"Sino ba nagsabi sa iyo mangialam ka?" nagcross arm pa ako para malaman niya talagang hindi ako natutuwa sa ginagawa niya. "Pinopormahan ka niya tapos gusto mo manahimik lang ako?" kita sa mukha niyang hindi siya masaya. "Eh! Ano naman kung pinopormahan niya ako? Ano naman sa iyo?" sabi ko at nginuro ko pa ang mukha ko sa kaniya. "Ngayon? Sabihin mo sa akin kung ano ako sa buhay mo?" wika niyang may ngiti sa labi niya pagkatapos niya akong halikan. "Aira?" Liningon ko ang nagsalita. Pakiramdam ko sobrang pula na ng mukha ko dahil sa kahihiyan. "Ah-eh! K-kanina ka pa ba?" natataranda kong tanong kay Nate. Nakita niya kaya na hinalikan ako ni Miguel at hindi ko man lang ito sinampal. Ngumiti si Nate at nagsalita. "Mauuna na ako, tuloy na lang natin ang date natin some other time. Mukhang may kailangan ka pang tapusin eh!" sabi niyang nakangiti sa akin. Lumingon naman siya kay Miguel nang tiningnan ko si Miguel mukhang siyang-siya ito. Ngumiti lang ako kay Nate saka siya tuluyan
Maghapon akong nakatanga sa office dahil hindi ako makapagtrabaho ng ayos. Puno ang isip ko ng mga bagay tungkol kay Miguel Ice. "Ano bang problema mo?" nagaalalang tanong ni Raven sa akin. "Wala!" simpleng sagot ko. "Anong wala? Mukha bang wala kang problema? Maghapon ka ngang nakaganyan lang na parang ang daming iniiisip? Ano bang iniisip mo?" paguusisa ni Raven. "Wala! Hayaan mo na!" kinuha ko ang bag ko at akmang aalis ng may nagbukas ng pintuan. Sabay kaming napatingin. Sana pala hindi ko na tiningnan. "Ikaw na pala agad iyan! Ang aga mo yata ngayon?" Nagtatakang tanong ni Raven sa bagong dating. "Ganitong oras naman ako laging nasundo ah. Bakit mukhang naninibago ka?" sagot nito at lumapit sa akin. "Tayo na!" kinuha niya ang bag ko at dire-diretsong umalis. Hindi ko na nagawang magpaalam kay Raven dahil sa pagmamadali. "Stop!" bulalas ko. Hindi ko kasi siya mahabol dahil sobrang bilis niyang maglakad. "Bakit?" nilingon niya ako at binalikan. "Anong problema?" nagaalala n
Lumabas ako ng kwarto na iyon dahil hindi ako makahinga."Oh! Anak nandyan ka pala? Anong ginagawa mo dyan sa kwarto na iyan?" nagtatakang tanong ni Mama habang tumitingin sa pinto kung saan ako lumbas. "Hinatid ko po si Miguel. Sobrang lasing po kasi." nahihiya pa ako. Sino namang babae ang hindi mahihiyang humarap sa nanay ng lalaki at nahuli pa nito na galing ako sa loob.."Ganoon ba? Hindi naman dyan ang kwarto ni Miguel. Halika samahan mo ako at ilipat natin siya." nagmamadali siyang hatakin ako papasok sa loob. "Ang kwartong ito ay pinagawa niya para sa iyo. Madami siyang plano sa inyong dalawa. Matagal na iyo, hindi mo ba alam?" tumingin siya sa akin ngunit sa halip na magsalita ay umiling na lang ako."Ay nako, Miguelito! Bakit nagpakalasing ka naman. Hala-alalayan mo dito! yan! Pasensya ka na sa anak ko. Nag iisang lalaki kasi, hindi ko din masisisi kung minsan mag rebelde maaga kasing naipasa sa kaniya ang responsibilidad hindi niya naasikaso ang sarili niya. Ayan! Hayaan
Aira Jane' P.O.VNagising ako dahil sa lakas ng katok na nagmumula sa pinto ng kwarto ko- okay kwarto na tinutulugan ko dito sa bahay ni Miguel. Hindi na kasi ako pinauwi ni Mama kagabi dahil masyado ng gabi. Hindi ko din namalayan na nakatulog na ako habang nag mumuni-muni. Bumangon ako at agad na dumiritso sa pinto upang pagbuksan ang kumakatok. "Ano iyon?" walang buhay kong tanong. Ni hindi ko siya nagawang tingnan dahil nakapikit pa ako. "Pinapagising ka ni Mama, sumabay ka na daw kumain. Bilisan mo papasok pa ako. Isa pa magsuot ka ng ano bago humarap sa tao." pitik niya sa noo ko. Agad naman akong nataranta ng marealize kung ano ang sinasabi niya. Bwisit. Nawala sa isip ko na nagalis pala ako ng Bra bago mahiga kagabi. Hays. Bakat tuloy ang nips ko sa suot kong damit.Agad akong pumasok sa Cr at naghilamos. Nagbukas na din ako ng bagong Tootbrush para fresh naman akong kakain mamaya. Nakakahiya. GoshDahan dahan akong naglakad papunta sa dining. Kahit nakayuko alam ko na si
Nagising ako sa isang silid na puro puti ang paligid. Alam kong hindi ito ang kwarto kaya babangon sana ako. "Airaaa! Salamat sa dyos gising ka na!" kumunot naman ang noo ko ng marinig ang hindi pamilyar na boses. "Iho! Gising na si Aira! Pakitawag ang doctor niya!" Natataranta pa ito base sa boses niya. Medyo malabo pa ang mata ko kaya hindi ko siya mamukhaan ng maayos. Dumating ang doctor ay sinuri ako. Binuka pa nito ang mata ko na akala mo naman ay galing ako sa Coma. "Sa ngayon ay maayos na siya. Kung walang komplikasyon hanggang bukas pwede niyo na siyang iuwi." Bilin ng doctor sa kausap niyang babae. Hindi ko mamukhaan ang babae dahil ngayon ko pa lang siya nakita. Ang katabi naman niya ay si Miguel at Ken na hindi nagsasalita. Anong mayroon?"Airaaa! Anong nararamdaman mo? Nakikilala mo ba ako? Huh? Ako to ang asawa mo." narinig ko naman ang simpleng pagtawa nila Ken sa likod ni Raven. "Gaga! Asawa ka dyan! May asawa ka na at hindi ako iyon. Tantanan mo nga ako!" Naiiri
Kinabukasan pinalabas din ako ng doctor. Hindi ko na din kaya ang manatili doon dahil sa kung ano anong isipin. Una sa lahat sa natatandaan ko walang kahit anong sasakyan ang malapit sa akin ng paliko na ako. Gusto kong malaman kung aksidente lang ba talaga ang lahat."Where's the CCTV. I need to watch it now." maotoridad kong sabi kay Raven."No. Kabilin-bilinan ni Miguel na wag kang bibigyan ng bagay na ititriggered ang stress mo. Matatagalan ang pag hilom niyan pag nagkataon." Kinuha ni Raven ang bag ko at isa-isang inalis ang mga tubal kong damit. "Bakit? Ano ka na ba ni Miguel ngayon?" mataray kong tanong sa kaniya. "Si Miguel lang naman ang nagalaga sayo, Nagbantay at kitang kita ang sobrang pagaalala sayo. Kita ng dalawang mata ko kung paano siya magalala sayo. Kaya susundin ko ang bilin niya hanggang makabalik siya dito." nagmumulagat pa siya sa harapan ko. "Ewan ko sayo. Bahala ka." tanging naging ekspresyon ko. Actually it my cope mechanism pag kinikilig ako o masaya. N
Aira Jane Point of View"Is this about your father? Mr. Martin?" tanong ko sa kaniya na kinagulat niya. Humarap siya sa akin at naupo sa tabi ko. "Bakit? May ginawa ba siya sayo? Pinagbantaan ka ba niya? Ano bang sinabi niya sa iyo? Kail-." Sinampal ko siya ng bahagya dahilan para tumigil siya sa kakakuda. Ang daming tanong. "Ikaw ang tinatanong ko di ba? May kinalaman ba ang tatay mo sa aksidente ko?" Medyo tumaas na ang boses ko sa pagulit ko ng tanong sa kaniya. Kita ko ang taranta sa mukha niya. Nakuha ko ang sagot na gusto ko wala pa man siyang sinasabi. "Hanggang ngayon pala hinahabol ka pa niya? Bakit hindi ka na lang magpaka-anak sa kaniya total maayos ang buhay mo doon? Hayaan mo na sa'kin si Mama. Hindi ko siya papabayaan at ipagkakait sa'yo. Kung gusto mo siyang makita ayos lang wag mo lang siyang ititira kasama ang pamilya ng tatay mo o iwan magisa." May tigas sa boses kong sabi. Napahilamos siya ng mukha habang naglalakad-lakad sa harapan ko. "Alam nating dalawa na h
Aira Jane Point of ViewHalos kalahating buwan din ang tinagal ng gamutan ko. Sa mga panahon na iyon si Miguel ang nagaalaga sa akin. Siya ang naghahanda ng mga kakainin ko, sa paliligo ko at lalong higit sa mga iniinom kong gamot. Tulad ng nais niya hindi ko na siya kinontra. Tama naman siya e, tama naman si Miguel. Inaalagaan niya ako para sa sarili nilang peace of mind. Hindi ko naisip iyon dahil masyado akong abala intindihin ang sarili kong nararamdaman. "Binawasan na ng doctor ang mga iinumin. Sa ngayon nakakakilos ka na ng ayos, wag ka na munang magtrabaho. Nandoon naman si Raven. Kung naiinip ka dito, tawagan mo lang ako. Ipapasyal kita agad. Si Mama hindi makadalaw dito, alam mo naman nahihiya siya sa parents. Pagsensyahan mo na siya. Ganoon talaga siya pag inabot ng hiya. " sinukbit ang bag na laman nito ang mga damit na dala niya. "Miguel sandali!" mahinahon pero may pag aalangan kong pigil sa kaniya. Paalis na kasi siya. Kanina pa siya nagbibilin sa akin pero wala nama
Miguel’s Point of View Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya na pumayag si Aira na magpakasal sa akin ngunit hindi kami maikakasal ngayong taon. Ang gusto kasi ng parents niya ay engrandeng kasalan. Isa din kasi iyon selebrasyon ng merging ng dalawang malaking company. Ang Villanueva Group of Company at ang Santiago Enterprise. Anong magagawa ko kung sa iyon ang nais nila. Isa pa ayaw nilang maging negative ang maging comment ng mga tao sa kasalan namin dahil sa pinost ni Abby ng kasal namin dalawa. Makukuha no’n ang atensyon ng tao kaysa sa kasal namin. “Wag ka nang malungkot dyan! Ikakasal din naman tayo, hindi ngayon pero sigurado akong ikakasal ako sa iyo lang at walang iba.” Aira cheered me. Ngumiti naman ako sa kaniya. “Basta sa akin ka lang huh? Sa aking ka lang magpapakasal ah. Walang iba?” Paninigurado ko sa kaniya. Tinaas naman niya ang kamay niyang may singsing. “This is not a simple ring. This was a promise ring, this symbolize our promise wedding.” Hinali
Miguel's point of View Aira and I was lying on my bed. Nakahiga siya sa braso ko habang hinahaplos ko ang mga buhok niya. This feelings i never imagine that happened again. Hindi ko akalain na darating kaming muli sa puntong ito ng buhay namin. Kaming dalawa muli ang magkasama at hindi iniisip ang ibang problema. Siguro sasabihin ng iba masyadong tipikal ang naging relasyon naming dalawa. Mula sa hindi magkasundong pamilya, produkto ng broken family at anak kami pareho sa labas ng aming Ama pero hindi iyon naging hadlang. Naging daan pa ito na mas lalo namin maunawaan ang isa't isa. "Ilang anak ang gusto mo?" Aira's asked me while looking at me. Ngumiti ako sa kaniya at pawang nagisip. "I want more than 4 i think. Gusto ko madami sila, ayoko maranasan nila ang magisa at walang kalaro gusto ko ang bestfriend nila ang isa't isa." Masaya kong sagot. Sumimangot naman siya na kinataas ng kilay ko. " I told you already na ayoko magkaroon ng madaming anak. Bukod sa hindi ako siguradong
Miguel Point of ViewMasaya akong umuwi sa bahay ng maihatid ko si Abby sa isang facility. Ang anak naman niya ay dinala ko sa mama niya. Hindi ko pinaalam kay Aira ang nangyayari dahil gusto ko siyang surpresahin. Nagulat si Tita ng dumatinf akong dala ang anak ni Abby. Akala nila itinakas ko kaya agad nila itong pinuntahan sa doon. Sobrang pasasalamat ni tita dahil sa wakas natauhan ang anak niya. Sa wakas pinili nitong maging okay ang sarili at magpalaya ng tao. Kahit medyo mahirap ang nangyayari laging pasalamat ko na sa wakas ay natapos din. Sa ngayon ang kailangan ko na lang asikasuhin ay ang company ni Daddy. Hindi ko alam ang nangyayari sa loob ng pamilya niya. Ang tanging sinabi sa akin ni Cheska ang madalas pagaaway ni Daddy at ng Mommy niya na kahit siya hindi alam ang rason. Lahat inihanda ni Dad bago siya sumuko sa mga pulis. Naihanda din ang paglipat sa pangalan ko ng mg shares niya. Mayroon ding shares ang naiwan kay Cheska. Ang mga buildings, farms at small business
Miguel Ice's Point of View "Mamaya mo na iyan ituloy, kumain ka na muna." Pasok ni Abby dito sa office ko sa bahay niya. Hindi ko gusto pero para sa ikakatahimik ng isip ng mama ko ginawa ko ang gusto niya. Malambot ang puso ni Mama lalo na sa mga anak na nagmamakaawa. "Busog pa ako." Simula ng tumira ako dito, ni hindi ko man lang siya nagawang tingnan. Nahahawakan niya ako pero gustong-gusto ko siya itulak para palayuin ngunit hindi ko magawa dahil sa awa. Maayos siya pag nandito sa bahay, maasikaso at nakakapagalaga ng anak niya. Kung noon tuwang tuwa akong makipaglaro sa anak niya. Tito-daddy pa nga ang pagpapakilala niya sa akin. Masaya akong makipaglaro sa bata pero noong pinakasalan ko siya dahil sa pananakot niya nawala ang amor nilang magina sa akin. Sabihin na natin na dapat hindi idamay ang bata pero siya ang malaking dahilan bakit pumayag at nagmakaaawa sa akin si Mama. " Hanggang kailan ka ba ganito? Asawa mo ako pero parang tauhan lang ako sa posporo kung ituring mo
Aira Jane’s Point of ViewMatapos ang nangyari sa amin ni Miguel ay wala na kaming sunod na pagkikita. Umalis ako ng gabing iyon habang natutulog siya, hindi na din ako nagpaalam pa kay Mama.“Paano kung malaman ng half-sister mo iyan? Mas magkakagulo lang Aira!” anya ni Raven sa akin. Masakit ang ulo ko ng pumasok ako, ang hirap din pala magpanggap na ayos lang ang lahat.“Paano naman niya malalaman kung walang magsasabi sa kaniya? Malamang hindi rin sasabihin ‘yon ni Miguel.” Wika ko habang nakasapo ang ulo kong nakapatong sa lamesa.“Ay nako! Hindi ka na talaga nadala! Kung hindi mo naman ipaglalaban si Miguel edi sana hindi ka nagpapadala dyan sa damdamin mo. Ang unfair mo sa totoo lang.”“Bakit ako? Bakit ako pa ngayon ang unfair? Hindi ba siya?” gulat kong tanong sa kaniya.“Tsk.” Napairap na lang si Raven ng hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin.“Imagine, tinanggap mo lang mga paliwanag nila without saying what’s inside you! Sa tingin mo ba tama iyon? Sa tingin mo ba h
Aira Jane’s Point of ViewHindi ako nauwi sa mansion. Hindi naman nila ako hahanapin. Dito ako matutulong sa bahay ni Mama. Wala naman siyang kasama, isa pa napagod kaming dalawa na mag-shopping at gumala sa mall. 11pm na ng kami ay nakauwi.“Hays, ito ang pangatlong araw ko sa kwarto na ito, pangalawang beses ko matutulog dito.” Bulong ko sa sarili ko ng sumalampak ako sa malambot na kami.“Aira, iha?” katok ni Mama sa pinto ng kwarto. Bumangon naman ako pero nakapasok na si Mama sa loob ng kwarto. “Gusto ko lang malaman kung kakain ka pa ba? Kasi kung oo ipagluluto kita. Ano bang gusto mo? Uuwi kasi si Miguel dito kaya nagluto ako ng sabaw, lasing nung tumawag e.” napabalikwas naman ako.“Ma, pwede bang umuwi ako?” tanong ni Mama.“Bakit? Iniiwasan mo ba si Miguel.” Bigla akong natameme sa tanong ni Mama. Hindi ko alam pero hindi ko kasi kayang makasama si Miguel ng may ibang tao na nakakita. Pakiramdam ko kasi ginagamit naming sila ni Miguel para lukuhin si Abby, which is I don’t w
Aira Jane’s Point of View“A-anong oras na?” rinig kong tanong ni Miguel.“Hapon na, magala-singko na. Kamusta tulog mo? Nagugutom ka na ba?” nagaalalang tanong ko.Nakaiglip din ako habang pinagmamasdan siya pero dahil sa sobrang init ay hindi ko magawang matulog ulit. Ito naman si Miguel grabe ang sarap ng tulog, halatang pagod siya. “Pasensya ka na kung naabala kita.” Hinging pasensya niya sa akin.“Wala iyon, basta huli na ito.” Tumayo na ako mula sa tent ng pigilan niya ako. “Maupo ka muna, magusap tayo.” Tiningnan ko siya saka nagsimulang maupo ulit.“Pwede bang umuwi ka sa bahay, samahan mo si Mama.” Nagulat naman ako sa tanong niya.“Bakit may nangyari ba kay Mama?” nagaalala kong tanong.“Wala naman, nagaalala lang akong wala siyang kasama doon, palagi akong nasa trabaho kung umuuwi naman ako palagi sa bahay na binili ni Abby. Kilala mo naman siya di ba? Ang gusto palagi pinapagod ang sarili niya.”“Parang ikaw.” Bulong ko na kinataas ng kilay niya. “Sige, subukan ko siyang i
Aira Jane’s Point of View“Mukhang maaliwalas mukha natin ngayon ah. Nagkabalikan na ba kayo?” Salubong na tanong sa akin ni Meriam.Nagpatuloy lang ako sa paglalakad papunta sa dining area. Hindi ko siya pinansin dahil ayoko ng kung anong kumosyon sa magandang umaga ko. Magaan ang gising ko, pakiramdam ko nawala lahat ng pagaalala ko. Hindi ko sigurado kung dahil ba sa nalaman ko na totoong mahal ako ni Miguel at ako pa din ang taong pahinga niya o dahil nakasama ko siya halos magdamag kagabi.“Alam mo bang trending ka na naman? Alam mo, simula ng nagkaroon kayo ng relasyon ni Miguel hindi ka na nawala sa social media. Ikaw na lang lagi ang topic.” Sumunod siya sa akin habang sinasabi ang lahat ng iyon. Humarap ako sa kaniya bago nagsalita. “Alam mo Meriam, sa haba ng panahon na nabubuhay tayo, hindi ka pa ba sanay na pinaguusapan ng ibang tao? Their opinion is still not matter to me unlike you.” Mataray na sagot ko kaniya, hindi ko man lang siya tinapunan ng tingin.“Talaga ba? Paan
Aira’s Point of ViewPagkalipas ng tatlong linggo,“Anong sinabi mo?” tanong kong muli kay Ken. May binalita kasi siya sa akin na hindi ko halos paniwalaan.“Oo. Umalis na si bayaw sa kompanya dahil tutulungan daw ang kapatid niyang si Cheska sa pagpapatakbo ng sarili nilang company dahil sumuko sa mga pulis ang tatay nila. Hindi ko alam ang ibang dahilan ngunit isang bagay ang sigurado ko, iniwan na tayo ni bayaw.” Malungkot na wika ni Ken sa akin.“Wala akong ibang magagawa doon. Kung gusto niya iyon edi doon siya sa kanila. Maganda nga iyon e, madami na siyang alam sa company natin na pwede niyang gamitin sa company nila o kaya naman gamitin niya iyon para mapasama tayo.”“Hindi ganoon si Bayaw ate. Alam mo iyan!” nagkibit balikat lang ako saka naglakad palabas ng mansion.Wala siyang utang na loob. Pagkatapos siyang tanggapin ng buo ni Dad iiwan niya lang basta para lang sa taong dahilan ng problema namin noon. Siguro nga sinusubukan ko ng kalimutan ang nangyari but it doesn’t mean