Maria Clara
Did not faint,
Simply because the Filipinos
Don't know how to faint
1911
Binibini, Ginoo,
Natatandaan mo pa ba noong una mo s'yang nakita?
Ako, oo. Tandang-tanda ko pa ang unang araw nang makita ko ang lalaking pinapangarap ko hanggang ngayon. Linggo noon at balak kong balikan si Ate na akala ko ay nagdadasal lamang sa simbahan.
"Ano ba ang dahilan ng iyong pagkapoot... Binibini?"
Napatigil ako sa paglapit kay Ate Clarita. Umiiyak s'ya habang nakaupo sa isa sa mga mahahabang upuan ng simbahan. Hindi gaano lumapit ang lalaking ang ngalan pala ay si Isigani, dahil mahigpit na ipinagbabawal ang ganoon kung hindi naman mag-nobyo.
"P-puwede ba, G-ginoo! Huwag mo a-akong kausapin, gusto kong mapagisa!" ani Ate Clarita sa gitna ng pag-iyak.
Tinitigan ko ng mabuti si Isagani, puno ng awa ang nakikita ko sa mga mata n'ya. Lingid sa kaalaman ko na ito na pala ang simula ng pagkahulog ng kaniyang loob sa aking nakatatandang kapatid.
"N-ngunit naririto ako upang makinig sa iyo, hindi ko hahayaan na mag-isa ka lamang rito sa loob ng simbahan at... umiiyak." Ang mga salitang iyon ni Isagani ang nagpalambot ng aking puso. Maaalalahanin at mabait na binata ang nakikita ko sa kan'ya, pakiramdam ko ay bumibilis rin ang pagkabog ng aking dibdib.
Hindi man n'ya ako nakikita ng mga panahong iyon, ako man ang nasa gilid ng kaniyang mga mata, tinuturing ko ang mga oras na iyon na una naming pagkikita.
"Patawarin m-mo ako, Ginoo... N-ngunit tinatanong ko lamang sa Diyos kung..." Lalong humagulgol si Ate Clarita, nararamdaman kong nasasaktan s'ya sa nangyari kanina. "K-kung bakit hindi na lamang ako hayaan ng aking ama maging madre? G-gayong malabo na akong makapag-asawa pa... B-bakit hindi pa n'ya ako hayaan?"
Sa tingin ni Isagani sa aking kapatid, alam kong gusto n'ya itong yakapin... Nararamdaman kong ayaw n'yang umiyak pa ang babaeng nasa harapan n'ya.
At nang maglaon... Lingid pa rin sa kaalaman ko na kaya hindi na ipinagpilitan pa ni Ate Clarita na mag-madre, ay dahil sa lalaking takda ko nang pakasalan.
Alam ko na ako lamang ang nagpahirap ng kanilang pag-iibigan, ako lang din ang dahilan kung bakit nawala pa silang dalawa... Ngunit masaya na rin ako dahil magkasama na sila, nagkatuluyan sa isang paraisong wala nang manggagabala pa.
×××
2020, Disyembre 23
"Sierra, why aren't you using phones? I-it's really weird... You have still appointments, right?"
Napalingon ako kay Nathan na kakalapit lang sa akin habang hawak ang isang tasa ng kape. Hapon na ngayon at nakatingin lamang ako sa kalangitan habang nakaupo sa labas. Nagagalak ako dahil sariwa pa rin ang natatanggap kong hangin.
'She's really weird... Is she doing her New Year's resolution? The heck.'
Napakunot ang aking noo. Dalawang araw na mula noong huli kong makausap si Tiya Alondra sa daungan ngunit hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang mga iniisip ng ibang tao. Dalawang araw na rin akong nag-iisip kung bakit nagkapalit kami ng mga buhay ni Sierra.
Minsan na ring sumagi sa isip ko... Ayos lang kaya siya?
"Sierra, are you just fine? Bakit ba ang tahi-tahimik mo these past few days?"
"H-ha? W-wala... Wala naman, bakit mo naman naitanong?"
Umupo s'ya sa tabi ko at hinigop ang kaniyang kape. "I'm glad you came back from what you really are..." Tumingin s'ya sa maaliwalas na kalangitan ngunit padilim na.
'I hope you won't change... Though these days I find you so stupid, pfft. Sana bumalik na nga ang dati kong nakilala... Yet still I love you whatever you are, Sierra...' bulong n'ya sa kalangitan. Napako ang tingin ko sa kan'ya habang pinaulit-ulit sa isip ang tinuran n'ya.
"B-bakit? Nagbago ba ako...?" tanong ko.
Ngumiti s'ya. "Yeah, mas lalo ka pang naging old-fashioned kaysa dati, ewan ko sa'yo, para kang nasapian." Tumawa s'ya ng marahan at hinigop muli ang kape. Nagulat ako ng kaunti nang tumingin s'ya sa akin na para bang nagagalak, "Hey, ano nga palang gusto mong handa natin bukas para sa Noche Buena? I'll search whatever you like, is it fine?"
A-ano? Search? Ibig-sabihin maghahanap pa s'ya ng mga babasahin upang malaman kung paano lutuin ang mga putaheng gusto ko?
"Ganoon ba? Magpa-pasko na nga pala... Hindi ko namalayan na ganoon kabilis ang lahat..." Ang mga pangyayari... Niyakap ko ang aking sarili nang humaplos ang malamig na hangin sa aking balat at nag-isip ng mga gusto kong handa para bukas. "Uh-- g-gusto ko sana iyong Sinigang, Menudo, o kaya ang paborito kong Adobo--"
"Kailan mo pa naging favorite ang Adobo?" Kunot-noo n'yang tanong.
Napatigil ako. Para akong naistatwa bigla. "A-ang ibig kong sabihin... Isa iyon sa mga naging paborito ko na ngayon, d-dahil natikman ko 'yon noong isang buwan... Hehe, pasensya na kung hindi ko agad nasabi."
Napangiti naman s'ya. At sa hindi inaasahan, muntik nang tumalbog ang puso ko nang yakapin n'ya ako. Hindi gaano kahigpit ngunit nararamdaman ko ang kaniyang puso na mabilis na tumitibok. "I'll cook whatever you want, then..."
Bukod sa aking ama, s'ya lamang ang lalaking naka-yakap sa akin. Ganito pala ang pakiramdam mayakap? Parang... Para bang magaan sa pakiramdam. Niyakap ko s'ya pabalik dahil wala naman akong nakikitang mali.
Asawa ko naman s'ya... Ngunit dito lang, dito lang sa panahon na ito.
Kumawala na kami sa pagkakayakap sa isa't isa. Napansin kong umiwas na s'ya ng tingin at para bang naiilang na labis kong ipinagtaka. Para bang... Nahihiya pa rin s'ya? Paano kung malaman n'yang hindi talaga ako ang asawa n'ya?
"Uh -- Sierra?"
"Bakit?"
"Maybe... Uh --" Napakamot s'ya sa kaniyang ulo. Bigla kong naalala ang tinuran ng aking kuya, na kapag kinamot raw ng lalaki ang kaniyang ulo at mukhang naiilang sa harap ng babae, ang ibig sabihin niyon ay nato-torpe s'ya.
Bigla akong natawa dahil sa ala-alang iyon. "Nato-torpe ka ba sa akin, Nathan?"
"Huh?" Gulat s'yang napalingon sa akin. 'Bakit napaka-straight forward n'ya pa rin?!'
Lalo akong natawa. "Ano ba kasi iyon?"
"G-gusto sana kitang yayain... Kung gusto mo akong samahan bukas manood ng fireworks display sa plaza, p-payag ka ba?"
'She never watched fireworks display when we got married... I hope she say yes, the heck. Please, Sierra...'
Lumawak ang aking ngiti. "Oo naman, sabay natin sasalubungin ang pasko." Tumayo na ako at akmang papasok na upang magpahinga nang marinig ko ang kaniyang tinuran sa isip.
'E-even in New Year?'
Kahit na hindi ko man alam ang gagawin namin bukas, papayag ako.
Lumingon ako sa kaniya suot ang ngiting kanina pa hindi mawala. "Kahit pa sa bagong taon."
×××
2020, Disyembre 24 --> 11:45 PM
"Hoy, bata! Lumayo ka nga d'yan!"
"Pre, asan ka na ba? Hoy huwag mo na hintayin jowa mo di kayo magtatagal na'n."
"Sana all may kasama sa pasko, huhu."
Maingay. Ang daming tao, at karamihan mga mag-nobyo ang naririto sa Plaza malapit sa amin.
"Tama lang ang suot mo, hindi ba nalalamigan ang tenga mo? I forgot your earpuffs," ani Nathan.
Naglalakad kami at tanging pinagtataka ko, bakit hindi n'ya hinahawakan ang aking kamay? Hindi ba't ganoon ang mga magasawa? Ang mga dalaga ngang nasa paligid namin ay naka-kandong na sa kanilang mga nobyo. Hindi ko maintindihan.
"Ayos lang ako, saan nga pala tayo manonood?" tanong ko.
"Doon," aniya at laking gulad ko nang akbayan n'ya ako. "Wala namang masama kung aakyat tayo sa 2nd floor ng munisipyo, 'di ba?"
Hindi na ako nagsalita pa at sumama sa kaniya sa ikalawang palapag ng munisipyo. Dito kitang kita ang mga tao sa ibaba, nasa gitna ng plaza ang tinatawag nilang fireworks na puputok sa kalangitan na kaaya-aya sa mga tao.
"Hi, Mr. and Mrs. Hernandez, wow! I'm glad you're here!" Bungad sa amin ng isang mataba ngunit malinis na matanda at nakipagkamay sa aming dalawa ni Nathan.
"Hi, mayor! Merry Christmas! Kumusta na po kayo?" Nagagalak at magalang na sabi ni Nathan. Lalo s'yang naging makisig sa paningin ko dahil sa paraan ng pagtrato n'ya sa iba.
"Aba, ayos na ayos lamang. Merry Christmas din sa inyong dalawa ah, ano, kailan na ba ako magiging ninong ng baby number one n'yo?"
Napaangat ang aking isang kilay ngunit binawi ko rin agad dahil napatingin sa akin ang makinis at balingkinitang babae sa likod ng tinatawag nilang Mayor. Ngumisi s'ya at umirap sa akin, hindi ko man maintindihan kung bakit n'ya ginawa iyon, ang tanging nagawa ko na lang ay ang tumahimik.
Narinig kong tumawa si Nathan at nagumpisang mailang na sa usapan. "W-wala pa po kasi sa amin 'yang bagay na 'yan, Tiyo eh."
Napansin ng Mayor na tahimik lamang ako kung kaya't iniba na ang usapan. "Aba'y ganoon ba? Then how's your business these days? Hmm, Sierra?"
Business? Negosyo ba kamo? Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang trabaho ni Nathan.
"A-ah, ayos lamang po, Tiyo... Mukhang maganda naman po ang nagiging daloy ng aming negosyo dahil... D-dahil nakakakain naman po kami sa araw-araw...?" Hindi ko alam kung tama ba ang aking tinuran ngunit alanganin na lamang akong ngumiti sa kaniya. Ang babaeng nasa likod naman n'ya ay ipinagkrus ang braso habang nakataas ang kilay na nakatingin sa akin.
Tumawa ang Mayor. "Kahit na ilang beses pa kayong kumain sa isang araw, hinding hindi mauubos ang pera n'yo, Sierra."
"Tiyo, hindi ko pa nga po alam kung patok pa rin ba talaga ang mga produkto namin... Dahil sa panahon ngayon wala ng hilig lalo na ang kabataan roon..." ani Nathan.
"Hijo, huwag mo nang isipin pa ang tungkol roon dahil sigurado naman akong sa galing ng tauhan mo, lalo pang dadami ang sales n'yo, don't worry, we'll still support you, alright?"
"Ayan na, isang minuto na lang pasko na!"
"Oh s'ya sige na, iiwan ko na kayong mag-asawa rito. Maligayang Pasko sa inyo!"
"Maligayang Pasko rin po, Tiyo!" Bati ko.
Pagbaling namin sa ibaba, nagsilabasan na ang mga tao sa simbahan na masayang hinihintay ang pagputok ng mga fireworks.
"Nathan? Hindi mo sinabing may misa pala? Sana man lang ay nakapunta tayo roon..."
"H-huh? I thought you don't like going to church?"
Napalingon ako kay Nathan na ngayon ay naguguluhan. "A-ah... K-kasi... Uh--" Wala na akong maisip pang palusot dahil sa pangamba na baka s'ya'y magduda.
"Five! Four! Three! Two!"
Hinila ako ni Nathan sa braso at niyakap ng mahigpit.
"ONE! MERRY CHRISTMAS!" Kasunod nito ang pagputok ng maraming fireworks papuntang kalangitan.
"Merry Christmas, baby..." Bulong n'ya na nagpabilis ng tibok ng puso ko, kasabay nito ang paghampas ng malamig na simoy ng hangin.
"M-merry Christmas..." tugon ko rin.
"I love you... I'm loving you even more, Sierra." Nararamdaman ko kung gaano kabilis ang tibok ng puso naming dalawa habang magkayakap.
Pareho naming tinanaw ang magagandang paputok sa kalangitan. Ito ang kauna-unahang makakakita ako ng ganitong klaseng paputok, at ito rin ang masasabi kong pinaka-kakaiba sa lahat.
×××
"Talaga? Ganoon mo kabilis natutunan lutuin ang mga iyon?" Mangha kong tanong sa kan'ya.
Binuksan n'ya na ang pintuan ng bahay, kakauwi lang namin galing sa plaza at masasabi kong masaya't magiliw pa rin ang pakikitungo ng mga tao sa isa't isa.
Bumili rin kami ng puto bumbong, at bibingka. Napag-alaman kong puto bumbong pala ang paburito ni Nathan dahil sa kwento ng tindero na matagal na pala s'yang suki. Bigla kong naisip si Sierra, bakit malayo s'ya sa Diyos? Sa diwa ng pasko? Malayo rin s'ya sa kaniyang asawa.
"Yeah, for me it tastes good, maybe it will be for you too," sagot n'ya at pumunta sa sopa. Tinanggal n'ya ang dyaket na suot. Nanatili lamang akong nakatayo habang pinagmamasdan s'ya.
"Natutuwa akong masaya mong pinaglilingkuran ang iyong asawa, hindi normal ang gawaing pagluluto sa mga lalaki kung kaya't malaki ang paghanga ko sa'yo," ngumiti ako.
Blangko n'ya akong tinignan. 'The heck was that?'
Lapastangan, Catalina! Hindi ba't binilin na sa'yo ni Tiya Alondra na huwag magmukhang walang alam sa panahong ito?!
"A-ang ibig kong sabihin--"
"I g-got your point, but not the way you speak. Kinain ka na ba talaga ng historical syndrome mo?"
"A-anong historical?"
"Tss." Bumaling s'ya sa maliit na mesang gawa sa salamin, at halos lumuwa ang mata nang makita ang kulay-kapeng librong pamilyar sa akin. Hindi ko alam kung saan ko iyon huling nakita. Ngunit pakiramdam ko ay may koneksyon kami sa isa't isa. "S-shit, na andito lang pala 'to? I thought this is missing--"
"Sa iyo ang librong iyan?" tanong ko.
Napalingon s'ya sa akin. 'D-did she red what I wrote?'
"Tinatanong ko lamang, bakit mukha kang balisa?" tanong ko nang marinig ang iniisip n'ya.
"T-this is mine, I used to write here before..." sagot n'ya at umiwas ng tingin. "Maybe, we can eat now? I know you're hungry, let's go." Tapos ay tumayo na s'ya dala-dala ang libro papunta sa silid namin.
Nakapagtataka ang kaniyang mga kilos. Bakit ganiyan s'ya magsalita? Wala na akong nagawa kundi pumunta na lamang sa kusina at ihanda ang aming pagkain.
×××
Nang matapos kumain, ako na ang nagpumilit na maghugas ng mga plato. Sinabihan ko na lamang si Nathan na magpahinga na dahil mukha s'yang balisa at iyon ang hindi ko maintindihan.
Masarap naman ang sinigang, menudo, at lalong lalo na ang paborito kong adobo. Kung kaya't ang paghuhugas ng pinggan ang paraan ko upang pasalamatan s'ya. Isang mapagmahal na asawa si Nathan, hindi ba?
Pagkatapos kong hugasan at ayusin ang mga pinagkainan. Napatingin ako sa labas, hindi naman ganoon kalabo ang aking paningin upang hindi maaninag ang isang mataas na lalaking naghihintay sa labas ng aming bahay.
Dahil sa pagtataka, lumabas ako at nilapitan s'ya. Kung tutuusin, mas matangkad pa ito kay Nathan. Hindi s'ya ganoon kaputi ngunit halata sa aura n'ya ang may pagkababaero.
Agad n'ya akong hinawakan sa kamay at saka niyakap ng mahigpit. "Babe, I'm calling you every day... Why aren't you answering my calls? Y-you promised we'll be together this Christmas until New Year... R-right?"
A-ano? Tinatawagan araw-araw? Sino ba s'ya?
"B-bitiwan mo nga ako!" Pilit kong inalis ang pagkakayakap sa kaniya. "Sino ka ba?!"
Mukhang nagulat s'ya sa aking tinuran. "Babe... Why are you mad? I supposed to be the one who's mad here, Sierra, I missed you so much." Akma n'ya akong yayakapin ngunit pinigilan ko s'ya.
Hindi ko s'ya kilala. May asawa na si Sierra, at iyon ay si Nathan. Sino naman ang lalaking ito na susulpot sa harapan ko para yakapin?
Dahan-dahang nabuo sa aking isip ang lahat ng nangyayari sa buhay ni Sierra.
Hindi kaya...
Kaya ba s'ya naroroon sa aking panahon upang magsisi?
Dahil si Sierra... M-may iba s'yang kalaguyo!
Minsan,Nakikita ng pusoAng hindi nakikita ng mata.1911"Ngunit bakit biglaan naman ang iyong pagdedesisyon?" tanong ni Ina."Matagal ko na po itong pinag-iisipan," pagsisinungaling ko. "Ama, ina... Desidido na po akong mag-aral sa Los Banos.""Catalina, alam mo namang hindi ko na kaya pang mawalay kayo ni Crustacia sa aming paningin hindi ba?" ani Ama."N-ngunit... Bakit si Ate Clarita ay hinayaan po ninyong mag-aral roon?""Iyon ay dahil kaya nang mag-isa ng iyong kapatid, nasa ugali na rin n'ya ang pagiging matapang na babae at hindi basta-basta magpapatalo kung kaya't pumayag na kami ng iyong Ama."Napabuntong hininga na lamang ang aking Ama. "Kung gayon ay papayagan kita, basta't uutusan ko ang iyong kapatid na bantayan ka roon sa Los Banos. Tuwing huling linggo naman ng bawat buwan ay uuwi kayo, naiintindihan mo ba, Catalina?"
Ang isang magandang panaginip,walang karugtong,walang katapusan.Kaya dapat,hindi dinudugtungan,para habambuhay na langna maging isang napakagandang panaginip.1912Isang taon na. Isang taon ko na s'yang sinusundan patago sa Unibersidad. At ngayon, naririto ako sa likuran ng malaking puno habang sinusulyapan ang paguusap ni Isagani at ng mga kaibigan n'ya."Balita ko ay kalahating taon ka nang ninanakawan ng tingin ni Paulina, hindi ka ba nagkakaroon man lamang ng interes sa kaniya?" tanong ng lalaki kay Isagani. Nakaupo sila sa damuhan at nagpapahangin."Tama si Alejandro, maganda s'ya at mabait. Huwag ka nang magpaka-torpe pa dahil tiyak na maraming nagbabalak na mangligaw kay Paulina," tatawa-tawang sabi naman ng isa.Tumawa si Isagani. "Alam n'yo namang may naitatago akong pagibig sa isang Fernandez."Nanlaki ang mga mata ng kaniyang kaib
Sa bawat luha,May ngumingiti.At sa bawat sakit,May nabubuhay.1912"Hwag mo na nga ako sundan! Nasaan na ba ang kahihiyan mo, Ginoo?" Inis na sabi ni Ate Clarita.Naka-tanaw lamang ako kila Isagani sa hindi kalayuan na ngayon ay lumapit sa kaniya upang sabay silang mag merienda sa ilalim ng puno. Ito ang madalas puntahan ng mga estudyante sa Unibersidad."Ngunit bakit? Heto na nga at sinasamahan kita, malungkot ang kumain mag-isa." Ngumiti si Isagani kay Ate Clarita at nagumpisang kumain.Si Ate Clarita naman ay nanatiling mailap sa kaniya sa hindi malamang dahilan. Ganito talaga ang ugali ng aking kapatid, malayo sa kalalakihan at masungit. Ngunit ang nakapagtataka ay parang noon lamang, malapit na s'ya kay Ginoong Isagani, ngayon naman ay parang gusto na n'ya itong isumpa."Pagkatapos ng nangyari kahapon? Ginoo, hindi magandang biro ang iyong ginawa! Alam mo n
Bakit ang mga namamatay lamangAng nagiging bayani,Bakit hindi pati ang mga taongNabubuhay sa pagdurusa,Dahil sa gobyernongMagnanakaw sa bayang sinilangan.1912"I-isagani..."Naistatwa ako sa tapat niya pagkabukas ko ng pintuan. Bakit s'ya naririto? Paano n'ya nalaman ang dormitoryo ko? S-sinundan n'ya ba ako?Napatingin s'ya sa loob ng aming dormitoryo, at napatitig sa isang malaking larawan kung saan naroroon kami ni Ate Clarita, ako at si Crustacia. Nilipat n'ya ang baling sa'kin saka nagsalita."Kung gayon ay ikaw pala ang isa sa kapatid ni Clarita, dapat ay maging mabait ako sa iyo," ngiting sabi ni Isagani.Ako naman ay nanatiling nakatitig sa kaniyang makisig na mukha. Wala man lamang bakas ng sugat ito, mapula rin ang kaniyang labi... Ngayon ko lamang s'ya nakita ng malapitan."B-bakit ka nga pala napunta rito...?" tanong k
Kung naniniwala kayongAng intensyon ng mga AmerikanoAy ang tulungan tayo,Pwes!Para kayong mga birhenNa naniniwala sa pagibigNg isang puta!- Antonio Luna, 1898 1912"Natutuwa akong malaman na ang dahilan ng aking anak sa paglipat ng Los Banos ay upang makita ang kaniyang matagal ng napupusuan. Catalina, hindi ka nagkamali sa pagpili,” nagagalak na sabi ni ama na nasa gitna ng aming hapagkainan.Kasalukuyan kaming naririto sa aming hacienda sa Maynila nang ibatid ni Don Emilio, ang ama ni Isagani, na nahuli kaming magkasama sa hardin ng Unibersidad. Ang aking mga magulang naman na si Dona Perpetua at Heneral Rogelio ay naniwala sa balitang iyon. Agad nila kamin
Ang sikreto ay parang sakit sa kaluluwa,Kinakain nila ang mabuti,At pinananatili ang kasamaan sa likod nito.1912TILA NATAWA ang lahat nang marinig ng mga magulang namin ang sinabi ni Isagani.“Pagpasensyahan niyo na ang anak namin, alam nating wala pa sila sa hustong edad para magpakasal sa isa’t isa. Marahil kailangan natin na iplano ang kasal sa katapusan ng taong ito,” ani Don Emilio at palihim na sinamaan ng tingin si Isagani.Napatango ang aking mga magulang. Samantalang si Isagani ay pinipigil ang nangangalit na mga ngipin, alam kong sa mga panahong ito ay gusto na niya kaming isumpa.“Sakto dahil labing walong taong gulang na si Isagani sa susunod na buwan, talagang itinadhana si Isagani para kay Catalina,” anang Dona Isabel, kita sa kaniyang mukha ang kagalakan.
Kung walang kurap,Walang mahirap.1912"A-ate," tanging naiwika ko. Inalalayan ako ni Isagani makatayo. Lumayo agad siya nang makita si Ate Clarita na may nagdududang tingin. "Paumanhin kung ganito ang naabutan mo, Binibining Clarita. Muntik nang madulas si Catalina kung kaya't agad ko siyang sinalo," ani Isagani. Hindi niya matignan ng diretso sa mata ang aking kapatid. Umarko ang kilay ni Ate Clarita. Nilipat niya ang tingin sa akin, kung kaya napalunok ako. "Hindi ba dapat nasa dormitoryo ka na?"
Ang kalahating kasinungalinganAt kalahating katotohananAy buo pa ring kasalanan.1919"Hayaan mo muna akong maipakita kay Clarita kung gaano ko siya kamahal. P-pakiusap, kahit isang buwan lamang. Pagkatapos niyon ay sasabihin ko na sa kaniya ang lahat," ani Isagani nang makausap ko siya noong isang araw.Isang linggo na ang nakakalipas...Bumuntong-hininga ako at sinara ang libro. Saktong tinawag ako ni ate Clarita na kanina pa naghihintay sa bintana ng kwarto namin."Sigurado kang matagal bago bumalik si ina at ama, Catalina, ha?" hindi mapakaling tanong ni ate."Opo, sigurado ako."Lumaki ang mata ni ate Clarita nang makarinig na may taong paparating sa ibaba. "Naandito na si Isagani!" Natutuwa siyang dumungaw sa aming bintana.Ngayong gabi, haharanahin ni Isagani ang aking kapatid. Planado na namin ito habang wala
Ating balikan ang unang kabanata,Ang simulang walang katapusan.Tunghayan ang huling kabanata.Huling prosa sa kawakasan.1913NILIBOT ko muna ang tingin sa labas ng Unibersidad bago pumasok sa kalesa. Ito na ang naging tahanan ko sa loob ng 16 na taon. Salamat dahil natakasan ko kahit papaano ang problema ko ngayon sa buhay."Binibini, saan po ang inyong paroroonan?" tanong ng kutsero. Naipasok n'ya na pala ang maleta ko at handa ng paandarin ang kalesa."Sa daungan po papuntang Maynila." Inayos ko ang laylayan ng aking Trahe De Mestiza nang makasakay na sa loob.Kinuha ko ang isang kulay-kape na libro mula sa'king maleta. Napulot ko lang ito sa lamesa ng aming silid-aralan at nalimutan ko nang ibalik pa. Sinimulan kong tignan ang unang pahina ngunit blangko iyon, kaya dumiretso na ako sa ikalawa.&
Ang katapusanAy laging may simulaNgunit may mga simulangHindi na nakikita ang katapusan.1913."Hindi mo pa ba alam ang balita?""Anong balita?""Pumanaw na si Clarita, iyong magaling makipag-argumento sa propesor?""S-sandali! Wala na siya? Paano?""Ang sabi sabi, pinatay s'ya ni Ginoong Isagani ngunit bago iyon, ginahasa n'ya muna si Clarita.""Isagani? Hindi ba't si Catalina ang nobya n'ya? Nakatakda na ang kasal nila sa susunod na buwan 'di ba?"Tumigil ako sa pagkain sa kapiterya ng aming Unibersidad. Palagi na lamang bang ganito? Mababaliw na ako sa mga bulong nila. Animo'y bubuyog na nagpapasakit ng tenga ko!Pilit kong pinakalma ang sarili."Aalis na ako."Sapat na ang aking boses upang patahimikin ang lahat. Hindi sila makapaniwa
Balikan natin kung saanNagsimula ang lahatUpang sa gayo'yMagawa na nating bumalikSa pinagmulan.1913.Inangat ko ang tingin sa kaniya.Tahimik s'yang pumasok sa kwarto kung saan pwedeng magusap ang bisita at mga nakakulong.Mahigpit kaming binantayan ng mga sundalo at binigyang magusap ng kaunting minuto.Balisang umupo si Isagani sa'king harapan.Huminga muna ako nang malalim bago s'ya kausapin. "Kumusta ka? Maayos ba ang lagay mo rito?"Ilang segundo na ang lumipas ngunit hindi pa rin s'ya sumasagot.Ikinuyom ko ang nanginginig kong mga kamay. "M-magsalita ka naman," pinipigilan kong umiyak habang tinititigan s'ya.Nakatungo lamang s'ya at balisa."Nag-aalala na ako sa'yo... Alam mo bang tumakas ako sa'min kahit labag sa kagustuhan ni ama?"
Ang pagibig ay hindi kailanmanMagiging marahas,Ito ay mapagubayaAt nagpapahalaga.1913.Naalimpungutan ako at napakamot sa mata.Tinanaw ko ang bintana at kumurap ng ilang beses.Nakarinig ako ng bulungan sa labas ng aking kwarto. Marahil iyon ay ang aming mga katulong.Maya-maya ay nakarinig ako ng malakas na sigaw kung kaya't napaupo ako sa kama."Kay Imelda ba ang boses na 'yon?" Tanong ko sa'king sarili.Nagsigawan na rin ang iba pang katulong, dahilan para lumabas ako ng kwarto at puntahan sila."A-anong nangyayari?"Nilapitan ko sila na nasa may pintuan ng aming hacienda."S-s-si binibining Clarita..." Ani Imelda habang nakatingin sa labas ng aming pintuan.Tinignan ko ang nasa harapan namin.
Mas masahol pa sa hayopAng magkunsintiSa maling asalNa ginawa ng isang tao1913Kalansing ng mga kubyertos ang maririnig sa buong hapagkainan."U-umalis na nga po pala si Adam noong isang araw... May ensayo po sila sa Amerika," pagpapa-alam ni Ate Clarita sa aming lahat."Kung gayon bakit hindi man lang s'ya nagpaalam sa'kin?" sagot ni ama.Napatigil sa pagkain si ate. Ang katabi ko, si Isagani, ay napatingin sa kan'ya."Labis po s'yang nagmamadali dahil huli na raw po s'ya sa daungan, ama," aniya at nagpatuloy sa pagkain.Ibinaling ni ama ang atensyon kay Isagani. Mukhang wala s'ya sa tamang timpla dahil sa inilahad ni ate."Hijo, bakit hindi kita mahagilap noong isang linggo?"Tama si ama. Ni anino n'ya ay hindi ko nahagilap sa buong linggo kong pamamalagi sa
Kailangan bang gawin moAng lahat upang matanggap kaSa lipunangpuno ng mapanghusga?1913.Isang linggo ang lumipas.Nobyo.Paulit-ulit kong inisip ang huling sinabi ni Ate Clarita.May nobyo na s'ya?"Ina, Ama, manliligaw ko po... Si Adam," pagpapakilala ni Ate sa mga magulang namin.Nagsama-sama kami ngayon sa sala dahil sa 'di inaasahang bisita.Katabi n'ya ang maputi at matangkad na lalaki. Amerikano nga s'ya. Hindi nakapagdududa."Hi, Madamme and Mister Fernandez. Nice to meet you all," wika ng kanyang nobyo. Ngumiti naman si Ina at Ama."Manliligaw? N-ngunit akala ko'y--"Pinanlakihan ako ng mata ni Ate. Senyales na hwag ko munang ibunyag na mag nobyo na sila."A-ang ibig kong sabihin... Bakit ngayon mo lamang s'ya pi
Ibabalik kita sa nakaraan,Nang bumalik sa'yo ang lahat,Kung saan ka nagmula,Hanggang sa kung ano ka ngayon.1913"A-ate..."Para bang nagunaw ang mundo ko nang makita si Ate Clarita. Parang kanina ay kausap ko si Isagani tungkol sa kaniyang pagbalik... P-pero ngayon ay nandiyan na siya."Mukhang ako na lamang ang hinihintay ninyo sa inyong kasal. Masaya ako dahil halatang mahal na mahal niyo ang isa't isa," sabi ni Ate Clarita nang makalapit sa amin."C-clarita." Napatayo si Isagani mula sa kaniyang pagkakaluhod."Naririto ka na pala," hindi ko makapaniwalang sabi. "B-bakit hindi mo kami pinadalhan ng sulat nang sa gayo'y nasundo ka namin sa daungan," dagdag ko.Tumingin sa akin si Ate... Na parang wala na sa kaniya ang nangyari sa nakalipas na dalawang taon."Wala na akong oras para sulat
Huwag kang matakotNa harapin ang buhaySapagkat ang nakakatakotAy ang hindi mo na magawaAng dapat mong gawinBago ka pa mamatay1913"Puwede ba kitang... M-makausap?"Napalingon sa akin si Isagani. Pinuntahan ko siya rito sa kanilang silid-aralan. May nais akong sabihin.Pumayag naman s'ya. Naglakad kami patungo sa hardin rito sa Unibersidad -- kung saan kami nahuli ni Don Emilio.Tumigil sa paglalakad si Isagani. "Ano'ng sasabihin mo?""A-ah, uh..." Nauubusan ako ng salita sa harapan niya. "D-dalawang taon na." Iyon na lamang ang lumabas sa aking bibig.Bumuntong hininga si Isagani. Pinagkrus niya ang kaniyang braso at mariing tumingin sa akin.Kinagat ko ang aking labi. "Hanggang kailan ba tayong ganito, Isagani?" Diretso kong tingin sa kaniya."
Sa sampung taong makikilala mo,Iyong lima, nakakain na.Iyong dalawa, nakabili na.Iyong tatlo, mangungutang pa lang.1913, September."Isagani, mamasyal muna kayo ni Catalina. Basta't bago mag alas-dyis, naririto na kayo, ha?""Po?"Bumuntong hininga si Dona Isabel. "Ano ba anak, ngayon lang uli kayo lalabas ni Catalina," aniya habang nagluluto ng handa."M-masusunod po, Ina."Hinila ako ni Isagani palabas ng kanilang bahay. Plano ng mga magulang namin na magsimba mamaya. Pasasalamat sa patron ng aming bayan."Gusto kong pumasyal sa parke. Mauuna na ako. Magkita na lamang tayo sa unang kanto pagkatunog ng kampana ng simbahan," wika ko."Huwag."Bahagya akong nagulat. "B-bakit?"Huminga ng malalim si Isagani, saka tinignan ako sa mga mata. "Nais