ng mama ko ginawa ko ang gusto niya. Malambot ang puso ni Mama lalo na sa mga anak na nagmamakaawa. "Busog pa ako." Simula ng tumira ako dito, ni hindi ko man lang siya nagawang tingnan. Nahahawakan niya ako pero gustong-gusto ko siya itulak para palayuin ngunit hindi ko magawa dahil sa awa. Maayos siya pag nandito sa bahay, maasikaso at nakakapagalaga ng anak niya. Kung noon tuwang tuwa akong makipaglaro sa anak niya. Tito-daddy pa nga ang pagpapakilala niya sa akin. Masaya akong makipaglaro sa bata pero noong pinakasalan ko siya dahil sa pananakot niya nawala ang amor nilang magina sa akin. Sabihin na natin na dapat hindi idamay ang bata pero siya ang malaking dahilan bakit pumayag at nagmakaaawa sa akin si Mama. " Hanggang kailan ka ba ganito? Asawa mo ako pero parang tauhan lang ako sa posporo kung ituring mo

  • The Bastard Billionaire    Chapter 117

    Aira Jane’s Point of ViewMatapos ang nangyari sa amin ni Miguel ay wala na kaming sunod na pagkikita. Umalis ako ng gabing iyon habang natutulog siya, hindi na din ako nagpaalam pa kay Mama.“Paano kung malaman ng half-sister mo iyan? Mas magkakagulo lang Aira!” anya ni Raven sa akin. Masakit ang ulo ko ng pumasok ako, ang hirap din pala magpanggap na ayos lang ang lahat.“Paano naman niya malalaman kung walang magsasabi sa kaniya? Malamang hindi rin sasabihin ‘yon ni Miguel.” Wika ko habang nakasapo ang ulo kong nakapatong sa lamesa.“Ay nako! Hindi ka na talaga nadala! Kung hindi mo naman ipaglalaban si Miguel edi sana hindi ka nagpapadala dyan sa damdamin mo. Ang unfair mo sa totoo lang.”“Bakit ako? Bakit ako pa ngayon ang unfair? Hindi ba siya?” gulat kong tanong sa kaniya.“Tsk.” Napairap na lang si Raven ng hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin.“Imagine, tinanggap mo lang mga paliwanag nila without saying what’s inside you! Sa tingin mo ba tama iyon? Sa tingin mo ba h

  • The Bastard Billionaire    Chapter 116

    Aira Jane’s Point of ViewHindi ako nauwi sa mansion. Hindi naman nila ako hahanapin. Dito ako matutulong sa bahay ni Mama. Wala naman siyang kasama, isa pa napagod kaming dalawa na mag-shopping at gumala sa mall. 11pm na ng kami ay nakauwi.“Hays, ito ang pangatlong araw ko sa kwarto na ito, pangalawang beses ko matutulog dito.” Bulong ko sa sarili ko ng sumalampak ako sa malambot na kami.“Aira, iha?” katok ni Mama sa pinto ng kwarto. Bumangon naman ako pero nakapasok na si Mama sa loob ng kwarto. “Gusto ko lang malaman kung kakain ka pa ba? Kasi kung oo ipagluluto kita. Ano bang gusto mo? Uuwi kasi si Miguel dito kaya nagluto ako ng sabaw, lasing nung tumawag e.” napabalikwas naman ako.“Ma, pwede bang umuwi ako?” tanong ni Mama.“Bakit? Iniiwasan mo ba si Miguel.” Bigla akong natameme sa tanong ni Mama. Hindi ko alam pero hindi ko kasi kayang makasama si Miguel ng may ibang tao na nakakita. Pakiramdam ko kasi ginagamit naming sila ni Miguel para lukuhin si Abby, which is I don’t w

  • The Bastard Billionaire    Chapter 115

    Aira Jane’s Point of View“A-anong oras na?” rinig kong tanong ni Miguel.“Hapon na, magala-singko na. Kamusta tulog mo? Nagugutom ka na ba?” nagaalalang tanong ko.Nakaiglip din ako habang pinagmamasdan siya pero dahil sa sobrang init ay hindi ko magawang matulog ulit. Ito naman si Miguel grabe ang sarap ng tulog, halatang pagod siya. “Pasensya ka na kung naabala kita.” Hinging pasensya niya sa akin.“Wala iyon, basta huli na ito.” Tumayo na ako mula sa tent ng pigilan niya ako. “Maupo ka muna, magusap tayo.” Tiningnan ko siya saka nagsimulang maupo ulit.“Pwede bang umuwi ka sa bahay, samahan mo si Mama.” Nagulat naman ako sa tanong niya.“Bakit may nangyari ba kay Mama?” nagaalala kong tanong.“Wala naman, nagaalala lang akong wala siyang kasama doon, palagi akong nasa trabaho kung umuuwi naman ako palagi sa bahay na binili ni Abby. Kilala mo naman siya di ba? Ang gusto palagi pinapagod ang sarili niya.”“Parang ikaw.” Bulong ko na kinataas ng kilay niya. “Sige, subukan ko siyang i

  • The Bastard Billionaire    Chapter 114

    Aira Jane’s Point of View“Mukhang maaliwalas mukha natin ngayon ah. Nagkabalikan na ba kayo?” Salubong na tanong sa akin ni Meriam.Nagpatuloy lang ako sa paglalakad papunta sa dining area. Hindi ko siya pinansin dahil ayoko ng kung anong kumosyon sa magandang umaga ko. Magaan ang gising ko, pakiramdam ko nawala lahat ng pagaalala ko. Hindi ko sigurado kung dahil ba sa nalaman ko na totoong mahal ako ni Miguel at ako pa din ang taong pahinga niya o dahil nakasama ko siya halos magdamag kagabi.“Alam mo bang trending ka na naman? Alam mo, simula ng nagkaroon kayo ng relasyon ni Miguel hindi ka na nawala sa social media. Ikaw na lang lagi ang topic.” Sumunod siya sa akin habang sinasabi ang lahat ng iyon. Humarap ako sa kaniya bago nagsalita. “Alam mo Meriam, sa haba ng panahon na nabubuhay tayo, hindi ka pa ba sanay na pinaguusapan ng ibang tao? Their opinion is still not matter to me unlike you.” Mataray na sagot ko kaniya, hindi ko man lang siya tinapunan ng tingin.“Talaga ba? Paan

  • The Bastard Billionaire    Chapter 113

    Aira’s Point of ViewPagkalipas ng tatlong linggo,“Anong sinabi mo?” tanong kong muli kay Ken. May binalita kasi siya sa akin na hindi ko halos paniwalaan.“Oo. Umalis na si bayaw sa kompanya dahil tutulungan daw ang kapatid niyang si Cheska sa pagpapatakbo ng sarili nilang company dahil sumuko sa mga pulis ang tatay nila. Hindi ko alam ang ibang dahilan ngunit isang bagay ang sigurado ko, iniwan na tayo ni bayaw.” Malungkot na wika ni Ken sa akin.“Wala akong ibang magagawa doon. Kung gusto niya iyon edi doon siya sa kanila. Maganda nga iyon e, madami na siyang alam sa company natin na pwede niyang gamitin sa company nila o kaya naman gamitin niya iyon para mapasama tayo.”“Hindi ganoon si Bayaw ate. Alam mo iyan!” nagkibit balikat lang ako saka naglakad palabas ng mansion.Wala siyang utang na loob. Pagkatapos siyang tanggapin ng buo ni Dad iiwan niya lang basta para lang sa taong dahilan ng problema namin noon. Siguro nga sinusubukan ko ng kalimutan ang nangyari but it doesn’t mean

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status