The 125-Year-Old Wife

The 125-Year-Old Wife

last updateLast Updated : 2020-12-19
By:  Zanicolette  Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
3 ratings. 3 reviews
25Chapters
7.4Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Ano kayang reaksyon ng ninuno natin kung mapunta sila sa 2020?Taong 1895.Isa ako sa mga batang namulat sa digmaan ng mga Pilipino at Amerikano. Nang lumaki ako, ipinagkasundo ako sa lalaking kalauna'y inibig ko rin, si Isagani. Ngunit sa hindi inaasahan, nagkasala s'ya sa batas at ipinapatay. Dalawang taon din ang lumipas, akala ko ay tuluyan na akong ikakasal sa lahing Amerikano...Ngunit nagkamali ako, dahil isang araw namulat ako sa ibang panahon at nalaman kong ikinasal na ako. Ikinasal sa lalaking nagmula sa taong 2020.

View More

Latest chapter

Free Preview

The 125-Year-Old Wife

Binigo ba natin si Lapu-Lapu?Si Jose Rizal?Andres Bonifacio?Anong magiging reaksyon nila kung mapupunta sila sa 2020?Nang dumating ang Amerikano noong late 1890's, nagkaroon ng oportunidad mag-aral ang kababaihan.Dumating ang barko, kotse at tren. Ang dating bahay na bato ay naging semento at bloke. At ang dating Baro T Saya ay naging Trahe De Mestiza at Terno.Paano kung ang isang babaeng lumaki sa mga nagliliparang kanyon at baril ay mapunta sa panahon kung saan maunlad na ang teknolohiya?

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
El Jane Librado
sana may part twoooooo pleaaase
2023-12-11 10:19:27
0
user avatar
Kirara2222
Kaabang-abang talaga
2021-12-27 00:04:50
1
user avatar
Nicole Retro
Hey dear, I have sent the offer to your email, please have a look. Thanks.
2020-09-24 12:43:54
2
25 Chapters

The 125-Year-Old Wife

Binigo ba natin si Lapu-Lapu?Si Jose Rizal?Andres Bonifacio?Anong magiging reaksyon nila kung mapupunta sila sa 2020?Nang dumating ang Amerikano noong late 1890's, nagkaroon ng oportunidad mag-aral ang kababaihan.Dumating ang barko, kotse at tren. Ang dating bahay na bato ay naging semento at bloke. At ang dating Baro T Saya ay naging Trahe De Mestiza at Terno.Paano kung ang isang babaeng lumaki sa mga nagliliparang kanyon at baril ay mapunta sa panahon kung saan maunlad na ang teknolohiya?
Read more

Kabanata 1

H'wag n'yong hayaanNa pagdating ng panahon,Sisihin kayo ng susunod na henerasyon,Dahil wala kayong ginawa.1913NGAYON NA ang huling araw na masisilayan ko ang Unibersidad ng Pilipinas sa Los Baños. Ngunit hindi ko tiyak kung ako ba'y lubos na masaya... dahil sa paguwi ko, isang problema ang sasalubong sa akin. "Hanggang sa muli, Esmeralda. Magpakabait ka lagi, naiintindihan mo?" sabi ko sa kaibigan kong pusa. Pinangalanan ko s'yang Esmeralda, na ayon sa aking Propesor ay nangangahulugang 'Emerald', dahil kulay berde ang kanyang mata. Nilibot ko muna ang tingin sa labas ng Unibersidad bago pumasok sa kalesa. Ito na ang naging tahanan ko sa loob ng 16 na taon. Salamat dahil natakasan ko kahit papaano ang problema ko ngayon sa buhay. "Binibini, saan po ang inyong paroroonan?" tanong ng kutsero. Naipasok n'ya na pala ang maleta ko at handa n
Read more

Kabanata 2

History Does not repeat itselfIt is men who never learnedFrom the pastWho repeat history2020, Disyembre 21"Alam mo ba kung ano ang pinakanakakatakot na mangyayari sa'yo?"Tandang-tanda ko pa noong magkasama kami ni Ina na tanawin ang bayan sa munting burol. Tandang-tanda ko rin ang kaniyang sagot."Ang mawala."Hindi ako nalagutan ng hininga, hindi rin ako nagkasakit at namatay... Nawawala ako.ZNawawala na ako sa panahong kinagisnan ko.Mabilis akong napalingon nang biglang lumitaw si Tiya Alondra sa hangin. Gulat man, pilit kong nikalasan ang loob upang magsalita. "B-bakit ako naandito?!" Inilibot ko ang aking paningin; simple ngunit eleganteng bahay, isang lalaking mahimbing na natutulog at iba na ang kaniyang katauhan.Hindi na ba ako si Catalina?"Hindi ka maniniwala kung sasabihin ko sayong idina
Read more

Kabanata 3

Ikaw?Gaano mo kamahalAng ating bansa?Kaya mo bang mamatayPara rito?O isa ka rin sa mga duwagKagaya ko?1898"Gaano mo ba kamahal ang ating bansa, Conrado, at nagagawa mong hindi ako sundin?" Nanglilisik ang mga mata ng aking ama habang hawak-hawak n'ya sa kwelyo ang aming Kuya, ang panganay at nagiisang lalaki sa magkakapatid.Tila ba nanlamig ang mga kamay ko habang nagtatago sa gilid ng pinto, sa kwarto ni Ama. Hating-gabi na at aksidente kong narinig ang pinaguusapan nilang dalawa."Mahal ko ang ating bansa... Kung kaya't nag-aral ako ng abogasya para ipaglaban ang mga naaapi, a-ama..."Lalong hinigpitan ni ama ang kuwelyo ni kuya. "Anong magagawa ng pagtatanggol mo kung mamamatay rin naman tayong lahat?!" Nanggagalaiting sigaw ni Ama. Lalo akong nagtago ng maigi upang hindi maputol ang kanilang pinaguusapan.Ano ba ang tinutuk
Read more

Kabanata 4

Maria ClaraDid not faint,Simply because the FilipinosDon't know how to faint1911Binibini, Ginoo,Natatandaan mo pa ba noong una mo s'yang nakita?Ako, oo. Tandang-tanda ko pa ang unang araw nang makita ko ang lalaking pinapangarap ko hanggang ngayon. Linggo noon at balak kong balikan si Ate na akala ko ay nagdadasal lamang sa simbahan."Ano ba ang dahilan ng iyong pagkapoot... Binibini?"Napatigil ako sa paglapit kay Ate Clarita. Umiiyak s'ya habang nakaupo sa isa sa mga mahahabang upuan ng simbahan. Hindi gaano lumapit ang lalaking ang ngalan pala ay si Isigani, dahil mahigpit na ipinagbabawal ang ganoon kung hindi naman mag-nobyo."P-puwede ba, G-ginoo! Huwag mo a-akong kausapin, gusto kong mapagisa!" ani Ate Clarita sa gitna ng pag-iyak.Tinitigan ko ng mabuti si Isagani, puno ng awa ang nakikita ko sa mga mata n'ya. Lingid
Read more

Kabanata 5

Minsan,Nakikita ng pusoAng hindi nakikita ng mata.1911"Ngunit bakit biglaan naman ang iyong pagdedesisyon?" tanong ni Ina."Matagal ko na po itong pinag-iisipan," pagsisinungaling ko. "Ama, ina... Desidido na po akong mag-aral sa Los Banos.""Catalina, alam mo namang hindi ko na kaya pang mawalay kayo ni Crustacia sa aming paningin hindi ba?" ani Ama."N-ngunit... Bakit si Ate Clarita ay hinayaan po ninyong mag-aral roon?""Iyon ay dahil kaya nang mag-isa ng iyong kapatid, nasa ugali na rin n'ya ang pagiging matapang na babae at hindi basta-basta magpapatalo kung kaya't pumayag na kami ng iyong Ama."Napabuntong hininga na lamang ang aking Ama. "Kung gayon ay papayagan kita, basta't uutusan ko ang iyong kapatid na bantayan ka roon sa Los Banos. Tuwing huling linggo naman ng bawat buwan ay uuwi kayo, naiintindihan mo ba, Catalina?"
Read more

Kabanata 6

Ang isang magandang panaginip,walang karugtong,walang katapusan.Kaya dapat,hindi dinudugtungan,para habambuhay na langna maging isang napakagandang panaginip.1912Isang taon na. Isang taon ko na s'yang sinusundan patago sa Unibersidad. At ngayon, naririto ako sa likuran ng malaking puno habang sinusulyapan ang paguusap ni Isagani at ng mga kaibigan n'ya."Balita ko ay kalahating taon ka nang ninanakawan ng tingin ni Paulina, hindi ka ba nagkakaroon man lamang ng interes sa kaniya?" tanong ng lalaki kay Isagani. Nakaupo sila sa damuhan at nagpapahangin."Tama si Alejandro, maganda s'ya at mabait. Huwag ka nang magpaka-torpe pa dahil tiyak na maraming nagbabalak na mangligaw kay Paulina," tatawa-tawang sabi naman ng isa.Tumawa si Isagani. "Alam n'yo namang may naitatago akong pagibig sa isang Fernandez."Nanlaki ang mga mata ng kaniyang kaib
Read more

Kabanata 7

Sa bawat luha,May ngumingiti.At sa bawat sakit,May nabubuhay.1912"Hwag mo na nga ako sundan! Nasaan na ba ang kahihiyan mo, Ginoo?" Inis na sabi ni Ate Clarita.Naka-tanaw lamang ako kila Isagani sa hindi kalayuan na ngayon ay lumapit sa kaniya upang sabay silang mag merienda sa ilalim ng puno. Ito ang madalas puntahan ng mga estudyante sa Unibersidad."Ngunit bakit? Heto na nga at sinasamahan kita, malungkot ang kumain mag-isa." Ngumiti si Isagani kay Ate Clarita at nagumpisang kumain.Si Ate Clarita naman ay nanatiling mailap sa kaniya sa hindi malamang dahilan. Ganito talaga ang ugali ng aking kapatid, malayo sa kalalakihan at masungit. Ngunit ang nakapagtataka ay parang noon lamang, malapit na s'ya kay Ginoong Isagani, ngayon naman ay parang gusto na n'ya itong isumpa."Pagkatapos ng nangyari kahapon? Ginoo, hindi magandang biro ang iyong ginawa! Alam mo n
Read more

Kabanata 8

Bakit ang mga namamatay lamangAng nagiging bayani,Bakit hindi pati ang mga taongNabubuhay sa pagdurusa,Dahil sa gobyernongMagnanakaw sa bayang sinilangan.1912"I-isagani..."Naistatwa ako sa tapat niya pagkabukas ko ng pintuan. Bakit s'ya naririto? Paano n'ya nalaman ang dormitoryo ko? S-sinundan n'ya ba ako?Napatingin s'ya sa loob ng aming dormitoryo, at napatitig sa isang malaking larawan kung saan naroroon kami ni Ate Clarita, ako at si Crustacia. Nilipat n'ya ang baling sa'kin saka nagsalita."Kung gayon ay ikaw pala ang isa sa kapatid ni Clarita, dapat ay maging mabait ako sa iyo," ngiting sabi ni Isagani.Ako naman ay nanatiling nakatitig sa kaniyang makisig na mukha. Wala man lamang bakas ng sugat ito, mapula rin ang kaniyang labi... Ngayon ko lamang s'ya nakita ng malapitan."B-bakit ka nga pala napunta rito...?" tanong k
Read more

Kabanata 9

Kung naniniwala kayongAng intensyon ng mga AmerikanoAy ang tulungan tayo,Pwes!Para kayong mga birhenNa naniniwala sa pagibigNg isang puta! - Antonio Luna, 1898 1912"Natutuwa akong malaman na ang dahilan ng aking anak sa paglipat ng Los Banos ay upang makita ang kaniyang matagal ng napupusuan. Catalina, hindi ka nagkamali sa pagpili,” nagagalak na sabi ni ama na nasa gitna ng aming hapagkainan.Kasalukuyan kaming naririto sa aming hacienda sa Maynila nang ibatid ni Don Emilio, ang ama ni Isagani, na nahuli kaming magkasama sa hardin ng Unibersidad. Ang aking mga magulang naman na si Dona Perpetua at Heneral Rogelio ay naniwala sa balitang iyon. Agad nila kamin
Read more
DMCA.com Protection Status