Share

Chapter 66

"Moooom!"

"Titaaaa!"

Sabay-sabay namin sigaw nang makarating sa bahay ni Miguel. Ang alam ko wala siya ngayon dito dahil nagtatrabaho siya kay Daddy. Mabait din si Daddy na tanggapin si Migeul kahit kalaban niya sa negosyo ang ama nito.

"Mga anak!" bati din ni Mom sa amin.

Masaya niya kaming niyakap isa-isa at ganoon din kami sa kaniya. Sobrang saya ng puso kong makitang magaan na ang awra niya ngayon hindi tulad dati na kahit ngumiti siya ay ramdam pa din ang pangungulila niya sa kaniyang nag-iisang anak.

"Halika! Madami akong hinanda sa pagdating niyo." aya ni Mom sa amin sa dining table nila na puno ng pagkain.

"Wow! Tita kayo ang naghanda ng lahat ng ito? Para sa amin po ba lahat 'to?" masayang tanong ni Dyson.

"Kamay mo!" tabig naman ni Raven kay Ken na kukuha na sana ng isusubo sa bibig niya.

Nagtawanan naman kami sa reaksyon ni Ken na akala mo'y batang inagawan ng lollipop.

"Mom, hindi ka po ba napagod? Sobrang dami mo naman pong niluto. Tayo lang naman ang kakain. Dap
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status