"Hindi ka ba nagtataka kung sino nagpapadala sa iyo ng flowers at mga pagkain?" tanong sa akin ni Raven. Nagkibit-balikat lang ako dahil wala naman talaga akong alam kung sino. Wala din akong balak alamin dahil hindi ako interesado kung sino man siya. Hindi ko naman kinakain mga pinapadala niya pero hindi ko din sinasayang ah. "Alam mo dapat mula ngayon kinakalimutan mo na ang nangyari sa nakaraan. Dapat maging masaya ka. Sayang ang buhay!" payo ni Raven sa akin. Ngumuso lang ako dahil hindi talaga ako interesadong magkaroon ng bagong kakilala or kahit manliligaw man lang. "Wala ka talagang! Ay ewan ko sa iyo! Hindi ko alam kung manhid ka ba o wala ka ng puso." komento pa ni Raven. Nandito kami ngayon sa office. Nagtatrabaho kahit sobrang boring na. Boring kasi sobrang smooth ng transaksyon. Wala man lang kaming problema. Ang galing kasi ng mga empleyado namin magmanage at humawak ng kani-kanilang trabaho. “Barr?” aya ni Raven. “Ayoko!” simpleng sagot ko. “Himala!” koment
“Anong sabi mo?” tanong ni Raven.“Wala. Niyakap niya lang ako at hinayaan ko siya. Tapos inaya na niya akong ihatid ako.” Sagot ko.“So Means? Pinayagan mo siyang ligawan ka?” tanong ni Raven.“Hindi. Wala nga akong sinabi.” Depensa ko.“Pero hindi ka sumagot. Silent means yes!” wika niya.“Not all times. My silent means nothing, I am not confirming something nor declaring that anything. Kung ano pagkakaunawa niya, bahala siya.” Mahabang depensa ko sa sinabi niya.“Hinayaan mo siya sa pagkakaunawa niya. So kung ang pagkaunawa niya ay Oo edi means nanliligaw nga siya.” Makulit na sabi ni Raven.“Ewan ko sa iyo! Basta hindi solusyon ang lalaki para maging masaya. I will find my happiness in my own way!” sabi ko sa kaniya at kinuha ang phone ko.I dialed Dyson number.“Anong balita sa pinapahanap ko?” tanong ko ng sagutin niya.“Wala siya sa bansa. Hintayin nating makabalik saka tayo hihingi ng appointment. Hindi ka pwedeng pumunta na lang doon ng basta at magpakilalang anak dahil may p
Aira's P.O.VMaple leaves are thought to be symbols of love and loyalty..Katagang paulit-ulit pumapasok sa isip ko habang hawak ang kwintas na sinuot sa akin ni Miguel. "Hoooy!" napaigtad ako ng gulatin ako ni Raven. "Ano ba!" kunwari irita kong sabi dahil sa pagkagulat. "Tatlong araw ka ng nakatulala at himas-himas iyang kwintas mo. Ano ba ang mayroon dyan at kanino iyan galing? Ngayon ko lang iyan nakitang suot mo." paguusisa niya. Hindi naman ako nagsalita at ngumuso na lang ako. "Ay nako! Huluan ko." sabi niya at hinawakan pa ang baba niya. "Kay Miguel?" masigla niyang sabi at tinaas pa ang hintuturo. "Obvious ba?" nakakunot kong tanong. "So galing ka Miguel?!" gulat niyang sabi at lumapit pa sa akin. "Owemgyyyyy! A mapple leaves pendaaaaant! Omaaaaay!" nagsisigaw pa niyang wika. Kumunot naman ang noo ko habang nakatingin sa kaniya. "Alam mo ba na ang mapple leave ay sumisimbolo sa love and loyalty!" Dagdag niya pa. Halata sa reaksyon niya na masaya sya at nae-excite s
Aira's P.O.VNgayon araw ang alis nila Mommy. Hindi pa kailangan operahan ni Daddy kaya gusto ni Mommy enjoy-in ang araw na malakas pa si Daddy. Hindi madali ang nangyari sa relasyon nilang dalawa at mas lalong alam ko iyon. "Naiingit ka ba? Wag mo na kasi sayangin ang oras!" siniko pa ako ni Raven. Nakikita ko kasi sila Mommy at Daddy na excited habang pumapasok papasok Airport."Tsk!" irap ko sa kaniya at nauna ng umalis. Sumunod naman sa akin si Miguel at Raven. Hinatid kasi namin sila Daddy. "Anong plano niyo?" bulong sa akin ni Raven. Kumunot naman ang noo ko dahil hindi ko alam kung ang ibig-sabihin niyang sinabi. Umupo ako sa passenger seat habang sa likod naman si Raven. Hindi ko alam kung sumunod na din ang mga kapatid ko pagalis o hindi. Ang alam ko lang ay nasa bahay sila baby at ate Shane. "Barr naman tayo!" pagaaya ni Raven sa amin habang nagpapabebe sa akin. Tiningnan ko si Miguel na hinihintay din ang sagot ko. "Sure!" sagot ko sa kaniya at ngumiti. Agad naman
May kadiliman ang paligid ng magising siya. Tanaw mula sa labas ng kaniyang bintana ang paligid na mukhang basa. Siguro ay umulan magdamag. Dahil tinatamad ng pumasok si Aira gawa ng panahon ay bumangon na lang siya para ayusin ang sarili. Habang nagto-toothbrush, nakita niya ang sariling imahe sa salamin. Napansin niya ang mugto niyang mata epekto ito ng hindi niya pagtulog kagabi. Bukod kasi sa late na sila nakauwi ay hindi siya dalawin ng antok kakaisip kung ano ba talaga ang nararamdaman niya sa lalaking si Miguel. Napansin naman niya ang lahat ng effort ni Miguel. Malaki ang pinagbago nito mula sa pagsasalita, pagiging maalalahanin at purdigido. Ramdam niya din na tunay siya nitong mahal. Ngunit hindi niy mahanap sa puso niya ang pagmamahal sa lalaki. Hindi niya mawari kung dahil ito sa trauma ng nakaraan o talagang wala na siyang nararamdaman. "Hays, Aira! Kung di mo gusto ang tao. Patigilin mo na. Hindi iyong hinahayaan mo siya pero wala ka naman balak palang sagutin siya."
"Sino ba nagsabi sa iyo mangialam ka?" nagcross arm pa ako para malaman niya talagang hindi ako natutuwa sa ginagawa niya. "Pinopormahan ka niya tapos gusto mo manahimik lang ako?" kita sa mukha niyang hindi siya masaya. "Eh! Ano naman kung pinopormahan niya ako? Ano naman sa iyo?" sabi ko at nginuro ko pa ang mukha ko sa kaniya. "Ngayon? Sabihin mo sa akin kung ano ako sa buhay mo?" wika niyang may ngiti sa labi niya pagkatapos niya akong halikan. "Aira?" Liningon ko ang nagsalita. Pakiramdam ko sobrang pula na ng mukha ko dahil sa kahihiyan. "Ah-eh! K-kanina ka pa ba?" natataranda kong tanong kay Nate. Nakita niya kaya na hinalikan ako ni Miguel at hindi ko man lang ito sinampal. Ngumiti si Nate at nagsalita. "Mauuna na ako, tuloy na lang natin ang date natin some other time. Mukhang may kailangan ka pang tapusin eh!" sabi niyang nakangiti sa akin. Lumingon naman siya kay Miguel nang tiningnan ko si Miguel mukhang siyang-siya ito. Ngumiti lang ako kay Nate saka siya tuluyan
Maghapon akong nakatanga sa office dahil hindi ako makapagtrabaho ng ayos. Puno ang isip ko ng mga bagay tungkol kay Miguel Ice. "Ano bang problema mo?" nagaalalang tanong ni Raven sa akin. "Wala!" simpleng sagot ko. "Anong wala? Mukha bang wala kang problema? Maghapon ka ngang nakaganyan lang na parang ang daming iniiisip? Ano bang iniisip mo?" paguusisa ni Raven. "Wala! Hayaan mo na!" kinuha ko ang bag ko at akmang aalis ng may nagbukas ng pintuan. Sabay kaming napatingin. Sana pala hindi ko na tiningnan. "Ikaw na pala agad iyan! Ang aga mo yata ngayon?" Nagtatakang tanong ni Raven sa bagong dating. "Ganitong oras naman ako laging nasundo ah. Bakit mukhang naninibago ka?" sagot nito at lumapit sa akin. "Tayo na!" kinuha niya ang bag ko at dire-diretsong umalis. Hindi ko na nagawang magpaalam kay Raven dahil sa pagmamadali. "Stop!" bulalas ko. Hindi ko kasi siya mahabol dahil sobrang bilis niyang maglakad. "Bakit?" nilingon niya ako at binalikan. "Anong problema?" nagaalala n
Lumabas ako ng kwarto na iyon dahil hindi ako makahinga."Oh! Anak nandyan ka pala? Anong ginagawa mo dyan sa kwarto na iyan?" nagtatakang tanong ni Mama habang tumitingin sa pinto kung saan ako lumbas. "Hinatid ko po si Miguel. Sobrang lasing po kasi." nahihiya pa ako. Sino namang babae ang hindi mahihiyang humarap sa nanay ng lalaki at nahuli pa nito na galing ako sa loob.."Ganoon ba? Hindi naman dyan ang kwarto ni Miguel. Halika samahan mo ako at ilipat natin siya." nagmamadali siyang hatakin ako papasok sa loob. "Ang kwartong ito ay pinagawa niya para sa iyo. Madami siyang plano sa inyong dalawa. Matagal na iyo, hindi mo ba alam?" tumingin siya sa akin ngunit sa halip na magsalita ay umiling na lang ako."Ay nako, Miguelito! Bakit nagpakalasing ka naman. Hala-alalayan mo dito! yan! Pasensya ka na sa anak ko. Nag iisang lalaki kasi, hindi ko din masisisi kung minsan mag rebelde maaga kasing naipasa sa kaniya ang responsibilidad hindi niya naasikaso ang sarili niya. Ayan! Hayaan