Aira's P.O.V.Tatlong linggo na din ang nakalipas simula ng naoperahan si Mom at kinuha siya ni Miguel. Pagkatapos ng sinabi ni Miguel na kung may mangyaring masama kay Mom ay mananagot ako ay wala ng iba kaming napagusapan. Hindi na rin pinatulan ni Dyson at Ken ang pagbabanta ni Miguel dahil kung sila man ang nasa posisyon ni Miguel sasabihin niya din iyon. "Pinapauwi ka na ng Daddy mo sa inyo di ba?" sulpot ni Raven mula sa likuran ko. Simula pala noong nangyari sa hospital nagkita kami ni Dad. Hindi naman sinabi ni Dad kung bakit nandoon siya ngunit inalam ni Ken at Dyson. Hindi naman sila nahirapan alamin. Hindi ko akalain na bukod kay Mom na nanay ni Miguel ay may sakit din ang tatay ko. Sinabi din ng Doctor na may limang buwan na lang daw si Daddy para mabuhay kaya hindi kami nagtaka kung bakit pinapauwi ako sa mansyon. "Nahihiya ako!" Pagaalangan kong sabi habang nagiimpake ng ilang damit na dadalhin ko. "Anong nakakahiya doon?!" wika ni Raven at iniharap pa niya sa akin a
"Talaga ba? Sigurdo ka bang siya iyon?!" gulat na tanong ni Raven sa akin. Nandito kasi siya sa garden ng mansyon kasama ako. Sila Daddy, Ken, Meriam at ate May ay sabay-sabay umalis papunta sa opisina. Habang sila ate Shane naman at kuya Jan ay nasa kwarto lamang at hindi lumalabas. Si Mommy ay umalis din kasunod nila Daddy. Kaya mag-isa lang ako dito sa mansyon at pinapunta si Raven. "Oo. Sinubukan ko siyang habulin ngunit wala na akong naabutan sa labas ng gate. Sinubukan kong ipasilip sa CCTV ngunit hindi siya nahagip kahit kakarampot. Pakiramdam ko talagang siya iyon wala ng iba." sagot ko kay Raven. "Patingin nga ng sulat!" Sabi ni Raven at kinuha sa akin ang sulat na binigay para sa akin. "Hi Kamusta ka na? Alam kong alam mo na ang katotohanan. Salamat dahil naunawaan mo. Salamat dahil naging matatag kang harapin ito. Pasensya ka na kung wala akong lakas ng loob humarap sa iyo. Mahal kita! Mag-iingat ka palagi at lagi mong aalagaan ang sarili mo." Basa ni Raven sa sulat. "
"Umamin siya sa iyo?" bungad ni Raven sa akin ng makapasok sa kwarto ko. Dito sa mansyon parang walang ibang nangyari. Parang bumalik kaming lahat sa dati. Hindi pa din naman nag-aanounce si Dad ng sitwasyon niya. Hindi ko din alam kung alam na ba iyon ni Mommy. "Oo." simpleng sagot ko. "Ano ka ba naman girl. Bakit ang tamlay mo? Hindi mo na ba siya mahal?" tanong niyang muli sa akin. "Ewan. Hindi ko alam." Simpleng tugon ko. "Sabagay. Sa dami ng nangyari, sa ilang pagkakataon na ang naibigay mo siguro nga ay naubos ka na at hindi maramdaman ang sinsiridad sa sinasabi niya. Anyways kamusta daw si tita. Infairness huh ang sipag niyang alagaan ang nanay niya. Akala ko talaga hahayaan niya sa iyo si tita kahit alam na niyang nag undergo ito ng operation." mahabang wika ni Raven. "Ayos naman na daw si Mom. Minsan daw hinahanap ako kaso hindi niya magawang lumapit sa akin dahil nahihiya. Balak ko siyang dalawin someother time. Sabihan mo sila Dyson, sabay-sabay tayong pumunta doon. "
"Moooom!" "Titaaaa!" Sabay-sabay namin sigaw nang makarating sa bahay ni Miguel. Ang alam ko wala siya ngayon dito dahil nagtatrabaho siya kay Daddy. Mabait din si Daddy na tanggapin si Migeul kahit kalaban niya sa negosyo ang ama nito. "Mga anak!" bati din ni Mom sa amin. Masaya niya kaming niyakap isa-isa at ganoon din kami sa kaniya. Sobrang saya ng puso kong makitang magaan na ang awra niya ngayon hindi tulad dati na kahit ngumiti siya ay ramdam pa din ang pangungulila niya sa kaniyang nag-iisang anak. "Halika! Madami akong hinanda sa pagdating niyo." aya ni Mom sa amin sa dining table nila na puno ng pagkain. "Wow! Tita kayo ang naghanda ng lahat ng ito? Para sa amin po ba lahat 'to?" masayang tanong ni Dyson. "Kamay mo!" tabig naman ni Raven kay Ken na kukuha na sana ng isusubo sa bibig niya. Nagtawanan naman kami sa reaksyon ni Ken na akala mo'y batang inagawan ng lollipop. "Mom, hindi ka po ba napagod? Sobrang dami mo naman pong niluto. Tayo lang naman ang kakain. Dap
"Baliw ka ba?!" sigaw ko at itinulak siya sa abot ng makakaya ko. "Hindi kita pagnanasaan at ma-iinlove sa iyo? muli? Mukha mo!" sabi ko at bahagyang sinipa ang tuhod niya para hindi niya ako mapigilan. Pabagsak kong sinarado ang pintuan ng kwarto niya. "Oh! Anong mukha iyan?" tanong ni Raven ng sumalampak ako sa sofa."Moooom! Wala bang ibang Cr dito? Hindi ako nakagamit ng comfort room." sigaw ko mula sa living room. "Madumi kasi itong Cr sa may kusina kaya doon ka sa bakanteng room pinag-CR pero bakit hindi ka nakagamit ng maayos?" Sigaw ni Mom pabalik. "Tita baka madulas ka po dyan. Kami na po maglilinis tapos na din naman po kaming maghugas eh." rinig kong alok ni Dyson kay Mom. "Wow! sinisipag si Abnormal tita. Ibigay mo na po bago pa umalis ang sapi sa katawan niya." asar naman ni Raven sa kaniya. "Ewan ko sa iyo. Mukha kang prisesa dyan ayaw gumawa ng gawaing bahay pero mukha naman hari kung kumilos." asar ni Dyson pabalik kay Raven. "Sige ulitin mo pa! Makakatikim ka
"Ano ba? Tantanan mo nga ako!" sabi ko kay Miguel na kanina pa ako sinusundan. Umarko lang ang kilay niya habang nakatingin sa akin. Inirapan ko siya at nagpatuloy sa paglalakad papunta kay Dad. "Dad, This is the papers na hinihingi mo. License to operate and many more. After this what should i do next?" tanong ko kay Dad. "Love me!" sulpot naman ni Miguel mula sa likuran ko. Umirap naman ako. "Wag kang sumasa-"Hahaha okay darling call me later again. Muah!" rinig kong sabi ni Miguel mula sa kausap niya. I heard my Dad chuckles because of my reaction.."What?!" gulat na tanong ni Miguel ng makita akong nakabusangot na nakatingin sa kaniya. "Don't tell me nagseselos ka?" bulalas pa nito na kinatawa nila ng aking ama. Binigyan ko ng 'What now?!' look si Dad at tumigil naman siya. "I called Miguel to assist you since siya naman ang nag-mamanage ng new mall buildings and tenant. So better sa kaniya mo ito ipasa at hingin ang next thing to do. " sabi pa ni Dad at inabot muli sa a
Miguel Ice Javier's P.O.VSimula ng umalis ako sa kompanya ni Dad ay kung ano-anong investment ang pinasukan ko. Actually kahit noong nasa company pa lang ako ay unti-unti ko nang hinahanda ang sarili ko sa pag-alis. Alam ko kasing darating ang panahon na hindi ko na gugustuhin ang magtrabaho doon at maging anino lang ni Daddy. Simula noong pinagbantaan ko siyang sasampahan ko ng kaso ay nanahimik na siya at hindi ako ginulo pa. Kung tungkol naman sa babaeng nabuntis ko daw ay napatunayan ko na hindi totoo iyon. Siya lang naman ang babaeng naghabol at nag-iskandalo sa pamamahay namin ni Meriam. Siya din ang babaeng inuto kong samahan sa department store para mamili ng baby needs. Ngunit hindi ko akalain na naghahanda pala siya magsampa ng kaso sa akin once na hindi ko siya panindigan. Isa din sa business partner ni Dad ang ama ng ng babaeng iyon kaya madali kong nagamit ang pagiging under niya. Tinapos ko ang gulo sa kaniya sa loob ng ilang buwan. Habang tinatapos ko ang problema ka
Miguel's P.O.V"Ang bagal mo masyado bayaw! Bakit hindi ka kasi gumawa ng paraan para mapalambot muli ang puso ng ate ko!" bulyaw sa akin ni Ken. Ang kaniyang Ama, si Meriam at Ken ay suportado ako to win her back again. Alam kong madaming chance na ang binigay sa akin ni Aira pero desidido ako sa ngayon. "Hindi ko kayang madaliin ang ate mo. Masyadong malaking trauma ang naibigay ko sa kaniya at hindi basta mahihilom iyon ng panahon." sagot ko kay Ken. "Sa tingin ko naman mahal ka pa din ni Ate, sadyang nahihirapan talaga siya sa ngayon." sabi ni Ken at tinapik pa ang balikat ko. Iniwan na ako ni Ken na nakatulala dito sa table ko. Binigyan ako ng posisyon ni Sir James sa isang department medyo mababa ito pero kaya ko naman makipagsabayan. Gusto ko ang trabaho ko at nag-eenjo ako. Masaya akong araw-araw na pagpasok ko ay nakikita ko si Aira. Para akong bumalik sa pagkabata, pakiramdam ko nagkakaroon ako ng crush na malabong sagutin ako pag niligawan. Lagi ko siyang tinitingnan