MIGUEL'S P.O.VContinuation of chapter 53Nang makarating ako sa probinsya ay hindi ko alam paano at saan ko makikita ang farm.Medyo malalayo ang pagitan ng mga bahay kaya nahihirapan akong magtanong. "Saan po makikita ang farm na ito?" tanong ko sa aleng nakasalubong ko. "Bakit iho? Bibili ka ba ng gulay sa kaniya? Sobrang daming naani noon ngayong araw. Ang alam ko madami pa naman maani ngunit baka sa isang araw pa. May anak kasi siyang magtatayo daw ng restaurant na healthy sa manila kaya dito sila kumukuha ng fresh na gulay. Tulong na din sa mga tao dito at sa mama niya." masayang sabi ng ale na may punto pa sa kaniyang pagsasalita. "Ayos lang po. Gusto ko po muna siyang makausap." magalang na sabi ko. "Ay siya. Ikaw ay aking pasasamahan sa apo ko baka maligaw ka sa kagubatan medyo malayo kasi iyo dito at bundok pa ang aakyatin mo bago makarating. Kayo'y magmotor ng di kayo masyadong mapagod" nagaalalang sabi ng ale sa akin. Nagpasalamat ako sa kaniya bago ako sumakay sa mot
Aira' P.O.VNasabi sa akin ni Dyson na may isang tao daw ang palihim na naghahanap kay Mom. Hindi niya sinasadya pero narinig niya na may nagtatanong daw kaya agad niyang pinaalam sa akin. Pakiramdam kasi ni Dyson may kinalaman dito ang tatay ni Miguel. Pagkatapos ng mga trabaho namin nauna na kami ni Dyson pumunta kung nasaan si Mom. Kung may taong naghahanap sa kaniya malamang delikado siya ngayon. "Mom, paakyat na kami dyan? Nasaan ka?" tanong ko kay Mommy Mitch. Kanina ko pa kasi siyang tinatawagan ngunit hindi siya sumasagot."Nandito lang sa farm, madaming nagorder ng gulay at prutas kaya medyo busy. Bakit pala biglaan ang punta niyo dito Nak?" sagot naman niya sa akin. "Wala lang po. Gusto po muna namin dyan magstay for two weeks or a month. Masyado po kasing mainit sa manila." pagdadahilan ko. "Okay sige. Magiingat kayo paakyat!" bilin naman ni Mama. Medyo nakahinga na kami dahil alam naming ligtas siya. Ilang sandali naman ay nakarating na kami sa bahay kubo ni Mom. A
Miguel's P.O.V "Hindi mo naman kailangan magalit. Alam kong bugso lang ng damdamin ang ginawa mo kanina pero hindi pa din tama na napagsalitan mo sila ng masasakit na salita." Nandito pa din kami sa bundok. Sa farm ng aking ina. Si mama at Aira ay naguusap sa loob habang nagluluto. Hindi ko naman sinasadya ang lahat ng sinabi ko. Alam ko sa sarili ko na gusto ko silang yakapin dalawa noong una ko silang makita. Dala na din ng gutom, takot at sama ng loob nakapagbitaw ako ng hindi nararapat na salita. "Noong nawala ang anak niyo hindi nakayanan ni Aira ang lahat. Halos magpakamatay na iyan sa sama ng loob. Kung wala ang mama mo sa tabi namin baka matagal na siyang sumuko. Ibinigay at pinaramdam ng mama mo ang pagiging isang ina kay Aira. Hindi ka kinalimutan ng dalawang babae sa buhay mo, ginawa lang nila ang bagay na sa tingin nila magiging ligtas ka. Pareho kayong tatlo na ang gusto ay kaligtasan para sa taong mahal niyo. " pagkukwento ni Raven. "Siguro inihadya na din ng may ka
Nasa iisang lugar lang kami ni Miguel ngunit hindi kami nagkikibuan. Hindi ko siya inapproach at ganoon din naman siya. Kanina habang nagluluto kami ni Mom ng pagkain napagusapan namin si Miguel. Kahit nandito na si Miguel desido pa din si Mom na ibalik si Miguel kung saan talaga siya. Tinanong ko din siya kung alam ba ni Miguel na may sakit talaga siya. Makikita ang gulat sa mukha ni Mom ngunit hindi niya iyon tinanggi sa akin. Hindi naman sumama ang loob ko sa kanya bagkus naawa ako dahil sa sitwasyon namin kailangan niyang ilihim ang nararamdaman niya. Nakiusap siya sa akin na hayaan ko siyang- siya mismo ang magsabi sa kaniyang anak ng tunay na ng nangyari at ang tungkol sa sakit niya. Hindi naman Cancerous ang sakit ni Mom. Ngunit delikado pa din ito dahil nangangailangan ng operasyon. Hindi nakakatakot ang gamutan ang nakakatakot ang operasyon dahil hindi ka sigurado kung magiging mabuti ba ito sayo o hindi. Kung gigising ka pa ba pagkatapos o mananatiling tulog.Hanggang hind
Miguel's P.O.V "Magreresign na ako." sabi ko ng makapasok ako sa office ni Daddy. Pagdating ko dito sa manila agad akong pumunta sa opisina ni Daddy. Sobra ang galit na nararamdaman ko ngunit kailangan ko siyang respetuhin dahil ama ko pa din siya. May pinagaaralan naman ako at alam ko hindi gugustuhin ni Mama kung hindi ko gagalangin si Daddy. Nang makita ko ang mukha niya at nag-flaskback sa akin ang lahat ng sinabi, ginawa niya kung paano niya manupulahin ay nagiinit ang tainga ko na parang gusto ko siyang sapakin ngunit hindi ko magawa. Pinipigilan ko pa din ang sarili ko. "Saan ka nanggaling?" tanong niya sa akin ng hindi man lang iniintindi ang sinasabi ko. Hindi ko siya sinagot at pumihit na lang ako patalikod. Tanggapin man niya o hindi ang resignation letter ko wala pa din saysay. Desidido na akong umalis at hindi siya makita. Tiningnan ko siya dahil may binato siya sa pintuan ng hahawakan ko na sana. Hindi ako nagsalita kaya nanatili na akong tahimik. "Nasaan ang
"Anong balita?" tanong ko sa taong inutusan ko para bantayan si Mama. Kung ako ang tatanungin. Ayoko ng nagtatago si Mama. I want her to enjoy her life without me or anyone burden for her. Ang kaso sila mismo ang ayaw umalis sa farm, siya mismo ang gusto ay doon na manirahan. "Umalis po silang lahat sa farm." sabi ng lalaking kausap ko.Napaisip naman ako saan nila balak pumunta. "Sundan mo sila." tanging sinabi ko at binaba ang tawag.Nandito ako ngayon sa bahay na pinatayo ko. Simple lang naman ito para sa amin ni Mama hindi ito nakapangalan sa pangalan ko dahil alam kung possible habulin ito ni Daddy. Kung matalino siya mas matalino ako. "Cedric, nasaan ka na?" linya ko sa isang text message na sinend ko. Si Cedric aquino ang nag iisang kaibigan ko noong college. Mabait si Cedric at walang pakialam sa social status mo sa buhay. Kapag gusto ka niya kakaibiganin ka niya. Ganoon kaming dalawa. Mayaman si Cedric at hindi katulad ng iba na ayaw makipagkaibigan sa akin dahil hindi
Maaga akong nagising dahil na din siguro sa bagong lugar na aming tinutulugan.Nandito ako ngayon sa condo, pagkatapos ng halos isang buwan namin paninirahan sa farm ay nanibago na ang katawan ko. Nasanay kasi kami sa natural na lamig na nagmumula sa paligid ng bundok. Agad akong bumangon at binuksan ang mga bintana. Mula dito sa bintana tanaw ko ang mga building at mga sasakyan sa kalsada. Mula noong nakita namin ang mga lalaking nag aaligid sa farm ay mas nagdoble ingat kami. Minsan si Ken at Raven ang bumababa ng bundok para sa mga kailangan namin at sa kaniya-kaniya naming business. Si ken din laging kailangang nagrereport sa office dahil binigyan siya ng posisyon doon ni Dad. Habang si Raven naman ay nagaasikaso ng business namin. Siya din ang nagdadala ng mga papers na kailangan ng pirma ko. Minsan naman kami ni Dyson. Nagsasalitan kaming apat sa pagbabantay kay Mom. Nagdouble ingat kami dahil ayoko ng mawalan pa ng taong mahal sa buhay. Tama na ang binigay na sakripisyo ng
"Miguel!" Nasambit ko ng may pumasok sa loob ng VIP room habang may kinukuha ako sa ilalim ng table. Nailaglag ko kasi ang baso na nakapatong sa lamesa. "Ma'am hindi daw po siya nagrequest ng VIP room. Hindi din daw po siya pupunta kung hindi kilala ang nagpapapunta." sabi ng waiter na inutusan ko kanina. Umikot naman ang mata ko dahil nagpapakipot pa siya. Samantalang dati kahit sino lang ang pinapasok niya sa VIP room kahit di kilala. "Sabihin mo pinapatawag siya ng may ari ng bar!?!" inis kong sabi sa water. Agad naman siyang tumalima pa layo. Mula dito sa room ay nakikita ko sila. Pinagmasdan ko paano siya makipagusap. Talagang nagpapasalamat pa siya sa kasama niya ah. Naiinis na ako kaya sumalampak na lang ulit ako sa sofa. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto. Umaasa akong siya na iyon ngunit hindi pala. "Ma'am, ayaw daw po siyang payagan ng girlfriend niya." bungad ng waiter. "Edi ang girlfriend niya ang papasukin niya dito. Kung gusto nila magsama pa sila. Kailangan ko