Chapter: Kabanata 24: Huling KabanataAting balikan ang unang kabanata,Ang simulang walang katapusan.Tunghayan ang huling kabanata.Huling prosa sa kawakasan.1913NILIBOT ko muna ang tingin sa labas ng Unibersidad bago pumasok sa kalesa. Ito na ang naging tahanan ko sa loob ng 16 na taon. Salamat dahil natakasan ko kahit papaano ang problema ko ngayon sa buhay."Binibini, saan po ang inyong paroroonan?" tanong ng kutsero. Naipasok n'ya na pala ang maleta ko at handa ng paandarin ang kalesa."Sa daungan po papuntang Maynila." Inayos ko ang laylayan ng aking Trahe De Mestiza nang makasakay na sa loob.Kinuha ko ang isang kulay-kape na libro mula sa'king maleta. Napulot ko lang ito sa lamesa ng aming silid-aralan at nalimutan ko nang ibalik pa. Sinimulan kong tignan ang unang pahina ngunit blangko iyon, kaya dumiretso na ako sa ikalawa.&
Last Updated: 2020-12-19
Chapter: Kabanata 23Ang katapusanAy laging may simulaNgunit may mga simulangHindi na nakikita ang katapusan.1913."Hindi mo pa ba alam ang balita?""Anong balita?""Pumanaw na si Clarita, iyong magaling makipag-argumento sa propesor?""S-sandali! Wala na siya? Paano?""Ang sabi sabi, pinatay s'ya ni Ginoong Isagani ngunit bago iyon, ginahasa n'ya muna si Clarita.""Isagani? Hindi ba't si Catalina ang nobya n'ya? Nakatakda na ang kasal nila sa susunod na buwan 'di ba?"Tumigil ako sa pagkain sa kapiterya ng aming Unibersidad. Palagi na lamang bang ganito? Mababaliw na ako sa mga bulong nila. Animo'y bubuyog na nagpapasakit ng tenga ko!Pilit kong pinakalma ang sarili."Aalis na ako."Sapat na ang aking boses upang patahimikin ang lahat. Hindi sila makapaniwa
Last Updated: 2020-12-14
Chapter: Kabanata 22Balikan natin kung saanNagsimula ang lahatUpang sa gayo'yMagawa na nating bumalikSa pinagmulan.1913.Inangat ko ang tingin sa kaniya.Tahimik s'yang pumasok sa kwarto kung saan pwedeng magusap ang bisita at mga nakakulong.Mahigpit kaming binantayan ng mga sundalo at binigyang magusap ng kaunting minuto.Balisang umupo si Isagani sa'king harapan.Huminga muna ako nang malalim bago s'ya kausapin. "Kumusta ka? Maayos ba ang lagay mo rito?"Ilang segundo na ang lumipas ngunit hindi pa rin s'ya sumasagot.Ikinuyom ko ang nanginginig kong mga kamay. "M-magsalita ka naman," pinipigilan kong umiyak habang tinititigan s'ya.Nakatungo lamang s'ya at balisa."Nag-aalala na ako sa'yo... Alam mo bang tumakas ako sa'min kahit labag sa kagustuhan ni ama?"
Last Updated: 2020-12-07
Chapter: Kabanata 21Ang pagibig ay hindi kailanmanMagiging marahas,Ito ay mapagubayaAt nagpapahalaga.1913.Naalimpungutan ako at napakamot sa mata.Tinanaw ko ang bintana at kumurap ng ilang beses.Nakarinig ako ng bulungan sa labas ng aking kwarto. Marahil iyon ay ang aming mga katulong.Maya-maya ay nakarinig ako ng malakas na sigaw kung kaya't napaupo ako sa kama."Kay Imelda ba ang boses na 'yon?" Tanong ko sa'king sarili.Nagsigawan na rin ang iba pang katulong, dahilan para lumabas ako ng kwarto at puntahan sila."A-anong nangyayari?"Nilapitan ko sila na nasa may pintuan ng aming hacienda."S-s-si binibining Clarita..." Ani Imelda habang nakatingin sa labas ng aming pintuan.Tinignan ko ang nasa harapan namin.
Last Updated: 2020-11-29
Chapter: Kabanata 20Mas masahol pa sa hayopAng magkunsintiSa maling asalNa ginawa ng isang tao1913Kalansing ng mga kubyertos ang maririnig sa buong hapagkainan."U-umalis na nga po pala si Adam noong isang araw... May ensayo po sila sa Amerika," pagpapa-alam ni Ate Clarita sa aming lahat."Kung gayon bakit hindi man lang s'ya nagpaalam sa'kin?" sagot ni ama.Napatigil sa pagkain si ate. Ang katabi ko, si Isagani, ay napatingin sa kan'ya."Labis po s'yang nagmamadali dahil huli na raw po s'ya sa daungan, ama," aniya at nagpatuloy sa pagkain.Ibinaling ni ama ang atensyon kay Isagani. Mukhang wala s'ya sa tamang timpla dahil sa inilahad ni ate."Hijo, bakit hindi kita mahagilap noong isang linggo?"Tama si ama. Ni anino n'ya ay hindi ko nahagilap sa buong linggo kong pamamalagi sa
Last Updated: 2020-11-22
Chapter: Kabanata 19Kailangan bang gawin moAng lahat upang matanggap kaSa lipunangpuno ng mapanghusga?1913.Isang linggo ang lumipas.Nobyo.Paulit-ulit kong inisip ang huling sinabi ni Ate Clarita.May nobyo na s'ya?"Ina, Ama, manliligaw ko po... Si Adam," pagpapakilala ni Ate sa mga magulang namin.Nagsama-sama kami ngayon sa sala dahil sa 'di inaasahang bisita.Katabi n'ya ang maputi at matangkad na lalaki. Amerikano nga s'ya. Hindi nakapagdududa."Hi, Madamme and Mister Fernandez. Nice to meet you all," wika ng kanyang nobyo. Ngumiti naman si Ina at Ama."Manliligaw? N-ngunit akala ko'y--"Pinanlakihan ako ng mata ni Ate. Senyales na hwag ko munang ibunyag na mag nobyo na sila."A-ang ibig kong sabihin... Bakit ngayon mo lamang s'ya pi
Last Updated: 2020-11-14