Maaga akong nagising dahil na din siguro sa bagong lugar na aming tinutulugan.Nandito ako ngayon sa condo, pagkatapos ng halos isang buwan namin paninirahan sa farm ay nanibago na ang katawan ko. Nasanay kasi kami sa natural na lamig na nagmumula sa paligid ng bundok. Agad akong bumangon at binuksan ang mga bintana. Mula dito sa bintana tanaw ko ang mga building at mga sasakyan sa kalsada. Mula noong nakita namin ang mga lalaking nag aaligid sa farm ay mas nagdoble ingat kami. Minsan si Ken at Raven ang bumababa ng bundok para sa mga kailangan namin at sa kaniya-kaniya naming business. Si ken din laging kailangang nagrereport sa office dahil binigyan siya ng posisyon doon ni Dad. Habang si Raven naman ay nagaasikaso ng business namin. Siya din ang nagdadala ng mga papers na kailangan ng pirma ko. Minsan naman kami ni Dyson. Nagsasalitan kaming apat sa pagbabantay kay Mom. Nagdouble ingat kami dahil ayoko ng mawalan pa ng taong mahal sa buhay. Tama na ang binigay na sakripisyo ng
"Miguel!" Nasambit ko ng may pumasok sa loob ng VIP room habang may kinukuha ako sa ilalim ng table. Nailaglag ko kasi ang baso na nakapatong sa lamesa. "Ma'am hindi daw po siya nagrequest ng VIP room. Hindi din daw po siya pupunta kung hindi kilala ang nagpapapunta." sabi ng waiter na inutusan ko kanina. Umikot naman ang mata ko dahil nagpapakipot pa siya. Samantalang dati kahit sino lang ang pinapasok niya sa VIP room kahit di kilala. "Sabihin mo pinapatawag siya ng may ari ng bar!?!" inis kong sabi sa water. Agad naman siyang tumalima pa layo. Mula dito sa room ay nakikita ko sila. Pinagmasdan ko paano siya makipagusap. Talagang nagpapasalamat pa siya sa kasama niya ah. Naiinis na ako kaya sumalampak na lang ulit ako sa sofa. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto. Umaasa akong siya na iyon ngunit hindi pala. "Ma'am, ayaw daw po siyang payagan ng girlfriend niya." bungad ng waiter. "Edi ang girlfriend niya ang papasukin niya dito. Kung gusto nila magsama pa sila. Kailangan ko
"Ma, Bilisan mo po dyan baka malate tayo sa ka-meeting natin." sabi ko kay Mama na ngayon ay hindi mapalagay kung anong susuotin. Papunta kasi kami ngayong kung nasaan si Miguel. Hindi pa sinasabi sa akin ni Miguel ang magiging kabayaran nitong pakikipagkita niya. Hindi ko din alam kung anong dahilan niya at ayaw niyang makita ang sarili niyang Ina ngunit wala na akong pakialam. Sa ngayon kailangan ni Mama ng dahilan para lumaban at lakasan ang loob niya sa darating niyang operasyon. "Tara na!" hila sa akin ni Mama palabas ng condo. Mabilis lang kaming nakarating sa meeting place ngunit wala pa si Miguel kaya nagorder lang kami. Kaya pala sobrang taranta ni Mom ay dahil ang akala niya ang ka-meeting namin ang bibili ng farm niya sa bundok. Gusto na niya itong ibenta at ilagay sa bangko ang pera dahil hindi na niya kayang asikasuhin pa. Kaya mas lalo akong nagoverthink na baka naghahanda na si Mama sa mga iiwan niya para kay Miguel. Pakiramdam ko sumusuko na siya at iyon ang hindi
Aira's P.O.V.Tatlong linggo na din ang nakalipas simula ng naoperahan si Mom at kinuha siya ni Miguel. Pagkatapos ng sinabi ni Miguel na kung may mangyaring masama kay Mom ay mananagot ako ay wala ng iba kaming napagusapan. Hindi na rin pinatulan ni Dyson at Ken ang pagbabanta ni Miguel dahil kung sila man ang nasa posisyon ni Miguel sasabihin niya din iyon. "Pinapauwi ka na ng Daddy mo sa inyo di ba?" sulpot ni Raven mula sa likuran ko. Simula pala noong nangyari sa hospital nagkita kami ni Dad. Hindi naman sinabi ni Dad kung bakit nandoon siya ngunit inalam ni Ken at Dyson. Hindi naman sila nahirapan alamin. Hindi ko akalain na bukod kay Mom na nanay ni Miguel ay may sakit din ang tatay ko. Sinabi din ng Doctor na may limang buwan na lang daw si Daddy para mabuhay kaya hindi kami nagtaka kung bakit pinapauwi ako sa mansyon. "Nahihiya ako!" Pagaalangan kong sabi habang nagiimpake ng ilang damit na dadalhin ko. "Anong nakakahiya doon?!" wika ni Raven at iniharap pa niya sa akin a
"Talaga ba? Sigurdo ka bang siya iyon?!" gulat na tanong ni Raven sa akin. Nandito kasi siya sa garden ng mansyon kasama ako. Sila Daddy, Ken, Meriam at ate May ay sabay-sabay umalis papunta sa opisina. Habang sila ate Shane naman at kuya Jan ay nasa kwarto lamang at hindi lumalabas. Si Mommy ay umalis din kasunod nila Daddy. Kaya mag-isa lang ako dito sa mansyon at pinapunta si Raven. "Oo. Sinubukan ko siyang habulin ngunit wala na akong naabutan sa labas ng gate. Sinubukan kong ipasilip sa CCTV ngunit hindi siya nahagip kahit kakarampot. Pakiramdam ko talagang siya iyon wala ng iba." sagot ko kay Raven. "Patingin nga ng sulat!" Sabi ni Raven at kinuha sa akin ang sulat na binigay para sa akin. "Hi Kamusta ka na? Alam kong alam mo na ang katotohanan. Salamat dahil naunawaan mo. Salamat dahil naging matatag kang harapin ito. Pasensya ka na kung wala akong lakas ng loob humarap sa iyo. Mahal kita! Mag-iingat ka palagi at lagi mong aalagaan ang sarili mo." Basa ni Raven sa sulat. "
"Umamin siya sa iyo?" bungad ni Raven sa akin ng makapasok sa kwarto ko. Dito sa mansyon parang walang ibang nangyari. Parang bumalik kaming lahat sa dati. Hindi pa din naman nag-aanounce si Dad ng sitwasyon niya. Hindi ko din alam kung alam na ba iyon ni Mommy. "Oo." simpleng sagot ko. "Ano ka ba naman girl. Bakit ang tamlay mo? Hindi mo na ba siya mahal?" tanong niyang muli sa akin. "Ewan. Hindi ko alam." Simpleng tugon ko. "Sabagay. Sa dami ng nangyari, sa ilang pagkakataon na ang naibigay mo siguro nga ay naubos ka na at hindi maramdaman ang sinsiridad sa sinasabi niya. Anyways kamusta daw si tita. Infairness huh ang sipag niyang alagaan ang nanay niya. Akala ko talaga hahayaan niya sa iyo si tita kahit alam na niyang nag undergo ito ng operation." mahabang wika ni Raven. "Ayos naman na daw si Mom. Minsan daw hinahanap ako kaso hindi niya magawang lumapit sa akin dahil nahihiya. Balak ko siyang dalawin someother time. Sabihan mo sila Dyson, sabay-sabay tayong pumunta doon. "
"Moooom!" "Titaaaa!" Sabay-sabay namin sigaw nang makarating sa bahay ni Miguel. Ang alam ko wala siya ngayon dito dahil nagtatrabaho siya kay Daddy. Mabait din si Daddy na tanggapin si Migeul kahit kalaban niya sa negosyo ang ama nito. "Mga anak!" bati din ni Mom sa amin. Masaya niya kaming niyakap isa-isa at ganoon din kami sa kaniya. Sobrang saya ng puso kong makitang magaan na ang awra niya ngayon hindi tulad dati na kahit ngumiti siya ay ramdam pa din ang pangungulila niya sa kaniyang nag-iisang anak. "Halika! Madami akong hinanda sa pagdating niyo." aya ni Mom sa amin sa dining table nila na puno ng pagkain. "Wow! Tita kayo ang naghanda ng lahat ng ito? Para sa amin po ba lahat 'to?" masayang tanong ni Dyson. "Kamay mo!" tabig naman ni Raven kay Ken na kukuha na sana ng isusubo sa bibig niya. Nagtawanan naman kami sa reaksyon ni Ken na akala mo'y batang inagawan ng lollipop. "Mom, hindi ka po ba napagod? Sobrang dami mo naman pong niluto. Tayo lang naman ang kakain. Dap
"Baliw ka ba?!" sigaw ko at itinulak siya sa abot ng makakaya ko. "Hindi kita pagnanasaan at ma-iinlove sa iyo? muli? Mukha mo!" sabi ko at bahagyang sinipa ang tuhod niya para hindi niya ako mapigilan. Pabagsak kong sinarado ang pintuan ng kwarto niya. "Oh! Anong mukha iyan?" tanong ni Raven ng sumalampak ako sa sofa."Moooom! Wala bang ibang Cr dito? Hindi ako nakagamit ng comfort room." sigaw ko mula sa living room. "Madumi kasi itong Cr sa may kusina kaya doon ka sa bakanteng room pinag-CR pero bakit hindi ka nakagamit ng maayos?" Sigaw ni Mom pabalik. "Tita baka madulas ka po dyan. Kami na po maglilinis tapos na din naman po kaming maghugas eh." rinig kong alok ni Dyson kay Mom. "Wow! sinisipag si Abnormal tita. Ibigay mo na po bago pa umalis ang sapi sa katawan niya." asar naman ni Raven sa kaniya. "Ewan ko sa iyo. Mukha kang prisesa dyan ayaw gumawa ng gawaing bahay pero mukha naman hari kung kumilos." asar ni Dyson pabalik kay Raven. "Sige ulitin mo pa! Makakatikim ka