May kadiliman ang paligid ng magising siya. Tanaw mula sa labas ng kaniyang bintana ang paligid na mukhang basa. Siguro ay umulan magdamag. Dahil tinatamad ng pumasok si Aira gawa ng panahon ay bumangon na lang siya para ayusin ang sarili. Habang nagto-toothbrush, nakita niya ang sariling imahe sa salamin. Napansin niya ang mugto niyang mata epekto ito ng hindi niya pagtulog kagabi. Bukod kasi sa late na sila nakauwi ay hindi siya dalawin ng antok kakaisip kung ano ba talaga ang nararamdaman niya sa lalaking si Miguel. Napansin naman niya ang lahat ng effort ni Miguel. Malaki ang pinagbago nito mula sa pagsasalita, pagiging maalalahanin at purdigido. Ramdam niya din na tunay siya nitong mahal. Ngunit hindi niy mahanap sa puso niya ang pagmamahal sa lalaki. Hindi niya mawari kung dahil ito sa trauma ng nakaraan o talagang wala na siyang nararamdaman. "Hays, Aira! Kung di mo gusto ang tao. Patigilin mo na. Hindi iyong hinahayaan mo siya pero wala ka naman balak palang sagutin siya."
"Sino ba nagsabi sa iyo mangialam ka?" nagcross arm pa ako para malaman niya talagang hindi ako natutuwa sa ginagawa niya. "Pinopormahan ka niya tapos gusto mo manahimik lang ako?" kita sa mukha niyang hindi siya masaya. "Eh! Ano naman kung pinopormahan niya ako? Ano naman sa iyo?" sabi ko at nginuro ko pa ang mukha ko sa kaniya. "Ngayon? Sabihin mo sa akin kung ano ako sa buhay mo?" wika niyang may ngiti sa labi niya pagkatapos niya akong halikan. "Aira?" Liningon ko ang nagsalita. Pakiramdam ko sobrang pula na ng mukha ko dahil sa kahihiyan. "Ah-eh! K-kanina ka pa ba?" natataranda kong tanong kay Nate. Nakita niya kaya na hinalikan ako ni Miguel at hindi ko man lang ito sinampal. Ngumiti si Nate at nagsalita. "Mauuna na ako, tuloy na lang natin ang date natin some other time. Mukhang may kailangan ka pang tapusin eh!" sabi niyang nakangiti sa akin. Lumingon naman siya kay Miguel nang tiningnan ko si Miguel mukhang siyang-siya ito. Ngumiti lang ako kay Nate saka siya tuluyan
Maghapon akong nakatanga sa office dahil hindi ako makapagtrabaho ng ayos. Puno ang isip ko ng mga bagay tungkol kay Miguel Ice. "Ano bang problema mo?" nagaalalang tanong ni Raven sa akin. "Wala!" simpleng sagot ko. "Anong wala? Mukha bang wala kang problema? Maghapon ka ngang nakaganyan lang na parang ang daming iniiisip? Ano bang iniisip mo?" paguusisa ni Raven. "Wala! Hayaan mo na!" kinuha ko ang bag ko at akmang aalis ng may nagbukas ng pintuan. Sabay kaming napatingin. Sana pala hindi ko na tiningnan. "Ikaw na pala agad iyan! Ang aga mo yata ngayon?" Nagtatakang tanong ni Raven sa bagong dating. "Ganitong oras naman ako laging nasundo ah. Bakit mukhang naninibago ka?" sagot nito at lumapit sa akin. "Tayo na!" kinuha niya ang bag ko at dire-diretsong umalis. Hindi ko na nagawang magpaalam kay Raven dahil sa pagmamadali. "Stop!" bulalas ko. Hindi ko kasi siya mahabol dahil sobrang bilis niyang maglakad. "Bakit?" nilingon niya ako at binalikan. "Anong problema?" nagaalala n
Lumabas ako ng kwarto na iyon dahil hindi ako makahinga."Oh! Anak nandyan ka pala? Anong ginagawa mo dyan sa kwarto na iyan?" nagtatakang tanong ni Mama habang tumitingin sa pinto kung saan ako lumbas. "Hinatid ko po si Miguel. Sobrang lasing po kasi." nahihiya pa ako. Sino namang babae ang hindi mahihiyang humarap sa nanay ng lalaki at nahuli pa nito na galing ako sa loob.."Ganoon ba? Hindi naman dyan ang kwarto ni Miguel. Halika samahan mo ako at ilipat natin siya." nagmamadali siyang hatakin ako papasok sa loob. "Ang kwartong ito ay pinagawa niya para sa iyo. Madami siyang plano sa inyong dalawa. Matagal na iyo, hindi mo ba alam?" tumingin siya sa akin ngunit sa halip na magsalita ay umiling na lang ako."Ay nako, Miguelito! Bakit nagpakalasing ka naman. Hala-alalayan mo dito! yan! Pasensya ka na sa anak ko. Nag iisang lalaki kasi, hindi ko din masisisi kung minsan mag rebelde maaga kasing naipasa sa kaniya ang responsibilidad hindi niya naasikaso ang sarili niya. Ayan! Hayaan
Aira Jane' P.O.VNagising ako dahil sa lakas ng katok na nagmumula sa pinto ng kwarto ko- okay kwarto na tinutulugan ko dito sa bahay ni Miguel. Hindi na kasi ako pinauwi ni Mama kagabi dahil masyado ng gabi. Hindi ko din namalayan na nakatulog na ako habang nag mumuni-muni. Bumangon ako at agad na dumiritso sa pinto upang pagbuksan ang kumakatok. "Ano iyon?" walang buhay kong tanong. Ni hindi ko siya nagawang tingnan dahil nakapikit pa ako. "Pinapagising ka ni Mama, sumabay ka na daw kumain. Bilisan mo papasok pa ako. Isa pa magsuot ka ng ano bago humarap sa tao." pitik niya sa noo ko. Agad naman akong nataranta ng marealize kung ano ang sinasabi niya. Bwisit. Nawala sa isip ko na nagalis pala ako ng Bra bago mahiga kagabi. Hays. Bakat tuloy ang nips ko sa suot kong damit.Agad akong pumasok sa Cr at naghilamos. Nagbukas na din ako ng bagong Tootbrush para fresh naman akong kakain mamaya. Nakakahiya. GoshDahan dahan akong naglakad papunta sa dining. Kahit nakayuko alam ko na si
Nagising ako sa isang silid na puro puti ang paligid. Alam kong hindi ito ang kwarto kaya babangon sana ako. "Airaaa! Salamat sa dyos gising ka na!" kumunot naman ang noo ko ng marinig ang hindi pamilyar na boses. "Iho! Gising na si Aira! Pakitawag ang doctor niya!" Natataranta pa ito base sa boses niya. Medyo malabo pa ang mata ko kaya hindi ko siya mamukhaan ng maayos. Dumating ang doctor ay sinuri ako. Binuka pa nito ang mata ko na akala mo naman ay galing ako sa Coma. "Sa ngayon ay maayos na siya. Kung walang komplikasyon hanggang bukas pwede niyo na siyang iuwi." Bilin ng doctor sa kausap niyang babae. Hindi ko mamukhaan ang babae dahil ngayon ko pa lang siya nakita. Ang katabi naman niya ay si Miguel at Ken na hindi nagsasalita. Anong mayroon?"Airaaa! Anong nararamdaman mo? Nakikilala mo ba ako? Huh? Ako to ang asawa mo." narinig ko naman ang simpleng pagtawa nila Ken sa likod ni Raven. "Gaga! Asawa ka dyan! May asawa ka na at hindi ako iyon. Tantanan mo nga ako!" Naiiri
Kinabukasan pinalabas din ako ng doctor. Hindi ko na din kaya ang manatili doon dahil sa kung ano anong isipin. Una sa lahat sa natatandaan ko walang kahit anong sasakyan ang malapit sa akin ng paliko na ako. Gusto kong malaman kung aksidente lang ba talaga ang lahat."Where's the CCTV. I need to watch it now." maotoridad kong sabi kay Raven."No. Kabilin-bilinan ni Miguel na wag kang bibigyan ng bagay na ititriggered ang stress mo. Matatagalan ang pag hilom niyan pag nagkataon." Kinuha ni Raven ang bag ko at isa-isang inalis ang mga tubal kong damit. "Bakit? Ano ka na ba ni Miguel ngayon?" mataray kong tanong sa kaniya. "Si Miguel lang naman ang nagalaga sayo, Nagbantay at kitang kita ang sobrang pagaalala sayo. Kita ng dalawang mata ko kung paano siya magalala sayo. Kaya susundin ko ang bilin niya hanggang makabalik siya dito." nagmumulagat pa siya sa harapan ko. "Ewan ko sayo. Bahala ka." tanging naging ekspresyon ko. Actually it my cope mechanism pag kinikilig ako o masaya. N
Aira Jane Point of View"Is this about your father? Mr. Martin?" tanong ko sa kaniya na kinagulat niya. Humarap siya sa akin at naupo sa tabi ko. "Bakit? May ginawa ba siya sayo? Pinagbantaan ka ba niya? Ano bang sinabi niya sa iyo? Kail-." Sinampal ko siya ng bahagya dahilan para tumigil siya sa kakakuda. Ang daming tanong. "Ikaw ang tinatanong ko di ba? May kinalaman ba ang tatay mo sa aksidente ko?" Medyo tumaas na ang boses ko sa pagulit ko ng tanong sa kaniya. Kita ko ang taranta sa mukha niya. Nakuha ko ang sagot na gusto ko wala pa man siyang sinasabi. "Hanggang ngayon pala hinahabol ka pa niya? Bakit hindi ka na lang magpaka-anak sa kaniya total maayos ang buhay mo doon? Hayaan mo na sa'kin si Mama. Hindi ko siya papabayaan at ipagkakait sa'yo. Kung gusto mo siyang makita ayos lang wag mo lang siyang ititira kasama ang pamilya ng tatay mo o iwan magisa." May tigas sa boses kong sabi. Napahilamos siya ng mukha habang naglalakad-lakad sa harapan ko. "Alam nating dalawa na h