Share

Kabanata 1

Author: Zanicolette
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

H'wag n'yong hayaan

Na pagdating ng panahon,

Sisihin kayo ng susunod na henerasyon,

Dahil wala kayong ginawa.

1913

NGAYON NA ang huling araw na masisilayan ko ang Unibersidad ng Pilipinas sa Los Baños. 

Ngunit hindi ko tiyak kung ako ba'y lubos na masaya... dahil sa paguwi ko, isang problema ang sasalubong sa akin. 

"Hanggang sa muli, Esmeralda. Magpakabait ka lagi, naiintindihan mo?" sabi ko sa kaibigan kong pusa. Pinangalanan ko s'yang Esmeralda, na ayon sa aking Propesor ay nangangahulugang 'Emerald', dahil kulay berde ang kanyang mata. 

Nilibot ko muna ang tingin sa labas ng Unibersidad bago pumasok sa kalesa. Ito na ang naging tahanan ko sa loob ng 16 na taon. Salamat dahil natakasan ko kahit papaano ang problema ko ngayon sa buhay. 

"Binibini, saan po ang inyong paroroonan?" tanong ng kutsero. Naipasok n'ya na pala ang maleta ko at handa ng paandarin ang kalesa. 

"Sa daungan po papuntang Maynila." Inayos ko ang laylayan ng aking Trahe De Mestiza nang makasakay na sa loob. 

Kinuha ko ang isang kulay-kape na libro mula sa'king maleta. Napulot ko lang ito sa lamesa ng aming silid-aralan at nalimutan ko nang ibalik pa. Sinimulan kong tignan ang unang pahina ngunit blangko iyon, kaya dumiretso na ako sa ikalawa. 

Sa susunod na taon, 1916, ipapasa ng kongreso ng Estados Unidos ang Philippine Autonomy Act o ang Jones Law. 

Ito ang magbibigay sa mga Pilipino ng kalayaang magsarili at pangako ng pagkakaloob ng kasarinlan sa Pilipinas sa lalong madaling panahon kapag nagkaroon na ang bayan ng isang matatag na pamahalaan. 

Natawa ako sa aking nabasa. Tinignan ko ang unahan at likuran ng libro ngunit hindi ko makita kung sino ang sumulat nito. Isang kalokohan. Manghuhula ba ang nagbabasa nito? Ngayon alam ko na kung bakit iniwan lang ito ng aking kaklase sa aming silid.

Pinagpatuloy ko ang pagbabasa, at puro batas ang aking nakita. Hanggang sa matigilan ako sa aking nakita. 

Ang taong 2020. 

Sa taong 2020, tuluyan nang lalawak ang teknolohiya at komunikasyon sa mga tao. Palago ng palago ang ekonomiya at dahil doon ay nakasalalay ang agrikultura.

Maraming tao ang mauuhaw sa kayamanan at lalaganap ang sakit na hindi maiiwasan -- ang pagiging sakim sa lipunan.

Habang ang mga mahihirap ay lalong mamimilipit sa gutom. Maaagawan ng opurtunidad at tatapakan na lamang sa sambayanan habang-buhay.

Hindi ko mapigilang makaramdam ng lungkot. Totoo ba ito? O marahil ito ay isa lamang hula ng manunulat gayong nabigyan na sila ngayon ng laya magsulat. 

"Binibini, narito na po tayo," ani kutsero. 

Bumaba na ako at tinanaw ang nasa harapan kong daungan. Hindi gano'n karami ang pasahero, at ang ilan ay katulad ko ring uuwi sa Maynila pagkatapos magaral. 

Alam kong sa sandaling makauwi na ako, ibang buhay na ang madadatnan ko. 

×××

"Maraming salamat," baling ko sa kutsero at bumaba na sa tapat ng aming hacienda. Dala dala ko ang maleta habang pinapasok ang tahimik naming bahay na ngayon ay ipinagtataka ko. 

Ganito na ba talaga kalaki ang pinagbago nang mamatay si Ate Clarita? 

"Ina?" Nagpalinga-linga ako sa loob ng aming bahay. Nasaan sila? 

"Binibini." 

Napalingon ako kay Lucia, ang kasambahay namin. Sa likod n'ya ay may matandang babae ang diretsong nakatingin sa akin at nakasimangot, mukha s'yang strikto na may madilim na aura kaya't napaiwas ako ng tingin. 

"L-lucia, sino s'ya?" 

"Ah, si Tiya Alondra. S'ya ang bago nating kasambahay, binibini." 

"Ganoon ba? Ngunit sa pagkakaalam ko sapat na ang aming kasambahay," tugon ko pa. 

"Ang inyong i-ina ang nagdesisyon na ipasok s'ya rito, Binibini," aniya. Ako lang ba iyon o nakita ko s'yang umiwas ng tingin sa akin? Nanginginig rin ang kan'yang mga kamay. 

Tumango na lamang ako at dumiretso sa aking silid para makapag pahinga. Marahil ay lumabas sila ina upang mamili sa palengke sa ibang bayan. 

"Binibini." 

Namilog ang mga mata ko nang makita ang bago naming kasambahay rito sa loob ng aking silid. Napatayo ako sa aking kama at nagtatakang tumingin sa kan'ya. Suot n'ya pa rin ang seryosong mukha at madilim na aura.

"Bakit po kayo naririto? H-hindi ba dapat ay kumatok muna kayo bago--" 

"Humayo ka na at magtungo sa plaza. Ngayon na isasagawa ang paghahatol sa iyong nobyo. Mag-iingat ka, binibini." 

"A-ano?! Sigurado ba kayo sa inyong tinuran?" 

Walang reaksyon si Manang Alondra kung kaya't tumakbo ako palabas ng hacienda papuntang Plaza. Wala silang lahat sa aming bahay dahil ngayon na ihahatol kay Isagani ang parusa! Paano nila nagawang magsinungaling sa akin? Sa pagkakaalam ko ay may isang linggo pa ako para samahan ang aking nobyo bago ang paghahatol! 

"Malinaw na malinaw sa ating mga saksi ang nangyaring panghahalay at pagpatay ni Isagani Perez sa panganay na anak ni Heneral Rogelio Fernandez na si Clarita. Ang kanilang bawal na pag-ibig ang naghatak kay Isagani upang gawin ang kanyang ninanais. Malinaw na ang mga patunay kung kaya't nararapat lamang s'yang patawan ng kamatayan!" 

Tinignan ko si Isagani na ngayon ay nakaluhod na sa harapan ng lahat. Ang dating laging naka-Amerikano ay ngayo'y naka-Camiso de Tsino na. At ang dati n'yang makinis at magandang pangangatawan ay ngayo'y marumi at payat na...

"KALOKOHAN!" sigaw ko sa kanilang lahat kaya't napalingon sila sa akin. Bakas sa kanila ang pagkagulat maging ang aking ama na si Heneral Rogelio. "HINDI N'YA PINATAY SI ATE! MGA WALA KAYONG UTANG NA LOOB!" 

"CATALINA!" Tila namumuo na ang galit ni ama ngunit hindi ako nagpatinag roon. 

"Catalina, anak..." Rinig kong hikbi ng aking ina habang yakap ang aking kapatid, si Crustacia. 

Lumapit ako sa kanilang lahat. "Kung hindi dahil sa pamilya Perez ay imposible nang maging maunlad ang bayan natin nga'yon! Ama... Paano mo nagawa 'to? Hindi n'yo po ba ako paniniwalaan? Hindi magagawa ni Isagani na patayin s'ya!" Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko dagdag pa nang makita kong muli si Isagani na nanghihina na. Marahil ay araw-araw s'yang pinagkakaisahan ng mga heneral sa loob ng kulungan...

"Tumahimik ka, Catalina! Hindi mo maaaring pakasalan ang lalaking pinagtaksilan ka at ubod pa ng kasamaan! Nararapat lamang ang ganitong pasura, kaya't simulan n'yo na!" 

"HUWAG!" 

Ngunit hindi nila ako pinansin. Itinapat nila ang kanilang mga baril kay Isagani na ngayon ay nararamdaman kong... Wala na s'yang pag-asa pa. 

Isa...

Dalawa...

Tatlo...

"FIRE!" 

Kasabay niyon ang ilang beses na pagputok ng mga baril na tumatagos sa katawan ni Isagani. Ang pag-agos ng kaniyang dugo mula sa kanilang katawan ang lalong ikinahina ko. 

Bago s'ya pumikit at mawalan ng malay, nakita kong ngumiti s'ya sa akin. At para bang may narinig akong bulong sa kan'ya na tanging ako lang ang makaririnig... 

"Salamat... Dahil hanggang sa huli ay ipinagtanggol mo ako." 

Tuloy-tuloy ang pagagos ng mga luha ko. Hindi ko namalayang napaluhod na pala ako dahil sa panghihina. 

At sa araw na iyon, tinitiyak kong hahanapin ko ang hustisya para kay Isagani... Para sa mahal ko. 

×××

Pagkalipas ng dalawang taon...  

1915, Disyembre 21

"Maraming salamat na lang, ama... Ngunit huwag n'yo na po akong pilitin pa bago ako mawalan ng respeto sa in'yo." 

Kung mayroon mang hindi nagbago sa dalawang taon, iyon ay ang pakikitungo namin sa isa't isa ng aking ama. Marami na akong sinunod sa utos n'ya... Katulad ng pagaaral ng agrikultura sa Unibersidad ng Pilipinas. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi ko na hahayaang sirain pa ni ama ang buhay ko. 

"Wala na bang ikatatalino 'yang utak mo? Catalina, kapag naikasal ka sa may lahing Amerikanong heneral ay magiging malawak ang negosyo at lupain natin, naiintindihan mo?" 

"Hindi pwede! Kung hindi n'yo lang sana ginawa 'yon kay Isagani, sana matagal na kaming tahimik! O kaya... Sana ako na lang ang pinatay n'yo!" 

"Anak, Diyos ko... H'wag kang magsalita ng ganiyan!" Napa-tanda ng krus na lamang si Ina habang kami ay nasa hapag-kainan.

"Ate, h'wag mo nang ulitin iyang sinabi mo..." bulong sa akin ni Crustacia na ngayon ay katabi kong kumain.

Inilapag ko ang aking kutsara't tinidor. Nakita ko namang pinipigilan ni ama ang kaniyang galit dahil nasa harapan kami ng hapag-kainan. Ngunit kung wala ay tiyak na nakaluhod na ako sa bilaong puno ng munggo. 

Narinig kong bumuntong hininga si ama. "Hindi ko na alam ang kahihinatnan ng kabuhayan na'tin. Kung kaya't kahit ano pang sabihin mo, ipagkakatiwala ko kay Heneral Rafael ang iyong kamay." Tumayo na s'ya at tumalikod sa amin. Ngunit bago pa s'ya tuluyang makalayo ay nagsalita s'yang muli. "Dapat isabilis ang inyong kasal, kung kaya't napagdesisyonan kong sa Enero na ganapin iyon." 

Hindi ko na magawang makagalaw sa aking kinauupuan. Nanatili na lamang akong nakatitig sa pagkaing nakaahin sa aking plato. 

"M-magpapahangin lang po ako," pagpapaalam ko sa aking Ina at tumayo na. 

Sa likuran ng aming bahay madalas akong nagpapalipas ng oras, sa pagitan ng dalawang puno na may duyan. Hindi ganoon kalakas ang hangin ngunit ramdam ko ang lamig sa bawat pagtampi nito.

"Marahil naninirahan ka pa rin sa nakaraan, Binibini." Napalingon ako sa nagsalita, si Manang Alondra. Nakatingin lamang s'ya sa kalangitan. "Narinig ko ang usapan niyong mag-ama. Ayaw mong ikasal dahil si Isagani pa rin ang laman ng iyong puso, hindi ba?" 

Napatango na lamang ako kahit hindi s'ya kita. "Mas gugustuhin ko na lamang na ako na ang namatay kaysa sa kanilang dalawa ni Ate Clarita... P-para masaya na silang magkasama ngayon, alam ko naman pong ako lang ang pumapagitna sa kanila." 

Masakit man ngunit kahit na hindi ako kailanman minahal ni Isagani, narito pa rin ako hanggang sa huli n'yang hininga.

"Kung gayon, sumama ka sa akin." 

Naglakad s'ya papunta sa dulo ng hacienda, kaya't sumunod na rin ako. Laking gulat ko nang makakita ng isang bangin, hindi ba't puro kulungan ng hayop ang naririto? 

"M-manang Alondra... Bakit may bangin? Anong nangyari?" 

Pareho kaming nakatingin sa malalim na bangin. Nanginginig ang mga paa ko dahil sa takot na baka ako'y mahulog. Nagulat ako nang hawakan ako ni Manang Alondra, malamig ang kanyang kamay at seryosong nakatingin sa akin. 

"Isasama kita." 

"I-isasama?" 

At wala pang ilang segundo, naramdaman kong itinulak ako ni Manang Alondra sa malalim na bangin. Lumakas ang hangin, ganoon rin ang pintig ng puso ko. Puno ako ng kaba. At nang makitang malapit na akong bumagsak sa matitilos na bato, naramdaman kong nadapa ako. 

Para akong nahilo kung kaya't napatungo ako sa isang patag na semento. Nawala na rin ang malamig na hangin. Unti-unti akong tumingala... At sa harapan ko ay may isang salamin. 

Ang suot kong Trahe De Mestiza ay naging maikling tela na hindi ko malaman kung ano. Malayong malayo sa baro't saya at napayakap ako sa sarili dahil kitang kita na ang balat ko. 

Nakalugay na ang aking buhok. At nang tignan ko pang maigi ang sarili sa salamin... 

H-hindi ako ito...

Sa tabi ng salamin, mayroong kalendaryo. 

N-nandito na ako sa taon kung saan nabasa ko ang kakaibang prediksyon...

Narito ako sa taong 2020!

Kaugnay na kabanata

  • The 125-Year-Old Wife   Kabanata 2

    HistoryDoes not repeat itselfIt is men who never learnedFrom the pastWho repeat history2020, Disyembre 21"Alam mo ba kung ano ang pinakanakakatakot na mangyayari sa'yo?"Tandang-tanda ko pa noong magkasama kami ni Ina na tanawin ang bayan sa munting burol. Tandang-tanda ko rin ang kaniyang sagot."Ang mawala."Hindi ako nalagutan ng hininga, hindi rin ako nagkasakit at namatay... Nawawala ako.ZNawawala na ako sa panahong kinagisnan ko.Mabilis akong napalingon nang biglang lumitaw si Tiya Alondra sa hangin. Gulat man, pilit kong nikalasan ang loob upang magsalita. "B-bakit ako naandito?!" Inilibot ko ang aking paningin; simple ngunit eleganteng bahay, isang lalaking mahimbing na natutulog at iba na ang kaniyang katauhan.Hindi na ba ako si Catalina?"Hindi ka maniniwala kung sasabihin ko sayong idina

  • The 125-Year-Old Wife   Kabanata 3

    Ikaw?Gaano mo kamahalAng ating bansa?Kaya mo bang mamatayPara rito?O isa ka rin sa mga duwagKagaya ko?1898"Gaano mo ba kamahal ang ating bansa, Conrado, at nagagawa mong hindi ako sundin?" Nanglilisik ang mga mata ng aking ama habang hawak-hawak n'ya sa kwelyo ang aming Kuya, ang panganay at nagiisang lalaki sa magkakapatid.Tila ba nanlamig ang mga kamay ko habang nagtatago sa gilid ng pinto, sa kwarto ni Ama. Hating-gabi na at aksidente kong narinig ang pinaguusapan nilang dalawa."Mahal ko ang ating bansa... Kung kaya't nag-aral ako ng abogasya para ipaglaban ang mga naaapi, a-ama..."Lalong hinigpitan ni ama ang kuwelyo ni kuya. "Anong magagawa ng pagtatanggol mo kung mamamatay rin naman tayong lahat?!" Nanggagalaiting sigaw ni Ama. Lalo akong nagtago ng maigi upang hindi maputol ang kanilang pinaguusapan.Ano ba ang tinutuk

  • The 125-Year-Old Wife   Kabanata 4

    Maria ClaraDid not faint,Simply because the FilipinosDon't know how to faint1911Binibini, Ginoo,Natatandaan mo pa ba noong una mo s'yang nakita?Ako, oo. Tandang-tanda ko pa ang unang araw nang makita ko ang lalaking pinapangarap ko hanggang ngayon. Linggo noon at balak kong balikan si Ate na akala ko ay nagdadasal lamang sa simbahan."Ano ba ang dahilan ng iyong pagkapoot... Binibini?"Napatigil ako sa paglapit kay Ate Clarita. Umiiyak s'ya habang nakaupo sa isa sa mga mahahabang upuan ng simbahan. Hindi gaano lumapit ang lalaking ang ngalan pala ay si Isigani, dahil mahigpit na ipinagbabawal ang ganoon kung hindi naman mag-nobyo."P-puwede ba, G-ginoo! Huwag mo a-akong kausapin, gusto kong mapagisa!" ani Ate Clarita sa gitna ng pag-iyak.Tinitigan ko ng mabuti si Isagani, puno ng awa ang nakikita ko sa mga mata n'ya. Lingid

  • The 125-Year-Old Wife   Kabanata 5

    Minsan,Nakikita ng pusoAng hindi nakikita ng mata.1911"Ngunit bakit biglaan naman ang iyong pagdedesisyon?" tanong ni Ina."Matagal ko na po itong pinag-iisipan," pagsisinungaling ko. "Ama, ina... Desidido na po akong mag-aral sa Los Banos.""Catalina, alam mo namang hindi ko na kaya pang mawalay kayo ni Crustacia sa aming paningin hindi ba?" ani Ama."N-ngunit... Bakit si Ate Clarita ay hinayaan po ninyong mag-aral roon?""Iyon ay dahil kaya nang mag-isa ng iyong kapatid, nasa ugali na rin n'ya ang pagiging matapang na babae at hindi basta-basta magpapatalo kung kaya't pumayag na kami ng iyong Ama."Napabuntong hininga na lamang ang aking Ama. "Kung gayon ay papayagan kita, basta't uutusan ko ang iyong kapatid na bantayan ka roon sa Los Banos. Tuwing huling linggo naman ng bawat buwan ay uuwi kayo, naiintindihan mo ba, Catalina?"

  • The 125-Year-Old Wife   Kabanata 6

    Ang isang magandang panaginip,walang karugtong,walang katapusan.Kaya dapat,hindi dinudugtungan,para habambuhay na langna maging isang napakagandang panaginip.1912Isang taon na. Isang taon ko na s'yang sinusundan patago sa Unibersidad. At ngayon, naririto ako sa likuran ng malaking puno habang sinusulyapan ang paguusap ni Isagani at ng mga kaibigan n'ya."Balita ko ay kalahating taon ka nang ninanakawan ng tingin ni Paulina, hindi ka ba nagkakaroon man lamang ng interes sa kaniya?" tanong ng lalaki kay Isagani. Nakaupo sila sa damuhan at nagpapahangin."Tama si Alejandro, maganda s'ya at mabait. Huwag ka nang magpaka-torpe pa dahil tiyak na maraming nagbabalak na mangligaw kay Paulina," tatawa-tawang sabi naman ng isa.Tumawa si Isagani. "Alam n'yo namang may naitatago akong pagibig sa isang Fernandez."Nanlaki ang mga mata ng kaniyang kaib

  • The 125-Year-Old Wife   Kabanata 7

    Sa bawat luha,May ngumingiti.At sa bawat sakit,May nabubuhay.1912"Hwag mo na nga ako sundan! Nasaan na ba ang kahihiyan mo, Ginoo?" Inis na sabi ni Ate Clarita.Naka-tanaw lamang ako kila Isagani sa hindi kalayuan na ngayon ay lumapit sa kaniya upang sabay silang mag merienda sa ilalim ng puno. Ito ang madalas puntahan ng mga estudyante sa Unibersidad."Ngunit bakit? Heto na nga at sinasamahan kita, malungkot ang kumain mag-isa." Ngumiti si Isagani kay Ate Clarita at nagumpisang kumain.Si Ate Clarita naman ay nanatiling mailap sa kaniya sa hindi malamang dahilan. Ganito talaga ang ugali ng aking kapatid, malayo sa kalalakihan at masungit. Ngunit ang nakapagtataka ay parang noon lamang, malapit na s'ya kay Ginoong Isagani, ngayon naman ay parang gusto na n'ya itong isumpa."Pagkatapos ng nangyari kahapon? Ginoo, hindi magandang biro ang iyong ginawa! Alam mo n

  • The 125-Year-Old Wife   Kabanata 8

    Bakit ang mga namamatay lamangAng nagiging bayani,Bakit hindi pati ang mga taongNabubuhay sa pagdurusa,Dahil sa gobyernongMagnanakaw sa bayang sinilangan.1912"I-isagani..."Naistatwa ako sa tapat niya pagkabukas ko ng pintuan. Bakit s'ya naririto? Paano n'ya nalaman ang dormitoryo ko? S-sinundan n'ya ba ako?Napatingin s'ya sa loob ng aming dormitoryo, at napatitig sa isang malaking larawan kung saan naroroon kami ni Ate Clarita, ako at si Crustacia. Nilipat n'ya ang baling sa'kin saka nagsalita."Kung gayon ay ikaw pala ang isa sa kapatid ni Clarita, dapat ay maging mabait ako sa iyo," ngiting sabi ni Isagani.Ako naman ay nanatiling nakatitig sa kaniyang makisig na mukha. Wala man lamang bakas ng sugat ito, mapula rin ang kaniyang labi... Ngayon ko lamang s'ya nakita ng malapitan."B-bakit ka nga pala napunta rito...?" tanong k

  • The 125-Year-Old Wife   Kabanata 9

    Kung naniniwala kayongAng intensyon ng mga AmerikanoAy ang tulungan tayo,Pwes!Para kayong mga birhenNa naniniwala sa pagibigNg isang puta!- Antonio Luna, 1898 1912"Natutuwa akong malaman na ang dahilan ng aking anak sa paglipat ng Los Banos ay upang makita ang kaniyang matagal ng napupusuan. Catalina, hindi ka nagkamali sa pagpili,” nagagalak na sabi ni ama na nasa gitna ng aming hapagkainan.Kasalukuyan kaming naririto sa aming hacienda sa Maynila nang ibatid ni Don Emilio, ang ama ni Isagani, na nahuli kaming magkasama sa hardin ng Unibersidad. Ang aking mga magulang naman na si Dona Perpetua at Heneral Rogelio ay naniwala sa balitang iyon. Agad nila kamin

Pinakabagong kabanata

  • The 125-Year-Old Wife   Kabanata 24: Huling Kabanata

    Ating balikan ang unang kabanata,Ang simulang walang katapusan.Tunghayan ang huling kabanata.Huling prosa sa kawakasan.1913NILIBOT ko muna ang tingin sa labas ng Unibersidad bago pumasok sa kalesa. Ito na ang naging tahanan ko sa loob ng 16 na taon. Salamat dahil natakasan ko kahit papaano ang problema ko ngayon sa buhay."Binibini, saan po ang inyong paroroonan?" tanong ng kutsero. Naipasok n'ya na pala ang maleta ko at handa ng paandarin ang kalesa."Sa daungan po papuntang Maynila." Inayos ko ang laylayan ng aking Trahe De Mestiza nang makasakay na sa loob.Kinuha ko ang isang kulay-kape na libro mula sa'king maleta. Napulot ko lang ito sa lamesa ng aming silid-aralan at nalimutan ko nang ibalik pa. Sinimulan kong tignan ang unang pahina ngunit blangko iyon, kaya dumiretso na ako sa ikalawa.&

  • The 125-Year-Old Wife   Kabanata 23

    Ang katapusanAy laging may simulaNgunit may mga simulangHindi na nakikita ang katapusan.1913."Hindi mo pa ba alam ang balita?""Anong balita?""Pumanaw na si Clarita, iyong magaling makipag-argumento sa propesor?""S-sandali! Wala na siya? Paano?""Ang sabi sabi, pinatay s'ya ni Ginoong Isagani ngunit bago iyon, ginahasa n'ya muna si Clarita.""Isagani? Hindi ba't si Catalina ang nobya n'ya? Nakatakda na ang kasal nila sa susunod na buwan 'di ba?"Tumigil ako sa pagkain sa kapiterya ng aming Unibersidad. Palagi na lamang bang ganito? Mababaliw na ako sa mga bulong nila. Animo'y bubuyog na nagpapasakit ng tenga ko!Pilit kong pinakalma ang sarili."Aalis na ako."Sapat na ang aking boses upang patahimikin ang lahat. Hindi sila makapaniwa

  • The 125-Year-Old Wife   Kabanata 22

    Balikan natin kung saanNagsimula ang lahatUpang sa gayo'yMagawa na nating bumalikSa pinagmulan.1913.Inangat ko ang tingin sa kaniya.Tahimik s'yang pumasok sa kwarto kung saan pwedeng magusap ang bisita at mga nakakulong.Mahigpit kaming binantayan ng mga sundalo at binigyang magusap ng kaunting minuto.Balisang umupo si Isagani sa'king harapan.Huminga muna ako nang malalim bago s'ya kausapin. "Kumusta ka? Maayos ba ang lagay mo rito?"Ilang segundo na ang lumipas ngunit hindi pa rin s'ya sumasagot.Ikinuyom ko ang nanginginig kong mga kamay. "M-magsalita ka naman," pinipigilan kong umiyak habang tinititigan s'ya.Nakatungo lamang s'ya at balisa."Nag-aalala na ako sa'yo... Alam mo bang tumakas ako sa'min kahit labag sa kagustuhan ni ama?"

  • The 125-Year-Old Wife   Kabanata 21

    Ang pagibig ay hindi kailanmanMagiging marahas,Ito ay mapagubayaAt nagpapahalaga.1913.Naalimpungutan ako at napakamot sa mata.Tinanaw ko ang bintana at kumurap ng ilang beses.Nakarinig ako ng bulungan sa labas ng aking kwarto. Marahil iyon ay ang aming mga katulong.Maya-maya ay nakarinig ako ng malakas na sigaw kung kaya't napaupo ako sa kama."Kay Imelda ba ang boses na 'yon?" Tanong ko sa'king sarili.Nagsigawan na rin ang iba pang katulong, dahilan para lumabas ako ng kwarto at puntahan sila."A-anong nangyayari?"Nilapitan ko sila na nasa may pintuan ng aming hacienda."S-s-si binibining Clarita..." Ani Imelda habang nakatingin sa labas ng aming pintuan.Tinignan ko ang nasa harapan namin.

  • The 125-Year-Old Wife   Kabanata 20

    Mas masahol pa sa hayopAng magkunsintiSa maling asalNa ginawa ng isang tao1913Kalansing ng mga kubyertos ang maririnig sa buong hapagkainan."U-umalis na nga po pala si Adam noong isang araw... May ensayo po sila sa Amerika," pagpapa-alam ni Ate Clarita sa aming lahat."Kung gayon bakit hindi man lang s'ya nagpaalam sa'kin?" sagot ni ama.Napatigil sa pagkain si ate. Ang katabi ko, si Isagani, ay napatingin sa kan'ya."Labis po s'yang nagmamadali dahil huli na raw po s'ya sa daungan, ama," aniya at nagpatuloy sa pagkain.Ibinaling ni ama ang atensyon kay Isagani. Mukhang wala s'ya sa tamang timpla dahil sa inilahad ni ate."Hijo, bakit hindi kita mahagilap noong isang linggo?"Tama si ama. Ni anino n'ya ay hindi ko nahagilap sa buong linggo kong pamamalagi sa

  • The 125-Year-Old Wife   Kabanata 19

    Kailangan bang gawin moAng lahat upang matanggap kaSa lipunangpuno ng mapanghusga?1913.Isang linggo ang lumipas.Nobyo.Paulit-ulit kong inisip ang huling sinabi ni Ate Clarita.May nobyo na s'ya?"Ina, Ama, manliligaw ko po... Si Adam," pagpapakilala ni Ate sa mga magulang namin.Nagsama-sama kami ngayon sa sala dahil sa 'di inaasahang bisita.Katabi n'ya ang maputi at matangkad na lalaki. Amerikano nga s'ya. Hindi nakapagdududa."Hi, Madamme and Mister Fernandez. Nice to meet you all," wika ng kanyang nobyo. Ngumiti naman si Ina at Ama."Manliligaw? N-ngunit akala ko'y--"Pinanlakihan ako ng mata ni Ate. Senyales na hwag ko munang ibunyag na mag nobyo na sila."A-ang ibig kong sabihin... Bakit ngayon mo lamang s'ya pi

  • The 125-Year-Old Wife   Kabanata 18

    Ibabalik kita sa nakaraan,Nang bumalik sa'yo ang lahat,Kung saan ka nagmula,Hanggang sa kung ano ka ngayon.1913"A-ate..."Para bang nagunaw ang mundo ko nang makita si Ate Clarita. Parang kanina ay kausap ko si Isagani tungkol sa kaniyang pagbalik... P-pero ngayon ay nandiyan na siya."Mukhang ako na lamang ang hinihintay ninyo sa inyong kasal. Masaya ako dahil halatang mahal na mahal niyo ang isa't isa," sabi ni Ate Clarita nang makalapit sa amin."C-clarita." Napatayo si Isagani mula sa kaniyang pagkakaluhod."Naririto ka na pala," hindi ko makapaniwalang sabi. "B-bakit hindi mo kami pinadalhan ng sulat nang sa gayo'y nasundo ka namin sa daungan," dagdag ko.Tumingin sa akin si Ate... Na parang wala na sa kaniya ang nangyari sa nakalipas na dalawang taon."Wala na akong oras para sulat

  • The 125-Year-Old Wife   Kabanata 17

    Huwag kang matakotNa harapin ang buhaySapagkat ang nakakatakotAy ang hindi mo na magawaAng dapat mong gawinBago ka pa mamatay1913"Puwede ba kitang... M-makausap?"Napalingon sa akin si Isagani. Pinuntahan ko siya rito sa kanilang silid-aralan. May nais akong sabihin.Pumayag naman s'ya. Naglakad kami patungo sa hardin rito sa Unibersidad -- kung saan kami nahuli ni Don Emilio.Tumigil sa paglalakad si Isagani. "Ano'ng sasabihin mo?""A-ah, uh..." Nauubusan ako ng salita sa harapan niya. "D-dalawang taon na." Iyon na lamang ang lumabas sa aking bibig.Bumuntong hininga si Isagani. Pinagkrus niya ang kaniyang braso at mariing tumingin sa akin.Kinagat ko ang aking labi. "Hanggang kailan ba tayong ganito, Isagani?" Diretso kong tingin sa kaniya."

  • The 125-Year-Old Wife   Kabanata 16

    Sa sampung taong makikilala mo,Iyong lima, nakakain na.Iyong dalawa, nakabili na.Iyong tatlo, mangungutang pa lang.1913, September."Isagani, mamasyal muna kayo ni Catalina. Basta't bago mag alas-dyis, naririto na kayo, ha?""Po?"Bumuntong hininga si Dona Isabel. "Ano ba anak, ngayon lang uli kayo lalabas ni Catalina," aniya habang nagluluto ng handa."M-masusunod po, Ina."Hinila ako ni Isagani palabas ng kanilang bahay. Plano ng mga magulang namin na magsimba mamaya. Pasasalamat sa patron ng aming bayan."Gusto kong pumasyal sa parke. Mauuna na ako. Magkita na lamang tayo sa unang kanto pagkatunog ng kampana ng simbahan," wika ko."Huwag."Bahagya akong nagulat. "B-bakit?"Huminga ng malalim si Isagani, saka tinignan ako sa mga mata. "Nais

DMCA.com Protection Status